Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 100 - Hindi Kanais-nais na Panauhin

Chapter 100 - Hindi Kanais-nais na Panauhin

Pagkatapos lumabas ng Spiritual Martial Hall, ang mga youth ay tahimik. Pagkatapos ng sinabi ni Master, sila ay nakikipagkumpitensya sa isa't isa.

"Sampung araw na lang…"

Hinigpitan ni Feng Hanyue ang kaniyang kamao at tumingin kina Yang Qingshan at Nan Gongfan na nasa kaniyang magkabilang gilid. Sila Nan Gongfan ay Yang Qingshan ay parehong nasa huling mga yugto na ng ikawalong antas at kung walang anumang aksidente, ang iba pang dalawang rekomendasyon ay mapupunta sa kanila.

Sa kabilang banda, sila Feng Hanyue, Zhao Feng, at Zhao Yufei ay nasa peak seventh rank na lahat. Si Zhao Feng ay lubos na kalmado, nakatitiyak siyang makakukuha siya ng isang lugar, ngunit siya ay nag-aalala kay Zhao Yufei. Sa kaniyang tabi, tumingin sa kaniya si Zhao Yufei nang malungkot, na nagkumpirma sa iniisip ni Zhao Feng na kaniyang pagsuko.

Gamit ang kaniyang kaliwang mata, tinantsan niya ang lakas ni Zhao Yufei, at mababa ang kaniyang kasiguraduhan.

Zhao Feng! Naaalala mo pa ba ang aking hamon? Tatapusin natin ito sa labas ng Clan. Syampre, iyon ay kung makakapasok ka…" si Bei Moi ay tumingin kay Zhao Feng na tila nakikipaglaro.

Halatang hindi niya naisip na mabuti ang ipinapakita ni Zhao Feng sa kasalukuyang mga nangyayari.

Una, ang talento at cultivation ni Zhao Feng ay mas mababa kay Yang Qingshan at Nan Gongfan. Ikalawa, isa pang problema kapag nakapasa siya sa pagsusulit nang may Half-Spiritual Body. Samakatuwid, ang pag-asang makapag-ayos ang dalawa ay medyo mababa.

"Darating din ang araw na iyon." Ang boses ni Zhao Feng ay halatang may lakas ng loob nang siya ay maglakad, at iniwan sila Nan Gongfan at Yang Qingshan.

"Saan nanggagaling ang lakas ng loob? Anong klaseng pandaraya ang balak niya para makuha ang lugar natin?" panloloko ni Nan Gongfan.

Si Yang Qingshan, sa kabilang banda ay may seryosong ekspresyon nang tumingin siya sa likod ni Zhao Feng.

Ang anim na youth ay kaagad na nagcultivate pagkauwi. Sa nakaraang sampung araw, sila Feng Hanyue, Zhao Feng at Zhao Yufei ay ginagamit ang oras para sumubok at makalagpas. Sila Yang Qingshan at Nan Gongfan ay hindi sinubukang maging magtiwala ng sobra, kaya pinatatag at sinubukang dagdagdan ang kanilang lakas.

Ang pinakakalmado ay si Bei Moi. Hindi siya nag-aalala, tila siguradong si Bei Moi ay makukuha sa Clan, ngunit dalawang araw lang ay mayroon siya para sa pagiging kalmado.

Tunuruan naman siya mismo ni Lord Guanjun na isang bagay na hindi naranasan ni Zhao Feng at iba pa. Ibig sabihin, sa nakaraang sampung araw, ang anim na mga henyo ay may tiyak na tagumpay sa ilalim ng paghihirap.

Sa ikalimang araw, nakaabot na si Zhao Feng sa ikawalong antas. Ni hindi siya masyadong nahirapan para madagdagan ang kaniyang cultivation, dahil nakatuon ang kaniyang pansin sa kaniyang Siler Wall Technique.

Sa ikapitong araw, sila Feng Hanyue at Zhao Yufei ay parehong nakaabot na sa ikawalong antas.

Lumipas ang sampung araw sa isang kisap-mata. Kinaumagahan ng ikasampung araw, ang anim na youth ay bumalik sa Spiritual Martial Hall.

Nakatayo si Lord Guanjun na na nasa likod ang mga kamay at sa kaniyang tabi ay sila Ye Linyun at Third Guard na may isang braso.

Ang anim na youth ay nakapila na nasa harap si Bei Moi, naghihintay sa kanilang Master.

