Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 144 - Hindi Simpleng Misyon

Chapter 144 - Hindi Simpleng Misyon

Ang pakay sa loob ng Heavenly Wind God Technique ay tila pareho at kung iisipin ito, ang skill na ito ay may elemento ng hangin. Kaya may mga bagay na natutunan na niya galing sa 4 Wind Stances at Mysterious Wind Palm.

Kahit ang Lightning Wind Palm ay bumabase sa hangin para makapagpalabs ng kidlat, kaya matapos itong mabasa, naintindihan ni Zhao Feng ang 10-20% nito.

Kung may ibang galing sa Clan ang nandito, magugulat sila. Ang pagkakaiba sa pagitan ng bawat klase ay napakalaki at ang Low class Mortal skill ay Holy martial arts sa mortal na mundo.

Gayunman para sa mga disipulo ng Clan, ang isang Low class Mortal skill ay hindi mahirap intindihin – ang isang tao ay aabutin lang ng oras para pagsanayan ito hanggang sa peak level.

Ngunit ang kahirapan ng Middle class Mortal skills ay doble ng sa Low class skills. ANg mga normal na inner disciples ay may isang Middle class skill at kaunti lang ang may dalawa.

Para naman sa High class Mortal skills, may 100-200 lang ng ganitong mga skill sa Broken Moon Clan. Kahit ang mga disipulo sa 4th Sky of the Ascended Realm ay nakuha ito, mahirap itong intindihin para sa kanila.

Samakatuwid ay tanging maliit na bilang ng mga core disciple na may mahusay na talento, potensyal at pang-unawa ang pinapayagang pag-aralan ang High class Mortal skills.

Isang beses lang itong binasa ni Zhao Feng at naintindihan na ang 10-20% nito.

Ito ay dahil sa dalawang punto:

1. Pagkatapos magbago ng kaniyang kaliwang mata, ang kaniyang lebel ng pang-unawa ay tumaas.

2. Karamihan ng mga skill na natutunan ni Zhao Feng ay katulad ng Heavenly Wind God Technique.

Sa parehong araw, nagsimula na si Zhao Feng na pag-aralan ang Heavenly Wind God Technique, binasa rin niya ang mas pinasimpeng bersyon, ang Heavenly Air Wind Technique.

Nakasaad sa patakaran ng Clan na ang mga skill sa Hollow Building ay hindi dapat ipagkalat at kung hindi ay masisira ang cultivation ng nagsabi nito.

Walang permiso si Zhao Feng mula sa Clan at kahit ang skill na ito ay hindi "ipinagkalat," magiging mapanganib pa rin kung malalaman nila. Ang ms pinasimpleng bersyon, ang Heavenly Wind God Technique ay kayang maitago pa ito.

Matapos ang kalahating araw…

Narating na ni Zhao Feng ang baguhang lebel at ang true force sa kaniyang katawan ay maliksi at mabilis. Dalawang araw ang nakalipas, ang lahat ng kaniyang true force ay naging Heavenly wind True Force.

Sinubukan na ito ni Zhao Feng at ang bilis ng pag-ipon ng Heavenly Wind True Force ay napakatulin at mayroon itong talas mula s Partial Wind Stance, ngunit mas malalim ito.

Habang dumadami ang natututunan ni Zhao Feng, mas lalo siyang nagugulat. Ang Heavenly Wind God Technique ay nagtataglay ng lahat ng enlightenment mula sa unang tatlong stances ng 4 Wind Stances. Ang True Force ay katulad ng inner strength ng Lightly Floating Ferry – mabilis, maliksi at matalim.

"Hmmm!?"

Biglang napagtanto ni Zhao Feng na ang galaw sa Heavenly Wid God Technique ay katulad na katulad ng kaniyang Mysterious Wind Palm.

Kahit na ang Heavenly Wind God Technique ay nagsanay ng true force, may mga galaw pa ring nilalaman at isa sa kanila, ang tinatawag na "Rotating Sharp Stance," ay napakalapit sa kaniyang Mysterious Wind Palm.

"Si Ran Xiaoyuan ba ay nagsanay ng Heavenly Air Wind Technique o ang Heavenly Wind God Technique?" inisip ni Zhao Feng nang makinita ang eksena sa kaniyang isip.

Si Ran Xiaoyuan ay medyo bata pa, ngunit siya ay halos nasa 3rd Sky of the Ascended Realm na. Kung nagsanay siya ng Heavenly Wind God Technique, ay malamang na ang kaniyang karanasan ay hindi simple.

