Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 121 - Ninth Level ng Silver Wall Technique

Chapter 121 - Ninth Level ng Silver Wall Technique

Dahil sa pagbabago sa kaliwang mata ni Zhao Feng, ang epekto ng paggamit ng Marrow Cleansing Pill ay mas mabuti pa kaysa sa inaasahan.

Kapag kumain ang isang tao ng isang Marrow Cleansing Pill, kadalasan sila ay maglalabas ng isang patong ng malagkit na likido, ngunit si Zhao Feng ay naglabas ng tatlo!

Sigurado si Zhao Feng na ang misteryosong kaliwang mata ay mayroong kaparehas na epekto gaya ng sa Marrow Cleansing Pill at kaya nitong palakasin ang kaniyang attributes. Ngunit ito ay nangyari rin paglipas ng oras.

Sa pagkakataong ito, hindi lamang sumanib ang epekto ng kaliwang mata sa Marrow Cleansing Pill, napalakasin din nito ang kaniyang katawan ng mas lalo pa sa nagawa ng pill mag-isa.

Ang unang patong na nailabas ay ang pinakamabaho at ang iba pang dalawa ay naging matamlay.

Nang mailabas ang ikalawang patong, naramdaman ni Zhao Feng na ang kaniyang Silver Wall Technique ay nakaabot sa hangganan ng 8th level at isang hakbang na lamang mula sa 9th.

Gamit ang pagkakataong ito, tuluyang ipinadaloy ni Zhao Feng ang Silver Wall Technique sa abot ng kaniyang makakaya. Ang kaniyang Silver Wall Technique ay sa wakas nakatungtong nasa 9th level nang mailabas ang 3rd layer. Lubhang nagalak si Zhao Feng, nakaabot na siya 9th level mas mabilis kumpara sa inaasahan.

Ito ay isang Clan, ang resources na mayroon ito ay malayong nakalagpas sa mortal na mundo. Ang pill na simpleng ibinigay ng Vice Head ay lubha siyang nabago.

Kung mataas ang naabot ng katawan sa body strengthening, mas mahirap lalo itong magprogreso. Pagtapos makarating sa 8th level, ang Silver Wall Technique ay mas lalong mahirap palakasin kumpara sa ibang Mortal skills.

Ito rin ang dahilan kung bakit hindi maraming outer disciples ang nakatuon sa body strengthening.

"Ang nag-iisa sa mga outer disciples na may katawan na maaaring maikumpara sa akin ay si Hou Yuan." Isang ngiti ang lumitaw sa mga labi ni Zhao Feng habang tumaas ang kaniyang lakas ng loob.

Sa iisang oras, siya ay lubos na umaasa sa huling dalawang lebel ng Silver Wall Technique.

Mayroong kabuuan ng 11 levels sa Silver Wall Technique at kapag nakarating ka ng 10th level, ibig sabihin nito na ang katawan mo mismo ay nakarating nasa Ascended Realm.

Ang 11th level: Body of perfection - mahirap masira.

Si Zhao Feng ay nasa 9th rank at kaya niya nang talunin ang mga nasa 9th rank ng Consolidated Real gamit lamang ang kaniyang katawan.

Mula sa dugo sa buto sa ugat at hanggang sa mga laman-loob, ang katawan ni Zhao Feng ay lubhang mas malakas kumpara sa mga kaparehas niya ng rank.

Ipinikit ni Zhao Feng ang kaniyang mga mata ang sa loob ng dimensyon ng kaniyang kaliwang mata, ang asul na liwanag ay umabot na ng 8 foot 8. Ang Marrow Cleansing Pill ay nakatulong upang makapasok siya sa mga huling yugto ng 8th rank ng Consolidated Realm.

Hu!

Marahang naglabas ng mahabang paghinga si Zhao Feng at tumayo pagtapos ng dalawang oras ng pag-upo.

Ang araw sa labas ay umangat na.

Tumayo si Zhao Feng at naglakad patungo sa Grass-Wood Division. Sa daan, nagpunta siya sa lugar na pinagtatrabahuan nina Nan Gongfan at Yang Qingshan. Nagsasalin ng tubig si Yang Qingshan, isang trabahong mas madali kaysa noon.

