Henyo sa pill making? Siya…
Napatigil saglit si Yun Mengxiang nang sa mga mata niya ay may mababakas na paghihinala at pagkagulat. Hindi niya inasahang ang inakala niyang normal na youth ay isa palang 'pill making genius,' at galing sa tono ni Old Man Guan, tila nakipaglaban siya sa isa pang Vice Head par kay Zhao Feng.
Nang marinig ito, nagulat din si Pill Master Yun Yao, at sinuri si Zhao Feng nang may panibagong pagtingin.
Sa pill making, inaamin ni Yun Yao na si Vice Head Guan ay isa sa mga pinakamagaling at pinakamaalam. Ngunit kahit na anong gawin niya, wala siyang makitang maganda kay Zhao Feng. Kung ang dahilan kaya siya ay isang henyo ay ang kaniyang edad at potensyal, hindi siya maaaring ikumpara sa mga pill masters ng Clan na nag-aaral na ng pill making simula pa noong sila ay bata pa. Nang makita ang ekspresyon ni Princess Yun Mengxiang, inisip ni Yun Yao na may mali sa mga mata ni Old Man Guan.
"Natutunan mo na ba ang pill making o nakatulong ka na ba sa ibang gumawa nito?" tanong ni Yun Yao.
Ang pill making ay nangangailangan ng napakaraming kaalaman bilang pundasyon nito.
"Hindi, wala akong alam na kahit ano." Hindi ito itinago ni Zhao Feng dahil parehas itong alam nila Old Man Guan at Old Man Zhang. Sa totoo lang, nagtataka din siya kung bakit siya pinili ni Vice Head Guan at Vice Head Zhang.
Walang alamna kahit ano?
Nagtinginan si Yun Yao at Yun Mengxiang sa kawalang-paniwala. Ang isang youth na walang alam na kahit ano sa pill making ay pinaglalabanan ng isang pill master at isang array master.
Sumama ang loob ni Princess Yun Mengxiang. Hindi siya naniniwalang mas malala pa siya kay Zhao Feng. Ganoon din ang naramdaman ni Yun Yao para sa kaniyang pamangkin dahil pinag-aralan niya talaga ang pill making para lang sa araw na ito.
Ukol dito, tinawag ni Pill Master yun si Old Man Guan sa gilid.
"Vice Head Guan, ang aking pamangkin ay ang prinsesa ng Cloud Country at pinag-aralan niya ang path of pills simula pagkabata. Sa larangan ng cultivation at pill making, nalampasan na niya ang youth na nagngangalang Zhao Feng…" kampanteng pagrekomenda ni Yun Yao sa kaniyang pamangkin kay Old Man Guan.
Saang aspeto siya mas mahina kay Zhao Feng?
Sa larangan ng pagkakakilanlan, siya ay prinsesa, at ibig sabihin at nakalampas na kahit sa mga inner disciples. Pagdating naman sa talento at kaalaman sa pill making, madaling matatalo ni Yun Mengxiang si Zhao Feng.
"Haha. Pill Master Yun Yao, sa tingin mo ba ay malala na ang aking mata? Nasa Clan na ako ng halos isang daang taon, anong klaseng henyo ang hindi ko pa nakita?" tumawa si Old Man Guan. Kapag isinantabi ang cultivation at katungkulan, nalampasan din niya si Yun Yao.
Walang masabi si Yun Yao. Oo, nag-isip lang siya para sa kaniyang pamangkin, ngunit nakalimutan niya ang karanasan ni Vice Head Guan. Sa halos isang siglo, nasaksihan na ng Vice Head ang maraming mga youth na magtagumpay at lumagapak.
Maaaring may bagay na natatangi kay Zhao Feng…
Kahit na pinag-isipan na niya ito at hindi pa rin nakuntento, gusto niyang makita kung ano bang natatangi kay Zhao Feng.
"Dahil kakarating mo pa lang sa Grass-Wood Division, dapat maging pamilyar ka na sa 'Beginner's Guide for Pill Making' and the 'Pill Flame Heart Manual'. Kung magkakaroon ka ng kabatiran mula rito, mas mabuti. Bukod pa rito, susundin mo si Pill Master Yun Yao at pag-aaralan ang pundasyon ng pill making…"
Di nagtagal ay sinabihan ni Old Man Guan si Zhao Feng kung anong dapat gawin.
Kinuha ni Zhao Feng ang Guide to Pill Making at ang Pill Flame Heart Manual, tumango, at umalis.
"Si Old Man Guan ay gagawa ng napakahalagang Piritual Pills sa mga susunod na araw, para masagot ko ang mga katanungan ninyo tungkol sa mga pill," sabi Yun Yao nang may ngiti.
Tulad nito, si Zhao Feng at Princess Yun Mengxiang ay nagsimula nang matuto mula kay Yun Yao.
