Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 109 - Illusion Fish

Chapter 109 - Illusion Fish

Ang pagtatanghal ni Zhao Feng ay higit na mas mahusay kumpara sa kanyang naunang pagsusuri. Pati si Deacon Qiu ay napatingin kay Zhao Feng.

"Nakapatay ng limang mechanical beasts, dalawang puntos," anunsyo ng disipulo sa kanyang iskor. Kailangan lamang maka patay ng apat o higit pa upang makakuha ng dalawang puntos. May mga iba na nakakuha ng kumpletong marka sa pagsusuring iyon, ngunit hindi kagaya ni Zhao Feng na napatay ang mga ito sa isang iglap lang.

"Nakasisindak na lakas!Ang kapangyarihan nang panghuling daliri nito ay kayang pinsalain ang normal na nasa ikasiyam na antas." Sinuri ni Xiao Sun si Zhao Feng. Siya ang may pinaka mataas na cultivation sa kanilang grupo, ngunit hindi sya sigurado kung kaya nitong talunin si Zhao Feng.

Ang Mechanism Path test ay nagpatuloy, at kahit nakamamangha ang pagtatanghal ni Zhao Feng, hindi ito alintana kay Deacon Qiu at sa ilang miyembro dahil mas pinag tu-tuonan nila ng pansin ang naunang pagsusulit na may katumbas na anim na puntos.

Kaya kahit magaling ang ipinakita ni Zhao Feng, nakakuha lamang ito ng dalawang puntos. "Kahit na ilang karanasan sa labanan ang meron sya, hindi pa rin sya mabibilang sa atin dahil sa kawalan nito ng talento," tumingin si Princess Yun Mengxiang kay Zhao Feng ngunit hindi rin nito isinapuso ang pagtatanghal nito.

Pakiramdam ni Zhao feng ay hindi sapat ginawa niya sa ikalawang laban upang makuha ang atensyon ng Clan kahit na ang mga kabataan ay tingin sa kanya ay malakas, ang kakulangan sa talento ay nangangahulugang hindi magiging maganda ang kinabukasan niya.

Ngunit iyon rin ang gusto ni Zhao Feng, ang hindi makakuha ng labis na atensyon. Tumango si Lord Guanjun; hindi na mahalaga kung maganda ang pagtatanghal ni Zhao Feng sa pangalawang laban.

Hindi nagtagal, natapos na ang pangalawang pagsusuri.

Kinalkula ni Zhao Feng ang kanyang iskor, lumalabas na mayroon na syang apat na puntos.

"Ang susunod ay ang Nine Picture Array." Pinangunahan ni Deacun Qiu ang grupo ng mga tao sa isang lumang gusali.

Sa mga oras na iyon, ang mas matandang henerasyon na nagdala nang mga mas batang henerasyon ay pinagbawalan na pumasok. Kahit ang mga kabataan na susubok sa pagsusuri ay kailangan pumasok isa isa.

"Napaka misteryoso ng pagsusuring ito," ani ni Zhao Feng sa kanyang sarili.

Pumasok na ang mga kabataan, at maya-maya'y lumabas din isa isa. Karamihan sa mga henyo ay lumabas sa gusali na nakakunot ang noo.

"Kailangan mong manatiling kalmado para sa pangatlong pagsusuri, pero sa nakikita ko sayo, hindi na problema sayo ang pagsusuring ito," ani ni Lord Guanjun sa mahinang tinig.

Tumango lamang si Zhao Feng. Simula nang ang misteryosong kaliwang mata, tumaas ang kanyang pang unawa at galaw.

"Ika-49, Zhao Feng!" Sandali pa ay oras na ni Zhao Feng.

Kasabay ng boses ng disipulo, inilapat na ni Zhao Feng ang kanyang mga paa sa lumang gusali.

Walang laman ang gusali, wala rin ang mga disipulo ng clan doon.

"Umakyat ka sa taas." Dalawang disipulo ang nakatayo sa tabi ng hagdanan.

Umakyat si Zhao Feng sa hagdan patungo sa ikalawang palapag at sa pag pagpasok nito may nakita siyang malaking larawan na nakasabit sa dingding.

Ang senaryo sa larawan ay lubhang napaka lalim at pakiramdam na ito'y gumagalaw. Sa pagtuon nang buong atensyon dito, ibat ibang pangyayari ang maaninag sa larawan.

Nagulat si Zhao Feng, may mali sa larawang iyon!

Ehem! Isang ingay ang tumawag sa pansin ni Zhao Feng.

