Ang linya ng malinaw na liwanag ay tila isang liwanag ng Diyos na biglaang tumirik tagos sa kalangitan!
Subalit, ang mga miyembro ng Broken Moon Clan ay hindi nakita o naramdaman ang liwanag. Ang mga tao lang na nasa True Spirit Realm o mas mataas pa ang nakaramdam ng pagyanig ng hangin ngunit parang isa lamang itong ilusyon.
Mayroon lamang limitadong bilang ng mga tao na nasa Azure Continent ang nakaramdam ng pagbabago sa alapaap.
Western Continent.
Isang malaking sinaunang palasyo.
Huang~
Ang isang sinaunang daang-yardang bato ang nagsimulang gumawa ng tunog sa kailaliman ng bulwagan. Ang bato ay parang nagmula sa sinaunang panahon dahil kahit sino na nasa True Spirit Realm ay hindi man lamang kayang gasgasan ito. Ngunit sa pagkakataong ito, nabibiyak ito.
"Hindi maganda! Ang Heavenly Primal Stone ay nawawarak!"
"Bakit ito mawawarak ng walang dahilan? Maaari kayang mayroong hindi masamang bagay na darating?"
Biglang nagkagulo sa kalapit na lugar.
Qiu!
Isang sinag ng liwanag ang humawi sa hangin at lumapag sa tapat ng Heavenly Primal Stone.
"Panginoon, ano ang nangyari!?"
Sampu-sampung makapangyarihang aura ang lumipad patungo sa Heavenly Primal Stone.
Sa tapat ng bato, isang anyo na nakalila ang marahang nilabas ang kaniyang kamay at sinanib ito sa Heavenly Primal Stone.
Weng!
Yumanig ang bato at ilang kakaibang mga salita ang lumitaw sa ibabaw ng bato. Ang mga salita ay napakakomplikado at nagpatuloy ito sa pagbabago.
Ang lilang anyo ay nagsimula na ring mahirapan. Isang nakakasindak na aura ang humawi palabas at ang kalapit na sampung cultivators ng True Spirit Realm ay tumingin sa kanilang Panginoon ng may takot.
Sa paglipas ng oras, mas dumarami pa ang mga tao na mula sa Clan ang nagdatingan. Ngunit ang Panginoon sa tapat ng Heavenly Primal Stone ay pinakaba sila ng matindi na hindi na sila halos makahinga.
"Ano ang ibig sabihin ng pagbiyak ng Heavenly Primal Stone? Kahit ang ating Panginoon sa Origin Core Realm ay nagpunta!"
"Mayroong cultivators sa Origin Core Realm na namumuhay pa rin sa kontinenteng ito!"
Pagtapos ng matagal na oras, ang Panginoon nila ay marahang pinaluwag ang kamay nito.
"2 salita lamang ang maaaring maunawaan mula sa Heavenly Primal Stone." Mahinang sinabi ng Panginoon.
"Aling dalawa?" Ang mga taong high level ng Clan ay nagtanong.
Ang kanilang Panginoon ay biglang tumingala patungo sa alapaap at nakita niya ang isang Eye of Heaven na malamig na nakatingin sa ibaba. Nagmukha lang itong ilusyon.
"God's Eye." Nagawang banggitin ito ng kanilang Panginoon habang mayroong linya ng dugong lumitaw mula sa kaniyang mga labi.
…..
Sa isang malawak, na malawak lugar malayo mula sa kalawakan.
Sa isang nakakatakot na palasyo.
Roar!
9 Dragons ang umungol sa palasyo at ang 'Hari' ay tumigin sa alapaap. Sa alapaap, nagpatuloy sa pag-ikot ang mga ulap.
"Ano ang ibig sabihin nito?" Malamig na tumingala ang Hari at inutusan niya ang kaniyang mga dragon upang i-usog ang mga ulap sa tabi.
"Ito ang unang beses na may ganitong nangyari mula pa noong ang imperyo ay magawa." Isang matandang lalaking puno ng kulubot at puting buhok ang tumingala sa alapaap.
"Saan?" Isang dominanteng boses ang narinig.
"Siguro ay sa kalapit." Hindi tiyak na sagot ng matandang lalaki.
Sa oras na ito, lahat ng cultivators sa high realms ay tumingin sa kalangitan.
Ang mga dragon ay sa wakas naitulak na palayo ang mga ulap na humharang sa alapaap at ang Eye of Heaven ay lumitaw habang ito ay malamig na nakatitig sa planeta.
"Ano ang ibig sabihin nito?" Hiyaw ng mga cultivators.
