"Ano!? Ang sutil na iyon ay naging isang inner disciple."
Napanganga si Quan Chen nang masira ang kalmadong estado ng kanyang isip.
Ang balitang ito ay nagmula sa Central Hall Division, si Zhao Feng ay nakapasa sa huling pagsusulit at naging isang opisyal na inner disciple.
Mabilis na nangyari ang lahat!
Naiulat na kakaabot niya pa lamang Ascended Realm matapos ang araw na iyon at sa ikatlong araw ay natanggap na agad siya.
Nang malaman ang balitang ito, ayaw na magcultivate ni Quan Chen. Sa pagkakaalam niya, isang langgam lamang si Zhao Feng at nasa ikawalong antas lamang siya ng Consolidated Realm isang buwan ang nakararaan.
Kung mayroong mahusay na talento si Zhao Feng gaya ni Bei Moi at kung mayroon siyang Elder bilang kanyang master, posible siguro ito, pero ang problema ang kanyang talento ay katamtaman lang at ang edad niya ay napakabata pa.
Kahit si Quan Chen ay nasa peak 9th rank palang ng Consolidated Realm sa edad na 14-15.
"Hindi! Sasabihin ko kay Master ang balitang ito."
Hindi mapakali si Quan Che sa isang tabi at agad na nagtungo sa palasyo ni Hai Yun Master.
"Ang Elder ay nasaktan habang nagcucultivate, kung kaya nagpapagaling pa siya." Wika ng tagapagbantay.
Nasaktan?
Nagulat si Quan Chen. Mula sa kanyang nakita, higit pa sa isang Elder ang sugatan kahapon sa Clan.
Ang pagkakaroon ng mga sugatan na Elder sa isang araw ay nakapagtataka, pero ito ang katotohanan!
Dalawang araw ang nakararaan bago maging isang inner disciple si Zhao Feng, ang mga Elders na nasa malayo para magmeditate ay napadura ng dugo, pero wala sa kanila ang nakakaalam kung ano ang nangyayari.
Nang malaman na nagpapagaling pa pala ang kanyang Master, tanging ang ibang disipulo lamang ang kanyang makausap.
Si Hai Yun Master ay may apat na core disciples at sa lahat ng ito, si Bei Moi ang may pinakamahusay na talento.
Si Quan Chen ang 3rd disciple at siya ay nasa 3rd Sky na ng Ascended Realm.
May dalawang disipulo na nasa itaas ni Quan Chen at ang unang disipulo ay si 'Wu Li' na siyang pinakamatanda at naabot na ang peak 5th Sky ng Ascended Realm. Siya rin ang may hawak ng posisyon na Vice Deacon mula nang maging tatlumpu siya.
Ang ikalawang disipulo, si Yuan Zhi, ay wala pang dalawampung taong gulang pero naabot na niya ang 4th Sky ng Ascended Realm. At isa siya sa sampung core disciples ng Clan.
....
Sa parehong araw na iyon, ang mga disipulo ni Hai Yun Master ay nagtipon-tipon.
Ang unang disipulo ay si 'Wu Li' na nasa misyon sa kasalukuyan at wala sa Clan.
Ang ikalawang disipulo ay si Yuan Zhi.
Ang ikatlong disipulo ay si Quan Chen.
Ang ikaapat na disipulo ay si Bei Moi.
"Sinsabi mong… Naging isa siyang inner disciple?"
Gulat na gulat ang itsura ni Bei Moi. Alam niya kung gaano katalentado ang mga disipulo ni Lord Guanjun at bukod sa kanya, si Yang Qingshan ang may pinakamahusay na talento.
Ang naisip niya talaga ay mauuna si Yang Qingshan na maging inner disciple pero dahil wala siyang mga koneksyon, inaasahan niyang aabutin muna ng isang taon si Yang Qingshan para maging inner disciple.
"Sigurado ako. Napakawirdo talaga ng batang iyon…"
Nadismaya talaga si Quan Chen nang banggitin ang pangalan ni Zhao Feng. Sinubukan niyang daigin ang batang ito, pero walang kahit ano man ang naging epektibo.
"Kapatid na Bei, may espesyal ba kay Zhao Feng?"
Wika ng ikalawang disipulo na si 'Yuan Zhi' na punong puno ng ngiti.
Bilang isang core disciple ng Clan, hindi naman sa nilalagay niya agad ang kanyang mga mata sa isang bagong inner disciple pero bahagyang interesado siya rito.
"Ang batang ito…"
Nang mabanggit ang pangalan ni Zhao Feng, napataas ang kilay ni Bei Moi dahil kahit siya ay natalo ni Zhao Feng dati. Halimbawa na lang sa aspeto ng memorya, pati na rin sa battle points noong nagganap ang pagsugod ng ga kawan ng halimaw.
Syempre, ang mapagmataas na gaya ni Bei Moi ay hindi ito sasabihin.