"Brother Zhao, pagtapos mong buuhin ang iyong lakas, ang mga outer disciples na ito ay mas lalong naging mapanatili." Ngumiti si Yang Qingshan.

Kahit na maraming ginawang trabaho si Yang Qingshan, walang sino man ang umapi sa kaniya.

Tumango si Zhao Feng at nagpunta patungo sa paroroonan ni Nan Gongfan.

"Nandito siya…"

Sininok si Chen Feng nang makita niyang lumitaw si Zhao Feng. Simula nang matalo ni Zhao Feng si Ji Fengyun at naging isang substitue inner disciple, napuno na ng takot si Chen Feng.

Sinadyang lumakad papunta ni Zhao Feng at makipag-usap ng saglit kasama si Nan Gongfan.

"Salamat kay Brother Zhao, kahit na mahirap ang trabaho ko, walang naglalakas-loob manggulo."

Punong-puno ng pasasalamat si Nan Gongfan at tinapik niya ang balikat ni Zhao Feng.

Pagtapos makita ang kaniyang dalawang brothers, napahinga si Zhao Feng.

Hindi nagtagal, nakarating na siya sa Grass-Wood Division at nakita si Vice Head Guan.

"Kumusta ang pakiramdam kahapon?" Tumawa ang matandang lalaking si Guan.

Head Guan, the effect of the Marrow Cleansing Pill was great."

Huminto si Zhao Feng, at biglang sumagot: "Salamat kay Vice Head Guan, ang epekto ng Marrow Cleansing Pill ay napakagaling."

Puno siya ng pasasalamat. Ang presyo ng Marrow Cleansing Pill ay masiyadong mataas, at para sa mga nasa baba ng Ascended Realm, ang pill na ito ay lumilitaw lamang sa kanilang panaginip.

"Anong Marrow Cleansing Pill!? Tinatanong kita kung anong pakiramdam ang manghamon sa isang substitute inner disciple!"

Binigyan siya ng matandang lalaking si Guan ng puting mata. Bilang isa sa pinakamagagaling na pill masters sa Clan, ang isang Marrow Cleansing Pill ay hindi masiyadong mahalaga sa kaniya.

Ehh?

Mabilis na naintindihan ni Zhao Feng na hindi alam ni Vice Head Guan na siya ay nanalo.

"Ang lakas ng substitue inner disciples ay mas malakas sa inaasahan... kung ako ay bahagyang naging basta-basta, matatalo sana ako…" Bumuntong hininga si Zhao Feng.

"Ennnn… Tama 'yan…"

Nagpatuloy sa pagtango ang matandang lalaking si Guan, ngunit ang kaniyang ekspresyon ay biglang nagbago pagtapos marinig ang huling parte: "Sandali! Sinasabi mo ba na… Hindi ka natalo!!!?"

"Si Princess Yun Mengxiang at ang ipa bang outer disciples ay kayang sabihin sa'yo na totoo ito."

Nagbigay ng matamlay na ngiti si Zhao Feng. Kahit hindi alam ni Yun Mengxiang ang katotohanan, hindi siya naglakas-loob na ipasa ang balitang ito sa matandang lalaking si Guan dahil ang pangalawang nabanggit ay nais matalo si Zhao Feng, upang magtuon pansin lamang siya sa paggawa ng pill.

Gaya ng inaasahan, ang matandang lalaking si Guan ay hindi naniwala dito at ipinatawag si Yun Mengxiang.

Sa ilalim ng nakamamatay na mga mata ng Vice Heads, naibulong lamang ni Yun Mengxiang: "Natalo nga talagani Brother Zhao Feng si Ji Fengyun… tapatan ang laban…"

Tapatang laban?

Gumaan ang pakiramdam ng puso ng matandang lalaking si Guan, ngunit siya pa rin ay nanatiling gulat. Alam niya kung gaano katindi ang lakas na mayroon ang bawat substitute inner disciple, lahat sa kanila ay nasa half-step Ascended Realm.

"Anong rank naipuwesto ang substitute inner disciple?" Simpleng tanong ni Vice Head Guan.

"13th." Maingat na sinabi ni Yun Mengxiang.

Takot siya na madala sa galit ng matandang lalaking si Guan.

"Ano!? 13th!?"