Nang tigilan ang mga walang halagang kaisipan, pinalaganap ulti ni Zhao Feng ang Heavenly Wind True Force. Mas madalas na gawin niya ito, mas nagiging nakakasindak ito.

Bilang basehan ang Heavenly Wind God Technique, ang kaniyang Lightning Wind Palm ay makakarating na sa panibagong lebel.

Makalipas ang ilang araw, ang cultivation ni Zhao Feng ay nanatili na sa peak 1st Sky of the Ascended Realm.

Dahil natutunan na niya ang Heavenly Wind God Technique at Lightning Wind Palm, naniniwala si Zhao Feng na wala sa 3rd Sky of the Ascended Realm ang makakapanakot sa kaniya.

....

Hu~

Ang mga buto ni Zhao Feng ay medyo wala sa kondisyon matapos magcultivate sa loob ng sunod-sunod na mga araw. Habang naglalakakad siya palabas ng pinto, nakakita siya ng espesyal na sulat na nakaipit dito at may baluktot na buwan dito.

Alam ni Zhao Feng na ang simbolong ito ay nangangahulugang ang sulat na ito ay ang misyon kailangan niyang magawa mula sa Clan. Tuwing dalawang buwan, ang mga inner disciple ay kailangang makumpleto ang isang misyon ng Clan at kapag natapos na ito, makakakuha sila ng contribution points at primal crystal stones bilang pabuya. Kung sila ay mabibigo, ang itiknakdang dami ng contribution points at ibabawas sa kanila at kapag nabigo ng sunod-sunod, maaaring paalisin sila sa Clan.

"Gawain sa Clan…"

Nagningnign ang mga mata ni Zhao Feng nang buksan niya ang sulat.

Nang iniatas ng Clan ang misyon, ikinokonsidera nila ang cultivation ng mga disipulo, para ang mga mas mahina ay hindi makakatanggap ng mas mahirap na misyon.

Ang ilan sa mga mahirap na misyon ay nangangailangan ng grupo ng mga disipulo para matapos.

Dahil ito ang unang beses ni Zhao Feng na makakuha ng misyon, bahagya siyang hindi makapaghintay at umaasa.

"Misyon: Makahanap ng pinanggagalingan ng sakit ng pamilyang Xing at alamin ang dahilan kung bakit namatay ang pinuno ng pamilya na si 'Xing Chen.' Ang karagdagang pabuya ay ibibigay kung ang pumatay ay tatapusin."

Ang misyon ay napakadali at may deskripsyon tungkol sa pamilyang Xing.

Alam ni Zhao Feng ang tungkol sa pamilyang Xing, dahill isa ito sa pinakamalaking pamilya sa Cloud Country. Ang pinuno ng pamilya, si Xing Chen, ay nasa 2nd Sky of the Ascended Realm, katulad ni Lord Guanjun.

Ang pinagsamang lakas ng pamilyang Xing ay katulad ng sa Guanjun Palace.

Sa mga nakaraang buwan, may kakaibang sakit na nagkalat at ang pinuno ng pamilya ay namatay. Ang dalawang anak na lalaki ay nag-agawan sa posisyon bilang pinuno ng pamilya.

Ang sulat ay may kasamang babala: May mga tanda ng mga cultivators sa ibang mga bansa. Kung may mga kalaban na hindi mo kayang harapin, maaari kang umatras at manghingi ng tulong mula sa Clan.

Antas ng Misyon: 2.5 bituin na may posibilidad na tumaas sa 3 bituin.

Ang mga misyon ng Clan ay may kabuuang 7 bituin at bawat bituin ay katumbas ng 7 Skies.

Ang ibig sabihin ng 2.5 bituin ay nangangailangan ang isang tao ng isang 3rd Sky cultivator o maraming 2nd Sky cultivator.

"Ang misyon na ito ay 2.5 bituin, hindi isang bagay na kadalasang makukuha ng isang baguhan."

Nagningning ang mga mata ni Zhao Feng at tulad ng inaasahan, nakita niya ang iba pang miyembro ng grupo: sila Huang Yun, Xu Ren, Xiao Sun, Zhao Feng, at Lin Fan.

Pinuno: Huang Yun

Peak of the 2nd Sky of the Ascended Realm.

Pangalawang Pinuno: Xu Ren

2nd Sky of the Ascended Realm.

Kung titignan ang mga miyembro ng grupo, may kakaibang naramdaman si Zhao Feng na ang misyon ngayon ay hindi simple. Sa unang tingin, tila isa itong misyon na pinangungunahan ng dalawang disipulo sa 2nd Sky at ang tatlo pang iba ay mga elite sa 1st Sky lalo na si Zhao Feng at Lin Fan ay naging outer disciple.

