Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 113 - Paghahamon sa Isang Substitute Inner Disciple

Chapter 113 - Paghahamon sa Isang Substitute Inner Disciple

Nahati na ang lahat ng mga gawain, ang iilan ay masaya sa kanilang mga nakuha, samantalang ang karamihan naman ay malungkot.

Kakaunti lamang ang nakakuha ng magagandang gawain, pero wala namang magagawa ang iba dahil mga outer disciples lamang sila at mga baguhan, ang pinakamababang uri sa clan.

Ang pinakamalas ay sina Yang Qingshan at Nan Gongfan, na ang mga trabahong nakuha ay hindi maganda at napakarami, kung kaya hindi sila magkakaroon ng oras para makapagcultivate.

Pagkatapos ianunsyo ang mga gawain ng, isinara na ng Vice Deacon ang kanyang libro at paalis n asana.

Ehhhhhh?

Gulat si Zhao Feng, bakit ang lahat ay may gawain na at siya ay wala?

Sina Xiao Sun, Yun Mengxiang, Yang Qingshan, at Nan Gongfan ay lahat may mga gawain. Kahit ang ilan ay maganda at ang iba ay hindi, nakalimutang banggitin ng Vice-Deacon ang gawain ni Zhao Feng.

"Teka! Vice-Deacon!" Pagtawag ni Zhao Feng.

"Ano? Ang responsibilidad ko lang naman ay mag-anunsyo ng mga gawain, ang magiging trabaho ay magmumula sa iba." Isang nayayamot na ekpresyon ang makikita sa mukha ng Vice Deacon nang tignan niya si Zhao Feng.

Bahagyang humina ang hangin. Isang nakakatakot na kapangyarihan ang madarama at bumigat ang paghinga ng lahat. Napagtanto rin nilang ang taong nakatayo sa kanilang harap ay isang Vice Deacon.

May ilang mga tao na natutuwa habang tinitignan si Zhao Feng. Kasama na roon si Liu Yue'er, pero pinagpawisan pa rin siya para kay Zhao Feng.

"Maaari ko bang itanong Vice Deacon Wag kung bakit wala akong gawain?" Puno nang paggalang at pag-iingat ang bawat kilos ni Zhao Feng. Alam niyang ang taong nasa harap niya ay ilang beses pa na mas malakas kay Lord Guanjun.

Bilang isang Vice Deacon, ang kanyang cultivation ay hindi bababa sa isang 5th Sky of the Ascended Realm; kahit ang mga inner disciples ay walang balak na bastusin siya.

Naghinala ang lahat sa mga salitang binitawan ni Zhao Feng. Bakit nakakuha ang lahat ng gawain samantalang wala siya?

"Anong pangalan mo?" Walang ekpresyon na tanong ni Vice Deacon Wang.

"Zhao Feng." Mapagkumbaba at kampanteng sagot niya. Kakapasok niya lamang sa Clan at wala naman siyang ginagawang problema, kung kaya wala pa naman sigurong gagawin sa kanya ang Vice Deacon.

"Ikaw si Zhao Feng?" Sorpresa ang masisilay sa mukha ni Vice Deacon Wang habang tinitignan si Zhao Feng nang may kakaibang mga mata.

Nawala na rin ang naramdaman nilang nakakatakot na kapangyarihan. Ang mga may magandang pakiramdam ay napagtanong naging mabait ang mukha ni Vice Deacon, na tila ba mahalagang tao si Zhao Feng.

"Opo," sagot ni Zhao Feng; hindi niya inaasahang pati si Vice Deacong Wang ay kilala siya.

"*Cough cough*, dahil sa mga kadahilanang espesyal, ang iyong gawain ay hindi pa napagpapasyahan." Ngumiti si Vice Deacon Wang.

Ano!?

Nagulat ang mga bagong disipulo, bakit biglang naging magalang si Vice Deacon Wang?

Mukhang may nangyayaring hindi nakaayon sa mga pamantayan.

Kumislot ang mga mata ni Zhao Feng, pero wala ng sinabi pa ang Vice Deacon at umalis na.

Bilang isang Vice Deacon, mataas ang kanyang katungkulan at ang tanging trabaho niya lamang ay ianunsyo ang mga gawain, hindi ang mga detalye.

Sinuri ni Xiao Sun at Prinsesa Yun Mengxiang si Zhao Feng sa bagong pagtingin.

Ang ipinakita ni Zhao Feng sa ikalawang pagsusulit ay talagang ikinagulat nila, pero hindi nila ito isinapuso dahil ang kanyang talento ay katamtaman lang naman. Pero ngayon, tanging si Zhao Feng lamang ang walang gawain.

Nairita nang todo si Liu Yue'er; ang akala niya ay makikita niyang mapahiya si Zhao Feng, pero nakakuha pa ito ng espesyal na pagtrato!

Maging sina Nan Gongfan at Yang Qingshan ay interesado ring malaman ang mga nangyayari.

