"Lord Guanjun!"
"Aking panginoon!"
Hindi matapos na hiyawan ang nanggaling sa itaas ng pader. Lumuwag ang loob nila Ye Linyun, Heneral Heng, Third Guard at iba pang mga nasa ikasiyam na antas.
Ang lahat ay nakatingin sa nakasuot ng pilak-gintong roba na lalaki nang may ligalig, paghanga at respeto. Ang lalaki ay mukhang diyos, na may pilak na ningning na siyang bumalot sa kanya nang makasagupa niya ang Lord tier na halimaw sa isang kisapmata.
Bigla nilang naramdamang muli ang enerhiya ng aso na siyang nakapagpagulat sa lahat.
Wu~~~~
Maraming galos at sugat ang asong itim nang tignan nito si Lord Guanjun nang may pagkamaingat.
"Mabuti! Andito naman si Lord Guanjun upang patayin ang Lord tier na halimaw!"
Ang kaninang mga ekspresyon ng cultivators na tila nawawalan ng pag-asa ay biglang naging saya at puno ng kulay. Sa kanilang mga mata, si Lord Guanjun ay isang diyos na hindi kailanman matatalo ng kahit sino sa mundo.
Nagpakawala muna ng hininga si Zhao Feng habang nakatayo sa itaas ng pader ng lungsod. Ganoon rin, gumawa na siya ng mga preparasyon kung kakailanganin niyang tumakbo kapag lumala na ang sitwasyon at gagamitin niya ang kanyang kaliwang mata para malaman ang pinakamadaling ruta para makatakas.
Sa pagkakataong iyon, sinuri ng kaliwang mata ni Zhao Feng si Lord Guanjun at ang Lord tier na halimaw. Walang duda, ang kapangyarihan nila ay humigit na sa mga nasa ikasiyam na antas ng Martial Path at nasa mundo na sila ng Holy Martial Path.
Shua!
Bumaba mula sa hangin si Lord Guanjun at nagbuga ng isang alon ng hangin sa kanyang paligid.
"Lumagpas na si Lord Guanjun sa siyam na antas ng martial path at gamit ang kanyang kapangyarihan, kaya na niyang gamitin ang hangin para lumipad nang panandalian." Konlusyon ni Zhao Feng.
Makalipad, iyan ang pangarap ng napakaraming tao. Kahit hindi nakalilipad ang mga cultivators ng Holy Martial Path, ang kanilang kapangyarihan ay nag-iiwan pa rin ng paghanga sa mga nasa ikasiyam na antas.
"Bastardo! Mundo ito ng mga tao, bumalik ka na sa Sky Cloud Forest!" Tumayo si Lord Guanjun nang mapagmataas sa kanyang kinaluluklukan at nag-utos.
Sa loob ng panggigipit na ito ng Holy Martial Path, daan-daan at libo-libong mga halimaw ang nanginginig sa takot. Kung wala ang Lord tier nilang halimaw, nagsitakasan na siguro silang lahat.
Peh! Prh!
Nakaramdam si Zhao Feng ng presyur at pagsirit ng init mula sa kanyang kaliwang mata at dumaloy ito sa kanyang buong katawan. Ang liwanag sa loob ng dimensyon ng kanyang mata ay malapit na sa 93 na pulgada.
Ang pagbabagong ito ay nagpabilis ng tibok ng puso ni Zhao Feng, simula nang magkaroon siya ng kakayahang ito, naramdaman niya palagi ang walang hanggang potensyal nito. Sa ngayon, ang kanyang cultivation ay tumataas dahil sa panggigipit sa labas. Tunay ngang sa pagdating ng araw ang kanyang potensyal hihigit pa sa Half Spiritual Body.
Habang nag-iisip, ang laban sa ibaba ay sumiklab na rin.
Wuuu~~~~~~~
Ang Lord tier na halimaw ay iginiya ang kanyang paa at tulad ng isang itim na kidlat na gumuhit sa langit, nagbuga ito ng kapangyarihang kayang sumira ng lahat ng nasa loob ng tatlumpong metro.
Ang makita lamang ang pinsalang dulot nito ay sapat na para pasakitin ang ulo ni Zhao Feng. Kung hahayaan nilang makapasok ang halimaw sa Guanjun Province City, hindi niya lubos maisip pa kung ano ang maaaring mangyari.
