Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 124 - Pinakamataas na Antas

Chapter 124 - Pinakamataas na Antas

Ang pagliyab ng apoy ay naganap na rin sa wakas!

Nagsisimula na ang pagkontrol sa antas ng pagliyab…

Sa pagkakataong iyon, lubos na kinakabahan at maligalig si Zhao Feng. Pero dahil sa kanyang kaliwang mata, agad rin naman siyang kumalma.

Ang kaliwang mata ay nagbibigay sa kanya ng katiyakan, kaangkupan at kontrol. Kung gayon, kahit napakahirap kontrolin ng apoy, hindi makagagawa ng mali si Zhao Feng pwera lang kung mali ang pagkakaintindi niya.

Mabagal na lumipas ang oras.

Isang oras, dalawang oras, tatlong oras…

Hindi ito ang unang beses na gumawa si Zhao Feng ng pills, pero ito ang pinakamatagal. Ang mga pills na ginawa niya rati sa Grass-Wood Division ay lahat mabababang uri at may gamit lamang sa mortal na mundo at hindi rito. Ang Marrow Cleansing Pill na ginagawa niya sa kasalukuyan ay isang Spiritual Pill at ang pinakamahirap gawin sa lahat ng nagawa niya.

Tatlo hanggang apat na oras ang lumipas, ang pagkontrol niya sa apoy ay matatapos na rin.

Tumutulo na ang pawis mula sa noo ni Zhao Feng, ang oras na ginugol niya para gawin ito ay napakarami kumpara sa iba. Ang kadalasang kaya lamang niya ay halos mga apat na oras o mas mababa pa. Tanging pagkatapos pa lamang ng limang oras niya natapos ang buong paggawa.

Napahiga si Zhao Feng sa lapag na tila ubos na ang lahat ng kanyang enerhiya pero tinipon niya pa rin ang nalalabing lakas para tapikin ang hangin.

Pah!

Nagbukas ang pugon at lumabas mula dito ang apat hanggang limang pills na kasinglaki ng kuko.

Agad lumapit si Zhao Feng at kinuha ang limang Marrow Cleansing Pills. Ang dami ng nagagawang pills sa isang gawaan ay nakadepende sa dami ng materyales na nakalagay rito. Ang daming inilagay ni Zhao Feng ay kaya lamang gumawa ng lima.

Ang pinakamahalagang salik sa ngayon ay ang bahagdan ng pagiging matagumpay nito o ang success rate.

"Isang excellent, isang normal, isang walang kwenta at dalawang substandard pills."

Sinuring muli ni Zhao Feng ang mga pills at agarang naisip ang mga bahagdan nito.

Apatnapung bahagdan ng success rate.

Sa totoo lang, ikinadismaya niya ito. Madalas kapag gumagawa siya ng mga pills noon, palaging nasa walumpung porsyento o mataas pa at karamihan isang daang porsyento ang nakukuha niyang success rate.

Alam naman ni Zhao Feng na ang success rate ay nakadepende sa refiners skills ganoon rin sa klase ng pill na ginagamir.

Kung katulad ni Tandang Guan ang gumawa, ang kanyang success rate ay siguradong 100% dahil ang antas ng Marrow Cleansing Pill ay masyadong mababa para sa kanya. Gayon man, ang Marrow Cleansing Pill ay napakahirap gawin para kay Zhao Feng na nasa ikasiyam na antas pa lamang ng Consolidated Realm.

Kadalasan, kailangan na ang isang tao ay nasa half-step ng Ascended Realm para makagawa ng half-Spiritual pill. Pero dahil mas natipon ang inner strength ni Zhao Feng dahil sa Returning Breath Technique at dahil nakapag-ipon siya ng enerhiya dahil sa kanyang katiyakan, nalagpasan niya ang kadalasang ito.

Kahit ganito lamang ang nagawa niya, mapapabuntong hininga pa rin ang ibang pill makers sa Grass-Wood Division.

"Ang dalawang Marrow Cleansing Pills ay katumbas na rin ng sampung substandard primal crystal stones!" Nagningning ang mga mata ni Zhao Feng.

Kahit hindi ganoon kataas ang kanyang success rate, marami pa rin naman siyang benepisyo dahil ang mga materyales na ginamit niya ay nagkakahalaga lamang ng apat na substandard primal crystal stones at ang mga natira ay magagamit pa para makagawa ng Broken Moon Breath Returning Pill.

Hindi agad nagsimula si Zhao Feng dahil inisip niyang ang kanyang success rate ay mababa at hindi pa sapat ang kanyang kakayahan at karanasan.

Sa parehong araw na iyon, inilabas niya ang Holy Pill Bible at hindi niya na kailangan pang magsalita, kinabisado niya ang lahat ng nasa libro, at sinubukang unawain ito.

Habang nangyayari ang proseso, ibinaling ni Zhao Feng ang kanyang atensyon sa mga dapat tandaan, sa mga ilang pandaraya at mungkahi. Matapos basahin ito nang isang beses, naramdaman agad ni Zhao Feng na marami na siyang nalalaman.