Umiling si Zhao Feng, nangangahulugang hindi niya rin alam.

Dalawampung disipulo ang nakakuha ng kanilang mga gawain maliban kay Zhao Feng. Sa araw rin na iyon, parehong pumunta si Yang Qingshan at Nan Gongfan sa kanilang mga tagapangasiwa.

"P***! Nasa iisang lugar lang naman kami ng bastardong si Chen Feng. Pero napakadali lang ng kanyang trabaho kumpara sa akin…" Berde na ang kulay ng mukha ni Nan Gongfan.

"Ang field naman na napuntahan ko ay nasa ilalim ng pamamahala ni Ji Fengyun at ang pinakamahirap na gawain ay nasa akin." Pangit rin ang ekspresyon ng mukha ni Yang Qingshan.

Nang marinig ito, nagbago na rin ang ekspresyon ni Zhao Feng.

Chen Feng, Ji Fengyun. Nangangahulugang si Hou Yuan na lang ang natitira! Lahat sila ay mga kakampi ni Quan Chen.

\------

Sa parehong araw na iyon, pumunta na rin sina Nan Gongfan at Yang Qingshan sa kanilang mga gawain para matapos ang iniatas sa kanila.

Mula sa mata ng mga nasal abas, isang kaluwalhatian ang makapasok sa Clan, pero wala ni isa sa kanila ang nakakaalam na ang mga outer disciples ay ang pinakamababa sa mga mababa. Ni hindi nga sila nakakakuha ng resources. Ang gagawin lang nila ay tumulong sa mga gawain ng Clan.

Biglang naalala ni Zhao Feng ang sinabi ni Lord Guanjun sa kanya: "Pagkatapos makapasok ng Clan, ang una mong layunin ay maging isang Inner Disciple, sapagkat ang mga outer disciples ay hindi mahalaga sa kanila. Kung may mamatay na isa o dalawa, wala ring pakialam ang Clan."

"Tanging ang mga inner disciples lang ang pinoprotektahan at inaalagaan ng Clan. Sa pagkakataong iyon, papahirapan at maaaring kang ipahamak ni Hai Yun Master."

Ang mga outer disciples ay mga langgam lang; kung may mamamatay na ilan sa kanila, walang pakialam ang mga nakatataas sa Clan. Ang pagiging inner disciple lamang ang makakapagbayo ng hangin sa Clan.

Dahil hindi naman siya naatasan, napagpasyahan ni Zhao Feng na tignan muna ang ginagawa ng dalawa niyang kinakapatid.

Si Yang Qingshan ay magdidilig, maglalagay ng pataba at maghahakot ng dumi sa buong bukid, isang nakakapagod at marungis na trabaho.

Ang mga may kapareho niyang gawain ay madali pa rin ang ginagawa.

"Baguhan, bilisan mo naman. Kung hindi mo ito matatapos mamayang gabi, mababawasan ang bayad mo," isang malamig na boses ang nang-uyam mula sa kalapit na bahay.

Nakita ni Zhao Feng na tinutulak ni Ji Fengyun si Yang Qingshan. Napupuno na talaga ito, tanging pagpipigil na lamang ang ginagawa Yang Qingshan.

Halimbawa, si Zhao Feng at ang iba pa ay makatatanggap ng mga substandard grade na primal crystal stone bawat buwan at makakakuha sila ng iba't ibang klase ng pills.

Sinasabing ang mga primal crystal stones ay nabuo mula sa langit at lupa, at naglalaman sila ng mga enerhiya na higit na nakatutulong sa cultivation.

Ang mga orihinal na primal crystal stone ay napakalaki ng halaga, at higit nitong mapabibilis ang cultivation ng isang tao. Kahit ang mga nasa Ascended Realm ay naglalaban para dito.

Nahahati ito sa iba't ibang grades: low, middle, top, at extreme. Bilang mga outer disciples, hindi sila kailanman makakakuha ng tunay na mga primal crystal stones, kung oo man, naabot na siguro nilang lahat ang Ascended Realm.

Ganoon pa man, ang mga substandard na crystal stones ay higit namang mas maayos kaysa sa mga resources ng mortal na mundo. Ang pills na binibigay ng Clan ay tinitignan bilang 'Holy pills' sa labas, at ang mga pinakamababang uri ng resources na binibigay rito ay higit pang mas maganda kaysa sa 'Burning Body Strengthening Pill' na ginamit ni Zhao Feng dati.

Galit na galit na talaga si Yang Qingshan, pero hindi niya sinubukang sumabog doon.

Unang-una, si Ji Fengyun ang tagapangasiwa rito; kung lalabanan niya ito, paparusahan siya ni Ji Fengyun. Ikalawa, ikakasakit ng kanyang damdamin kung mababawasan ang sahod niya.

Kaya hanggang ngayon, hindi sinubukang makipaglaban ni Yang Qingshan.