"Ni hindi nga niya alam ang mga pangunahing kaalaman sa pill making, kaya paano siya magkakaroon ng kabatiran galing sa Beginner's Guide for Pill Making? Kahit ako ay naramdaman ang hirap sa pag-aaral ng Pill Flame Heart Manual." Sumimangot si Princess Mengxiang sa panghahamak.
Ang ekspresyon ni Zhao Feng ay inosente nang siya'y umiling nang walang magawa. Ni hindi niya nga pinili na pumunta dito.
Naramdaman ni Princess Mengxiang na tila tumama siya sa isang unan, paano nakakuha si Zhao Feng ng ganoong kaswertehan?
"Mengxiang, huwag kang maging bastos," masakit na pagsabi ni Yun Yao, at tumingin kay Zhao Feng na tila nagpapaumanhin. "May napakalawak na kaalaman na kaakibat ng pill making. Kailangan mong tandaan ang lahat ng elemento ng lahat ng uri ng halaman at galing sa batayang ito, magagawa mo nang makalap ang kakanyahan ng mga halamang ito. Sa Broken Moon Clan, bawat pill maker ay dapat na pamilyar, o natatandaan ang 'Ten Thousand Plant Illustrations'."
Si Yun Mengxiang, na naghihintay sa gilid, ay nagulat; napakahirap tandaan ang Ten Thousand Plant Illustrations.
Daan daan at libo libong resources ang nakasaad sa aklat na iyon, at kaunti lamang ang kayang tandaan ng mga normal na pill maker. Kahit si Princess Yun Mengxiang ay nakatanda lamang ng 2000-3000 na halaman at ang kanilang mga elemento.
Anong intension ni tita sa pagpapabasa kay Zhao Feng ng Ten Thousand Plant Illustrations?
Biglang napaisip si Yun Mengxiang at naintindihan na niya. Siya ay napangiti; kapag nakita ng ungas na ito ang Ten Thousand Plant Illustrations, ang napakaraming kaalaman ang makakapagpasuko sa kaniya.
"Salamat sa iyong mungkahi." Hindi man lang naghihinala si Zhao Feng.
Shua! Shua! Shua!
Una munang tinignan ni Zhao Feng ang Beginner's Guide for Pill Making, sunod ang Pill Flame Heart Manual at di nagtagal, parehas na niya itong natandaan.
Ang Beginner's Guide for Pills Making ay medyo madaling maintindihan dahil ang nilalaman ay naiwan sa kaniyang isip at samakatuwid, mas madali itong maintindihan. Bukod pa rito, ang kakayahan ni Zhao Feng sa pag-unawa at pag-analisa ay lubhang mas mataas kaysa sa mga youth na nasa parehong edad.
Ang Pill Flame Heart Manual ang nakakalito; halos kasinghirap ito ng Low Class Mortal skill, ngunit ang totoong problema ay ang kawalan ng pangunahing kaalaman ni Zhao Feng.
"Mukhang tama si Pill Master Yun Yao." Hinanap ni Zhao Feng ang Ten Thousand Plant Illustrations.
Ang Ten Thousand Plant Illustrations ay mahal at ang mga normal na outer disciple ay hindi pinapayagang mabasa ito, ngunit sa tulong ni Pill Master Yun Yao, hindi ito naging problema.
Di nagtagal ay nakuha na ni Zhao Feng ang Ten Thousand Pill Illustrations, ngunit napatigil siya nang makita ito.
Ang aklat na ito ay kasinglaki ng isang kariton ng kabayo, at naglalaman ng mga elemento at iba pang impormasyon tungkol sa iba't ibang uri ng halaman.
Nang makita ang nabiglang ekspresyon ni Zhao Feng, lihim na natawa si Yun Mengxiang.
Shua! Shua! Shua…!
Habang walang sinasabing kahit ano, nag-umpisa na si Zhao Feng na basahin ang Ten Thousand Plant Illustrations. Ikinagulat ni Yun Yao at Yun Mengxiang ang kaniyang mga ikinilos.
"Zhao Feng, huwag kang masyadong padalos-dalos. Kahit ang mga henyo ay nangangailangan ng kaunting taon para lubos na maintindihan ito," tumawa si Yun Yao.
Hindi sumagot si Zhao Feng, sa halip, mas bumilis siya; tila gusto na niyang kainin ang Ten Thousand Plant Illustrations.
Habang nakikita ang 'padalos-dalos' na ekspresyon ni Zhao Feng, si Yun Yao at Yun Mengxiang ay nagtinginan at napangiti.
Matapos ang kalahating oras…
Hu~
Si Zhao Feng ay napahinga nang malalim habang ibinabalik ang Ten Thousand Plant Illustrations at kakikitaan pagkatuwa sa kaniyang mga mata. Matapos basahin ang aklat, kapansin-pansing nadagdagan ang kaniyang kaalaman. Naglalaman ang aklat ng mga bagay na hindi pa niya narinig noon.