Hindi niya mapigilang bumuntong hininga, kung binasa niya muna ito, mas mataas sana ang kanyang success rate.

Tanging nung kinagabihan lamang itinabi ni Zhao Feng ang Holy Pill Bible.

Simula bukas, pupunta na siya sa Clan Mission Division para matuto ng kahanayan o arrays kasama si Tandang Zhang. Pero bago ito, ipinikit muna ni Zhao Feng ang kanyang mga mata at muling nakita niya ang Illusion Fish Picture sa ikatlong pagsusulit na halos hindi niya na maalala.

Bago pa man ito, wala masyadong nakuha na kabatiran si Zhao Feng mula sa Illusion Fish Picture.

Ito ay sa kadahilanang ang kanyang pinagtutuunan ng pansin ay ang apat na Wind Stances, at kahit pa ang Illusion Picture ay mukhang mahirap unawain, mas may koneksyon pa rin ito sa mga arrays at hindi sa martial arts.

Napagtanto ni Zhao Feng na ang Illusion Fish Picture ay hindi kasing simple gaya ng iniisip niya at gaya nga nito, ang larawang ito ay may kinalaman sa mga arrays o kahanayan.

Nalaman niya na ang mga pagbabago sa larawan ay may kaugnay sa mga batas ng kalangitan.

Ang kulay ng mga isda, alon ng dagat, liwanag ng araw ay nagbabago…

Ang pagbabago sa nakikitang senaryo ay nagbibigay ng kakaibang pakiramdam na tila peke ang lahat at ang taong tumitingin ay nalilinlang

Nabilang ni Zhao Feng kung ilan at ano ano ang mga kulay ng mga isda dahil sa kanyang kaliwang mata. Ang kanyang kaliwang mata ay ipinanganak nang may kapangyarihang makakita mula sa mga ilusyon nito at dahil sa kanyang katiyakan, naabot ni Zhao Feng ang ikapitong senaryo. Pero hindi porket alam niya kung ilan ang mga larawan o senaryo ay alam niya na kung bakit ito nagbabago, nangangahulugan lamang na hindi siya nalilinlang nito.

"Pagbabago, peke, katotohanan, ilusyon..."

Mukhang may nakuhang kabatiran si Zhao Feng mula sa Illusion Fish Picture at naunawaan niya na rin nang buo ang unang dalawang senaryo nang gabing iyon.

Napagtanto niya na ang Illusion Fish Picture ay maaaring magamit sa martial arts at kaya nitong pabaguhin ganoon din ang kanyang mga kilos, kung kaya maaaring maramdaman ng kanyang kalaban na lahat ng kanyang mga atake ay ilusyon lamang.

"Nakakasindak!"

Sinubukan ito ni Zhao Feng at naramdaman niya na ang kanyang Star Finger at Smoking Transparent Step ay parang may buhay na at hindi na gaya ng dati na parang mga nakapirmi lamang sa isang tabi.

Ang kanyang Star Finger at Smoking Transparent Step ay parehong puno ng liksi at lagpasa na rin ito sa peak level at naabot na ang pinakamataas na antas o max level.

Ang pinakamataas na antas o max level ay nangangahulugang ang skill na iyon ay lagpas na sa orihinal nitong estruktura at hindi na ito gaya ng dati, naging isang bagong skill na ito.

....

Nang magising si Zhao Feng sa sumunod na umaga, agad siyang nagtungo sa Clan Mission Division.

Ang Clan Mission Division ay isang komplikadong lugar na namamahala sa mga kahanayan o arrays at iilang mga bagay.

Sa Clan Mission Division, nakakita ng pamilyar na tao si Zhao Feng, si Xiao Sun, na nagmula sa pinakamalaking pamilya na kaagapay ng Cloud Country.

Nang pumasok si Xiao Sun sa Clan, nasa ikasiyam na antas na talaga siya ng Consolidated Realm, at kalahating buwan ang nakalilipas, ngayon ay nasa half-step Ascended Realm na siya.

Nauunawaan naman ni Zhao Feng na si Xiao Sun ay nagmula sa pinakamalaking pamilya sa seklusyon, kaya may koneksyon rin siya sa Clan at ang talento rin naman niya ay napakahusay at hindi maipagkakaila.

"Mukhang masaya naman ang buhay ng Zhao namin ah, ang makasama si Prinsesa Yun Mengxiang at Vice Head Guan. Pinagseselos mo ako!"

Si Xiao Sun ang nagsimula ng usapan pero ang tono niya ay maasim.

Nakita agad ni Zhao Feng ang inggit at pagkamuhi sa mga mata ng kausap. Noong kakapasok pa lang nila sa Clan, medyo malapit talaga ang loob ni Xiao Sun kay Yun Mengxiang.

Isang magandang pares sila. Ang isa ay mula sa pinakamalaking pamilya sa seklusyon at ang isa naman ay Prinsesa. Pero nang lumipas ang panahon, lalong lumakas si Zhao Feng at naging isang substitute inner disciple, kahit si Tandang Guan ay binibigyan siya ng higit na importansya.

sBukod pa roon, nagsisimula na rin siyang lapitan ni Yun Mengxiang at higit pa silang naging malapit kaysa sa pagkakaibigan na mayroon si Xiao Sun at ang prinsesa.