"God's Eye! Isa itong God's Eye na hindi pa nakikita kailanman!"
"Mukhang hindi ito isa sa mga 8 Great God's Eye ngunit ito ay nakakatakot pa rin."
Nagusap-usap ang mga cultivators at biglang nagkagulo.
Ang Hari lamang at ang matandang lalaking may puting buhok ang tahimik habang sila ay nakatitig sa Eye of Heaven in the sky.
Makalipas ang matagal na oras, ang matandang lalaking may puting buhok ay hinawi ang kaniyang tukod sa hangin at 9 na ahas ang sumugod sa alapaap, ngunit sila ay naglaho rin ng makarating sa Eye of Heaven.
"Binuksan na ng kalangitan ang mata niya!" Sigaw ng matandang lalaki habang marahang naglaho ang Eye of Heaven sa kawalan.
...….
Sa malabong abo na dagat, isang mapanganib na itim na naglalayag ng bangka ang lumulutang.
Ang itim na layag ay higante at ang mga nilalang sa baba nito ay inakalang gabi na.
Sa pagkakataong ito, bawat nilalang ay yumuyukod sa anyo ng isang mamumuno. Walang kahit anong liwanag sa paligid ng taong iyon, tila ba lahat ay nahigop.
Ang maitim na anyo ay tumayo sa puno ng layag at tumigin sa walang hanggang karagatan.
Weng~
Ang kulay abong dagat ay biglang yumanig at ang Eye of Heaven ay lumitaw sa alapaap.
Bukod sa maitim na anyo, ang iba pang mga nilalang ay nanginig sa takot.
Binuksan ng pinuno ang pares ng kaniyang itim na mga mata at malamig na tumingin sa Eye of Heaven. Makalipas ang ialng sandali, ang Eye of Heaven ay dahan-dahang naglaho na parang bang tinitignan lamang nito ang paligid.
"Mayroon pang isang God's Eye ngayon. Sa kabuuan ng 9. Ano ang ibig sabihin ng lahat ng ito? Siguro ang kasalukuyang sitwasyon ng 8 Great God's Eye ay masisira…"
Ang kulay malalim na itim na mga mata ng pinuno ay naglaho at ang alapaap ay naging itim na muli.
....
Hindi alam ni Zhao Feng kung gaano niya naapektuhan ang mundo nang buksan niya ang kaniyang mata.
Ang tanging bagay na tiyak siya ay ang tunay na kapangyarihan ng kaniyang kaliwang mata ay nagsisimula na gumising. Bahagyang nagsisi si Zhao feng dahil nararamdaman niya kung gaano kalakas ang kapangyarihan na ito, ngunit tila ba hindi niya ito kayang kontrolin.
"Ang Ancient ay nawasak na, at ang Ancient Gods slain ay magiging trilynog alikabok na… Ipagpatuloy mo ang lahi ko at pamunuan ang mundo…" Isang boses ang umalingawngaw sa kaniyang isipan.
Hindi mapigilan ni Zhao Feng ang kaniyang sarili kundi haplusin ang kaniyang kaliwang mata. Pagtapos ng pagbabago, halatang mas naging mas malakas ito, na para bang ito ay isang buhay na nilalang.
Sinubukan niyang ipikit ang kaniyang mata at buksan itong muli, ngunit walang misteryosong malinaw na liwanag ang lumitaw. Nararamdaman pa rin ni Zhao Feng ang asul na dugo na nasa kaniyang katawan.
Hindi niya alam kung ano ang epekto na mayroon ito ngayon ngunit isang bagay ang maaaring mapatunayang totoo, kaya siyang palakasin nito. Pagtapos makatiyak na siya ay ayos lang, maingat na lumakad si Zhao Feng palabas ng kuweba.
Nilabas niyang muli ang salamin.
Ang kaniyang buhok ay asul pa rin, ngunit ang kaniyang kaliwang mata ay naging isang malinaw na asul na kulay, tila ba isa itong kayamanan.
"Hindi!"
Nag-aalala pa rin si Zhao Feng na maaari siyan dakipin ng Clan dahil sa pagiging isang halimaw.
Sunod ay sinubukan niya ang ilang mga paraan para mapabago ang kulay nito.
Sa paglipas ng isang libong mga taon, maalala ito ni Zhao Feng at tatawanan ito…
Makalipas ang ilang sandali, nakahanap na siya ng paraan.
Ang asul na dugo na kinontrol niya ay maaaring ipagsama sa kaniyang kaliwang mata at balutin ito. Nang magawa ito, ang asul na liwanag sa kulay malalim na itim na dimensyon ay nahiwalay mula sa kaniyang kaliwang mata.
