Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 116 - Pill Making Genius (2)

Chapter 116 - Pill Making Genius (2)

"Payag ako." Di nagtagal ay nagkasundo na rin si Zhao Feng at Old Man Guan.

Sa gilid, hindi maiwasang kabahan nila Yun Mengxiang at Yun Yao para kay Zhao Feng.

Si Vice-Head Gan ay isa sa mga pinakamagaling na pill master sa Clan at mat kapangyarihan siyang kasinglebel ng isang Elder. Kahit ang mga inner disciple at mga Deacon ay iginagalang siya.

"Halata namang hindi ko babawiin ang aking mga sinabi. Sila Yun Yao at Princess Yun Mengxiang ang mga saksi.

Sa kaniyang pananaw, masyadong mayabang si Zhao Feng, ngunit sa mga oras na ito, kaya na niyang pigilan ito sa paglaban sa isang labang wala siyang pag-asa, habang ipiapaintindi sa kaniya na may mga bagay pa siyang kailangang matutunan.

Ang karamihan ng mga katanungan ni Old Man Guan ay tungkol sa Beginner's Guide for Pill Making, hindi ang Pill Flame Heart Manual, dahil mas mahirap ito para sa isang baguhan at ayaw niyang isahan si Zhao Feng.

Sa totoo lang, nang ibigay ni Old Man Guan ang dalawang aklat kay Zhao Feng, ang kaniya lang inasahan ay ang maging pamilyar lang dito si Zhao Feng at hindi ang matandaan ang lahat ng laman nito. Ang katotohanang sinabi ni Zhao Feng na natutunan na niya ang lahat ng ito ang nakapagbigay ng pag-aalinlangan kay Old Man Guan, dahil ilang araw lang ang ginugol ng youth.

Hmph! Nakakita na siya ng mga henyo, ngunit sa kabila nito, kaunti lang ang natandaan ng mga ito sa maiksing oras.

"Ang unang katanungan: Ano ang pill making?" Nagsimula si Old Man Guan sa pinakamadaling katanungan.

"Ang pill making ay ang pagkuha ng kakanyahan mula sa isang bagay at pag-ipon nito. Ang kahalagahan nito ay ang paggawa, kailangan ng tulong ng isang pill flame…"

Hindi lang nasagot ni Zhao Feng ang katanungan ni Old Man Guan, nagdagdag pa siya ng mas maraming impormasyon.

Ang unang katanungan ay napakadali lamang at walang nagulat sa pagsagot ni Zhao Feng, ngunit ang ikalawang katanungan ay mas mahirap.

"Magsalita ka tungkol sa pagpili ng resources sa pill making," kalmadong sabi ni Old Man Guan.

"Bawat halaman ay kanya-kanyang mga katangian at elemento sa mundo, kaya ang kanilang kakanyahan ay magkakaiba. Samakatuwid, kapag pinagsama sila, ito ay magulo…"

Si Zhao Feng sumagot nang walang kahirap-hirap at napakaraming kaalaman ang lumitaw sa kaniyang isip.

"Anong dapat pag-ingatan ng isang tao kapag kinokontrol ang pill flame?"

Ang katanungang ito ay napakahirap para sa isang baguhan.

"Hehe, bago maabot ang True Spirit Realm, ang mga pill maker ay wala talagang sariling pill flame. Samakatuwid, kailangan nilang makahanap ng mga bagay na makakatulong na makagawa ng pill flame. Halimbawa, ang mga apoy galing sa nasusunog na uling ay maaaring gawing mga pill, ngunti ang kanilang mga tier ay hindi tataas. Ang mga bagay na may elemento ng apoy ay nakakagawa ng mas mataas na tier kapag nasunog…"

Ang sagot ni Zhao Feng ay normal pa rin at kaya niyang magsabi ng hanggang sa isang libong mga salita sa loob lang ng isang hininga.

Sa pagtingin ni Old Man Guan ay may mababakas na kagalakan. Si Yun Yao ay nagulat din; alam niyang baguhan lang si Zhao Feng, ngunit ang katanungang ito ay malalim. Tila hindi makakatakas kay Zhao Feng ang kahit na anong katanungan tungkol sa kaalaman.