Ang ibang maalamat na bagay ay may katangi-tanging epekto.
Halimbawa, si Xhao Feng ay nakakita nitong halaman na tinatawag na 'Mystic Heavens Spiritual Root,' na may kakayahang agad na mapataas ang normal na Spiritual Body ng isang tao na maging Earth o Sky Body.
May mga kakaiba ring mga halaman, tulad ng Thousand Year Sleep Grass, na kayang makapagpatulog sa loob ng ling taon habang pinapanatili ang katawan na hindi nabubulok; o ang 'Ancient Gods Blood,' kung saan kayang magkaroon ng isang tao ng kapangyarihan ng mga Gods at maging isang anyong may tatlong ulo at anim na mga kamay…
Sa pangkalahatan, ang Ten Thousand Plant Illustrations ay nakapagpaalam kay Zhao Feng na may mas malaki pang mundo, at mula sa kaniyang naramdaman, ang kinaroroonan niyang Clan ay isa lamang maliit na sulok ng totoong mundo.
"Sa;amat sa pagpapaintindi sa akin kung gaano kakulay ang mundo." Namumula ang mukha ni Zhao Feng nang ibalik ang aklat.
Kakaiba ang ekspresyon ni Yun Yao. Hindi niya inasahang ibabalik kaagad ni Zhao Feng ang Ten Thousand Plant Illustrations nang ganoon kabilis.
"Ayaw mo bang basahin ito ulit?" Akala ni Yun Yao ay napagtanto na ni Zhao Feng kung gaano ito kahirap at sumuko na, ngunit hindi mukhang ganito ang nasa ekspresyon ni Zhao Feng.
"Sapat na ang pagtingin dito nang isang beses." Ngumiti si Zhao Feng, ngunit hindi na nagpaliwanag dahil ang isang normal na pill master ay nangangailangan ng dekada para matandaan ang Ten Thousand Plant Illustrations.
Sa sumunod na dalawang araw, mabilis na tumingin si Zhao Feng sa nilalaman ng Ten Thousand Plant Illustrations sa kaniyang isip at naintindihan kung paano ito ginagamit. Base dito, napagtanto niyang ang Beginner's Guide for Pill Making ay madali lang mautunan. Sa Pill Flame Heart Manual naman, natuto rin si Zhao Feng ng kaunti. Ngunit ang dahilan ng hindi niya pagkaintindi ito nang buo ay ang pangangailangan ng aktwal na pagsagawa ng pill making.
Matapos ang dalawang araw, nakatanggap si Zhao Feng ng mga karagdagang aklat galing kay Yun Yao para madagdagan ang kaniyang kaalaman at kapag siya ay may mga katanungan, sinasabi niya ito kay Yun Yao.
Sa una, puno ng panghahamak si Yun Yao. Ngunit hindi nagtagal, siya ay nagulat. Ang mga katanungan niya ay tila hindi nanggaling sa isang taong kakasimula pa lamang pag-aralan ang pill making.
Si Zhao Feng ay tila isang espongha sa dagat na mabilis na nakakahigop ng tubig.
\------
Lumipad ang oras nang hindi napapansin at sa araw na ito ay may naalala si Zhao Feng sa wakas.
"Tae! Ngayon pala ang laban naming ni Ji Fengyun!" Nagbago ang ekspresyon ni Zhao Feng habang sinabihan niya agad si Yun Yao at Old Man Guan tungkol dito.
"Kakalabanin ang kapalit na inner disciple?" Nagulat si Yun Yao nang tumingin kay Yun Mengxiang para sa pagsang-ayon. Tumango lang ito dahil alam niyang ito ay totoo.
"Nakakatawa! Ang talento mo sa cultivation ay puchu-puchu, kaya dapat mo na lang ituon ito sa pill making," sabi ni Old Man Guan.
Walang nag-akalang si Zhao Feng ay mananalo dahil mayroon lang siyang normal na talento at siya ay isang bagong disipulo.
Mula sa tingin ni Old Man Guan, magiging kaniyang disipulo si Zhao Feng sa hinaharap at ayaw niyang mapahiya ito.
"Una, may kasiguraduhan ako sa labang ito. Ikalawa, natutunan ko na ang iyong itinuro sa akin." Hindi sumuko si Zhao Feng.
Mayroon kang kasiguraduhan?
Nagalit si Old Man Guan na muntik nang mahulog ang kaniyang balbas, ngunit nagliwanag ang kaniyang mga mata nang siya'y napangiti, "Sinabi mo bang…natutunan mo na ang itinuro ko sa'yo?"
"Tama," tiyak na sagot ni Zhao Feng.
"Imposible!" singhal ni Old Man Guan sa kawalang-paniwala. "Tatanungin kita ng ilang katanungan at kapag nasagot mo ang mga ito, walang pipigil sa iyo na pumunta sa labang ito."