"Hindi na masama." Sinuri ni Lord Guanjun ang anim na youth at tumango sa kasiyahan. Lahat sila ay nakaabot na sa ikawalong antas habang si Bei Moi ay nasa ikasiyam na antas.

Masasabing kahit sino sa anim ay kayang pangunahan ang kabuuan ng isang siyudad.

"Master, nakumpirma niyo nab a ang tatlong rekomendasyon?" tanong ni Ye Linyun nang may inaasahan.

"Oo, nakapagdesisyon na akong ibigay ang tatlong lugar kina Bei Moi, Yang Qingshan, at Nan Gongfan," malalim na pagkasabi ni Lord Guanjun.

Nang marinig ito, ang mga ekspresyon nila Feng Hanyue, Zhao Feng, at Zhao Yufei ay nagbago habang mababakas naman ang kasiyahan kina Yang Qingshan at Nan Gongfan.

Nagulat si Zhao Feng, hindi niya inasahang magagawa ni Lord Guanjun ang desisyon nang madali. Akala niya ay maglalaban muna ang bawat isa bago piliin ang tatlong pinakamalakas.

"Master, hindi niyo ba bibigyan ng pagkakataon ang tatlong ito?" nagulat si Ye Linyun.

Ang Third Guard, na nawalan ng isang braso, ay napataas ang kilay. Hindi ito katulad ng kadalasang ugali ni Master. Ngumiti nang bahagya si Lord Guanjun, ngunit ang kaniyang ekspresyon ay biglang nagbago bago siya magsalita.

"Sino!?" sigaw ni Lord Guanjun habang naririnig sa kahabaan ng hall. Kasabay nito, napatingin siya sa hardin malapit sa Spiritual Martial Hall.

"Hehehe… Uncle Xu, matagal tayong hindi nagkita!" May tawanang narinig mula sa hardin.

Shua!

Ang isang youth na may itim na guhitang damit ay bumaba sa lupa na tila isang tutubi. Ang gwapong youth na ito ay nasa dalawampu't pito o dalawampu't walong taong gulang at may kakaibang aura. Siya ay lubos na malakas ang loob nang tumingin at ngumiti kay Lord Guanjun at Bei Moi.

Nang magkatinginan, nanginig ang anyo ni Lord Guanjun na tila hindi mapakali.

"Ang kaniyang mga damit…" 

Si Zhao Feng ay tumingin sa mga damit ng misteryosong youth. Ito ay itim na guhitang pantaas na parang pamilyar sa kaniya. Di nagtagal ay nakita niya ang imahe ng tatlong youth na lumapit sa kaniya.

Ang damit ng youth na nasa harapan niya ay katulad ng suot ng tatlo sa araw na iyon.

"Sino ang nagtangkang manghimasok sa mahalagang lupain ng Guanjun Palace?" sigaw ni Ye Linyun habang rumaragasa ang kaniyang Inner Strength.

Ceng Ceng! 

Sa parehong oras, ang tatlo pang Guanjuan Corpsmen na nasa lugar, kasama ang Third Guard ay sumugod sa misteryosong youth.

"Tumigil kayo!"

Narinig ng Corpsmen ang agarang sigaw ni Lord Guanjun. Ang Third Guard, na aatake pa lamang ay tumigil agad, ngunit ang dalawa pa ay hindi nagawang tumigil dahil natamaan na ng kanilang atake ang misteryosong youth.

Tok! Tok!

Isang malamig na liwanag sa talim ng isang pakurbang buwan ang humagupit sa dalawang Guanjun Corps.

Wu~

Sumirit ang dugo ng dalawang Guanjun Corpsmen na halos nasa ikasiyam na antas. Sa isang iglap, dalawang Guanjun Corpsmen ang namatay.

Hindi man lang nakita nila Ye Linyun, Bei Moi, at ng iba pa kung paano kumilos ang youth. Dahil hindi nabuksan ni Zhao Feng ang kaniyang kaliwang mata sa oras na iyon, malabo ang kaniyang nakita.

"Thirteenth Guard! Fourteenth Guard!" Tinignan ng Third Guard na may isang braso ang dalawang bangkay.

Ang mga taong nakasaksi ay nanlamig ang hininga habang tinitignan ang misteryosong youth.

"Magsitigil kayo!" sigaw ni Lord Guanjun at pinalayo sila.

