Nababagabag na si Zhao Feng habang kalaban si Hong San at kahit pa mas malakas si Hong San kay nila Hong Si at Xiao Sun, hindi ito ang dahilan.
Dahil ito sa pag-uugali ng kanyang kalaban.
Una sa lahat, inamin niyang hind siya kasing lakas ni Zhao Feng!
Nangangahulugan ito na hindi niya minamaliit ang kanyang kalaban. Kung kaya, gagamitin niya ang 200 porsyento ng kanyang lakas para labanan si Zhao Feng.
Bukod pa roon, ang kanyang layunin ay hindi manalo.
Ang gusto lamang niyang gawin ay pagurin si Zhao Feng.
Mula sa dalawang puntong ito, halos wala ngang kahinaan si Hong San.
Kahit na malalim at mahirap intindihin ang movement skill ni Zhao Feng, hindi padalos-dalos na umaatake si Hong San. Sa halip, pilit niya munang inaalam kung saan talaga nakapuwesto si Zhao Feng.
"Hindi ko siya matatalo sa loob ng sampung atake… Gayon man…"
Biglang nawala ang anyo ni Zhao Feng at nagpakitang muli sa harap ni Hong San.
Habang kaharap ang kalmadong si Hong San, naisip ni Zhao Feng na palitan ang kanyang mga taktika. Imbis na gumamit ng skill, gagamit na lang siya ng purong lakas para talunin ito.
Bahagyang huminga si Zhao Feng at inilabas ang kanyang aura. Biglaan, tumaas ng halos kalahati ang aura ni Zhao Feng, na siyang nakapagpabago ng ekspresyon ni Hong San.
Lumaki ang mga mata ni Hou Yuan habang nakatingin siya sa mula sa taas. Maraming tao rin ang nagulat, hindi nila akalaing nagpipigil pa pala si Zhao Feng.
Nangangahulugan ito na habang kalaban niya si Xiao Sun at Hong Si, hindi talaga halos nag-aksaya ng enerhiya si Zhao Feng.
"Imposible! Ang dami ng enerhiya na kaya niyang ipunin ay higit pa sa akin…"
Napatitig na lamang ang namumutlang mukha ni Xiao Sun kay Zhao Feng na lalong lumalakas bawat segundo.
One Line Star Finger!
Ginamit ni Zhao Feng ang max level ng kanyang Star Finger at kahit hindi niya pa pinagsasama-sama ang Four Wind Stances sa pagkakataong ito, ikinagulat pa rin ng lahat ang kanyang kapangyarihan.
Boom! Boom! Boom… !
Guhit pagkatapos ng isang guhit ng asul na liwanag ang sunod-sunod na tumungo kay Hong San na tila langkay ng mga ibon.
Namumutla na ang mukha ni Hong San nang padaluyin niya ang kanyang half-step Ascended Realm na inner strength at gumawa mula dito ng isang pangdepensang harang o defensive barrier.
Limitless Mountain!
Ibinukas ni Hong San ang kanyang mga kamay na tila yayakap at biglang ang kanyang aura ay naging pirmi at malalim gaya ng Mount Tai nang salubungin nito ang mga atake ni Zhao Feng.
Peng----------------
Isang pagsabog ang maririnig mula sa dalawa nang ang mga bato at alikabok ay napatapon nang malayo.
Mula rito, naging labanan na ito ng inner strength. Pagkatapos lamang ng ilang segundo, umingit na si Hong San at napaatras ng ilang yapak.
Habang gamit ang kabuuhan ng kanyang lakas, isang kahinaan ang nagpakita at ginamit ni Zhao Feng ang oportunidad na ito.
Isang ngiti ang nagpakita sa mga labi ni Zhao Feng, hindi siya makapaniwalang may kahinaan pa ito kahit gamit nito ang kabuuhang lakas niya.
Noong hindi niya magamit ang kanyang mga taktika, ang higitan ang inner strength nito ang pinakamabisang paraan at sinadya ni Zhao Feng na magkamali ang kanyang kalaban.