"Kahit gaano pa kaayos ang pamumuhay ko rito, hindi ito magiging kasing ganda ng sa aming Xiao Sun, na magiging inner disciple na sa nalalapit na pagkakataon." Sinabi ito ni Zhao Feng nang may pagpapakumbaba at ang pangalawang parte ng kanyang pangungusap ay tila nagtatanong.

Mukhang ang mga salitang binitawan niya ay nakapagpakislot sa damdamin ni Xiao Sun kung kaya hindi nito mapigilang magmayabang.

"Haha, salamat sa iyong mga mabuting intensyon. Pero bago ako maging isang inner disciple, gustko ko ring makilala ang mga substitute inner disciples. Ikaw bilang nasa ikalabing-tatlong puwesto ay nais ko sanang makapalitan ng mga atake." Bahagyang tumawa si Xiao Sun saka umalis.

Hamunin ako?

Umiling na lamang si Zhao Feng at hindi ito isinapuso, kahit alam niya na si Xiao Sun ay naging isang substitute inner disciple ilang araw ang nakalilipas at ikalabing-anim sa puwesto.

Pagkatapos maabot ang ikasiyam na antas ng Consolidated Realm at ikasiyam na antas ng Silver Wall Technique, dumoble ang lakas ni Zhao Feng at sa tulong ng Illusion Fish Picture, ibang iba na si Zhao Feng kumpara sa siya sampung araw ang nakararaan.

.....

Pagkatapos pasukin ang importanteng lupain ng Clan Division Mission, muling nakita ni Zhao Feng si Tandang Zhang.

"Binabati ng batang si Zhao ang Vice Head." Hindi kailanman sinubukan ni Zhao Feng na bastusin ito.

Parehong si Tandang Guan at Tandang Zhang ay mas mataas ang otoridad sa kanya.

Nakasuot ng puti si Vice Head Zhang habang nakangiti kay Zhao Feng.

"May iilang mga libro rito. 'Beginner Array', 'The 49 Arrays for Beginners', '12 Ways of Constructing Arrays'...

Ikinumpas ni Tandang Zhang ang kanyang mga kamay at pito hanggang walong libro ang biglang nagpakita sa harap ni Zhao Feng.

Nang matanggap ni Zhao Feng ang mga libro, ngumiti si Tandang Zhang: "Pwede mo na silang kabisaduhin ngayon rin."

Napatigil si Zhao Feng, ngayon agad?

Pero hindi siya madadaig nito, kasingtagal ng oras para pakuluan ang tsaa, ganoon lang rin ang tinagal niya para kabisaduhin ang lahat ng nilalaman ng mga librong ito.

"Nakakabisado mo ang lahat ng iyong nakikita, hindi na nakapagtataka!"

Hindi na nagulat si Tandang Zhang.

Paano niya nalamang kaya kong kabisaduhin ang lahat ng aking nakikita? Sinabi kaya iyon sa kanya ni Tandang Guan.

Mula sa mga matang nagtatanong ni Zhao Feng, tumawa si Tandang Zhang: "Alam ko na talaga na kaya mong kabisaduhin ang lahat ng iyong nakikita noong una pa lang. Ang mga pagbabago ng Illusion Fish Picture ay napakakomplikado at habang ang mga isda nito ay nagpapalit ng kulay, kailangang napakagaling ng memorya ng isang tao o kung hindi, hindi nila masasagot ang tanong."

Nang marinig ito, hindi mapigilan ni Zhao Feng na mapabuntong hininga sa paghanga.

"Hindi naman talaga iyan kakaiba, hindi lang naman ikaw ang kayang magkabisado ng lahat ng kanyang nakikita." Wika ni Vice Head Zhang.

"Ibig saibhin ikaw rin ay….?"

Bahagyang napatigil si Zhao Feng at nagulat.

"Tama ka, mayroon rin ako ng ganyang talento. Kapag nagbabasa, kailangan ko lamang tignan ang mga nilalaman ng dalawa o tatlong beses para makabisado ito. Pero kumpara sa iyong talento, masyado itong malayo."

Mukhang nagmamayabang si Tandang Zhang noong simula, pero nagsimula siyang umiling sa kapaitan na nadarama mamaya-maya.

Maraming mga henyo na kayang kabisaduhin ang lahat ng kanilang nakikita, pero wala ni kahit sino ang makapapantay kay Zhao Feng.

Sa parehong araw na iyon, sinabihan ni Vice Head Zhang si Zhao Feng tungkol sa mga basic theory at direksyon ng mga arrays o kahanayan.

Inisip ni Zhao Feng na mas komplikado pa pala ang arrays kaysa sa pill refining.

Bago siya umalis, nginitian muna siya ni Tandang Zhang: "Kung mauunawaan mo ang lahat ng pitong libro na binigay ko sa'yo kanina, hahayaan kitang gamitin ang Energy Gathering Array sa Thousand Leaf Pond. Maganda ang epekto nito lalo na kung nagpapalakas ka ng katawan…"