Sa isang sandali, ang mga katanungan ni Old Man Guan at napupunta na sa Pill Flame Heart Manual, sa halip na sa Beginnner's Guide for Pill Making lang.

Ang Pill Flame Heart Manual ay napakahirap unawain at kapag walang pangunahing kaalaman tungkol sa mga halaman, masyadong malayo ang maisasagot ng isang tao. Ngunit wala sa mga katanungang ito ang nakapagpalito kay Zhao Feng.

Lumitaw ang pagkagulat ni Yun Yao at tila nawindang si Princess Yun Mengxiang. Ang ilan sa mga katanungan ay masyadong mahirap para sa kaniya, na nag-aral ng pill making simula pagkabata.

\------

Sa wakas…

Pinawisan nang malamig si Old Man Guan sa ulo. Sa sandaling ito, hindi niya malaman kung dapat ba siyang masiyahan o hindi, ngunit pinatunayan ni Zhao Feng na natutunan niya na ang Beginner's Guide for Pill Making at ang Pill Flame Heart Manual.

Ang pagkakaroong na kakayahan sa pag-aanalisa ay nangangahulugang isa siyang halimaw.

"Huling katanungan." Huminga nang malamim si Old Man Guan at seryosong sinabi, "Dahil natutunan mo na ang Beginner's Guide for Pill Making at Pill Flame Heart Manual, sabihin mo sa akin ang orihinal na komposisyon na nakalilikha ng Snow Spiritual Pill. Ang pill na ito ay nakasaad sa Beginner's Guide for Pill Making at PillFlame Heart Manual."

Orihinal na komposisyon?

Huminga nang malamig si Yun Yao; ang katanungang ito ay halos maabot na ang kaibuturan ng pill making.

Maraming kilalang pill maker ang mayroong sariling komposisyon, na naglalaman ng kung paano dapat paghaluin ang mga halaman.

Kahit simple at hindi naman mahirap intindihin ang Snow Spiritual Pill, ito ay mahirap para sa isang baguhan. Ni hindi nga alam ng isang baguhan ang mga patakaran ng paghahalo ng mga halaman, kaya paano nila malalaman ang komposisyon?

Matapos sabihin ang katanungan, tumahimik ang lahat.

Napabuntong-hininga si Old Man Guan sa kaniyang loob, masyado bang mahirap ang katanungang ito?

Ang mga nakakasagot sa kaniyang katanungan ay mga pill master.

"Ang thousand year ice snow lotus ay may kakanyahan ng niyebe at yelo, at ito ay isa sa mga pangunahing bahagi ng Snow Spiritual Pill. Ang dugo at utak ng Sharp Skinned Spiritual Monkey ay bahagyang Yang at ito ang ikalawa sa pangunahing bahagi. Ang Three Sprout Emerald Grass ay isang nakapapawing material, na may kakayahag makapagpakalma…"

Si Zhao Feng ay nakapagbanggit ng may kabuuang tatlumpu't apat na bahagi at ang kanilang mga elemento, at kung paano dapat paghaluin ang mga ito. Nang siya ay matapos, napanganga sila Old Man Guan at Yun Yao.

Nanginig ang puso ni Princes Yun Mengxiang; ayaw niyang paniwalaang ang youth na ito sa kaniyang harapan ay nalampasan siya sa larangan ng pill making.

Matapos ang ilang sandali, si Old Man Guan napabuntong-hininga nang tiningnang maigi si Zhao Feng. "Magaling! Ang katanungang ito ay higit pa sa ating pinagkasunduan.

Halatang alam niya na higit ang katanungang ito sa kanilang pinagkasunduan, ngunit ang kaniyang intension ay para patayin ang apoy ng kayabangan ni Zhao Feng. Sa kabaligtaran nito, ipinakita nito kung gaano kahalimaw si Zhao Feng.

"Wala kang kahit anong alam nitong mga nakaraang araw, kaya paano mo nalaman kung paano gumawa ng Snow Spiritual Pill?" nagtatakang tanong ni Yun Yao. Naghihinala siya na alam na ito ni Zhao Feng noon pa.

"Haha, ang lahat ng ito ay dahil sayo. Kung hindi mo ibinigay ang Ten Thousand Plant Illustrations noon, hindi ko masasagot ang iyong katanungan," natawa nang mahina si Zhao Feng.