One Line Star Finger! Tornado Stance!
Patuloy lamang na umatake si Zhao Feng habang may tsansa pa siya at pagkatapos ay pinagsama niya ang Tornado Stance, kung kaya muling tumaas na naman ang lebel ng kanyang kapangyarihan.
Pew! Pew! Qiu… !
Iba't ibang guhit ng liwanag ang tila naging ulan ng mga bulalakaw at ang kanyang kapangyarihan ay humigit na sa limitasyon ng Consolidated Realm.
Ang mga manonood na outer disciples ay napatitig na lamang habang nakanganga.
Sa pagkakataong iyon, inaamin nila na pwedeng pwede sa top 5 si Zhao Feng at may karapatan nga siyang hamunin ang nasa ikatlong puwesto.
"Wah!"
Nakasalag lamang si Hong San ng iilang atake bago napadura ng dugo. At kahit subukan niya pang ubusin ang enerhiya ni Zhao Feng, natalo pa rin siya sa kahiya-hiyang paraan.
Ayon sa orihinal niyang plano, uubusin niya rapat ang oras at enerhiya ni Zhao Feng. Pero hindi niya akalaing gagamitin nito ang isa sa kanyang mga pinakamahuhusay na atake at natalo siya nito sa napakaiksing oras lamang.
"Sinubukan ko ang makakaya ko."
Nakatingin si Hong San kay Hou Yuan sa nakakaawang kondisyon.
Kalmado pa rin ang ekspresyon ng mukha ni Hou Yuan: "Pinilit mo na si Zhao Feng na gamitin ang lahat ng kanyang lakas, kung kaya marami na rin siyang naaksayang enerhiya."
Nabaliw ang lahat ng mga manonood nang mapanalo na naman ni Zhao Feng ang ikatlong laban.
Bago pa ang araw na ito, wala ni isa sa kanila ang nag-isip na matatalo ni Zhao Feng ang tatlo niyang kalaban nang mabilisan at madalian.
Mula sa kanyang kasalukuyang sitwasyon, mukhang naipanalo lahat ni Zhao Feng ang lahat ng kanyang laban nang madali lang. Wala man lang mga laban na nahirapan siya.
Matapos matalo si Hong San, napalitan na siya ni Zhao Feng sa kanyang puwesto.
"Ang ikaapat na laban: Si Zhao Feng na nasa ikawalong puwesto laban kay Hou Yuan na nasa ikatlo."
Makikita mula sa mga mata ni Deacon Qiu na umaasa siya kay Zhao Feng.
Pagkatapos manalo ng tatlong laban nang sunod-sunod, kaya pa kayang ipanalo ni Zhao Feng ang huling ito?
Alam ng lahat na si Hou Yuan ang pinakamalakas na kalaban ni Zhao Feng.
Bilang nasa ikatlong puwesto, isa si Hou Yuan sa mga overlords ng outer disciples at nasubukan niya na ring hamunin ang mga cultivators na nasa Ascended Realm.
Mula sa isang pananaw, ang lakas ni Hou Yuan ay lagpas na sa Consolidated Realm.
"Zhao Feng! Wala kang tsansa na kaharapin ako!"
Ang malaman at malaking katawan ni Hou Yuan ay nakapagpanginig sa buong entablado. Ang mga bitak na gaya ng isang bahay ng gagamba ay nabuo sa mataigas at purong itim na bato.
Sa paglapag pa lang ni Hou Yuan sa entablado, alam na ng lahat kung gaano siya kalakas.
Shoosh!
Tinanggal ni Hou Yuan ang kanyang mga damit, na siyang nagpakita ng hubad niyang katawan. Ang aura na inilalabas niya ay agarang makakapanakot sa mga peak tier na halimaw.
Siiii!
Malamig ang hininga ng mga outer disciples habang gulat ang nakapinta sa kanilang mga mukha.
