Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 88 - Labanan (1)

Chapter 88 - Labanan (1)

Inaasahan ni Zhao Feng ang sparring dahil hindi niya alam kung gaano kalakas ang iba. Mayroon pang natitirang dalawa hanggang tatlong araw mula ngayon at bago ito, kinakailangang pumunta ni Zhao Feng sa Treasury Hall.

Maraming mga libro ang Treasury Hall, kabilang na ang mga libro sa kasaysayan, medicine at martial arts. Bihira ang mga libro rito. Ngunit bilang disipulo ni Lord Guanjun. Kayang basahin ni Zhao Feng ang mga ito kung kailan niya gusto.

Nagpunta si Zhao Feng sa martial arts section kung saan ang mga highest ranking na libro ay umaabot sa half-Holy rank. Ang mga Half-Holy ranks ay bihira kahit sa mga Martial Masters. Kung hindi kaya ng isang taong patunayan ang kanilang halaga, wala silang karapatan matanggap ito. Subalit, maaaring pumunta si Zhao Feng dito at basahin ang kahit ano sa mga ito, ngunit kaya lamang niyang maglabas ng sampung libro. Gamit ang kaniyang kaliwang mata, mabilis na binasa ni Zhao Feng ang lahat ng mga librong mayroon siyang interes.

Hanggang ngayon, lahat ng kaniyang martial arts ay half-Holy martial arts. Ang mga skills na nakuha ni Zhao Feng mula kay Bei Moi at sa Third Guard ay lahat top tier half-Holy martial arts, lalo na ang Returning Breath Technique. Ito ay halos isang Holy martial art.

"Mukha hindi ko na kailangan mamili ng isa pang half Holy martial art ngayon," kongklusyon ni Zhao Feng.

Kung mayroon mang problema, ito ay ang Star Finger. Ngunit kung ito ay sinanib sa Partial Wind Stance, ito ay magiging lubhang makapangyarihan, at hindi niya gustong magsayang ng masiyadong maraming oras upang magpokus sa isa pang offensive skill. Mas pipiliin ni Zhao Feng na gastusin ang lahat ng kaniyang enerhiya sa apat na Wind Stances: Flowing Wind Stance, Tornado Stance, Partial Wind Stance at Burning Wind Stance.

Ngayon na halos naintindihan na ni Zhao Feng ang Flowing Wind Stance, nagtungo naman siya sa Tornado Stance.

Sa unang beses na nakita niya ang Holy martial arts, bahagya niyang napagtanto na hindi normal ang apat na four Wind Stances na ito. Kahit ang isang hindi kumpletong stance ay maraming kapangyarihan.

Sa dimensyon sa loob ng kaniyang kaliwang mata, kayang buksan ni Zhao Feng ang lahat ng alaala ng maraming eksena, kabilang na ang apat na Wind Stances at ang Mysterious Wind Palm. Natagpuan ni Zhao Feng na ang dalawa ay bagay sa isa't isa at sila ay magkatulad sa maraming paraan. Ngayon naman ay nilabas niya lahat ng skills na naisip niyang nakakatuwa at kinopya niya ito sa kaniyang isip upang palawakin ang kaniyang kaalaman.

Pagtapos noon, nagpunta na siya sa seksyon ng kasaysayan at heograpiya. Dahil siya ay pinanganak sa isang mahinang sangay na clan, walang masiyadong alam si Zhao Feng sa labas na mundo. Ang heograpiya at kasaysayan ay limitado lamang sa Sky Cloud Thirteen Countries.

"Malaki ang Sky Cloud Forest... umaabot ito sa labingtatlong bansa…," bahagyang natulala si Zhao Feng.

Gaya ng sinasabi ng panagalan, ang Thirteen Countries ay mayroong kasunduan upuang magkampihan para tapatan ang kalaban. Anong klaseng kalaban ang kailangan ng labingtatlong bansa para magkampuhan? Dali-daling tumingin si Zhao Feng sa mga librong pangkasaysayan.