Halos nalaglag ang panga ng matandang lalaking si Guan habang tumitingin siya kay Zhao Feng na tila ba'y nakatingin siya isang halimaw. Kung natalo ni Zhao Feng ang 20th ranked na outer disciple, maaaring sabihin na siya ay sinuwerte lamang, ngunit ang kalaban ni Zhao Feng ay 13th!!!

Sa pagkakaalam ng katotohanan, lubhang nagagalak ang matandang lalaking si Guan ngunit malungkot din sa iisang oras.

Napagdesisyunan ng matandang lalaking si Guan na hindi na muling banggitin ito.

Sunod ay binigyan niya na ng ilang mga tungkulin si Zhao Feng, ngayong pagkakataon binigyan niya si Zhao Feng ng ilang mga libro para sa pill making. Ang mga librong ito ay lahat foundation pill making knowledge, ngunit sila ay mas malalim kaysa sa Beginners Guide para sa Pill Making. Ang bawat isa sa kanila ay kasing hirap intindihin gaya ng Pill Flame Heart Manual.

Bukod pa rito, binigyan din ng matandang lalaking si Guan si Zhao Feng ng permiso upang panoorin siyang magpino ng mga pills. Ilan sa mga pill masters ay mayroong sari-sariling estratehiya at bukod sa kanilang mga disciples o personal na katulong, walang maaaring manood lalo na dahil ang matandang lalaking si Guan ay isa sa pinakamagagaling na pill masters sa Clan.

Ang paggawa nito ay nagkakahulugan lamang na si Zhao Feng ay mayroong katulad na pagtrato katulad sa mga disciples ng matandang lalaking si Guan. Upang ipakita ang kaniyang respeto at mabuting loob, hinayaan din ni Yun Yao si Zhao Feng upang makita kung paano siya magpino ng pills.

"Maganda 'yan, mayroon akong ilang importanteng mga pills na kailangang pinuhin ngayon…"

Tumango si Vice Head Guan at nagkakahulugan lamang ito na mayroon siyang utang na loob kay Yun Yao.

Dahil dito, naglakad si Zhao Feng sa daan patungo sa pill making.

Para sa mga sumunod na araw, ang kailangan lamang niyang gawin ay panoorin ang proseso. Ang mga pills na ginawa ni Yun Yao ay mas simple dahil ang kaniyang skills ay hindi kasinggaling ng katulad ng sa matandang lalaking si Guan at kailangan niya pang turuan si Princess Yun Mengxiang.

Maganda rin ito para kay Zhao Feng, nagawa niyang makasama si Yun Mengxiang araw-araw at matuto ng ilang payo at estratehiya sa pill making.

Ipinapaliwanag din ni Yun Yao kung ano ang ginagawa niya minsan at habang sila ay natututo, nagtatanong si Yun Mengxiang ng maraming tanong samantalang si Zhao Feng ay nanatili lamang tahimik sa malaking bahagi ng oras. 

Si Yun Yao ay patago ring binabantayan si Zhao Feng at napagtanto niya na ang pangalawang nabanggit ay lubhang nakatuon ng pansin nang buksan niya ang apoy at ilagay ang mga halaman.

Kahit na hindi nagtanong ng maraming tanong si Zhao Feng, ang mga bagay na itinanong niya ay lahat mahalaga.

Tuwing umaga, pinapanood ni Zhao Feng si Yun Yao magpino ng pills at siya ay paminsan-minsan manonood din sa matandang lalaking si Guan. Ang teknik ng pangalawa ay mas komplikado at ito ay malabo sa mga mata ng manonood.

Mas nagustuhan ni Zhao Feng ang panonood kay Yun Yao na magpino ng pills dahil ang kaniyang estilo ay mas simple at madaling matutunan - iyon ay para sa kaniya siyempre.

Nag-aaral si Zhao Feng ng pill making tuwing umaga at magcultivate sa gabi. Pagtapos tumambay sa pill refining room ng matagal na panahon, makakakuha pa siya ng isa o dalawang low class Spiritual Pills kung siya ay suwerte at ito ay lubhang malaking tulong para sa mga nasa Consolidated Realm.

4-5 na araw na nakalipas, nagsimulang nang subukan ni Yun Yao ang progreso nina Yun Mengxiang at Zhao Feng.

