Si Princess Yun Mengxiang at Zhao Feng ay sabay na naglakad. Sa daan, tumatawa si Princess Yun Mengxiang at kapansin-pansing nagbago ang kaniyang ugali.
Nagbigay ng kakaibang tingin si Zhao Feng sa Prinsesa.
Simula nang pumasok sila sa Clan, ang Prinsesang ito ay napapasunod ang iba sa kaniyang kariktan, kagandahan, at pagkakakilanlan. Hindi niya tinitignan si Zhao Feng ng higit sa nararapat, ngunit iba na ang sitwasyon ngayon.
Ang nangyari ay nakapagpaalam kay Princess Yun Mengxiang na ang yoiuth sa kaniyang harapan ay maaaring ang henyong hindi niya dapat pakawalan. Tila nakikinita niya ang magiging tagumpay ng isang prodigy sa hinaharap, at magiging bagong bituin ng Pill world.
Sa pagiging Prinsesa ng Cloud Country, nalampasan ng kaniyang mga mata ang ibang mga puter disciple. Halatang alam niya ang ibig sabihin ng isang magaling na pill master sa Clan.
Kung ang isang Clan ay mayroong maraming talentadong pill makers at may sapat na resources, maraming pills na may mataas na kalidad ang magagawa, na mas makapagpapalakas sa Clan.
Kung makukuha niya itong pill making genius sa kaniyang harapan na magtrabaho para sa Hari, hindi niya maisip ang hinaharap.
Ang tanging problema ay ang pananatili ng normal na ugali ni Zhao Feng; wala siyang nararamdamang kahit ano para sa Prinsesa, ngunit ayaw niya ring masaktan ito. Ang Cloud Country ay kaniyang tahanan din.
Nagbuntong-hininga si Yun Mengxiang. Alam niyang ang kaniyang unang impresyon ay hindi maganda, ngunit hindi siya susuko basta basta, dahil ang isang magaling na pill maker ay napakahalaga sa Hari.
Di nagtagal, nakabalik na ang dalawa sa Outer Clan Hall. Maraming nakakaalam na ang bagong pasok na disipulong si Zhao Feng ay kakalabanin si Ji Fengyun ngayon, kaya itinigil nila ang kanilang trabaho at pumunta para manood.
Nang makita si Zhao Feng at Yun Mengxiang na sabay maglakad, ang mga disipulong naroon, lalo na ang mga bagong pasok lang, ay nagulat.
"Kailan pa naging malapit si Zhao Feng sa Prinsesa?
Nasanay na ang lahat sa malamig na pakikitungo ng Prinsesa, at bukod sa mga taong tulad ni Xiao Sun at Liu Yue'er, hindi na siya nakikipag-usap sa iba.
Di nagtagal ay dumating si Zhao Feng sa entablado kung saan magaganap ang labanan. Ang entabladong ito ay malapit kung saan ang mga substitute inner disciple ay nakatira. Ang mga substitute inner disciple ay may sariling patyo, at nakakatanggap sila ng mas magandang pakikitungo at resources.
Kapag naging substitute inner disciple ang isang tao, hindi na niya kailangang magtrabaho gaya ng ibang mga outer disciples.
Ang entablado ay gawa sa katangi-tanging purong itim na bato, at ilang beses itong mas matibay kaysa sa bakal. Kahit ang mga Martial Master ay mahihirapang sirain ito.
Sa tuwing ang isang inner disciple ay kinakalaban, ang lugar na ito ay napupuno ng mga tao. Nakakita si Zhao Feng ng mga pamilyar na anyo, tulad ni Xiao Sun, Liu Yue'er, Chen Feng…at dalawang anyo ang nagmamadaling pumunta, si Nan Gongfan at Yang Qingshan.
Ang hinamon, Ji Fengyun, ay dumating na rin. Ang mga labanang ganito ay hindi pinapansin ng Deacon o Vice Deacon, at ang taong hindi pumansin sa labanan ngayon ay si Deacon Qiu.
Ang mga bagong disipulo ay kilala siya bilang Deacon Qiu ang gumagabay sa lahat hanggang sa dulo ng pagsusulit, ngunit mukhang hindi isa lang ang kumakalaban sa isang substitute inner disciple.