"Isang aura na malapit na sa isang Lord tier na halimaw."
Bumilis ang tikbo ng puso ni Zhao Feng.
Kumpara sa kalahating buwan ang nakalilipas, higit na napakalakas na ni Hou Yuan. Hindi nakapagtataka na napalitan niya ang orihinal na nasa ikatlong puwesto.
Nakikita ng kaliwang mata ni Zhao Feng na ang katawan ni Hou Yuan ay halos maabot na ang Ascended Realm.
Parehong siya at si Hou Yuan ay nakapokus sa pagpapalakas ng katawan at parehas rin ang kanilang layunin – ang makapasok sa Ascended Realm gamit ang kanilang mga katawan. Pero kung paghahambingin sila, mas malapit na si Hou Yuan kaysa kay Zhao Feng.
Ganoon pa man, matagal na rin naman kasing nakapasok si Hou Yuan sa Clan at mahabang panahon na rin ang ginugol niya sa pagsasanay.
Kung makakaabot siya ng kalahati pang yapak, siya ang unang outer disciple na makakapasok sa Ascended Realm na gamit lang ang kanyang katawan sa loob ng ilang daang taon.
Ceng! Ceng!
Palapit nang palapit si Hou Yuan kay Zhao Feng sa bawat yapak niya.
Small Golden Metal Fist!
Tila lumalaki ang kamao ni Hou Yuan habang nababalutan ito ng ginto.
Bahagyang lumaki ang kaliwang mata ni Zhao Feng nang naging mataimtim ang kanyang ekspresyon.
Boom… !
Sa pagkakataong inilabas na nito ang kanyang kamao, biglang ang katawan ni Hou Yuan at ang kanyang kamao ay nasa harap na ni Zhao Feng.
Ang tila sumasabog na enerhiya at bilis ni Hou Yuan ay daig na daig ang magkapatid na Hong.
Ang mga manonood na outer disciples ay napatitig sa sorpresa.
Ang kamao ni Hou Yuan ay may kakayahang pumatay ng kahit sinong cultivator na nasa ikasiyam na antas ng Consolidated Realm.
Silver Wall Mountain Opening!
Sa isang saglit lamang, sumabog na rin ang enerhiya ni Zhao Feng.
Suntok pagkatapos ng isang suntok, punong puno ng bangis at kapangyarihan. Walang kahit anong skills o taktika ang kasama.
Lahat ng mga outer disciples ay nakarinig ng isang 'Bang!' bago nanginig ang kanilang mga tainga at wala na silang marinig.
Teng Teng Teng…
Parehong napaatras sila Zhao Feng at Hou Yuan at nakapag-iwan sila ng mga bitak sa lupa.
Umatras ng siyam na yapak si Zhao Feng bago muling mapirmi ang kanyang katawan, samantalng si Hou Yuan ay walong yapak lamang ang ginawa.
Bahagyang nakuha na ni Hou Yuan ang mas nakatataas na kamay, pero ang eksenang ito ay nakapagpagulat sa mga disipulo na nasa ibaba.
"Hindi man lang nagapi si Zhao Feng ni Hou Yuan, kahit na naglalaban sila ng lakas sa lakas…?"
"Ang lalaking iyan ay nagpopokus rin sa pagpapalakas ng katawan kung kaya nalalabanan niya si Hou Yuan!"
Nagkaroon ng usap-usapan.
Isa itong bagay na hindi inaasahan ng lahat.
Ang pinakanagulat sa lahat ay si Hou Yuan mismo, alam niya kung gaano kahirap magpalakas ng katawan. At hindi niya maisip na ang kabataang nasa harap niya, na nasa edad lamang na labing-apat hanggang labing-lima, ay nakaabot na sa ganyang antas.
Dapat lamang malaman na ang kanyang edad ay nasa 24-25 na, sampung taon na mas matanda pa siya kay Zhao Feng.
Kung hindi niya maaabot ang Ascended Realm sa edad na tatlumpu, itatapon na siya palayo ng Clan.