Nang makita ito, gusting tumulong ni Zhao Feng.

"Huminto ka dyan! Walang kahit sino ang pwedeng tumulong sa kanya!" Lumakad si Ji Fengyun papalapit nang may katigasan sa mukha.

"Wala namang ganyang patakaran! Sa totoo lang, kung masyado silang okupado, pwede silang humingi ng pansamantalang pahinga at iba muna ang magtatrabaho. Hindi ako naniniwalang mananatili dito ang kinakapatid natin si Ji araw-araw at hindi magcultivate," kalmado ang mukha ni Zhao Feng habang sinasabi ang lahat ng ito.

"P***! Ako ang namamahala ditto, walang makikialam!" Walang pasensyang sabi ni Ji Fengyun. Hindi siya nakikinig sa kahit anong rason!

May mga sarili siyang pamantayan bago niya pakinggan ang rason ng isang tao. Sa mga mata niya, si Zhao Feng at ang iba pang mga baguhan ay mga laruan lamang sa kanyang kamay.

"Naiintindihan ko kung ano ang gusto mong gawin, pero umalis ka na," sinusubukang paalisin ni Yang Qingshan si Zhao Feng.

"Ji Fengyun, narinig kung isa ka sa top twenty substitute inner disciples." Isang ngit ang nasilayan sa labi ni Zhao Feng.

"Tama nga iyan, ano bang gusto mo?" Arogante at mapagmataas ang mukha ni Ji Fengyun. Bilang isang substitute inner disciple, ang pagtrato sa kanya ay higit na maayos kumpara sa ibang outer disciples.

Kung titignan rin naman, ang mga substitutes ay mga inner disciples na rin. Ang dapat lang nilang gawin ay maabot ag Ascended Realm, at magiging inner disciple na agad sila.

"Ayon sa mga patakaran ng Clan, pwede kitang hamunin. Kung mananalo ako, maaari kitang palitan bilang isang substitute inner disciple."

Gustong makipaglaban ni Zhao Feng.

Isang paghahamon!

Isang paghamon sa isang substitute inner disciple!

Ang argumento ay nakapagpaakit ng atensyon ng ilang nalalapit na outer disciples.

"Kinakapatid kong si Zhao, huwag kang magpabigla-bigla." Nagbago rin ang ekpresyon ni Yang Qingshan.

Ang top twenty substitute inner disciples ay ang mga elitista ng mga outer disciples. Ang kanilang mga cultivation ay half-Ascended Realm na. Bilang nasa ikalabing-tatlong puwesto, si Ji Fengyun ay kasinglakas ng First Guard.

"Hahaha… Humahanga ako sa tapang mo! Ayon sa mga patakaran, kailangan mo munang dumaan sa proseso para hamunin ako. Pagkatapos pa ng tatlong araw bago mo ako makakalaban. Sa loob ng tatlong araw na iyon, hindi ko aabalahin ang kaibigan mo, pero kapag natalo ka… Magiging aso na lamang naming siya!"

Tumawa nang malamig si Ji Fengyun kay Yang Qingshan. Pinaparating niya na dapat malaman ni Zhao Feng kung ano ang maaaring mangyari kapag kinalaban niya siya.

"Sige! Magkita tayo paglipas ng tatlong araw."

Bumalik na si Zhao Feng sa Grass-Wood Division para makita kung kumusta na si Nan Gongfan.

Ang trabaho naman ni Nan Gongfan ay maghakot ng basura, at ang basura ng Grass-Wood Division ay nagpatong-patong at naipon na sa kabundukan.

Ang paggawa lamang ng sampung mga pills ay nangangailangan ng halos gabundok na resources, kung kaya natural lamang na napakaraming basura.

Ang pill making ay may kasamang pagkuha ng esensiya ng iba't ibang halaman, at ang natitirang siyamnapu't siyam na porsyento ay basura na lamang.

Ang sitwasyon ni Nan Gongfan ay hindi na bubuti pa katulad ng kay Yang Qingshan. Sapagkat kasama niya si Chen Feng, ang dinadala niyang mga basura ay iyong ayaw dalhin ng iba. Nang makita na papalapit na si Zhao Feng, nagdilim ang itsura ni Chen Feng. Naalala niya pa rin ang araw na binugbog siya ni Zhao Feng.

"Kapag naging isang substitute inner disciple na ako, mababahala na sila para apihin ang aking mga kaibigan."

Habang iniisip iyon, naglakad na si Zhao Feng papalayo at nag-aplay para labanan ang nasa ikalabing-talong puwesto na si Ji Fengyun. Nang gabi na, nalaman na ng lahat ng mga bagong disipulo ang balita.

Natanggap ang hamon ni Zhao Feng!

"Hehe, napakatagal na ng panahon na may sumubok na hamunin ang mga substitute inner disciples. Mukhang kay tatapang talaga ng mga baguhang ito."

Maraming mga tao ang naghihintay na makita ang biro na ito.