"Ang unang laban, Wang Yang, laban sa substitute inner disciple na si Xia Yundong!" ang striktong boses ni Deacon Qiu ay umalingawngaw hanggang sa ilang milya at tumahimik ang mga tao.
Ceng! Ceng!
Dalawang anyo na may napakalakas na aura ang bumagsak sa entablado, kaharap ang isa't isa.
Ang isa ay si Xiao Yudong, antas ikalabindalawa, at ang isa ay ang humamon sa kaniya, Wang Yang.
Ang dalawa ay parehas na nakaabot na sa half-Ascended Realm, at ang kanilang mga aura ay mas malakas pa kaysa sa First Guard.
"Labanan ng half-Ascended Realms!" nayanig ang puso ni Zhao Feng. Si Nan Gongfan at Yang Qingshan ay parehong nakatutok sa laban.
Shua! Shua!
Dalawang anyo ang lumipad sa hangin, na lumikha ng pagsabog kahit saan nila naisin.
Ang enerhiya galing sa half-Ascended Realms ay magugutay ang mga nasa ikawalong antas ng Consolidated Realms sa mga piraso.
Ang martial arts na ginamit ng dalawa ay mga Low Class Mortal skills, katumbas ng Holy martial arts.
Sword Whistling through the Skies!
Ang substitute inner disciple, Xia Yudong, ay isinaksak ang kaniyang espada at ang mga bugso ng hangin ay naging mga patalim na pumaligid sa kalaban. Sa sandaling ito, ang matinis na tunog ng pagsipol ay umalingawngaw sa mga tainga ng mga manonood at ang mga nasa ikawalo at ikasiyam na antas ng Consolidated Realm ay nakaramdam ng hindi maganda.
"Ang ganoong kapangyarihan ay magagamit sa Consolidated Realm?"
"Ang pagkakaiba ng half-Ascended Realm at ikasiyam na antas ay napakalaki."
Nanginig ang puso ng a outer disciple nang tumingin sila sa substitute inner disciple nang may paggalang.
Sa mga outer disciple, ang top 20 ang mga pinakamagaling. Ang mga kumalaban sa mga substitute inner disciple ay nangailangang makaabot sa half-step Anscended Realm para magkaroon ng pagkakataong manalo. May mga nanalong nasa peak ninth rank. Ngunit sa nakaraang dalawang taon, ang tpp 20 ay halos nasa half-Ascended Realm.
May halatang pagkakaiba sa dalawang half-Ascended Realms na naglaban sa entablado.
Ang substitute inner disciple na si Xia Yundong ay palaging lamanag, at bawat galaw na kaniyang gawin ay nakakapilit sa kalabang sumuko. Matapos ang lampas sa apatnapung mga galaw, sa wakas ay natalo na si Wang Yang.
Kaunting mga tao ang nakatutok sa labang ito dahil ang resulta ay hindi nakakagulat, ngunit matapos panoorin ito, ang mga bagong outer disciple ay napagtanto na kung gaanong nakakasindak ang mga substitute inner disciple.
Ang mukha ni Xiao Sun ay namutla at nang maisip kung paano niya kakalabanin ang isang substitute inner disciple, bumuhos sa kaniyang mukha ang malamig na pawis. Kapag ang kakalabanin niya ay si Xia Yundong, matatalo siya sa samoung galaw lang; ni hindi nga siya tiyak kung kaya niyang talunin si Wan Yang.
"Sobrang lakas, si Bei Moi lang ang malakas bago siay umalis." Nagtinginan si Nan Gongfan at Yang Qingshan at hindi nila maiwasang mag-alala para kay Zhao Feng.
Ang Xia Yundong na iyon ay nasa dalawampung antas lang, mahirap isipin kung gaano kalakas si Ji Fengyun, na nasa labintatlong antas.
Habang iniisip ang lahat ng ito, ang natitirang pag-asa ni Nan Gongfan at Yang Qingshan para kay Zhao Feng ay nawala.
Ang unang laban ay natapos at ngayon ay oras na para sa ikalawang laban.
Kaunting tao lang interesado sa unang laban, dahil ang lakas ng dalawang magkalaban ay pantay, at pareho silang dating disipulo kaya alam ng lahat ang kanilang mga skill. Ngunit ang nanghamon sa ikalawang laban ay nasa ikawalong anta slang ng Consolidated Realm.
