Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 90 - Kawan ng Halimaw (1)

Chapter 90 - Kawan ng Halimaw (1)

Cough-cough!

Umihip ang alikabok sa mukha ng Third Guard at ni Ye Linyu. Ang dalawa ay nagtinginan at nakita ang gulat sa mga mata ng isa't isa.

Ang kapangyarihan ng six great prodigies ay parehas ng mga lebel ng cultivators na nasa ninth rank. Sa pagkakataong ito, isang ngiti ang lumitaw sa mukha ni Lord Guanjun habang siya ay tumitig sa maalikabok na bahagi.

Sa gitna ng alikabok na alon, nakatayo si Bei Moi doon habang ang kaniyang mga paa ay nakalubog ng isang sentimetrong lalim sa lupa, lahat ng maaaring makita ay nasira.

Sa paligid niya, mayroon pang iilang mapuputlang kabataan, sina Nan Gongfan at Yang Qingshan ay nakatanggap ngpinsala sa loob ng katawan. Sa kabilang banda, sina Feng Hanyue at Zhao Yufei ay bahagyang nasaktan din. Mayroong isang hindi kabilang dito. Sa labas na bahagi ng maalikabok na lugar, mayroong isang taong nakatayo na walang galos at mayroong taimtim na ekspresyon.

Ang kapangyarihan ng lalaking ito ay mas malakas pa kaysa sa maraming cultivators sa ninth rank…, tumitig si Zhao Feng kay Bei Moi.

Simula pumasok siya sa pangunahing pamilya ng Zhao at sa Province City, hindi siya nakakita ng ganito katalentadong henyo. Siguro ay si Xin Wuheng lamang ang kayang lumaban sa kaniya.

Sa pagkalma ng alikabok, nakikita na ang sitwasyon.

Nakatayo si Bei Moi ng walang ekspresyon at simpleng sinabi, "Gumamit lamang ako ng animnapung porsyento ng aking lakas kanina."

Animnapung porsyento! Ang mga henyong nandoon ay nais magsalita, ngunit walang lumabas.

Iyon ba ang tunay niyang lakas?

Mapait na ngiti ang lumitaw sa mukha ni Feng Hanyue, sa wakas ay napagtanto rin niya kung bakit kayang maging kaisa-isahang core disciple ni Lord Guanjun si Bei Moi, kung saan siya naman ay kaya lamang maging outer disciple. Hindi niya napagtanto na ang diperensya sa pagitan nila ay masiyadong malaki.

"Sa loob ng isang buwan, ang lakas ni Bei Moi ay kasing lakas na ng sa akin," bumuntong hininga si Ye Linyun.

Sa loob ng gusali, isang lupon ng kabataan ang nagbukas ng kanilang mga bibig, ngunit walang lumabas.

Lubhang katahimikan.

Sa isang puno na nasa malayo, isang ngiti ang lumitaw sa mukha ni Lord Guanjun. "Hindi magtatagal, ito ang magiging oras…"

"Aye, Brother Bei Moi, masiyado kang malakas." Walang nagawang sinabi ni Yang Qingshan habang pagseselos ang kumislap sa mga mata ni Nan Gongfan.

Sina Zhao Feng at Zhao Yufei lamang ang kalmado, dahil ang diperensya ng cultivation sa pagitan nila ay malaki.

"Brother Zhao Feng," humarap si Bei Moi kay Zhao Feng bigla.

Hmm?, nanigas si Zhao Feng, ano kaya iton? Ang mga tingin ng kabataan ay napunta sa kaniya.

"Ikaw ba ang nagbaril ng daliri kanina?" Tumitig sa kaniya si Bei Moi at hinawi ang kaniyang manggas.

Tumitig ang mga kabataan at nakita nila na mayroong maliit na butas sa manggas ni Bei Moi. Malamang, umabot lamang ito sa manggas ni Bei Moi. Walang marka ang kaniyang braso.

Paano niya ito nagawa?

Kahit ganito nagulat pa rin ang iba. Nang sila ay magpalitan ng galaw, gumamit si Bei Moi ng malawakang atake na nagawa pa lalong walang kwenta ang mga atake nina Nan Gongfan at Yang Qingshan bago pa sila makalapit sa kaniya.

Sa ilalim ng mga gulat nilang pagtingin, nagbigay ng matamlay na ngiti si Zhao Feng, "Siguro ay sinuwerte lang ako."

Suwerte? Paghihinala ang umusbong sa mga mata ni Yang Qingshan. Si Zhao Feng lamang ang walang pinsala. At hindi lang iyon, ang kaniyang finger attack ay lumusot hanggang sa kahinaan ng galaw ni Bei Moi at nag-iwan ng maliit na butas doon.

