Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 114 - Grass-Wood Division

Chapter 114 - Grass-Wood Division

Pinilit na lamang nila Yang Qingshan at Nan Gongfan ang kanilang mga katawan na bumalik sa kanilang mga kwarto dahil sa pagod.

"Ano? Ang ating kinakapatid ni Zhao ay hinamon ang isang substitute inner disciple?" Nagulat si Nan Gongfan nang marinig ang balitang ito. Bumuntong hininga si Yang Qingshan, nakaramdam siya na parang kasalanan niya ang lahat at nag-aalala rin siya.

Nag-aalala siya para kay Zhao Feng, ganoon rin para sa kanyang kinabukasan.

"Kinakapatid kong si Zhao Feng, nagpadalos-dalos ka kanina. Alam ko namang para sa kabutihan ko iyon, pero…"

Nahanap na ni Yang Qingshan at Nan Gongfan si Zhao Feng, hindi sila kampante na mapapanalo niya ito.

"Kinakapatid kong si Zhao Feng, alam kong magaling kang makipaglaba, pero kung gusto mong labanan si Ji Fengyun, dapat maabot mo muna ang ikasiyam na antas, para magkaroon ka ng mataas na tsansa na manalo. Bukod pa roon, isang beses lang sa loob ng anim na buwan pwedeng humamon ng mga substitute inner disciples," wika ni Nan Gongfan.

Walang kahit sino man ang nag-iisip na maaaring manalo si Zhao Feng sapagkat nasa ikawalang antas pa lamang siya ng Consolidated Realm samantalang ang kanyang kalaban nasa half-Ascended Realm na.

Sa tingin ni Nan Gongfan, sinasayang lamang ni Zhao Feng ang pagkakataon niya, at kung gusto niyang manghamon ulit, halos kalahating taon pa ang hihintayin niya. Sa mata naman ng iba pang mga outer disciples, katawa-tawa lamang ang ikinilos ni Zhao Feng.

"Haha, mabuti, makakakita tayo kung gaano kalakas ang isang substitute inner disciple sa loob ng tatlong araw," ngumiti si Xiao Sun habang winika ito kay Prinsesa Yun Mengxiang.

Pagkatapos makapasok sa Clan, ang cultivation ni Xiao Sun ay umabot na sa peak 9th rank at nasa pagitan pa siya ng pagdedesisyon kung dapat niya bang hamunin ang top twrnty. Pero sa ngayon, wala pa siyang kumpiyansang gawin iyon at saka nagpapasalamat siya sa mga ikinikilos ni Zhao Feng, parang 'detector' tuloy ito para malaman kung sino ang malakas, talagang ikinatuwa ito ni Xiao Sun.

Sa loob ng silid…

Walang pakialam si Zhao Feng kung ano man ang iniisip ng iba, pero kailangan niyang ipaliwanag sa dalawa niyang kaibigan ang kanyang mga ikinilos.

"Ang layunin ko ay maging isang inner disciple, kung hindi ko man lang kayang talunin ang dalawang outer disciples na ito, anong karapatan ko para manatili dito?" May kampante ang boses ni Zhao Feng habang nagsasalita.

Nagtinginan si Nan Gongfan at Yang Qingshan sa isa't isa nang may gulat sa mga mata. Ang talento ni Zhao Feng ay hindi na gagaling pa kaysa sa kanila, pero ang kanyang ambisyon ay higit na malaki. Mula sa kaniyang sinasabi, mukhang gusto niya talagang pulbusin ang lahat ng mga outer disciples.

\------

Sumunod na umaga, dumating si Vice Deacon Wang sa tinutuluyan ng mga outer disciples.

"Isang pagbati, Vice Deacon!" Magalang na yumuko ang lahat ng malapit na disipulo. Ang posisyon ng Vice Deacon ay higit na mas mataas kaysa sa mga inner disciples.

