Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 89 - Labanan (2)

Chapter 89 - Labanan (2)

Ang ginawa ni Zhao Feng ay nakapagpamangaha rin kina Feng Hanyue, Zhao Yufei, at Yang Qingshan.

"Ang batang ito ay hindi simple, na kinayang maka-atake sa loob ng Godly Suction Force ni Brother Nan Gongfan," tumawa nang malakas si Yang Qingshan.

Ang anyo ni Zhao Feng ay tila hangin at nagpadala ng mga sinag ng mga bulalakaw paharap. Nagawa ng Flowing Wind Stance na kapansin-pansing mapabuti ang kaniyang blis at pag-atake.

Ang Godly Suction Force ni Nan Gongfan ay gumamit ng Inner Strength para kontrolin ang hangin at makagawa ng buhawi, ngunit si Zhao Feng ay gumamit ng Flowing Wind Stance katapat nito at nagdahilan ito para mabawasan ang tapang ni Nan Gongfan.

Bilang may parehas na master, gusto niyang turuan si Zhao Feng ng tamang asal, ngunit hindi niya inasahang ang kalaban ay magiging mahirap kaharapin.

"Whirlpool Tornado!"

Sumigaw si Nan Gongfan nang ang orihinal na buhawi ay biglang nagkagulo at napunta sa lahat ng direksyon. Ang lakas ng hangin ang madaling makakasira ng bahay.

Isang nakasisindak na galaw!

Naramdaman ni Zhao Feng na madurog ang kaniyang dibdib at sinira ng hangin ang kaniyang damit.

"Ito ba ang kapangyarihan ng isang Holy Martial Art?"

Ang kaliwang mata ni Zhao Feng ay sumulyap nang subukan niyang damhin ang pagbabago sa Inner Strength ni nan Gongfan. Ang kaniyang Silver Wall Technique ng peak sixth level ay hindi natinag ng mapanirang hangin.

Hmm?

Ang kaliwang mata ni Zhao Feng ay nakakita ng pag-ulit at pagkalalim sa mga galaw ni Nan Gongfan at nalamang katulad ito ng kaniyang Tornado Wind Stance.

Pagkatapos ay binuksan niya ang kakayahan ng kaniyang kaliwang mata at kinopya ang eksena sa kaniyang isip.

Shua!

Sa isang sandali, ang eksenang si Nan Gongfan ay ginagamit ang kaniyang Whirpool Tornado ay lumabas sa dimensyon na kaniyang kaliwang mata. Sa loob ng dimensyon, ang pangyayri ay maaaring mapanood sampung beses na mabagal at pati sa iba't ibang mga anggullo.

Di nagtagal, nalaman ni Zhao Feng ang mga panloob na nagpapatakbo sa skill na ito ay parehas ng sa Tornado Stance.

"Ikalimang galaw– Star Finger!"

Si Zhao Feng ay gumalaw kasama ng hangin at nagpadala ng nakakasaksak na daliri na nakapag-iwan ng mga tuldok ng berdeng liwanag. Sa isang saglit, ang pinsalang nagawa ng Star Finger ay kapansin-pansing dumami.

Ikalimang lebel ng Star Finger!

Parehong nagulat sila Feng Hanyue at Zhao Yufei. Kilala ang Star Finger sa Cloud Country na mahirap sanayin at may mga malaking panganib.

Ang skill ay may kabuuang dami ng pitong lebel. Kapag naabot ng isang tao ang ikaapat, maaari nilang ilabas ang kanilang Inner Strength sa katawan kahit hindi pa naaabot ang ikapitong antas. Kapag sinanay ito sa ikalimang lebel, ang mga atake ay magiging tila bulalakaw, mabilis at maganda. Ang nakapagpapasindak pa dito ay nakikita ni Zhao Feng ang lamat ng Godly Suction Force ni Nan Gongfan at doon siya nagbalak umatake.

"Anong ginawa ng lalaking ito para mangyari iyon...?" nagbago na ang ekspresyon ni Nan Gongfan nang kaniyang pasabugin ang mga patong ng hangin.