Kung nagtagumpay lamang siya as isa sa mga iyon, kung ganoon ito nga ay dahil suwerte. Ngunit kung ang dalawang punto ay pinagsama, ang pagkakataon na ito ay dahil sa suwerte lamang ay mababa.

"Hm!"

Sina Third Guard at Ye Linyun ay bahagyang nagulat. Ang eksena kanina ay masiyadong magulo at hindi nila ito napansin.

Si Lord Guanjun na siyang nasa puno ay bumulong, "Hindi kapani-paniwalang pang-unawa, ang makayanan na mahuli ang kahinaan ni Bei Moi sa isang kurap at atakihin ito sa gitna ng kaguluhan."

=

Ang natatanging nakakaalam ng katotohanan maliban kina Zhao Feng at Bei Moi ay si Lord Guanjun. Napag-aralan ni Lord Guanjun kung ano ang nangyari, hindi rin niya ito napansin kanina.

"Suwerte?" Hindi na siya kinwestyon pa ni Bei Moi, ngunit siya ay bahagyang iritado. Ninais niyang talunin ang lahat ng six geniuses sa isang tira ng mayroong magandang pagtatapos. Bukod sa hindi ito nangyari, nakatanggap din siya ng kasing-liit ng daliring butas sa kaniyang manggas.

Ito lamang ang natatanging markang nakadungis sa kaniya. Mula nang tanggapin siya ni Lord Guanjun bilang isang core disciple, hindi siya natalo sa kahit anong aspeto sa loob ng kaniyang henerasyon. Si Zhao Feng ang unang tao nakagawa ng ganito. Una, siya ay natalo sa usapin ng memorasyon at ngayon, mayroong markang lumitaw sa kaniyang damit.

Ang paglalaban sa pagitan ng mga disciples ay natapos dito.

Sila Lord Guanjun, Third Guard at Ye Linyun ay lahat umalis. Bawat outer disciple ay nakatanggap ng bagay at kaya, lahat sila ay mabilis na bumalik sa kanilang mga bahay upang magcultivate.

Sa daan pabalik, ang imahe ng galaw ni Bei Moi ay lumitaw muli sa isipan ni Zhao Feng.

Masiyadong malakas!

Hindi makakita ng ibang paraan si Zhao Feng upang labanan siyang harapan at si Bei Moi ay gumamit lamang ng anim na porsyento ng kaniyang lakas kanina. Binuksan ni Zhao Feng ang kaniyang kaliwang mata at natagpuan na ang cultivaton ni Bei Moi ay labis na malapit sa ninth rank at ang Inner Strength ni Mo ay mas magaling pa kaysa sa kaniyang sariling Returning Breath Technique.

Pagtapos pag-aralan ang laban, maaari ng matiyak ni Zhao Feng na si Bei Moi nagsanay ng halos tatlo hanggang apat na Holy martial arts. Sa gitna nito, ang Rippling Skill ay mas malakas sa karamihan ng Holy martial arts at nagdulot ito upang mapagtanto ni Zhao Feng na mayroon ding diperensya sa pagitan ng mga Holy martial arts. Hindi kalaunan, inalala niya ang ilang mga nilalamang kinabisado niya sa silid-aklatan.

"Ang Holy Martial arts ay nahahati sa low grade, medium grade, high grade, at peak grade. Ang mga skills na nakita ko noong araw na iyon sa Treasury Hall ay lahat siguro nasa low grade."

Sa loob ng isip ni Zhao Feng, mayroong malaking bilang ng kaalaman. Sa nakaraang dalawang araw, kinopya ang niya ang malaking bilang ng kaalaman sa kaniyang isip, karamihan sa mga ito ay hindi pa naiintindihan.

******************

Sa pagbalik sa kaniyang lugar, nagsimula ng magkaroon ng kabatiran si Zhao Feng sa mga natutunan niya ngayon. Ang esensya ng Flowing Wind Stance ay kinuha niya. Bukod dito, nagkaroon din siya ng ilang kabatiran sa Tornado Stance.

Hu!

Pinadaloy ni Zhao Feng ang Returning Breath Technique at sa paligid niya ay nagkaroon ng tunog ng pumipitong hangin.

Star Finger!

Tumusok palabas si Zhao Feng at ang simpleng daliri ay nagdulo upang ang nakapaligid na hangin ay umihip sa direksyong iyon.

Parang ganito iyon, ang Flowin Wind Stance ay tumutulong sa speed skills samantalang ang Tornado Stance naman ay nakatutulong sa offensive skills at gumagawa ng malakang atake, nagkaroon pa lalo ng karagdagang kabatiran si Zhao Feng.