Sila Bei Moi at ang iba pa ay lumayo nang walang alinlangan, naiwan lamang si Lord Guanjun at ang misteryosong youth. Pinigilan ng lahat ang kanilang hininga habang nakatingin sa gwapong lalaki.

Sino siya? Bakit hindi mapakali ang Master dahil sa kaniya?

Lumabas ang pagtataka sa mga puso ng anim na youth. Tanging si Zhao Feng lang ang nakaintindi sa partikular na antas.

"Nephew Quan Chen, anong ibig sabihin nito?" galit na tumingin si Lord Guanjun sa youth sa kaniyang harapan.

"Pumunta ako dito para batiiin si Uncle Xu Ran at kilatisin ang henyong kinuha mo," kaswal na sinabi ni Quan Chen. Simula sa umpisa hanggang ngayon, tila wala pa rin siyang pakialam.

Uncle Xu Ran?

Alam na ngayon ni Zhao Feng ang totoong pangalan ni Lord Guanjun.

"Salamat sa kaniyang pag-aalala! Ako ang outer supervisor ng mundo ng mortal. Kailan pa nagkaroon ng karapatan ang inyong Master na gawin ang tranaho ko?" ngumisi si Lord Guanjun.

Naramdaman ni Zhao Feng na ang Master sa likod ni Quan Chen at si Lord Guanjun ay may hindi magandang relasyon.

"Hahaha, naabot na ni Master ang True Spirit Realm kalahating taon na ang lumipas at naging tanging elder na tumaas ang katungkulan sa loob ng sampung taon. Ako ay nautusan niyang tignan ang lugar na ito, may probleama ba doon?" ngumiti si Zuan Cheng.

True Spirit Realm!

Tila tumalon ang puso ni Lord Guanjun. "Paanong naabot na niya ang True Spirit Realm nang ganoon kabilis?"

Sa puntong ito, wala nang balak sabihin si Lord Guanjun, para namang hindi niya matatanggap ang katotohanan.

"Ikaw ba ang tinatawag nilang Bei Moi? Tumingin si Quan Chen kay Bei Moi nang may interes.

Shua!

Nakaramdam lang si Bei Moi ng bugso ng hangin bago pa makakilos nang may lumitaw na kamay sa kaniyang balikat.

"Bitiwan mo ako…" Namula ang mukha ni Bei Moi nang sinubukang kumawala, ngunit napagtanto niyang ang kaniyang Inner Strength ay napigilan na.

"Tumigil ka!"

Si Lord Guanjun ay pumunta kaagad at isang matulis na pilak na liwanag ang lumitaw sa kaniyang braso.

Shoooook!

Ang buong lakas ng isang Holy martial artist ay lumipad kay Quan Chen. Ngumiti si Quan Chen at binitawan si Bei Moi nang isang malamig na simbolo ng buwan ang lumitaw sa kaniyang mga kamay, na tumapat sa galaw ni Lord Guanjun.

Zzzzzz~

Ang natitirang enerhiya ay higupit ang lahat nang malapit dito at sinira ang gusali sa isang Segundo. Isang malaking butas anf lumabas kung saan nagtama ang mga atake ng dalawa.

Shua! Shua!

Ang dalawang anyo ay lumipad sa hangin ay nagpalitan ng mga atakeng kasingbilis ng kidlat.

Peng! Boom! Bam…

Ang mga cultivators sa paligid ay nakaramdam ng tanging mga mabilis na pagkawala sa hangin at kahit saan ay may napakalakas na tunog ang maririnig.

"Isa ba itong laban sa pagitan ng mga Holy martial artist…?"

Sa pamamagitan ng kaliwang mata ni Zhao Feng, nakikita niya kung paano maglaban ang dalawa at gumalaw siya papalapit at palayo para makasigurong hindi matatamaan ng mga natitirang enerhiya.

Pah----

Sa isang sandali, isang napakalakas na tunog ng paghampas ang narinig nang bumagsak ang dalawang anyo sa lupa.

"Tito, ang iyong cultivation ay parang hindi nagyabong sa loob ng mga taong hindi tayo nagkita."

Si Quan Chen ay bumagsak sa lupa na ang mga kamay ay nasa kaniyang likod at may nakasisilaw na ngiti.

"Ikaw…" nagawa pang sabihin ni Lord Guanjun nang may lumabas na dugo sa kaniyang bibig.