Tumango si Vice Deacon Wang at saka nagtungo sa silid ni Zhao Feng. Lahat ay biglang nabaling ang tingin kay Zhao Feng na kalalabas lamang sa kanyang silid.

"Zhao Feng, naibigay na ang gawain mo. Sundan mo ako sa Outer Clan Hall." Wika ni Vice Deacon Wang na puno ng ngiti.

"Maraming salamat ho, Deacon." Sinundan ni Zhao Feng si Vice Deacon Wang nang may paggalang.

Ang eksenang ito ay nakapagdulot ng tinginang may gulat sa mga ibang disipulo. Kung normal na gawain lamang ito, inanunsyo na sana ito ng Deacon…. Pero sa sitwasyon ni Zhao Feng kakaiba yata? Una, hindi sinabi ng Deacon kung anong gagawin niya. Ikalawa, papunta sila sa Outer Clan Hall, kung saan naroroon ang mga pinakamatataas at pinakamalalakas na mga tao.

Pag-aalala ang makikita nang magtinginan si Nan Gongfan at Yang Qingshan. Silang lahat na tatlo ay disipulo ni Lord Guanjun, bukod pa roon, may alitan na rin sila sa isang Elder kung kaya mukhang nakatadhanang mas mahirap ang kanilang buhay kaysa sa iba.

Pagkatapos maglakad-lakad nang ilang saglit, patuloy pa rin si Vice Deacon Wang na pangunahan ang daan patungo sa Outer Clan Division. Ang lugar na ito ang siyang kumokontrol sa lahat ng patungkol sa mga outer disciples at kamakailan lang, ang tagapamuno o Head ng Outer Clan Division na isang Elder ay nakaabot na ng True Spirit Realm.

Ang True Spirit Realm! Kapag naabot na ito ng isang tao, nangangahulugang nasa peak na sila ng Clan at hindi na sila madalas na makita dahil palagi silang nasa tagong lugar para magsagawa ng meditasyon. Bakit pa nga ba nila pagkakaabalahan ang ganitong mga maliliit na bagay?

Kung gayon, hindi talaga ang Head ng Outer Clan Division ang totoong kumokontrol ng lahat, kundi ang mga Vice-Heads.

"Zhao Feng, nasa loob na ang mga Vice-Heads hinihintay ka." Deacon Qiu, na siyang nanguna para sa entrance exam noong araw na iyon ay naghihintay sa labas ng hall. Si Deacon Qiu at Vice Deacon Wang ay parehong galing ng Outer Clan Division, kung kaya pamilyar sila sa isa't isa, ito ang dahilan kung kaya may paggalang rin ang trato ni Vice Deacon kay Zhao Feng.

Binati ni Zhao Feng si Deacon Qiu, at saka agad na pumasok sa hall.

Nakakasindak ang aura ng lahat sa hall; ang kanilang aura ay higit na mas malakas sa kahit kaninong aura na naramdaman ni Zhao Feng buong buhay niya.

Mula sa tatlong aura, pamilyar ang dalawa sa kanya; ang isa ay mula sa isang nakaputing roba at isang nakapula.

Kilala ni Zhao Feng ang dalawang matandang ito; si Tandang Zhang at Tandang Guan na nakilala niya sa ikatlong pagsusulit.

Ang dalawang ito ay parehas na Vice Head, at mataas rin ang kanilang otoridad.

Bukod pa sa dalawa, mayroon ring isang naka-asul na damit na hindi gaanong katandaan na lalaki na mahigpit ang mukha at ang aura ay katulad rin ng dalawa.

Sa hula ni Zhao Feng, ang taong ito ay ang Vice Head ng Outer Clan Division.

"Isang pagbati sa tatlong vice heads." Hindi naman bagal makakuha ng dapat gawin si Zhao Feng, alam niyang isa lamang siyang mababa na langgam ng Clan at ang kahit sino sa tatlong tao na ito ay mataas ang kapangyarihan ganoon rin ang cultivation.