"Ang kanyang talento ay katamtaman lamang pero ang kanyang memorya ay napahusay at mukhang nagpopokus siya sa body strengthening technique. Ang kanyang battle power rin ay napakagaling."
Pagbibigay komento ni Bei Moi tungkol kay Zhao Feng.
"Hehe."
Tumawa si Yuan Zhi: "Noong ang sutil na ito ay outer disciple pa, wala tayong magawa sa kanya. Pero ngayong inner disciple na siya, mas madali na nating magagawa ang gusto nating gawin sa kanya."
Tama iyan!
Nagningning ang mga mata ni Quan Chen.
Ang mga outer disciples at ang mga inner disciples ay parang dalawang bilog na hindi kailanman maaaring pagsamahin at ngayon si Zhao Feng ay kabilang na sa kanilang bilog.
"Bakit kailangan mo pang sabihin kay Master ang ganitong kaliit na bagay? Pwede naman tayong makipaglaro sa kanya nang mag-isa."
Isang malamig na ngiti ang sumilay sa mukha ni Yuan Zhi.
"May plano ka na ba?"
Hindi mapigilan ni Quan Chen na maligayahan nang lubos. Si Yuan Zhi ay isang calculating core disciple na kayang sirain ang lahat ng mga nangangahas sa kanya.
...….
Central Hall Division.
Sina Zhao Feng, Xiao Sun, Yun Mengxiang at Lin Fan ay nasa iisang kwarto lamang. Hanggang ngayon, ang gulat sa kanilang tatlo ay hindi pa rin umaalma.
Ang ipinakita ni Zhao Feng ay talagang ikinagulantang nila. Sa edad na labing-apat, naging top outer disciple na siya at naging isang inner disciple na sa loob lamang ng isang buwan.
Kahit si Lin Fan na dating top outer disciple ay hindi makapaniwal kay Zhao Feng.
Noong una, ngumiti siya at sinabing: "Naniniwala akong magkikita tayong muli sa iilang taon lamang."
Iilang taon lamang.
Sa pagkakataong iyon, naisip ni Lin Fan na dahil Low Tier Spiritual Body lamang ang mayroon si Zhao Feng nangangailangan pa siya ng halos dalawa hanggang tatlong taon, pero ngayon…
Naramdaman ni Xiao Sun ay Yun Mengxiang na natalo na sila at tinanggap na lang ang katotohanan.
"Dahil ang lahat ay naging inner disciple na, pwede nating alagaan ang isa't isa."
Tumawa si Lin Fan na siyang nagpagaan sa paligid at binalik ito sa normal.
Dahil bago pa lamang si Zhao Feng sa pagiging isang inner disciple, may ilang mga bagay na tinanong siya sa kanila na siya rin namang sinagot nila Lin Fan at ng dalawa.
"Bago lang rin kami bilang inner disciples at mababa lamang cultivation namin, kung kaya dapat maging maingat tayo sa lahat ng ating gagawin. Hindi tayo pwedeng mangahas na kalabanin ang ibang inner disciples, lalo na ang mga core disciples…" Pagbuntong hininga ni Lin Fan.
Nang banggitin niya ang core disciples, napabuntong hininga ang lahat. Ang mga core disciples ay nasa 4th Sky ng Ascended Realm o kaya pataas pa at ang kanilang mga koneksyon ay malalakas.
"Mapayapa naman at tahimik ang Clan sa ngayon. Halos lahat ng disipulo ay naghahanda na para sa Floating Crest Trial tatlong buwan ang layo mula ngayon." Bumuntong hininga si Yun Mengxiang nang may pagsisisi at pagkaayaw.
Ang Floating Crest Trial ay nangyayari lamang isang beses sa limang taon at maraming inner disciples ang sumasali para makapasok, pero ang tatlo ay walang pag-asa.
"Mahirap lang talaga sumali." Umiling si Xiao Sun.
Mula sa kanyang mga nakaraang karanasan, dapat na nasa 3rd Sky ng Ascended Realm para makalaban ka at makasali. Pero swerte nga naman at ang mga disipulo na pumasok limang taon ang nakalilipas ay hindi papayagang maksali. Ang patakaran ng Floating Crest Trial ay nagsasabing ang mga papasok ay hindi dapat lalagpas ng 25 at isang beses lamang makakasali, kung kaya ang mga higit na malalakas na inner disciples ay hindi makakasali. Ganoon pa man, malakas pa rin ang kompitensya.
Sina Xiao Sun at ang iba pa ay bagong mga inner disciples lamang kung kaya wala silang kumpiyansa. Tanging ang mga henyo lamang na gaya nila Bei Moi at Sun Yuanhao, na may mga Elders na sumusuporta, ang magkakaroon ng tsansang makapasok.
At bilang panghuling mga salita, binalaan ni Lin Fan si Zhao Feng: "Tandaan mong may isa ka pang pagkakataon para makapasok ng Hollow Building pagkatapos mong maging isang inner disciple."