Ten Thousand Plant Illustrations?

Napatigil si Old Man Guan, at tumingin kay Yun Yao na tila nagtatanong ng 'anong nangyayari?'

Nanikip ang dibdib ni Yun Yao at agad na ikinuwento kung paano niya inirekomenda ang Ten Thousand Plant Illustrations kay Zhao Feng.

Sa karanasan ni Vice Head Guan, paanong hindi niya napansin ang intensyon ni Yun Yao.

"Hmph! Ano naman kung nabasa mo na ang Ten Thousand Plant Illustrations? May literal na sampung libong mga komposisyong nakasaad doon, at nagkataon lang na natandaan mo ang komposisyon ng Snow Spiritual Pill? Si Princess Yun Mengxiang ay napangisi. Naghihinala rin siya kay Zhao Feng na nakapag-aral na ito ng pill making noon.

"Hindi ko tinandaan ang komposisyon ng Snow Spiritual Pill, tinandaan ko ang lahat ng nilalaman nito," nang-aasar na sagot ni Zhao Feng.

Ang buong aklat?

Nayanig ang mga puso ni Yun Yao at Princess Yun Mengxiang.

"Siansabi mo bang…na natandaan mo ang buong Ten Thousand Plant Illustrations…?" napatayo si Old Man Guan sa tuwa. Sa halos isang daang taon niyang karanasan, siguradong kilala niya ang mga henyong kayang matandaan ang lahat ng kanilang makita. Halimbawa, si Bei Moi ay isa sa kanila, ngunit kung pag-uusapan ang memorya, kahit si Bei Moi ay hindi papantay kay Zhao Feng.

Hindi talaga natandaan ni Zhao Feng ang lahat, mas mainam sabihing ang ginawa niya ay ang 'pagkopya' ng mga bagay sa kaniyang isip. Kahit ang napakahirap na litrato o martial art ay kaya niyang kopyahin sa kaniyang memorya.

"Tama, nasa pagtanda lang ito ng lahat ng aking nakikita," sabi ni Zhao Feng.

Ang kaniyang mga salita ay nakagulat sa iba; ang isang henyong kayang matandaan ang kahit ano sa unang pagkabasa ay makakatipid sa oras ng pag-aaral. Dagdag pa rito, natandaan na ni Zhao Feng ang buong Ten Thousand Plant Illustrations, na umaabot ng sampung taon bago matapos.

Para mapatunayan na ito ay totoo, ang tatlo ay pumunta nang isa isa at nagtanong ng mga katanungan galing sa Ten Thousand Plant Illustrations. Nagtanong ang tatlo tungkol sa mga kakaibang usapin at hindi kilalang mga halaman, ngunit ang kanilang mga katanungan ay perpektong nasagot ni Zhao Feng.

Ito ay sobrang nakakalungkot!

Ang tatlo ay walang masabi, lalo na si Princess Yun Mengxiang at Yun Yao. Ngunit sa kalooban ni Old Man Guan, mayroong labis na kagalakan.

Nang araw na iyon sa ikatlong pagsusulit, nakita niyang si Zhao Feng ay may malaking pang-unawa at siya ay sigurado, na kinakailaingan sa pill making. Ngunit hindi niya inakalang ang tunay na talento ni Zhao Feng ay labis na nakasisindak.

"Vice Head Guan, hindi mo na ako pipigilan ngayon, 'di ba?" tumawa si Zhao Feng.

Mayroong mga itim na linya ang lumitaw sa kilay ni Lord Guan Jun nang gumalaw ang mga ito. "Humayo ka at bumunggo ng bakal na pader, para malaman mo kung gaano kataas ang kalangitan."

Walang paraan si Old Man Guan para pigilan ang disipulong ito. Inaasahan niyang masaktan si Zhao Feng para makabalik siya sa 'tamang daan.'

"Hehehe, sasama ako at manonood din," natutuwa rin si Yun Mengxiang.

"Go." Kumaway si Yun Yao at matapos nito, si Zhao Feng at Princess Yun Mengxiang ay umalis na sa Grass-Wood Division at papunta na sa Outer Clan Hall.

Ito ang parehong Outer Clan Hall kung saan ang 'unang totoong laban' ni Zhao Feng ay nagsimula.