Boom—-

Isang tatlong metrong butas ang nagawa ng pagpapalitan nila ng atake. Sa isang punto, ang cultivation ni Nan Gongfan at lumagpas na sa hangganan ng ikapitong antas.

Teng!

Ang anyo ni Zhao Feng ay nakarating sa lupa nang walang pinsala. Dahil ang kaniyang Silver Wall Technique ay nakaabot na sa peak sixth level, kaya na niyang tanggapin ang halos kahit anong atake ni Nan Gongfan nang harapan kung pipigilan ni Nan Gongfan ang kaniyang cultivation nang mas mababa sa ikawalong antas.

"Salamat," ngumiti si Zhao Feng habang pabalik sa kaniyang upuan nang tahimik.

"Brother Zhao Feng! Hindi pa tayo tapos." Si Nan Gongfan ay galit nang bahagya.

"Seryoso ako. Brother Nan Gongfan, ang cultivation mo ay nakalagpas na sa cultivation ni Zhao Feng. Bilang isang nakatatandang kapatid, hindi ka dapat gumamit ng mas mataas na cultivation para matalo siya, tama?" umingay ang boses ni Yang Qinshan.

Halata namang kapag nasa parehas na cultivation at antas ang dalawa, hindi kayang talunin ni Nan Gongfan si Zhao Feng.

"Minaliit ko siya. Sa susunod, makikipaglaban na ako kay Brother Zhao nang seryoso," sabi ni Nan Gongfan habang pabalik ng kaniyang upuan.

Makipaglaban nang seryoso?

Naintindihan ni Zhao Feng ang ibig sabihin ng dalawang salitang ito. Kung mag-aaway sila nang seryoso, ibig sabihin nito ay gustong gamitin ni Nan Gongfan ang kaniyang ikawalong antas na cultivation.

Sa loob ng silid, hindi alam ng mga disipulo na ang labanan ay hindi nangyari nang walang nakakaalam.

"Brother Ye, ang Zhao Feng na ito ay mas magaling sa inaasahan. Ang kaniyang Silver Wall Technique ay nakaabot na sa peak sixth level at ang mapanganib na skill tulad ng Star Finger ay nakaabot na rin sa ikalimang lebel. Hindi lang iyan, mukhang may mga kaalaman siya sa Holy martial art...," ang Third Guard ay nagulat nang kaunti.

"Hindi mo ba naisip kung sinong nagdala sa kaniya dito?" tiyak na sabi ni Ye Linyun.

Nakita ng dalawa ang labanan sa pagitan nila Zhao Feng at Nan Gongfan. Ang ipinakita ni Zhao Feng ay mas magaling kaysa sa inaasahan.

"Hm, hindi na masama. Mukhang ang mga mata ko ay binigo ako ngayon," isang boses ang narinig sa mga tainga ng dalawa.

"Oo," natural na tumango ang Third Guard at si Ye Linyun.

Ah! Sandali! Hindi...

Nang sumunod na sandali, napatalon ang dalawa at napasigaw, "Master!"

Pagkatalikod, walang kahit isang anyo sa paligid. Ngunit narinig talaga nila ang boses ni Lord Guanjun.

Sinuri ng dalawa ang kanilang paligid at nakita si Lord Guanjun na nakade-kwatrong nakaupo sa isang puno isang daang metro ang layo. Ang kaniyang aura ay tila iisa sa puno, at kapag hindi pinagtuunan ng pansin, madali lang siyang hindi makita.

Ang labanan sa pagitan ng mga disipulo ay hindi lang nakarating kina Third Guard, nakarating din ito kay Lord Guanjun.

Ngunit kung iisipin, ito ay makatuwiran dahil ang Guanjun Palace ay kontrolado ni Lord Guanjun. Ang lahat ng nangyayari dito ay hindi makakawala sa kaniyang isip at ang mga taong ito ay kaniyangmga disipulo.

"Seryoso si Master sa labanan. Ang Third Guard at si Ye Linyun ang tumingin sa isa't isa at nakita ang gulat sa mga mata ng bawat isa.

Mas tumuon ang pansin ni Lord Guanjun kay Bei Moi. Ang bawat isa sa kanila ay nagpakitang gilas, kasama si Zhao Feng na nagbigay ng sorpresa.

