Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 105 - Sky Moon Mountain

Chapter 105 - Sky Moon Mountain

Dali-daling nagpunta si Zhao Feng patungo sa lugar ni Lord Guanjun. Nagkataon, siya ay nakatanggap ng balita mula sa kaniyang mga alalay na nais siyang makita ni Lord Guanjun.

Spiritual Martial Hall, sa loob ng isang silid-aklatan…

"Kumusta ang pagsusulit nitong mga nakaraang araw?" Halata sa mga mata ni Lord Guanjun sa siya ay umaasa.

Nakita niya ang potensyal ni Zhao Feng bilang isang Changeable Body, kaya ang kaniyang talento ay palaging nagbabago.

"Ang pinakamababa ay half-spiritual body at ang pinakamataas naman ay isang middle tier spiritual body," maingat na itinago ni Zhao Feng ang katotohanan.

"Middle tier spiritual body? Halos pangkaraniwan lang iyon sa loob ng Clan." Hindi napuno ng kabiguan o ng kaligayahan si Lord Guanjun, dahil ang talento ng isang Changeable Body ay kakaiba at maaari pa itong maging mas malakas kaysa sa ipinakita nito.

Pagtapos makuha ang sagot ni Feng, paulit-ulit sinabi ni Lord Guanjun kay Zhao Feng na itago niya ang katotohanang mayroon siyang isang Changeable Body, upang hindi na muling mangyari ang sitwasyon kay Bei Moi.

Mayroon pang natitirang sampung araw bago ang pagsusulit, at mayroong dalawang dahil kung bakit ipinatawag ni Lord Guanjun si Zhao Feng.

Una, nais niyang magbigay ng mga payo kay Zhao Feng. Dali-daling ipinakitang gilas ni Zhao Feng ang kaniyang skills gaya ng Silver Wall Technique, Star Finger, Smoking Transparent Step, at Lightly Floating Ferry upang makita ni Lord Guanjun. Habang nagpapakitang gilas, ipinagsasama niya ang kaniyang Four Wind Stances sa mga skills na iyon.

Tumango si Lord Guanjun at nagbigay ng ilang mungkahe kung saan maaaring siyang mas gumaling pa. Para naman sa pagpapakitang gilas ni Zhao Feng, mas natuwa pa siya kaysa kay Bei Moi. Sinany ni Zhao Feng ang bawat skill hanggang sa mataas na lebel, at mas lalo pa silang makapangyarihan kapag sinanib sa Four Wind Stances. Kahit si Lord Guanjun ay hindi ay hindi nakahanap ng malaking kapintasan.

"Napakagaling! Ang iyong Four Wind Stances ay hindi isang normal na Holy martial art," tumango nang may pagpuri si Lord Guanjun.

Hindi isang normal na Holy martial art? Bahagyang nagtaka si Zhao Feng sa kung ano ang ibig niyang sabihin.

Paliwanag ni Lord Guanjun, "Sa mortal na mundo, mayroong core, low, middle, at high tier martial arts, ngunit ang mga ito ay hindi man lang maituturing na martial arts sa mga mata ng Clans. Sa kanilang mga mata, ang Holy martial arts ay skills lamang, at ang lowest tier ay tinatawag na Mortal Tier. Sa taas pa nito ay ang Spiritual Tier, sunod ay ang Earth Tier, at ang Sky Tier naman."

Sa mundo ng mga Clans, ang isang Holy martial art ay isa lamang Mortal Tier, at iyon ang lowest rank. Sa gitna ng mga skills na ito, ang Earth at Sky rank skills ay lahat talo.

Sa pagkakaalam ng lahat ng mga ito napagtanto ni Zhao Feng kung gaano kaonti ang kaniyang kaalaman.

"Mayroon pang natitirang sampung araw bago ang pagsusulit at kailangan kitang turuan ng mga paraan kung paano makaligtas," taimtim na sinabi ni Lord Guanjun. Ito ang pangalawang dahilan kung bakit niya ipinatawag dito si Feng.

Nakinig bigla si Zhao Feng. Kung tutuusin, nanirahan si Lord Guanjun sa Clan ng matagal na panahon, at alam niya ang sitwasyon sa Clan.

"Pagtapos pumasok sa Clan, ang iyong layunin ay maging isang inner disciple, dahil ang outer disciples ay hindi nakakatanggap ng kahit anong atensyon mula sa Clan. Minsan, hindi man lang magkakaroon ng pake ang Clan kung mamatay ang ilan sa mga outer disciples."

Sa pagkarinig nito, nanlamig ang puso ni Zhao Feng.

"Hindi ka makakayang hawakan ni Hai Yun Master basta-basta kung ikaw ay magiging isang inner disciple." Kuminang ang mga mata ni Lord Guanjun.