Nang makitang pumasok si Zhao Feng, agad na nagningning ang mga mata ni Tandang Zhang at Tandang Guan.

"Haha, siya si Zhao Feng?" Ang vice head na naka-asul ay tumingin kay Zhao Feng nang may interes. Bilang isang Vice Head, alam niya ang lahat ng tungkol kay Zhao Feng at para sa isang tulad niya na may Low Tier Spiritual Body, pinagtatanggol siya ng dalawang Vice Heads.

Ang dalawang Vice Heads na ito ay sina Tandang Zhang at Tandang Guan, parehong gusto nila na magtrabaho si Zhao Feng sa kanila, sa totoo lang wala namang kaso ito sa naka-asul na Vice Head. Ang tanging problema lang ay parehong walang gustong magpaubaya sa kanilang dalawa!

Kanino niya dapat ibigay si Zhao Feng? Nakakasira ng isip ang tanong na ito.

Sa ganitong sitwasyon, pinatawag na ng Vice Head na naka-asul si Zhao Feng upang pag-usapan ang bagay na ito.

Hindi nagtagal, naintindihan na rin ni Zhao Feng kung saan tungkol ang mga ito.

"Zhao Feng, ano sa tingin mo? Kung papasok ka sa Grass-Wood Division at magiging tagapagsunod ko, ipapangako na magiging maganda ang kinabukasan mo," wika ni Tandang Guan nang umaasa.

Ang pagiging isang pill master ay isang maganda ring trabaho, at alam niya ring ang karamihan sa mga pills ng Clan ay galing sa Grass-Wood Division. Kung magiging disipulo siya ni Tandang Guan, magkakaroon siya ng pagkakataon upang makaangat pagdating sa pills.

Dapat malaman ng isang tao na kapag ang pill ay nakaabot na ng tier na 'Spiritual Pill', ang gamit na ay higit at hindi na matatalo ng kahit ano pang pinakamagandang pills ng mortal na mundo.

"Peh! Ang talento ng batang ito ay nasa kaanyuan at kahanayan! Zhao Feng! Kung magiging tagapagsunod kita, bibigyan kita ng sampung extra substandard na primal crystal stones bawat buwan at mayroon ring 'Spiritual Condensing array' sa Thousand Leaf Pond, ang tubig na nilalaman nito ay naroroon na sa loob ng isang libong taon at maganda rin ito kung nagpapalakas ka ng katawan…"

Agad na nagtapon si Tandang Zhang nang mas kaakit akit na pain.

Pagkarinig pa lang nito, bumilis na agad ang tibok ng puso ni Zhao Feng. Ang isang outer disciple ay nakakatanggap lamang ng isang substandard na primal crystal stone, na siyang higit

Pagkatapos ng mga kanilang mga suhestiyon, ang dalawang Vice Heads ay muli na namang nagsimulang magtalo at magmurahan.

Hindi mapigilan ng naka-asul na Vice Head kundi matulala. "Meron akong suhestiyon."

Tumigil na sa pagtatalo ang dalawang matanda at nabaling ang tingin sa Vice Head.

"Ang inyong argumento ay kung si Zhao Feng ba ay mas magaling sa pill making o kaya paggawa ng arrays o kahanayan, hindi ba?" Pagngiti ng Vice Head.

"Oo."""Tama iyan." Tumango ang dalawa.

"Kung ganoon, madali lang iyan. Hayaan niyo munang malasap ni Zhao Feng ang lugar ng bawait isa, at siya mismo ang pipili kung saan siya mas nababagay," wika ng Vice Head nang may ngiti.

Nang marinig ang opinyon na ito, nag-isip muna sila Tandang Guan at Tandang Zhang at saka tumango bilang pagsang-ayon.s

Mukhang ito lang talaga ang paraan para maayos kung saan talaga tutungo si Zhao Feng.