"Bai Moi, hindi tayo naglaban sa loob ng matagal na panahon," mungkahi ni Yang Qingshan.

Kung lakas ang pag-uusapan, si Yang Qingshan ang mas malakas nang kaunti kaysa kay Nan Gongfan at siya ay itinalaga kasunod ni Bei Moi.

Si Zhao Feng at iba pa ay makikitaan rin ng interes sa kanilang mukha. Si Bei Moi ay isang halimaw sa kanilang mga mata.

"Mag-isang labanan, masyadong walang kwenta," tumayo si Bei Moi at hindi tumanggi sa pahiwatig ng labanan.

"Ibig mong sabihin..."

Ang mga kilay nila Nan Gongfan ay Yang Qingshan ay nagsalubong.

"Lahat kayong lima ay maaaring umatake sakin nang sabay sabay," kalmado ang boses ni Bei Moi, na tila nagsasabi lang ng bagay na walang halaga.

What! All at once? 

Ang lahat ng mga dumalong youth ay nagulat. Kasabay nito, mababakas ang galit sa mga mukha nila Nan Gongfan at Yang Qingshan.

"Ano? Masyado kayong takot?" Si Bei Moi ay naglakad nang mabagal sa gitna ng limang tao.

"Sige!" Si Feng Hanyue ay naglakad papunta sa bilog ng labanan. Di nagtagal, si Yang Qingshan at Nan Gongfan ay sumunod pinalibutan si Bei Moi. Dahil si Zhao Feng at ang iba pa ay may mas mababang cultivation, tumayo sila nang mas malayo ng kaunti.

Ang paligid au labis na nakanenerbiyos.

SI Bei Moi ay nakaabot na sa peak eigth rank, habang ang kabilang kupunan ay dalawang nasa ikawalong antas at tatlong nasa ikapitong antas.

Nagmamayabang ba siya? sabi ni Zhao Feng sa kaniyang isip.

Sa mga sandaling ito, ang Third Guard at si Ye Linyu ay nagpigil ng hininga at nagpokus sa laban.

"Godly Suction Force!"

Pinangunahan ni Nan Gongfan ang pag-atake at nagtulak ng isang palad ng puting bilog na hangin papunta kay Bei Moi.

Hu~

Isang nakakamatay na humihilang puwersa ang kaagad na lumabas sa katawan ni Bei Moi, ngunit tumayo siya na parang isang bato. Tila ang kaniyang dalaawang paa ay nakabaon sa lupa.

"Pagguho ng yelo!" sigaw ni Yang Qingshan habang nagpadala ng malakas na palad papunta kay Bei Moi.

Siya at si Nan Gongfan ay sa mga ppangunahing atake, habang ang tatlong iba pa ay mga tagasuporta.

Star Finger!

Illusion of the Broken Moon!

Dance of a Thousand Leaves!

Sila Zhao Feng, Fen Hanyue, at Zhao Yufei ay umatake mula sa gilid. Sa tatlo, Ang galaw ni Zhao Feng ay kayang takutin ang ikawalong antas, habang ang mga atake ng dalawa pa ay halos makayanan na.

Sa isang sandali, sabay sabay na atake ang papunta kay Bei Moi.

"Magaling! Ripple of Destruction…"

Nakatayo lang si Bei Moi at biglang binuksan ang kaniyang mga braso. Nang magawa ito, bumugso ang Inner Strength sa kaniyang paligid.

Craaaack…boom…

Ang mga atake ni Nan Gongfan at Yang Qingshan ay agad na nawala, at isa pang bugso ang nakapagpalipad sa kanila palayo.

"Wah!" agad na dumura si Nan Gongfan ng dugo, habang si Yang Qingshan naman ay namutla at nagkaroon ng pinsala sa loob ng katawan.

Baam…baam…baam…

Isa pang bugso ang nakapagwalang-bisa ng mga atake nila Zhao Yufei, Feng Hanyue, at Zhao Feng at pinalipad nito ang sila Zhao Yufei at Feng Hanyue.

Shua~

Ang natitirang enerhiya ay nakapagpalipad ng mga patong ng alikabok, na nakapagtago ng eksena...