Yun Mengxiang could answer the majority of the questions, while Zhao Feng could answer them all.

Kayang sagutin ni Yun Mengxiang ang karamihan sa mga tanong, samantalang si Zhao Feng ay kayang sagutin ito lahat.

Bumuntong hininga si Yun Yao sa loob ng kaniyang puso at kinailangan niyang aminin na si Zhao Feng ay mayroong mas mataas na talento kumpara kay Yun Mengxiang kung pill making ang pag-uusapan. Habang nagsimulang matuto si Yun Mengxiang ng pill making ng mas matagal kumpara kay Zhao Feng, hindi siya kasingdalubhasa ni Zhao Feng.

Siyempre, hindi ibig sabihin nito na ang kaniyang talento ay masama. Sa totoo lang, ang talento ni Yun Mengxiang sa pill making ay mas mataas kumpara sa karamihang mga pill masters na nakita ni Yun Yao at siya ay labis na nagsisikap.

"Auntie! Kayang kabisaduhin ni Zhao Feng ang lahat ng kaniyang nakita, kaya paano ako magiging mas magaling sa kaniya kung pag-uusapan ay talino? Maaaring hindi siya maging mas magaling sa akin kung pill refining ang pag-uusapan." Hindi pa rin matanggap ni Yun Mengxiang ang pagkatalo.

Sa pagrinig dito naramdaman ni Yun Yao na ito ay lohikal. Maaari ngang kayang kabisaduhin ni Zhao Feng ang lahat ng kaniyang nakita, kaya hindi siya matatalo ni Yun Mengxiang kung ang pag-uusapan ay talino, kahit pa si Yun Yao ay hindi rin kaya.

Sa pangalawang araw, sa loob ng pill refining room.

"Ngayon, gusto ko kayong dalawa ay gumawa ng isang batch ng pills. Hindi ako magbibigay ng kahit anong direksyon o kahit anong tulong." Sinabi ni Yun Yao sa dalawa.

"Ang pill na pipinuhin niyo ang ang 'Blood Pill', maaaring ito ay bihira sa mortal na mundo, ngunit dito ito ay isang super low tier pill lamang, kaya maaari niyong subukang gawin ito."

Sa pagkarinig na sila ay totoong magpipino ng pills, bahagyang natuwa si Zhao Feng.

Ang 'Blood Pills' ay ang mismong ipinamigay ng sect ng Zhao bilang premyo noon. Ang pill na ito ay maaaring magtaas ng cultivation, ngunit ito ay walang epekto sa mga 7th rank ng Consolidated Realm o mas mataas pa.

Sa Clan, ang pills na ito ay basura, ang tanging gamit lamang nila ay upang maging pamilyar ang mga disciples sa paggawa ng mga pills na ito.

Hindi mapigilan ni Zhao Feng ang pagbuntong hininga dahil ang sinisimulan ng dalawang mundo ay lubhang magkaiba.

Sa loob ng pill refining room.

Nilabas ni Yun Yao ang lahat ng resources at inilatag sila sa baba upang makita kung gaano kagaling ang mga 'pill learners' na ito.

"Sister Yun maaari kang mauna." Winagayway ni Zhao Feng ang kaniyang mga kamay.

Nagsimula ng ayusin ni Yun Mengxiang ang mga materyales at simulan ang apoy. Ang pinakaimportante sa pagpino ng pills ay ang 'pagkontrol sa apoy', ang lakas ng apoy ay direktang nakakaapekto sa pagpipino ng pill.

Huuuuu!

Sa proseso ng pagkontrol ng apoy, ang apoy ay biglang namatay at ang pill furnace ay bahagyang yumanig.

"Ah!"

Sumigaw si Yun Mengxiang at siya ay susubukan na sanang iligtas ito, ngunit isang asul na usok ang lumitaw at nagbigay ng kakaibang amoy.

Umamoy ito na tila ba may umutot…

Hindi mapigilan ni Zhao Feng ang kaniyang sarili kundi tumawa.

Namula ang mukha ni Yun Mengxiang sa kahihiyan: "Ano ang tinatawanan mo diyan!? Kung mayroon kang skills, edi ikaw ang gumawa ng batch!"