Ang dalawa ay parehong naging top outer disciple kung kaya alam nila kung ano ang mayroon sila na wala ang iba.
Hollow Building?
Kumislap ang mga mata ni Zhao Feng nang maalala niya ang estruktura ng mga arrays sa Hollow Building.
Ang mga jade slips ay nakalutang sa ulap na nababalutan ng array.
Kung matatanggal lamang ng isa ang mga arrays, maaaring silang makakuha ng kaunti pang mga skills mula sa Hollow Building.
Nakakatukso nga talaga ito!
Dapat lamang malaman na ang mga skills sa Hollow Building ay lahat ang pinakamahuhusay kasama na ang mga High and Peak Class Mortal Skills.
Syemrpe, walang kumpiyansa si Zhao Feng na matatanggal niya ang mga array sa Hollow Building dahil masyadong komplikado ito at kahit magawa niya pa ito, ang Elder na nagbabantay sa gusali ay maaaring makahalata.
Pero kapag mas komplikado ang isang array, mas marami itong mga butas at pagkakamali. Hindi naman niya kailangan sirain ito, maghahanap lamang siya ng butas, mataas ang kanyang tsansa…
Noong gabing iyon, nagsimula na si Zhao Feng na sirain ang estruktura ng array sa dimensyon ng kanyang kaliwang mata. Napakakomplikado ng array na ito at kahit pa upgraded na ang kanyang mata ay marami pa ring balakid sa progresong ginagawa niya.
Kung andito lamang si Tandang Zhang ng Clan Mission Division, kahit siya ay hindi makakapagsalita. Dapat lamang malaman na ang mga arrays sa Hollow Building ay napaka-antigo at kahit ang mga pinakamagagaling na array masters sa Clan ay nauunawaan lamang ito ng 20-30%.
Ang isang baguhan na gaya ni Zhao Feng ay kayang analisahin at paghiwa-hiwalayin ang mga parte nito sa pamamagitan lamang ng pagtingin ay sadyang hindi kapani-paniwala.
"May dalawang True Forces sa aking katawan na kailangang pag-isahin. Kapag nakarating lamang ako sa mga huling yugto ng 1st Sky saka ako papasok sa Hollow Building para kumuha ng isa pang Force skill."
Nagplano muna si Zhao Feng at sa mga susunod na araw, patuloy niyang pinagsama ang kanyang True Force at sinubukang unawain ang array ng Hollow Building.
Dahil bago pa lamang si Zhao Feng bilang isang inner disciple, hindi niya alam kung paano siya pakikitunguhan nila Quan Chen, Hai Yun Master at ng iba pa. Kung kaya nanahimik na lang muna siya, pero hindi pwedeng nasa tabi lamang siya habambuhay.
Ang ikapitong araw.
Dong~
Ang tunog ng isang kampana ay umalingawngaw sa buong Central Hall Division.
"Pagtitipon ng mga inner disciple!"
Ang lahat ng mga inner disciples ay bumangon mula sa kanilang mga kama at binuksan ang kanilang mga mata mula sa cultivation.
Ang pagtitipon ng mga inner disiciples ay nagaganap isang beses lamang sa isang buwan at pinamumunuan ng Head ng Central Hall Division.
"Isa ito sa mga pinakamalaking pagtitipon!"
Higit na maligalig si Xiao Sun.
Naglakad na sila Yun Mengxiang at Lin Fan palabas mula sa kanilang mga tinutuluyan at silang apat ay nagtungo nang magkakasama sa Central Hall Division.
Unti-unting nagtipon ang mga disipulo sa palibot ng Central Hall Division at ang kanilang mga cultivation ay nasa 2nd Sky o mataas pa.
Si Zhao Feng at ang ilan pang mga bagong inner disciples ay nakakakuha agad ng atensyon nang tignan sila ng mga mas nakatatandang inner disciples nang may pagkutya.
Hmph!
Isang kabataang matangos ang ilong ang sumuri kay Zhao Feng at sa kanyang mga kasama.
"Mukhang hindi na ako makakapagtago ngayon." Wika ni Lin Fan nang kaawa-awa.
Hindi mapigilan ni Zhao Feng na mapatingin sa kabataang matangos ang ilong. Sinabi sa kanya ni Yun Mengxiang sa mababang boses na ang kabataang iyon ay tinatawag na Xu Ren at nasa 2nd Sky na siya. May mas nakababata siyang kapatid na isang outer disciple, pero natalo rin siya ni Lin Fan dahil napakayabang niya at arogante.
Kaya naman, sa pagkakataon na naging inner disciple na si Lin Fan, pumunta si Xu Ren sa kanyang tinutuluyan para ipaghiganti ang kanyang kapatid. Pero ginamit ni Lin Fan ang talas ng kanyang isip at siya'y nagtago.
.
Ngunit ngayon ang araw ng pagtitipon ng inner disciples, kung kaya kahit subukan niyang magtago, hindi niya ito magagawa.