Isa na lamang ang problemang natitira, at iyon ay ang kung saan ba talaga gusto ni Zhao Feng pumunta.

"Kay Vice Head Guan muna ako sasama at mananatili sa Grass-Wood Division," sagot ni Zhao Feng.

Ang dahilan kung bakit niya pinili ang Grass-Wood Division ay dahil sa parehong si Nan Gongan at Yang Qingshan ay konektado sa Grass-Wood Division. Isang magsasaka si Yang Qingshan, samantalang si Nan Gongfan naman ay tagabuhat ng basura.

Kung sa Grass-Wood Division muna siya magtatrabaho, mababantayan niya sila at maalagaan.

Natapos na rin ang argumento at sa kahabaan ng pag-uusap, napagdesisyunang mananatili muna sa Grass-Wood Division si Zhao Feng sa loob ng sampung araw, bago magtungo sa lugar nila Tandang Zhang.

Katulad nito, ibinigay na ang mga gawain ni Zhao Feng.

\------

Sa parehong araw na iyon, sinundan niya si Tandang Guan patungo sa Grass-Wood Division.

Habang nasa daan, paulit-ulit na pinagyayabang ni Tandang Guan ang galing ng kanyang mga pill makers. Kung kaya, kung magiging tagapagsunod niya si Zhao Feng, magkakaroon rin siya nang maayos na kinabukasan.

Paulit-ulit siyang sumasang-ayon sa kanyang mga sariling argumento.

"Isang pagbati, Vice Head."

Nang makapasok na sa Grass-Wood Division, lahat sila ay yumuko at nakikita ni Zhao Feng kung gaano kataas at kalalim ang respeto mula sa kanilang mga puso ng mga tao rito.

Mga pill masters pa ito at mga inner disciples.

"Bakit kasama ng batang iyon si Vice Head Guan?" Isang outer discipler ang napabulalas matapos niyang makitang dumaan sila. Ang outer disciples na iyon ay si Chen Feng.

"Hindi kaya ang batang iyon ang bagong personal na katulong ni Vice Head Guan?"

"Imposible! Napakahigpit ni Vice Head Guan sa pagpili ng kanyang personal na katulong. Kahit nga isang inner disciple ay tinanggal niya pa noong nakaraan."

Usap-usapan ang naganap, pero habang tinitignan na patungo si Tandang Guan sa mahalagang lupain ng Grass-Wood Division, mukhang napakahalaga nga ni Zhao Feng.

Hindi nagtagal, dinala ni Tandang Guan si Zhao Feng sa pinakamahalagang lupain ng lugar na iyon. Ang lugar na ito ay nagbibigay ng matapang na amoy ng medisina at tanging pill masters lamang ang kadalasang makikita rito.

"Zhao Feng?" Isang boses ng babae ang maririnig.

Napatingin si Zhao Feng at saka nakita na ang may-ari ng boses na iyon ay ang Prinsesa ng Cloud Country na si Yun Mengxiang.

Tintulungan ni Yun Mengxiang ang isang magandang babae na maglinis ng iilang gamit.

"Vice Head Guan." Lumingon ang babae at saka binati si Tandang Guan nang may ngiti.

"Pill master Yun Yao, ito ba ang pamangking tinutukoy mo?" Pagtatanong ni Tandang Guan.

Alam naman na ng bawat isa kung sino sila, at pagkatapos ng kakaunting diskusyon, nalaman ni Zhaong na ang pill master na ito ay nagngangalang Yun Yao at siya ay tita ni Yun Mengxiang.

"Tandang Guan, ang batang ito ang bago mong personal na katulong?" Tinignan ni pill master Yun Yao nang may interes si Zhao Feng.

"Isang henyo sa pill-making na siya pang pinaglabanan namin ni Tandang Zhang." Sinabi ni Tandang Guan na punong-puno nang pagmamalaki.