Nilabas ni Zhao Feng ang kaniyang salamin at ang kaliwang mata ay naging itim, ngunit ito ay malalim at madilim. Sa iisang oras, ang kaniyang kaliwang mata ay nawalan din ng kakayang makakita.
Maaaring gamitin ni Zhao Feng ang asul na dugo upang baguhin ang kulay ng kaniyang kaliwang mata, ngunit kokonsumo ito ng maraming enerhiya upang magawa. Kaya lamang niyang gawin ito ng ilang oras kada araw.
"Hangga't maaari mayroon pang paraan." Huminga si Zhao Feng.
Sunod ay sinubukan niya ang kapangyarihan ng kaniyang kaliwang mata. Ng walang duda, ang kapangyarihan ng kaniyang kaliwang mata ay buhang lumakas pagtapos niyang makatungtong sa Ascended Realm.
Ang paningin ni Zhao Feng, bilis ng reaksyon at pang-unawa ay lahat mas lumakas. Halimbawa, nakakakita si Zhao Feng hanggang 100 milyang layo at napagtanto ni Zhao Feng na ang kaniyang kaliwang mata ay kayang makakita tagos sa mga bagay. Nakikita ng kaniyang mata ang tagos sa batong malapit.
"Mahirap paniwalaan na kayang makakita tagos sa bato."
Pakiramdam ni Zhao Feng siya ay tila isang halimaw, ngunit pakiramdam niya na hindi ito ang tunay na pagbabago ng kaniyang mata.
Sa mismong pagkakataon na ito, isang ibon ang lumipad sa kuweba at lumagpas sa ulo ni Zhao Feng.
Hm?
Lumaki ang mga mata ni Zhao Feng nang malamig niyang tinignan ang ibong lumilipad sa hangin.
Sa pagkakataong ito, ang kaniyang kaliwang mata ay nagpadala ng isang ragasa ng mental na enerhiya na bumuo ng isang diretsong linya na nagpunta patungo sa ibon.
Plop!
Ang ibon ay sumagitsit sa himpapawid dulot ng takot, nawalan ito balanse at nahulog sa sahig.
Hindi pinatay ng kaliwang mata ni Zhao Feng ang ibon, nagpakawala ito ng isang hindi maipaliwanag na ragasa ng mental na enerhiya, na nagdulot upang mataranta ang ibon at mawalan ng kontrol sa katawan nito.
"Pumatay ng walang bakas. Ito ang maaaring magdesisyon sa huling reulta ng isang buhay at sa laban ng kamatayan." Naisip ni Zhao Feng.
Sinubukan niya lahat ng bagong epekto hanggang sa napagod siya. Hindi tuluyang makontrol ni Zhao Feng ang mga bagong skills gaya ng Mental Energy Assassination.
Habang papalubog pa lamang ang araw.
Mabilis na tinakpan ni Zhao Feng ang kaniyang kaliwang mata gamit ang piraso ng laso, at nagtungo papunta sa Outer Hall Division habang ang kaniyang asul na buhok ay lumilipad kasabay ng hangin.
Teng! Teng! Teng… !
Lumundag ang kaniyang anyo sa hangin, lumalagpas sa sampu-sampung yarda sa isang paghinga.
Pinadaloy ni Zhao Feng ang kaniyang True Force at sinubukan niyang kontrolin ang daloy ng hangin sa paligid niya. Nagawa nitong palutangin siya sa himpapawid na nagtagal ng isang paghinga bago siya tuluyang bumagsak pababa.
Pagtapos makarating sa Ascended Realm, ang isang tao ay maaaring makalipad ng maliit na distansya sa hangin, ngunit hindi ito tunay na paglipad.
Ang isang cultivator na nasa True Spirit Realm ay maaaring makalipad ng sampu-sampung milya ng walang problema.
Pagtapos bumalik sa Outer Hall Division, si Zhao Feng ay dali-daling nagpunta sa Deacon Qiu upang dumulog bilang isang inner disciple. Batay sa mga patakaran, ang isang tao ay kinakailangan lang makarating sa Ascended Realm bago maging 30 upang maging isang inner disciple.
"Iu-ulat ko ito sa mga nakatataas at kung wala namang problema, maaari kang magpunta sa Central Control Division bukas."
Ang ekspresyon ni Deacon Qiu ay kalmado at tinaas lamang niya ang kaniyang mga kilay nang makita niya ang takip ni Zhao Feng sa mata at ang asul na buhok ngunit wala siyang sinabing kahit ano.