Ang Silver Air Barrier ay isang tira na nakagagawa nang defensive barrier sa palibot ng katawan at ito ay lubhang epektibo sa malaking bilang ng mga tao.
Mayroon ding kahinaan ang Silver Air Barrier, at ito ay ang enerhiya ay nauubos!
Kadalasan sa mga cultivators ng ikapitong antas ay ginagamit lamang ng Silver Air Barrier sa mga kritikal na sitwasyon dahil ito ay tumatagal lamang sa loob ng isang dosenang pag-hinga. Ngunit ang pagiging peak seventh rank at pagsasanay sa Returning Breath Technique, kayang doblehin ni Zhao Feng ang tagal nito.
"Ang Silver Wall Technique ay umabot na sa peak seventh level, pwede ko nang hamunin sa labanan ang mga nasa ikawalong antas gamit lamang ang aking mga kalamnan. Kung gagamitin ko ang Silver Air Barrier, kahit ang ika-siyam na antas ay hindi ako magagawang saktan sa maiksing panahon," pag aanalisa ni Zhao Feng sa kanyang kalakasan.
Sa ilalim ng ikasiyam na antas, wala siyang katapat maliban na lang kung sila ay kaparehong lebel ni Bei Moi, na nagsanay nang ilang Holy martial arts sa mataas na lebel.
Sa mga sumunod na araw, pinalaganap ni Zhao Feng sa kanyang katawan ang natitirang mga medisina ng Silver Wall Technique upang tuluyan itong bumabad sa kanyang katawan.
Matapos ang apat na araw, ang natitirang enerhiya ay tuluyan ng bumabad sa Silver Wall Technique at ito ay kalahating yugto na lamang sa ikawalong lebel.
"Kung gagamitin ko ngayon ang Golden Body Strengthening, aabot na ako sa ikawalong antas basta'y kayanin ko ang magulong enerhiya." Kumislap ang ilaw sa mga mata ni Zhao Feng.
Matapos niya itong pag-isipan nang matagal na panahon, nag desisyon siya na hindi ito gawin.
Una, ang Golden Body Strengthening Technique ay masyadong magulo, kalahati sa mga cultivator nang ika-anim na antas na gumamit nito ay nalumpo. Ang enerhiyang mayroon ito sa loob ay half tier higher sa Chilling Snow Body Pill at sa Burning Sun Bone Pill.
Ikalawa, ang patuloy na paggamit ng mga resources ay magdudulot sa kanyang katawan na pigilan ang epekto ng mga pills at hindi niya makakamit ang pinaka magandang epekto. Kung sa gayon, nag-desisyon si Zhao Feng na dahan-dahang mag cultivate imbis na gamitin ang Golden Body Strengthening Powder
Sa mga sumunod na araw, nag-pokus siya sa cultivating Silver Wall Technique kasabay nito, sinubukan niyang makakuha ng pang-unawa mula sa Four Wind Stance at sa kanyang Mysterious Wind Palm sa dimensyon ng kanyang kaliwang mata.
Matapos ang laban sa kawan ng mga halimaw, ang potensyal ni Zhao Feng ay tumaas at ang Four Wind Stance at Mysterious Wind Palm ay nagkaroon ng malaking pagbuti.
Sa paglipas ng oras, tuluyan nang natutunan ni Zhao Feng ang Tornado Stance.
Ang Tornado Stance ay maaring mag pataas ng kapangyarihan at sukat ng isang atake. Pinagsama ni Zhao Feng ang Tornado Stance at Star Finger na ang kinalabasan at maari nang ikumpara sa Holy Martial art.
Kung pagsasamahin niya ang Tornado stance at Mysterious Wind Palm, maaring ang kapangyarihan nito ay lalagpas sa normal msa Holy martial arts.
Sunod, sinimulan ni Zhao Feng na aralin ang ikatlong tira ng Four Wind Stance, ang Partial Wind Stance.
Ang Partial Wind Stance ay isang offensive skill, na hindi mahirap o madali na aralin. Sa isang araw, ang pang-unawa ni Zhao Feng sa Partial Wind Stance ay umabot sa tatlumpu hanggang apatnapung porsyento.
Sa kanyang pagpikit, pumunta si Zhao Feng sa pamamagitan ng kanyang Holy Martial Art.
Ang Mysterious Wind Palm ay kanya nang lubos na natutunan. Sa apat na Wind Stances, ang unang tatlo ay kaniya ng natutunan. Kung ikukumpara ito, ang Star Finger ang may pinaka magandang progreso, na umabot na sa ika-anim na antas, isang lebel na lang ang layo sa pinaka taas.