Ten Cross Rippling Execution!
Naging isang matalim na pilak ang braso ni Lord Guanjun at sa isang bigla, isang maliwanag na ilaw ang tila humati sa kalangitan na siyang sumira sa atakeng kakabigay lamang ng kalabang halimaw.
Boom!
Yumanig ang lupa nang mabalot ang paligid ng mga alikabok. Sa susunod na bigla, nawala ang dalawang anyong magkalaban.
Peh! Peh! Boom----
Mabilisang nagpalitan ng mga atake si Lord Guanjun at ang halimaw, at ang mga natitirang enerhiya mula sa mga ito ay agad na nakapapatay ng mga malalapit na ibon. Maliit nga ang dalawang anyong ito kumpara sa iba, pero ang aura pa lamang nila ay napakataas na siyang nagpapanginig sa iba pang mga halimaw.
Ang mga cultivators na nasa pader ay nahinto ang paghinga habang nanonood, kahit hindi nila talaga maunawaan kung anong nangyayari. Tanging si Zhao Feng lamang ang nakakakita ng nangyayari gamit ang kanyang kaliwang mata.
"Lakas, bilis, pinsala… Paano kaya naging posible para sa isang tao ang maabot ang ganyang antas?"
Huminga nang malalim si Zhao Feng at dahil nakikita niya ang lahat, naiintidihan niya kung gaano talaga kalakas ang mga cultivators ng Holy Martial Path.
Ang mga cultivators ng Holy Martial Path ay may kakayahang buuhin o sirain ang tadhana ng labing-tatlong Sky Cloud Countries, kung kaya kahit ang isang hari ay mataas ang paggalang sa kanila.
Isa si Lord Guanjun sa mga ito, lubos talaga ang kanyang kapangyarihan sa Sky Cloud Country.
Dahil naabot na ng isa mga anyo ang Holy Martial Path, ang oras ng labanan ay umiikli, pero ang dami ng atakeng ibinibigay ay higit na tumaas.
Sa gitna ng kanilang sagupaan, umungol sa sakit ang Lord tier na halimaw, nababawasan na rin ang kanyang itim na apoy samantalang ang pilak na ilaw ni Lord Guanjun ay lalo pang nagningning.
"Wala man lang halos galos si Lord Guanjun at kahit pa nasa parehong antas sila, mas magaling pa rin siya pagdating sa mga istratehiya at kakayahan." Tumitig si Zhao Feng sa dalawang anyo.
Wu…
Takot at pagkabahala ang makikita sa mga mata ng Lord Tier na halimaw habang madalian itong tumatakas. Ang ikinilos nito ay nagdulot ng kaguluhan sa daan-daan at libo-libong halimaw na naroroon.
Pagtakas?
Malamig ang tawa ni Lord Guanjun at iwinagayway niya ang kanyang kamay sa hangin. Nang gawin niya ito, isang walong metrong kahaba na liwanag ang lumipad mula sa kanyang kamay patungo sa Lord tier na halimaw at nag-iwan ito nang malalim na hiwa na tagos sa buto ng kalaban.
Sou… Sou… Sou…
Dalawang anyo ang nabuo mula sa kawan ng mga halimaw.
"Hahaha.. Ang mga bastardong ito ay tumatakas, lahat kayo umatake na!"
"Makakakuha tayo ng mga maganda at pinong materyales mula sa kanila, pwede natin itong ibenta para sa ginto."
Ang mga cultivators ng Guanjun Province City ay naghiyawan habang palabas sila ng lungsod.
"Nan Gongfan, Zhao Feng, Zhao Fei at Feng Hanyue… Susundan muna namin at papanooring kung paano pumaslang ang Master ng isang Lord tier na halimaw." Maligalig na sabi ni Qing Yangshan.
Sa kabilang banda, sumunod na talaga si Bei Moi kay Lord Guanjun palabas.
"Mga hukbo, sumugod!" Binigyan ng utos ni Heneral Heng ang kanyang mga hukbo at iba pang cultivators na salakayin ang mga tumatakas na mga halimaw.
"Sige." Tumango si Zhao Feng at nagpunta na siya sa iba pang disipulo na sumusunod sa kanilang Master.