Sa kaliwa at kanan ng larawan nakaupo ang naka puting damit na matanda at ang may pulang mukha na matanda. Nakatayo lamang si Deacon Qiu malapit sa labasan, bahagyang nakayuko. Sa pangalawang palapag naman, kailangang tumayo ni Deacon Qiu sa tabi at hindi ito maaring umupo, doon napagtanto ni Zhao Feng na ang pagkatao ng dalawang matanda ay espesyal.

"Nine Picture Array Illusion Fish Picture, magpakita ka!" Dahan-dahang pumalakpak ang naka puting damit na matanda at ang senaryo sa larawan ay nagbago."

"Ang Illusion Fish Picture ay mayroong siyam na iba't-ibang senaryo, humihirap habang tumatagal.Sa pagsusuring ito kailangan mong alamin kung ilang isda ang mayroon at ano ang kulay ng mga ito," sabi ng matandang naka puting damit.

Bilang at kulay ng isda? Tumango si Zhao Feng bilang pag intindi.

Ilang sandali, tiningnan ni Zhao Feng ng maigi ang unang simpleng larawan. "Tatlong isda, isang itim at dalawang berde," sagot ni Zhao Feng.

Walang emosyong pinalitan nang matandang naka puting damit ang larawan.

Tinignan ito ni Xhao Feng, mas komplikado ito kaysa sa una. Subalit hindi pa rin makaliligtas ang bawat detalye sa mata ni Zhao Feng.

"Limang isda, isang itim, dalawang pula at dalawang puti," mabilis na sagot ni Zhao Feng.

Hm? Bahagyang nagbago ang ekspresyon sa matandang naka puting damit at matandang may pulang mukha.

Sa bawat larawang nasagutan ng tama ay may katumbas na kalahating puntos, at ang mga naunang kabataan ay nakakuha ng isang puntos o higit pa, pero nagtagal sila sa pagsusuri at pag-iisip.

Ang oras ng pagsagot ni Zhao Feng ay mas mabilis kaysa sa iba. Makalipas ang ilang sandali, ipinakita na ang ikatlong larawan.

"Walong isda, dalawang itim, dalawang puti, tatlong pula, at isang berde...," walang atubiling sagot ni Zhao Feng. 

Nagkatinginan ang dalawang matanda, at sinuri si Zhao Feng.

Kapag umabot na sa pangatlong larawan ang Illusion Fish Picture, ang mga cultivators ng Ascension Realm ay nagtatagal upang maintindihan ang larawan, ngunit nagawang ibigay ni Zhao Feng ang sagot nang ilang segundo lamang.

Sandali pa'y nagbago na naman ang larawan.

"Labing tatlong isda, limang asul, tatlong ginto...," tumigil sandali si Zhao Feng bago ibigay ang kanyang sagot.

Makikita ang pagka gulat sa mata nang dalawang matanda. Ayon sa patakaran, makakakuha ng kumpletong marka ang sino mang tagumpay na makakapasa sa pang apat na senaryo, ngunit…

"Ipagpatuloy mo." Pumalakpak ang matandang naka puting damit at panibagong senaryo na naman ang lumabas.

Weng~

Ang panglimang pagbabago ay lubahang napakahirap, nakikita ni Zhao Feng na naglalaro at tumatalon ang mga isda. Ang hindi pag pansin sa maliliit na punto ay maaaring makapagpabago sa sagot. 

Pagkalipas ng saglit na pag iisip, sumagot si Zhao Feng, "Dalawamput pitong isda, pitong kayumanggi, anim na kahel..."

Ang ekspresyon ng mga matanda ay nagbago nang tumingin sila kay Zhao Feng na may pagkamangha at lubos na interes.

Ipinakita ng matandang naka puting damit ang ika-anim na senaryo.

Ang ika-anim na larawan ay puno ng katotohanan at ilusyon.

Sa pagkakataong iyon, naging matalas ang mata ni Zhao Feng at pagkatapos niya itong titigan, sumagot sya, "Apat napu't walong isda, siyam na lila, labing dalawang itim..."

Nasagot na naman niya ito ng tama nang walang pag aalinlangan. Gulat na gulat ang dalawang matanda nang sila ay magka tinginan.

Nakaramdam ng kakaiba si Zhao Feng sapagkat lagpas na sa katalinuhan ang senaryo pagkatapos ng pag apat na larawan, Liban lamang kung may mataas itong pangunawa.

Bumuntong-hininga ang matandang naka puting damit kasabay ng pagbukas nito sa ikapitong senaryo. Ang ikapitong larawan ay mas mahirap kaysa sa mga nauna, at kailangang paikutin ni Zhao Feng nang buo ang kanyang kaliwang mata upang makita ang katotohanan.

