Tumalon ang puso ng mga nanonood.
Walang maka-iisip na ang kabataan na nasa ikawalong antas pa lamang ng Consolidated Realm ay mayroong ganoong klaseng bilis at mahusay na mga galaw.
Ang Smoking Transparent Step ay half Mortal skill, ngunit nagawa na ito Zhao Feng sa peak level. Ito ay bihira lamang maging sa Clan na magsanay ng half Mortal skill sa peak level.
At saka, ito ay pinagsama niya pa sa Flowing Wind Stance, na nagpalakas ng baitang nito sa kalahating antas.
Maging si Ji Fengyun ay natakot kay Zhao Feng.
Star Finger!
Naglabas ng liwanag sa isang pitik ang kamay ni Zhao Feng, na bumalot kay Ji Fengyun.
"Windmill Destruction!"
Sigaw ni Ji Fengyun nang bumalot ang asul na liwanag sa kanyang katawan gaya ng windmill, at ito ay lumitaw sa labas at bumuo ng tornado sa palibot ng kanyang katawan.
Boom!
Isang malalim na kalabog ang tumunog kasabay nang pag-alon ng alikabok sa hangin. Pinigil ng mga nanonood ang kanilang paghinga habang nakatuon ang atensyon sa entablado.
Sa ilalim ng mga alikabok na ito, ang pigura ng kabataan ay naka estatwa pa rin gaya ng Mount Tai na para bang ito ay 'di gumagalaw.
Ya----
Ang kabataan ay tumulak nang sampung talampakan sa hangin bago ito lumiko sa bilog at lumapag sa sahig.
"Kasindak-sindak na inner strength!"
Pagka bigla ang lumitaw sa mga mata ni Zhao Feng sa kanyang paglapag sa sahig. Kahit na hindi niya ginamit ang kanyang buong lakas, ang pinakita ni Ji Fengyun ay hindi niya inaasahan.
Ang inner strength ng half-step Ascended Realm ay mas malakas pa sa ikasiyam na antas, may malaking bilang ang kanyang inner strength at ito ay napaikli niya.
Si Zhao Feng ay nasa ikawalong antas pa lamang ng Consolidated Realm. Kung hindi dahil sa naka abot na sa ikawalong lebel ang kanyang Silver Technique at ang kanyang katawan ay mas lumakas, ang pangyayaring iyon ay maaring napinsala siya.
Sa entablado.
Tumayo si Ji Fenghyun sa parehong lugar habang siya ay malamig n humagikgik: "Zhao, mas malakas ka sa inisip ko nang kaunti. Ngunit kung ito na ang buong lakas mo, wala kang karapatang pulutin man lang ang sapatos ko!"
Bumilis ang paghinga ni Zhai Feng kasabay nang pagsulyap niya.
Hu~
Bumuntong-hininga ang mga outer disciples, ngunit nanatili sa kanilang mga mukha ang pagka gulat. Ang palitan ay sobrang bilis.
Ang bilis ni Zhao Feng ay lumagpas na inaasahan ng lahat at ito ay umabot sa half-step Ascended Realm.
Pagkagulat ang makikita sa mukha nina Xiao Sun at Yung Mengxiang. Marahil, marahil lamang, may ilang mga panlilinlang si Zhao Feng upang magbigay nang kumpyansa na manalo.
Sa paghinga ng mga nanonood, nagbago muli ang sitwasyon.
Chaotic Wind Figure! Windmill Cloud!
Isang malakas at mapinsalang inner strength ang lumabas at bumuo ng windmill, at ito ay sumalakay kay Zhao Feng na parang dragon.
Sa mga oras na iyon, walang nakakita kung nasaan si Ji Fengyun. Pinagsama niya ang Mortal skill Chaotic Figure sa kanyang Windmill Change. Ang dalawang Low Class Mortal Skill ay bumagay sa isa't-isa at ang lakas at bilis ay umabot sa tuktok ng Consolidated Realm.
"Perpektong pagsasama ng atake at bilis, mukhang may karapatan si Ji Fenghyun na magyabang!" Sigaw n isang outer disciple.
Sa ilalim nang atakeng iyon, naramdaman ni Zhao Feng na siya ay isang dahon sa hangin na dinadala sa kung saan.
Silver Wall Standstill!!
Ang pigura ay nagliwanag nang kulay pilak tulad nang pagka dikit ng isang pader sa lupa. Ang unang opensa ay hindi kinayang talunin si Zhao Feng, ngunit ang sumunod na depensa ay higit na mas malakas sa inaasahan.