Higit ang interes ni Zhao Feng kung paano ba talaga lumalaban ang mga cultivators ng Holy Martial Path. Ang kaya lamang gawin ng kanyang kaliwang mata ay makita ang senaryo ni Lord Guanjun at ng halimaw na naglalaban.
Matapos ang habulan na halos sampung milya.
Tumigil na rin sa kalagitnaan ng kagubatan si Lord Guanjun pati na rin ang Lord Tier na halimaw. Hindi na ito makagalaw pa at napaluhod na lamang dahil sa napakaraming pinsala na natamo nito.
Bigla na lamang nanigas si Lord Guanjun at hindi makagalaw.
Hm? Ano ang nangyayari?
Bahagyang naging interesado si Zhao Feng. Sa pagkakataong iyon, si Bei Moi na nasa walong milya ang layo ay hindi makita kung ano ang nagaganap. Pero si Zhao Feng na nasa sampung milya ang layo ay malinaw na nakikita ang nangyayari: hindi nakaluhod ang Lord Tier na halimaw dahil kay Lord Guanjun kundi nakaharap ito sa kabilang direksyon.
"Sino ang nariyan!?"
Taimtim ang mukha ni Lord Guanjun habang naglalabas ito ng nakakasindak na mental strength.
"Zhe..zhe… May isa palang Yuefan cultivator sa Guanjun Province City…"
Isang nakatalukbong na anyo ang naupo sa ibabaw ng isang itim na ibon. Sa loob nito, isang pares ng malalamig na asul na mata ang nakatitig kay Lord Guanjun habang tumatawa.
Siya nga iyon!
Muling bumilis ang tibok ng puso ni Zhao Feng nang masilayan ang senaryong ito mula sa malayo. Nakita niya na ang lalaking ito noon sa nang magkaroon sila ng misyon tungkol sa mga tulisan at nadarama niya rin na may kinalaman ang lalaking ito sa ipinadalang kawan ng mga halimaw.
"Bakit mo pinamumunuan ang mga kawan ng halimaw na ito upang lusubin ang mga lungsod at bayan? Hindi ka ba natatakot sa Thirteen Country pact?" Sumigaw si Lord Guanjun habang kumikislot ang kanyang mga mata.
Pah!
Pinagaspas ng itim na ibon ang kanyang mga pakpak at isang itim na hangin ang pumaikot sa kanya. Nagbago bigla ang mukha ni Lord Guanjun habang mabilisang umatras. Ang lugar na kinatatayuan niya kanina ay ngayon nawala na at tumahol nang malungkot ang aso habang namamatay ito.
Si~~
Hindi mapigilan ni Zhao Feng na huminga nang kay lamig habang nakikita ang mga ito.
Ang itim na ibon sa ilalim ng nakatalukbong na anyo ay dalwang beses pa na malakas sa itim na aso. Nakikita niya lamang ang mga pangyayari pero hindi niya alam kung ano ang sinasabi nila.
Habang nagpapalitan sila ng mga salita, dumidilim ang ekpresyon ni Lord Guanjun.
"Zhe zhe zhe… Sa araw na ito matatapos ang paglalarong ito…"
Sa huli, ang nakatalukbong na anyo na may mga malalamig na asul na mata ay sinuri muna si Bei Moi na halos maabutan na sila nang bigla itong mawala sa kalangitan.
Nang makarating na si Bei Moi, ang misteryosong nakatalukbong na anyo at ang kanyang itim na ibon ay naging itim na tuldok na lamang na bigla ring naglaho sa kalangitan.
"Master, ano ang nangyari? Sino siya?" Pagtatanong ni Bei Moi habang tinitignan ang lugar kung saan naglaho ang anyo.
Matagal na nanahimik si Lord Guanjun bago nagpakawala ng hininga:
"Lumitaw na ang panganib para sa thirteen countries ng Sky Cloud Forest… Pero isa rin itong pagkakataon para sa'yo…"
Nang sabihin niya ito, may pag-asa ang kanyang mga mata nang tignan ang mga disipulong nasa likod niya.
Isang pagkakataon?
Kararating lamang nila Zhao Feng, Qing Yangshan, Feng Hanyue at Zhao Yufei.