Sa oras na iyon, ikinonsidera niya ang pagbibigay ng maling sagot.

Hu~

Nagpakawala ng hininga ang matandang naka puting damit at ang matandang may pulang mukha. Kung magawang sagutan ni Zhao Feng iyon ng tama, siya ay isang halimaw na henyo, pero paano nila malalaman na sinadya ni Zhao Feng na mali ang isagot? 

"Ako ang vice-head ng Grass-Wood Division, gusto mo bang tumuloy sa Grass-Wood Division at ituring akong bilang master?" ngumiti nang bahagya ang may pulang mukha na matanda.

Vice-head? Master? Nalilitong nakatayo si Zhao Feng.

"Old man Guan, anong ibig sabihin nito? Sinusubukan mo bang nakawin ang aking disipulo? Hindi mo ba nakikita na ang forte nya ay pakikipag laban? Mas karapat-dapat siya sa Clan Mission Division," galit na sambit ng matandang naka puting damit. 

Nagsimulang mag away ang dalawa, walang nagpapatalo. Sa gilid naman, napatigil si Deacon Qiu sa eksenang iyon. Hindi niya lubos maisip na ang isang kabataang gaya ni Zhao Feng na may normal na talento ay magiging dahilan upang mag away ang dalawang vice-heads.

Sa Broken Moon Sect, mayroong iba't-ibang dibisyon tulad ng Regulation Division, Grass-Wood Division, Clan Mission Division, Central Division at Grass-wood Division. Ang Grass-Wood Division ay nakaatas sa pagtatanim, pill making, at panggagamot.

Sikat ang Grass-Wood Division, lalo na sa mga gumagawa ng mga gamot. Ang matandang si Guan ay isa sa mga pinaka magaling na pill masters ng Grass-wood Division.

Ang Clan-Mission Division naman ay nakaatas sa mga bagay na mahirap pansinin sa clan, tulad ng pag-aayos at pagpapanatili sa ayos ng bundok.

Ang naka puting damit na matanda ay isang napakagaling na array master, na isa sa mga nakakumpleto sa Nine Picture Array kabilang ang ilang mga array masters.

"Bata, sino ang gusto mong maging master?" Tanong ng matandang naka puting damit.

"Bata! Hindi mo siguro alam kung gaano kahalaga ang isang tagagawa ng gamot at kung gaano kataas ang katayuan nila.." Sabi nang may pulang mukha na matanda.

Isang array master at isang pill master ang may gustong kunin si Zhao Feng bilang kanilang disipulo, at ang kanilang cultivation ay mas mataas kaysa kay Deacon Qiu.

Gusto nang dalawang vice-head si Zhao Feng bilang kanilang disipulo ngunit hindi makapili ng maayos si Zhao Feng dahil ang pag pili niya sa isa ay makakasakit naman sa isa.

Kailangan nya ng karanasan bago pumasok sa clan pero paano niya malalaman kung saan dito ang mapag ka-katiwalaan? Ang salitang galing kay Hai Yin Master ay maaring magpatigil ang dalawang vice-heads.

Ayon kay Lord Guanjun, ang unang pinaka magandang paraan ay maging isang inner disciple, pagkatapos ay maghanap ng malakas o matibay na karanasan, mainam sa Elder level.

"Maraming salamat sa inyong magandang intensyon , pero wala akong karanasan sa arrays o pills. Ang gusto ko lamang ay maging isang inner disciple, at ikonsidera ang mga ibang bagay," tinanggihan ni Zhao Feng ang alok at sinabi nito ang gusto niyang gawin.

Dismayado ang matandang naka puting damit na matanda at ang matandang may kulay pulang mukha, pero sa kanilang mga mata, makikitang hindi pa rin sila sumusuko kay Zhao Feng sapagkat maaring ikonsidera ang kanilang alok kapag kapag isa na siyang inner disciple.

Kung ganoon ay hahayaan ka na muna namin...

Ilang sandali pa ay inanunsiyo na ang perpektong iskor ni Zhao Feng, ngunit bago siya umalis, hiniling niya na tignan ang ika walo at ikasiyam na larawan sa Illusion Fish Picture. Nararamdaman niya na ang nilalaman nito ay mas komplikado pa sa apat na Wind Stances.

Halatang hindi makakatanggi ang dalawang matanda.

Binuksan ni Zhao Feng ang kanyang kaliwang mata at kinopya ang ang mga senaryo gamit ang dimensyon sa kanyang kaliwang mata. Sa oras na ito, ang siyam na pagbabago ay lumitaw sa kanyang kaliwang mata.

Note: Elder with a capital E means an "Elder" whereas "elder" with lowercase "e" means elderly person.