"Mayroon pang isang buwan bago ang Clan entrance test, ngunit ang aking Silver Wall Technique ay hindi pa rin umaabot sa ikawalong lebel," bulong ni Zhao Feng sa kanyang sarili.
Sa ngayon, siya ay naka-pokus sa kanyang katawan imbis sa cultivation. Hangga't malakas ang kanyang pundasyon, tataas din ang kanyang cultivation, kung siya ay nag-pokus sa kanyang cultivation, naabot na sana niya ang ikawalong antas. Ngunit ang problema ay ang mga yugto nang body strengthening techniques ay magiging mahirap at mag ko-konsumo nang mas matagal na panahon.
Bumuntong-hininga si Zhao Feng at naglakad sa labas ng kanyang lugar upang magpahangin at magpahinga. Hindi maganda na patuloy lamang ang cultivating, minsan ang pagpapahinga ay nakatutulong sa bottlenecks.
"Young Master Zhao, noong nakaraang araw, nagpadala si Master Bei Moi ng imbitasyon sa iyo para sa salu-salo," magalang na saad ng isang tagapaglingkod.
Bei Moi? Salu-salo?
Nakaramdam si Zhao Feng ng kakaiba, bakit magkakaroon ng salu-salo?
Ang tagapaglingkod ay sumagot sa kanyang iniisip. "Noong nakaraang araw, nakaabot na si Bei Moi sa ika-siyam na antas kahit hindi pa siya tumuntong sa labing-anim na taong gulang, na gumulat sa Guanjun Palace. Nag desisyon si Lord Guangjun na magkaroon ng salu-salo para sa kanya."
Ika-siyam na antas!
Tumalon ang puso ni Zhao Feng. Hindi mahirap isipin na nagkaroon din si Bei Moi nang malaking pagbabago matapos ang labanan sa kawan ng mga halimaw, na nakatulong sa kanya na umabot sa ika-siyam na antas.
Sa nakalipas na dalawampung taon, walang balita nang kahit na sino ang umabot sa ika-siyam na antas bago tumuntong sa labing-anim na taong gulang sa Cloud Country. Maraming cultivators ang hindi maka abot sa ika-pitong antas sa kanilang buong buhay, at ang bawat antas matapos ang ika-pitong antas ay mas mahirap na abutin.
"Hindi rin ang labing-anim na taong gulang at nasa ika-siyam na antas… Kamalasan ang maging iisa ang henerasyon kasama si Bei Moi…," napa buntong-hininga si Zhao Feng.
Kadalasan, ang mga henyong kagaya nina Nan Gongfan at Feng Hanyue ang mangunguna sa kanilang henerasyon, ngunit matapos nilang makilala si Bei Moi, kinuha niya ang pansin ng madla sa kanila.
Nagtanong si Zhao Feng, "Kailan ang salu-salo?"
"Bukas ng gabi," sumagot ang tagpaglingkod habang nakayuko.
Tumango si Zhao Feng habang nararamdaman niya ang malaking presyur sa kanyang puso. Sa kasalukuyang sitwasyong ito, ang pagitan nila ay nanatili, kahit na malaki pa ang kanyang tinaas.
Sa pagbalik sa kanyang kwarto, kumalma si Zhao Feng at pinagpatuloy ang pag cultivate sa kanyang Silver Wall Technique. Sa ilalim ng presyur mula sa super prodigy, isang peh peh na tunog ang lumabas mula sa kanyang kaliwang mata ang lumabas at nagpakawala nang kakaibang aura sa kanyang katawan. Isang kuryente at nakamamanhid na pakiramdam ang dumaloy sa kanyang katawan habang sinasanay niya ang Silver Wall Technique. Tumalon ang puso ni Zhao Feng habang agad niyang pinakalat ang Silver Wall Technique.
Hu!
Sobrang ganda ng pakiramdam ng kanyang katawan noong naabot niya ang bagong lebel. Sa oras na ito, naglabas siya nang hindi kitang aura sa pag hinga lamang.
"Ang Silver Wall Technique ay umabot na sa ika-walong lebel sa sitwasyong ito." Huminga si Zhao Feng na may masayang ekspresyon sa kanyang mukha.