Ang Silver Wall Technique ay isa sa pinaka malakas na Low Class Mortal Skill at ang Returning Breath Technique ni Zhao Feng ay mas lumakas kaysa sa mga kagaya niya ng antas at ito ay may kakayahang mag alis sa inner strength ng iba.
Hindi kayang hindi pansinin ang pagkakaiba ng cultivation.
Kung lahat nang ginawa ni Zhao Feng ay dumepensa, hindi mag tatagal at mapipinsala rin siya ni Ji Fengyun.
Windmill Cloud!
Ang atake ni Ji Fengyun nagpaatras palikod kay Zhao Feng.
Silver Air Barrier!
Isang kulay pilak na liwanag ang lumitaw sa katawan ni Zhao Feng at naglabas siya ng isang malakas na aura.
Isang malakas na 'bang' ang narinig habang ang silver barrier ay nagpaalon-alon at nawalan ng tibay, ngunit nagawa pa rin nitong harangan ang Windmill Coud ni Ji Fenghyun.
Naunang umatake si Ji Fengyun ngunit hindi niya naman inaasahan na matatalo si Zhao Feng.
Flowing Wind Stance! Tornado Stance! One Line Star Finger!
Agad na gumanti si Zhao Feng gamit ang Flowing Wind Stance at Tornado Stance nang sabay.
Ginamit ni Flowing Wind Stance dahil mapapa taas nito ang bilis ng atake at masasabayan ang bilis ni Ji Fengyun.
Ang Tornado Stance naiintindihan lamang nang 70-80%, nadagdagan pa nang 20% noong nakaraan. Ngunit hindi pa ito ang pinaka nakakatakot na bagay. Ito ang One Line Star Finger.
Umabot nsa sa ikapitong lebel ang Star Finger ni Zhao Feng, at ito ang pinaka mataas.
Ang daliri ay tila isang bulalakaw matapos isama sa Tornado Stance.
Boooom!
Ang daliri ni Zhao Feng ay dumiretso sa defensive barrier ni Ji Fengyun at sa huli ay nawala ang kontrol niya at napaurong.
Ito ang unang beses na pwersahang nagpa atras kay Zhao Feng.
"Pwersahanang napaatras si Ji Fengyun!"
Ang pagbabago ay gumulat sa mga outer disciples.
Habang umuurong, pinilit ni Ji Fengyun na buuin muli ang kanyang inner strength, sinusubukang gumanti. Ngunit ito ay nagpabagal lamang sa kanya at nakita ang ilang mga lamat.
Ang matalim na mata ni Zhao Feng ay nakita ito agad at ginamit ang Star Finger.
Sa mga oras na ito, ang Star Finger ay mas lalo pang bumilis at lumaki ang pinsala.
Ang Star Finger ay nasa peak tier martial art na ang lakas ay maikukumpara sa half Low Class Mortal skills at kapag sinanay sa ikapitong antas, madali nitong matatalo ang mga nasa ikasiyam na antas.
Kahit ito ay nangyari sa mortal world at hindi sa Clan, ito ay pinakita pa rin ang kapangyrihan ng skill na ito. Sinama pa ni Zhao Feng ang Tornado Stance sa Star Finger, na nagresulta ng pinsala sa bagong lebel.
Tornado Stance! Star Finger!
Patuloy na umaatake si Zhao Feng habang may pagkakataon pa siya dahil sa mga pinsala ni Ji Fengyun. Kasabay nito, pinagsama ni Zhao Feng ang Tornado Stance at Star Finger na nagpalakas pa lalo sa mga atake niya.
"Inipon lamang nang batang ito ang lakas niya kanina…"
Gulat at galit si Ji Fengyun. Hindi lamang dahil sa nakaganti ito, lalo na siyang natatalo.
Napaatras na siya ni Zhao Feng, ngunit hindi niya gustong sumuko, kaya't sinubukan niyang baliktarin ang sitwasyon gamit ang kanyang kalamangan sa cultivation. Ngunit ang resulta ay lumakas lamang lalo ang mga atake ni Zhao Feng at nakita ang mga pinsalang nagawa niya.
Deng! Deng! Deng…
Sa entablado, ang may pinsalang katawan nj Ji Fengyun patuloy na umaatras.
Ang senaryong ito ay nagpatulala sa gulat sa mga outer disciple.
"Anong nangyayari!? Matatalona si Ji Fengyun!"