Ang unang layunin: Inner disciple. Itinatak ni Zhao Feng ito sa kaniyang puso.

"Halata naman, hindi ka makapagpapakitang gilas o susubukan kang sugpuin ni Hai Yun Master. Kung ganoon, ang iyong pangalawang layunin ay upang magkaroon ng proteksiyon na gaya ng isang elder tier. Sa oras na iyon, magdadalawang-isip muna is Hai Yun Master bago ka niya subukang saktan." Isang ngiti ang lumitaw sa mga labi ni Lord Guanjun.

Pangalawang layunin: Maghanap ng matibay na background!

Alam na ni Zhao Feng ang kaniyang dalawang layunin sa ngayon. Pagtapos tanungin ang mga natitira sa kaniyang tanong, napagdesisyunan ni Lord Guanjun na ibigay kay Zhao Feng ang kaniyang natitirang mga resources.

"Nakaraan, sa kawan ng halimaw, 100 points ang naibawas mula sa iyong score. Bibigyan kita ng 300 points upang mabawi ang mga iyon," sinabi ni Lord Guanjun nang may ngiti.

Matutulungan ng 300 points si Zhao Feng upang makagawa ng ibang mga bagay. Ang mga battle points na ito ay maaaring ipagpalit para sa pills, medicine at kahit isang supot pa ng Golden Body Strengthening Powder.

Dali-daling pinasalamatan ni Zhao Feng si Lord Guanjun, sunod naman ay nagtungo siya sa Treasury Hall upang makakuha ng body strengthening resources.

Napagtanto niya na wala ng Golden Body Strengthening Powder na natitira, dahil ang huling supot na kinuha niya nakaraan ay ang huling pakete. Walang siyang nagawa, kinailangan niyan ipagpalit ang kaniyang points para sa ilang lower class resources na kaparehas ng Golden Body Strengthening Powder.

Ngayong pagkakataon halos lahat ng body strengthening items ay naubos na sa Treasury Hall.

Pagtapos bumalik sa kaniyang kuwarto, nagpunta si Zhao Feng sa taimtim na meditasyon at nagpokus sa Silver Wall Technique.

Makalipas ang pitong araw, ang kaniyang Silver Wall Technique ay nakaabot na sa huling mga antas ng eighth level.

Sa pagkakataong ito, ang kaniyang katawan ay nakaabot na sa kasindak-sindak na lebel, at kaya niya nang tumapat sa mga cultivators na nasa ninth rank gamit lamang ang kaniyang katawan.

Ang lakas ko ay siguro katulad na ng kay Bei Moi bago siya umalis, naisip ni Zhao Feng. Malakas ang loob niya na halos walang kahit sino ang kaniyang katapat sa Guanjun Province City.

Mayroon na lamang natitirang tatlong araw bago ang entrance exams ng Clan.

Sa wakas ay tinawag na ni Lord Guanjun ang kaniyang tatlong disciples: Zhao Feng, Yang Qingshan, at Nan Gongfan. Sinuri ni Zhao Feng sina Nan Gongfan at si Yang Qingshan, ngunit ang aura na kanilang pinakawalan ay mas malakas.

"Master, aalis na ba tayo ngayon?" Tinanong ni Nan Gongfan, nagulat.

"Oo!"

Mabilis na ipinaliwanag ni Lord Guanjun, "Ang Sky Moon Mountain ay ilang libong milyang layo mula rito, at wala tayong masiyadong oras."

Sa pagkarinig nito yumaig ang mga puso ng disciples.

Sa mismong araw na iyon, dali-daling ginamit ng apat ang kanilang speed skills at nagpunta palabas sa Guanjun Palace. Gamit ang kanilang bilis, maaari silang makatakbo ng hanggang dalawang libong milya sa isang araw, labis na mas mabilis pa kumpara sa kahit anong kabayo.

*************************

Pagtapos ng isang araw at isang gabi, nakarating na ang apat sa bundok.

Teng! Teng! Teng!

Tumalon ang apat sa hangin, umaabot sa 20 metro bawat talon.

"Nandito na tayo!"

Tumigil si Lord Guanjun at tumingin sa isang bundok na nababalot ng hamog. Sa ilalim ng liwanag ng buwan, isang malamig at matamlay na liwanag ang kumikinang mula sa bundok, nagbibigay ng isang bahagyang kaba.

Ito ang Sky Moon Mountain.

Si Zhao Feng at ang dalawa ay tumigin din dito, at sila ay nagulat sa kanilang nakita.