Ang labang katulad nito ay hindi pa napapanood sa loob ng sampung taon. Sinasabing sa halip na ang lahat ay pumunta para manood ng laban, nandito sila para makita ang youth na maging tampulan ng tukso at tawanan.
"Ang ikalawang laban, si Zhao Feng ay kakalabanin ang substitute inner disciple na si Ji Fengyun," anunsyo ni Deacon Qiu.
Nang matapos siya sa kaniyang pagsasalita, ang mga tao sa ibaba ay nag-umpisang magtawanan at sumipol.
"Quiet!" si Deacon Qiu ay nagsabi ng malamig na hmph at tila nabagsakan ng puwersa ang mga outer disciple na parang isang pagbagsak ng niyebe.
Ang Ascended Realm ay tila isang bundok na nakapagparamdam sa mga outer disciple sa ibaba na sila ay pawang mga langgam lang. Nanahimik kaagad ang mga manonood.
Naintindihan na ng grupo ng mga bagong outer disciple kung gaano kalakas ang mga nasa Ascended Realm.
Sa paningin ng mga manonood, dalawang anyo ang lumitaw sa entablado.
Si Ji Fengyun ay nasa ikalabingtatlong antas at ang kaniyang katanyagan ay mas malaki kaysa kay Xiao Yundong. Ang pagkakaiba sa bawat antas ng mga substitute inner disciple ay hindi malaki, ngunit mayroong pitong lugar sa pagitan ng labingtatlo at dalawampu! Ang pagitang ito ay hindi dapat balewalain.
Nang maktia ang lakas ni Xiao Yundong, kahit si Nan Gongfan at Yang Qingshan ay nawalan ng pag-asa para kay Zhao Feng.
"Ungas na may apelyidong Zhao, hinahangaan ko ang lakas ng loob mo sa paghamon sa akin," nakatayo si Ji Fengyun sa entablado na walang inaalala, ngunit walang nakaisip na siya ay mayabang!
Ang isang half-Ascended Realm ay madaling madudurog ang isang cultivator na nasa ikawalong antas ng Consolidated Realm sa isang kamay lang at ang cultivation ni Zhao Feng ay ni hindi pa nakaabot sa peak eight rank.
"Brother Zhao…" nakasara ang mga kamay ni Yang Qingshan dahil sa nararamdaman niyang konsensiya at kawalang pag-asa.
Ito ay dahil sa kaniya kaya kinalaban ni Zhao Feng si Ji Fengyun. Sa sandaling ito, habang nakikita si Zhao Feng na pinagtatawanan ng iba, nasaktan siya.
Napayuko rin si Nan Gongfan. Kahit hindi sila magkasundo ni Zhao Feng, ang pagtatalo sa pagitan nilang dalawa ay nawala na ngayon.
Sa ibaba ng entablado, si Xiao Sun at ang iba pa ay parehong may panloloko at simpatya sa kanilang mga mata. Kahit si Liu Yue'er, na ayaw kay Zhao Feng, ay may mabigat na kalooban at simpatya sa kaniyang mga mata.
Baka ito ang tanging paraang para makarating siya sa 'tamang daan' at ituon ang pansin sa pill making lamang, tahimik na inisip ni Yun Mengxiang.
\------
Sa entablado…
"Ito ay magiging magulo…" kinaharap ni Zhao Feng ang pianakamalakas na nakalaban niya. Sa sandaling ito, naramdaman niya ang kaniyang inner strength at dugong dumadaloy nang mas maayos sa ilalim ng puwersa.
"Bata, ano kaya kung gagamit lang ako ng isang kamay at kung mananalo ka, ay-" nakatayo si Ji Fengyun doon na may tiwala sa sarili at may mapaglarong ngisi.
Flowing Wind Stance! Smoking Transparent Step!
Sa isang sandali, nawala si Zhao Feng sa paningin ni Ji Fengyun.
Biglang tumigil ang kaniyang boses nang maramdaman ang nakasasaksak na tunog mula sa kaniyang likuran. Ang mga manonood ay nag-usap-usap; karammihan sa kanila ay hindi man lang nakita ang anyo ni Zhao Feng.
Ang Smoking Transparent Step ni Zhao Feng ay nakarating na sa peak nito, at isama sa Flowing Wind Stance, nakaabot na ito sa panibagong lebel.