Ang komposisyong ito ay mainam. Ngunit kung iisipin, malalaman nilang nagalit si Xu Ren kay Zhao Feng at Lin Fan. At si Xiao Sun naman, pinutol na rin niya ang koneksyon sa dalawa.

Ang kapitang si Huang Yun ang may pinakamataas na cultivation, ngunit walang alam si Zhao Feng tungkol sa kaniya.

Pabuya ng misyon: Nakumpleto ang batayang pangangailanagan = 100 substandard crystal primal stones, 100 contribution points. Kapag napatay ang mamamatay-tao = may karagdagang 200 crystal primal stones at 200 contribution points.

"Buti na lang masagana ang pabuya," walang ekspresyong singit ni Zhao Feng.

"Brother Zhao."

Sa sandaling ito, lumapit si Lin Fan.

Isang sulat na katulad ng kay Zhao Feng ang hawak niya at direktang sinabi: "Anong tingin mo sa misyong ito?"

"Ang misyon ay hindi magiging madali. Kung tayong dalawa lang, mas mataas pa ang pagkakataong magtagumpay tayo," ngumiti si Zhao Feng.

Bahagyang nagulat si Lin Fan, malinaw ang ibig sabihin ni Zhao Feng. Ang pangkalahatang lakas ng grupo ay mataas, ngunit ang hidwaan sa grupo ay makakahadlang sa kanilang kooperasyon.

Mas mabuti pang gawin nihya ang misyong ito nang mag-isa at magpatulong kay Lin Fan.

"Sino ang Huan Yun na ito?" tanong ni Zhao Feng.

Si Huang Yun ang pinuno ng grupo.

"Ang taong ito ay nasa top 3 sa mga disciple na nasa 2nd Sky of the Ascended Realm at mukhang may koneksyon siya kay Yuan Zhi," sagot ni Lin Fan.

Yuan Zhi? Ang disipulo ni Hai Yun Master!

Tila tumigil ang tibok ng puso ni Zhao Feng – mukhang tama siya.

Kung hindi siya nagkakamali, pinaglaruan ni Hai Yun Master o ng iba ang gawaing ito, para mas maging mapanganib at nakamamatay ito.

Ang pinunong si Huang Yun ay isang elite ng 2nd Sky at and pangalawang pinunong si Xu Ren ay galit kina Zhao Feng.

Si Xiao Sun ay siguradong nasa panig din nila. Ang misyong ito ay pumapakay kina Zhao Feng at Lin Fan.

Si Zhao Feng ay bahagyang may kasalanan dahil ang misyon ay sa kaniya mas dapat nakatuon kaysa kay Lin Fan. Ang misyon ay sa susunod na tatlong araw at si Zhao Feng ay naghanda na.

Para sa mga sandata, kinuha niya ang Goldern Stairs Bow na nanggaking sa pamilyang Zhao. Dinala niya ito sa panday at tinantya nilang ito ay isang half-Mortal na sandata, na ang ibig sabihin ay isang class lang na mas mababa ito sa "Jinyue Sword" ni Xu Ren. Ngunit naniniwala si Zhao Feng na kapag ginamit na niya ang Golden Stairs Bow, ang mga nasa 1st Sky ay hindi magiging problema at maaari pa niyang matakot ang mga nasa 2nd Sky.

Bukod pa rito, kumuha rin siya ng mga gamot, detoxification pill, at iba pa. Para sa misyon ito, si Zhao Feng ay lubos na sigurado at gumawa ng karagdagang paghahanda.

Naghanda na siya para sa maaaring masamang mangyari at maaaring ito ay posibilidad na ang misyon ay pumapakay sa kaniyang katapusan…

Ang tanging magandang bagay na gusto ng mga disipulo ni Hai Yun Master ay gusto lang na pigilan ang kaniyang pagyabong.

Matapos ang tatlong araw…

Ang grupo ng lima ay sama-samang papunta sa pamilyang Xing. Ang pinunong si Huang Yun ay walang ekspresyon.

"Kayong dalawa, manahimik! Kapag may nangyaring masama, responsibilidad ninyo ito!" walang ekspresyong tumingin ang pangalawang pinunong si Xu Ren kay Zhao Feng at Lin Fan.

Tumingin si Xiao Sun sa dalawa, na nakapagpatunay sa hula nila. Kasabay nito, dalawang tao ang nakatayo sa burol ilang milya ang layo.

"Brother Yuan, ang misyong ito ay masyadong mahirap para sa kanila. Masyadong magiging kaaya-aya ito para sa kaniya kapag siya ay namatay…" si Quan Chen ay tila may mabigat na kalooban.