Kadalasan, ang kanyang Silver Wall Technique ay nangangailangan nang kalahating buwan o ilang mga buwan upang matapos. Ngunit marahil sa presyur dahil kay Bei Moi, nag ningas ang potensyal sa kanyang kaliwang mata.
Puno ng kumpyansa si Zhao Feng na walang tatapat sa kanya na mas mababa sa ika-siyam na antas, at kaya niyang harapin ang mga normal na nasa ika-siyam na antas.
Creeek!
Naka ngiti si Zhao Feng habang naglalakad palabas ng kwarto. Sa labas, isang magandang buwan ang nagliwanag sa madilim na gabi.
"Muntik ko nang makalimutan! Ngayon ang salu-salo para kay Bei Moi…" humampas ang kanyang puso.
Sa ganitong oras, mukhang nagsisimula na ang salu-salo.
Teng!
Sa madilim na kalangitan, ang maliwanag na buwan ay nagpapalamlam sa liwanag ng mga bituin. Ang tagpong ito ay tila sumisimbolo sa pagkuha ni Bei Moi sa liwanag nang ibang mga henyo. Ang lokasyon ng salu-salo ay sa Spiritual Martial Hall, at kaunting tao lamang ang imbitado. Noong maglakad si Zhao Feng sa loob ng Spiritual Martial Hall, ang salu-salo ay patapos na.
Sa loob ng hall, naroon si Lord Gaunjun at ang lahat ng kanyang disipulo.
"Brother Zhao, bakit ngayon ka lang?" Tumaas ang kilay ni Nan Gongfan.
"Master! Binabati kita, Brother Bei Moi!" Hindi na pinansin ni Zhao Feng si Nan Gongfan at dumiretso siya upang batiin sina Lord Guanjun ay Bei Moi.
Mas naging makapangyarihan ang aura ni Bei Moi, nagpapatunay na umabot na siya sa ika-siyam na antas. Kumpara noong siya ay nasa ikawalong antas pa lamang, ang kanyang lakas ngayon ay doble na.
Sa pag aanalisa ng kanyang kaliwang mata, napagtanto ni Zhao Feng na ang lakas ni Bei Moi ay malapit na sa half-step Holy Martial Artist. Ibig sabihin nito ay ang kalakasan ni Bei Moi ay natalo na ang lakas nina Ye Linyun at Third Guard, at halos wala sa kanila ang tatapat dito na nasa ilalim ng Holy martial rank.
Wala naman kina Lord Guanjun at Bei Moi kung nahuli ng dating si Zhao Feng. Sina Lord Guanjun at Bei Moi, ang master at disipulo, ang pokus ng salu-salo. Masayang ngumiti si Lord Guanjun habang tinitignan niya si Bei Moi nang may pagmamahahal, pag-aaruga at pag-asa.
Kumpara sa kanya, ang ibang disipulo gaya nila Nan Gongfan, Zhao Feng at Yang Qingshan ay tila mga dahon lamang sa bulaklak.
"Mayroon pang isang buwan bago ang entrance examination sa Broken Moon Clan. Ang mga disipulo ditto ay tiyak na matutupad ang kahilingan ni Master," pangako ni Bei Moi, ramdam niya ang pag-asa at aruga mula kay Lord Guanjun.
"Ikaw ang pinaka mahusay na kong disipulo at naniniwala ako na mas malayo pa ang iyong mararating sa pagpasok mo sa angkan," tumango si Lord Guanjun habang naka ngiti.
Ang salu-salo ay natapos na, naiwan si Lord Guanjun at ang anim na disipulo. Maging ang mga taong kagaya ni Ye Linyun ay umalis na, kaya naisip ni Zhao Feng na may mahalagang sasabihin si Lord Guanjun sa kanyang mga disipulo.
"Alam niyong lahat na mayroon pang isang buwan bago ang entrance examination nang Broken Moon Clan at mayroon lamang ako tatlong mairerekomenda. Sa loob nang sampung araw, pipili ako nang tatlong tao depende sa inyong kalakasan at potensyal," direktang sinabi ni Lord Guanjun.
Nagulat ang puso nang bawat isa matapos itong marinig. Kahit na iisa ang kanilang master, kailangan nilang maglaban laban para sa tatlong pwesto.
6 na tao, 3 rekomendasyon!
Sa kanilang lahat, si Bei Moi ay nakuha na agad ang isang pwesto. Ito ay nangangahulugan na dalawa na lamang ang mapipili kila Yang Qingshan, Nan Gongfan, Feng Hanyue, Zhao Feng at Zhao Yufei.