Ang mga tingin nila ay napunta kay Ji Fengyun, na natatalo na.
Hindi lamang ang mga outer disciple ang nagulat, maging sa mga mata ni Deacon Qiu ay makikita ang pagka gulat. Ang mga bagong disipulo gaya nila Xiao Sun, Yun Mengxiang at Liu Yue'er ay na estatwa.
Ang pagiging ikalabingtatlong antas ay nangangahulugan na ang makapatay na atake ni Ji Fengyun ay hindi simple upang mapaatras nang nasa ikawalong antas ng Consolidated Realm.
Windmill Explosion!
Isang makapangyarihang inner strength ang dumaloy mula kay Ji Fengyun, nagngangalit itong lumabas at sumabog.
Boooom… !
Isang malakas na pagsabog ang narinig kasabay nang pagbalot ng hangin sa lahat sa 10-20 meter radius.
Isang malaking butas ang naiwan sa itim na bato, na higit n mas malakas sa mga normal na bakal.
Ang dalawang pigura ay malakas na napaghiwalay ng atakeng iyon.
Bumaligtad si Zhao Feng sa hangin at lumapag sa lupain nang hinihingal.
Teng!
Sa kalayuan, si Ji Fengyun ay nasa lupain din habang bahagyang hinihingal, may ilang mga butas ang makikita sa kanyang damit.
"Kasindak-sindak ang lakas ng batang ito!"
"Mukhang hindi nakamtam ni Ji Fengyun ang upper hand."
Nagdiskusyon ang mga nanonood.
Sandali!
Isang half-step Ascended Realm disciple ang nagsalita: "Kahit na ang bilis at opensa ni Zhao Feng ay malakas, paano siyang hindi man lamang nasaktan? Iyon ay posible lamang kung…"
Ang taong nagsasalita ay ang substitute inner disciple na hinamon din noon, si 'Xia Yundong'.
Dahil sa kanyang sinabi, napagtanto rin ito ng karamihan.
"Maliban na lamang kung… ang body strengthening ni Zhao Feng ay umabot na sa level kung saan kaya na nitong labanan ang mga nasa ikasiyam na antas…"
Si Wang Yang na humamon kay Xia Yundong ay nagsalita.
"Tama iyon! Naka pokus siya sa body strengthening at umabot na siya sa lebel na kapareho ni Hou Yuan. Ito ay nagbibigay sa kanya nang kakayahan na lumaban sa mga half-step Ascended Realm nang hindi nasasaktan…" May kumpyansyang saad ni Xia Yundong.
Ang dalawang half Ascended Realm cultivators ay nadiskubre ang isa sa mga tinatagong alas ni Zhao Feng.
Habang mas pino-progreso ng isang tao ang ang kanyang body strengthening, mas mahirap silang talunin. Sobrang bihira lamang na sanayin ang Mortal body strengthening technique sa lebel na kaya nitong lumaban sa mga nasa ikasiyam na antas.
Sa pinaka mataas na 20 na outer disciples, tatlo lamang ang ang mayroon nito. Sa tatlong ito, ang katawan ni Hou Yuan ang pinaka malakas. Sa kanya lamang kalamnan, matatalo niya ang nasa ikasiyam na antas at i-counter peak ang ikasiyam na antas.
"Dito na ito nagtatapos! Ginamit ko lamang ang 70% ng aking lakas. Sa susunod, haharapin mo ang aking paghihiganti!"
Isang malamig na liwanag ang kumislap sa mga mata ni Ji Fengyun kasabay nang paglabas nang makapangyarihang aura, na nagdahilan upang sumipol ang hangin. Ang aurang iyon ay sobrang lapit na sa Ascended Realm!
Naging seryoso ang mukha ni Zhao Feng. Alam ng lahat na sobrang seryoso ni Ji Fengyun ngayon.
"Windmill Water Divisible Palm!"
Isang malapot na kulay asul na liwanag ang lumitaw sa palad ni Ji Fengyun at kumalat nang mabilis. Noong umulos ang kanyang palad maging ang hangin ay nagsimulang umulos.
Ang palad na iyon ay mukhang maka paghahati ng ilog at maka pagbabaligtad sa ulap.
"Diyos ko! Natutunan niya ang ganoong atake! Ang 'Windmill Manual' ay kailangan na maging sobrang lapit sa ikasampung lebel ang isang tao upang makontrol ang galaw na ito!" Kapansin-pansin ang pagbabago ng ekspresyon ni Xiao Yundong.