Ang kalapit na lugar ng bundok ay puno ng agwat at mga bangin, ilan sa kanila ay ilang milyang haba. Ang isang cultivator ng ninth rank ay malamang hindi makakadaan sa bangin na ito, kahit sila pang mga nasa Ascended Realm ay kailangan maging maingat kapag tumatawid.

"Ayun ang pasukan." Pinapunta niya ang tatlo niyang disciples sa bandang iyon.

Pagtapos tumakbo ng sampu-sampung milya, isang hugis 'U' na daan ang lumitaw na nakakonekta patungo sa Sky Moon Mountain at sa pasukan ng daanan, mayroong halos isang daang tao. Karamihan sa kanila ay mga kabataang mababa pa sa edad na labingwalo na mayroong lubhang mataas na talento at naghihintay makapasok.

"Hm? Lord Guanjun, nagpunta ka rin?" isang matandang may kulay bahaghari na buhok ang sumenyas sa kanila.

Sa likod ng matandang lalaki ay ang tatlong kabataan, dalawang lalaki, at isang babae. Ang dalawang lalaki ay parehas nasa seventh rank at ang babae na nasa labing-apat hanggang labing-limang edad, ay nasa eighth rank.

"Haha, Lord Cangtie, matagal-tagal din tayong hindi nagkita," pagresponde ni Lord Guanjun.

Ang matandang lalaking may kulay-bahagharing buhok ay si Lord Cangtie, ang panginoon ng kalapit na Province City Beling at mayroong kapantay na posisyon gaya ni Lord Guanjun.

Ang dalawang panginoon ay parehas sinuri ang mga kabataang nakatayo sa likuran ng isa't isa.

"Ito ang aking apong babae, Liu Yue'er," pinakilala ni Lord Cangtie ang babaen nasa likuran niya.

Si Liu Yue'er ay labing-apat o labing-limang taong gulang, ngunit siya ay nasa eighth rank ibig sabihin na siya ay labis na talentado, at natalo niya sina Nan Gongfan at Yang Qingshan nang sila ay kasing edad lamang niya.

Sa pasukan, mayroong isang daang kabataan na karamihan ay nasa seventh rank o mas mataas pa. Kahit sila pa ay mas mababa sa seventh rank, sila ay nasa batang edad, siguro ay labingdalawa o labingtatlo.

Sa pagtingin sa mga kabataan na labingdalawa hanggang labingtatlong taong gulang at nakaabot na sa sixth rank, hindi mapigilan ni Zhao Feng kundi bumunton hininga. Noong siya ay nasa Green Leaf Village, siya ay tila palakang nasa balon.

Ang mga kabataang ito ay nakapasa na sa maraming pagsusulit at mga hamon at sila ay sa wakas nairekomenda sa Broken Moon Clan. Ang ilan ay nanggaling sa Province City gaya nila Zhao Feng at mga kasamahan., samantalang ang iba naman ay nanggaling sa malalaking pamilya.

Mayroon ding maliit na bilang na nanggaling mula sa maharlikang pamilya ng Cloud Country.

"Tingnan niyo, ayun ang prinsesa ng Cloud Country, si Yun Xiangmeng!" Ilan sa mga kabataan ang malakas na sinabi nang may mababang tono.

Sa pagsunod sa kanilang mga mata, nakakita si Zhao Feng ng isang babaeng labinglima o labing-anim na taong gulang na mayroong lubhang may maharlikang aura. Ang kaniyang cultivation ay nakaabot na rin sa peak eighth rank, katulad ng kay Yang Qingshan at ni Nan Gongfan. Bukod sa kaniya, mayroon pang ilang top-tier na mga henyo, ngunit wala sa kanila ang maikukumpara kay Bei Moi.

Mayroong isang tao na nasa ninth rank, ngunit siya ay nakaabot na ng labingpito o labingwalong taong gulang, lubos na mas matanda kaysa kay Bei Moi.

"Lord Guanjun, sino sa kanila si Bei Moi?" Tumingin si Lord Cangtie patungo sa tatlo nang may interes.

Sa pagkarinig na mabanggit ang pangalan ni Bei Moi, pumangit ang ekspresyon ni Lord Guanjun, ngunit hindi niya ipinaliwanag kung ano ang nangyari kay Bei Moi nang ipakilala niya ang tatlo.

Masasabi ni Lord Cangtie na sa tatlo, si Zhao Feng ang pinuno.

Ang kaniyang apong baabe na si Liu Yue'er ay tumigin kay Zhao Feng nang may interes, ngunit si Zhao Feng ay simpleng sinuri lamang sila, at hindi na muling tumingin sa kanila.

Ang kaniyang pag-uugali ay nagdulot upang bahagyang kumunot ang kilay ni Liu Yue'er.