Ang apat na stances ay Flowing Wind Stance, Tornado Stance, Partial Wind Stance, at Burning Wind Stance at bawat stance ay mas lalo pang nagiging malalim at malakas. Hanggang ngayon, natutunan ni Zhao Feng ang limampu hanggang animnapung porsyento ng Tornado Stance. Kung siya ay tama, ang Burning Wind Stance at ang Partial Wind Stance ay parehas na offensive skills.

Sa ilan pang mga araw, nanatili si Zhao Feng sa kaniyang kuwarto.

****************

Sa isang tiyak na araw…

Binuksan ni Zhao Feng ang kaniyang mga mata.

"Young master Zhao, sinabi ni Ye Linyun na pumunta ka sa kaniya, mayroong importanteng pagpupulong," tawag ng isang alalay.

Kadalasan, hindi siya iistorbohin ng alalay maliabn kung kinakailangan. Lumakad palabas si Zhao Feng sa kaniyang kuwarto at nagtanong ng direksyon.

Ang lugar ng pagtitipon ay sa Sky Guards Battalion.

Hindi kalaunan, dumating si Zhao Feng sa gitna ng bukid. Nang siya ay dumating, marami ng tao ang nandoon at ang dalawang nakaupo sa sentro ay sina Third Guard at si Ye Linyun, naaayon. Ang mga natitira ay mga outer disciples ni Lord Guanjun at ang bagong Ten Sky Guards.

Nang dumating na ang lahat…

"Sir Third Guard, ano ang nangyari?" Tanong ng isang bata.

Sumagot si Third Guard, "Ang mission na ito ay may ilang koneksyon sa nakaraang pang misyon ng pagpatay."

Misyon ng pagpatay?

Bahagyang nagulat na si Zhao Feng, hindi ba't pinatay na nila ang lahat ng bandido nakaraan?

Ang ilang mga kabataang nandoon ay nagtataka rin. Biglang naisip ni Zhao Feng, Kung ito ay isa na namang misyon ng pagpatay, bakit si Bei Moi, ang core disciple, ay magpapakita?

"Parang ganito. Pagtapos natin umalis sa lugar ng mga bandido, malaking bilang ng mabangis at mabagsik na halimaw ang nagsimulang umatake sa kalapit na mga nayon at sila ay bumuo ng isang kawan ng mga halimaw na mayroong intensyong sirain ang Guanjun Province City," kalmadong pagpapaliwanag ni Ye Linyun.

Kawan ng halimaw? Nagulat ang lahat ng kabataan. Bakit naman biglang nagkataon na magkaroon ng kawan ng halimaw sa lugar ng mga bandido?

Hindi mapigilang isipin ni Zhao Feng ang eksena kung saan sinundan niya ang Wolf Leader. Sa oras na iyon, nakakita si Zhao Feng ng isang anyong nakatalukbong at ilang high tier na mabagsik na halimaw.

"Ang sukat ng kawan ng halimaw ay lubhang malaki. Mayroong malaking bilang ng low tier na mabagsik na halimaw at ilang high tier na mabagsik na halimaw na nakasira na ng ilang nayon, at sila ay nagsimula nang bantaan ang Guanjun Province City," taimtim na sinabi ni Ye Linyun .

High tier na mga mababagsik na halimaw?

Nanikip ang puso ng mga kabataan. Maraming mga usapan tungkol sa high tier na mga mababagsik na halimaw.

Personal na naranasan ni Zhao Feng kung gaano kalakas ang Two Winged Sword Teeth Tiger, kahit isa sa kanila ay kayang makasira ng isang nayon at pati pagbantaan ang ilang maliliit na lungsod.

"Nagpadala na ng mga kawal ang Guanjun Province City, ngunit hindi pa rin ito sapat. Ang kawan ng mga halimaw ngayon ay isa ring pagkakataon para sa'yo. Inutos ni Lord Guanjun na protektahan niyong lahat ito," sabi ng Third Guard.

Protektahan? Napahinga ang lahat ng kabataan.

"Sa laban lamang maaaring maglagablab ang inyong mga potensyal." Ang pag-uugali ni Zhao Feng ay nasa positibong banda.

Habang naguusap -usap ang mga tao, isang tumatagos na sigaw ang narinig sa taas ng Guanjun Province City.

Roar~~~~~~~~~~

"Ano ang sitwasyon? Nakarating na ba ang kawan ng mga halimaw sa Guanjun Province City?" Tumalon ang puso ni Zhao Feng.

Binuksan niya ang kaniyang kaliwang mata at nakakita ng isang malaking golden bird sa alapaap. Ang aura na pinakawalan nito ay mas malakas pa sa isang Two Winged Sword Teeth Tiger.