"Talagang ang body strengthening level niya ay mas mataas na antas kaysa sa akin."
Kalmado pa rin ang mukha ni Zhao Feng gaya ng tubig dahil sa kapangyarihang nilalabas ng kanyang kaliwang mata.
Ang kanyang Silver Wall Technique ay nakapokus sa pagpapataaas ng kanyang kapangyarihan at depensa.
Nagsanay rin si Hou Yuan ng isang body strengthening technique na hindi hihina sa Silver Wall Technique at naabot na rin nito ang mataas na antas.
"Hindi ko akalain na nakapokus ka rin sa pagpapalakas ng katawan at nahasa mo na ito sa mataas na antas. Pero ngayon, matatalo ka pa rin."
Malamig ang ekspresyon ni Hou Yuan habang humigpit ang kanyang mga kalamnan.
Sa pamamagitan ng kanyang kaliwang mata, napagtanto ni Zhao Feng na ang inner strength at body strengthening technique ni Hou Yuan ay perpekto nang nakasama sa kanyang mga buto.
Crack! Crack… !
Nabali ang ilan sa mga buto ni Hou Yuan nang maglabas siya ng nakasisindak na aura.
Bumilis lalo ang tibok ng puso ni Zhao Feng, may pakiramdam siya na tila lumalaban siya sa isang Lord tier na halimaw.
Mahirap isipin kung anong antas ang naabot ni Hou Yuan para mapagtagumpayan niyang pagsamahin ang kanyang body strengthening technique sa kanyang inner strength ganoon rin sa kanyang katawan.
"Gold Bronze Casting Body!"
Biglang tumaas muli ang aura ni Hou Yuan ng kalahating lebel at naging kulay ginto na tanso ang kanyang katawan.
Pagkatapos gamitin ang kanyang technique na Gold Bronze Casting Body, nagkaroon na ng kakayahan si Hou Yuan na hamunin ang mga nasa Ascended Realm.
Small Gold Metal Fist!
Isang ginintuang kamao ang lumitaw sa hangin at binalutan si Zhao Feng.
Ang bilis niya ay hindi matatawaran. Kung nasa isang normal lamang na sitwasyon, hindi agad ito maiiwasan ni Zhao Feng. Pero sa ngayon, ang kaliwang mata ni Zhao Feng ay nakabukas nang todo at kaya niyang salagin ang mga malakidlat na atake ni Hou Yuan.
Peng----
Tumilapon ang katawan ni Zhao ng ilang yarda. Kung hindi dahil sa kanyang depensa na Silver Wall Technique, ang suntok na ito ay makapagdudulot sa kanya na magsuka ng dugo.
"Bumaba ka na…"
Pinupuwersa ni Hou Yuan si Zhao sa dulo ng entablado. Kung mahuhulog siya mula rito, nangangahulugang talo na siya.
Shua!
Nagiba ang anyo ni Zhao Feng ng isang kamao.
Pero pumalya pa rin si Hou Yuan na tamaan siya.
Flowing Wind Stance! Smoking Transparent Step!
Pinagsama ni Zhao Feng ang enlightenment na nakuha niya mula sa Flowing Wind Stance sa kanyang max level na movement skill.
Biglaan, ang speed skill ni Zhao Feng ay umabot na sa peak level. Ang pang-unawa na nakuha niya mula sa Illusion Fish Picture ay higit na lumagom sa kanya kung kaya tila nagiging isa na siyang isda.
Hou Yuan's movement skill was his weakness when compared to Zhao Feng.
Ang movement skill ni Hou Yuan ang nagsisilbi niyang kahinaan kumpara kay Zhao Feng.
Maraming beses na nalilinlang siya ni Zhao Feng at pumapalya ang kanyang mga atake.
Sa ngayon, muling nakabukas ang kaliwang mata ni Zhao Feng habang sinusuri niya ang Gold Bronze Casting Body ni Hou Yuan…