"Sa nakalipas na dalawang taon, an thirteen countries ay naipit sa pagitan ng dalawang malakas na mga bansa: Sky Rich country at Metal Blood country. Ang dalawang bansa ay nasa gyera isang milenyo nang nakalipas at kung sino man sa kanila ang mananalo, ito ang magiging dulot ng pagkasira ng thirteen countries…" nagulat si Zhao Feng nang makita niya ito.

Matagal na panahon na ang nakalipas, naisip niya na malaki na ang Sun Feather City at ang Cloud Country ay panaginip lamang. Subalit ngayon ang thirteen countries, kabilang na ang Cloud Country, ay nagsumikap upang mabuhay sa anino ng dalawang malakas na bansa.

Sa oras na masira ang balanse sa pagitan ng dalawa, ang kasunduan ng thirteen country ay masisira.

"Hmm? Northern Continent?"

Natagpuan ni Zhao Feng na ang sabi ng aklat ng heograpiya na ang dalawang malakas na bansa ay ilan sa marami sa Northern Continent.

*******************

Tatlong araw ang lumipas sa isang pagkurap ng mata.

Sa umang iyon, sila Feng Hanyue, Zhao Yufei, at si Zhao Feng ay lahat nagpunta sa bahay ni Nan Gongfan. Si Lord Guanjun ay talagang mayroong dose-dosenang outer disciples, ngunit hindi lalagpas anim sa kanila ang nasa iisang henerasyon kabilang na sila Nan Gongfan, Feng Hanyue, Zhao Feng, at Zhao Yufei. Bukod sa kanila, mayroong isang batang nagngangalang Yang Qingshan siguro'y labinganim hanggang labingpitong gulang, na siyang nasa eighth rank.

"Haha! Brother Nan Gongfan, hindi mo ba ipakikilala ang mga bagong mga mukhang ito sa akin?" Malakas na isinigaw ni Yang Qingshan at tila ba ganadong-ganado.

Nakaramdam si Nan Gongfan ng sakit na ulong parating habang pinapakilala niya ang tatlo kay Yang Qingshan.

"Bakit wala ang batang Bei Moi na iyon dito? Ang lalaking ito ay ineensayo ang Rippling Skill, sana ay mabaliw siya...hahaha…," tumawa si Yang Qingshan.

Ang mga kasing edad niya ay nandito maliban kay Bei Moi.

Sa oras na iyon, hindi tumigil ang bibig ni Yang Qingshan. Walang magawa si Nan Gongfan, ngunit si Yang Qingshan ay mas malakas sa kaniya.

"Nandito na siya!" Sumigaw si Yang Qingshan.

Isang batang walang ekspresyon ang lumakad papasok, siya si Bei Moi.

"Brother Bei, nandito ka na sa wakas." Nakahinga na si Nan Gongfan.

Tuming si Bei Moi sa iba, at saka umupo at nagsimulang mag-cultivate muli. Habang sila Zhao Fei at ang dalawa ay tuliro, sina Nan Gongfan at Yang Qingshan ay umastang tila ba normal lamang ito.

Nagusap-usap ang lahat ng mga disciples kung ano ang kanilang natutunan at minsan, nagpakitang gilas din sila ng kanilang mga skills. Sa gitna nitong lahat, sina Nan Gongfan at Yang Qingshan ang pangunahing nagsasalita, samantalang ang tatlo naman ay nakikisali paminsan-minsan. Para naman kay Bei Moi, siya ay parang isang bloke ng kahoy na nakaupo lamang diyan at nagku-cultivate.

Hindi kalaunan, nagdesisyon ng maglaban ang mga kabataan.

"Sinong gustong makipaglaro sa akin?" Ganadong sinabi ni Yang Qingshan.

"Ako!"

Naglakad palabas si Feng Hanyue at hinarap si Yang Qingshan at ang pangalawa ay pinigil ang kaniyang kapangyarihan sa peak seventh rank.

Dalawang anyo ang nagsalpukan sa maliit na lugar.

Mountain Striking Stance!

Biglang gumamit si Yang Qingshan ng isang Holy martial art at tinulak palabas ang kaniyang palad, nagdulot upang bumugso ang hangin.

"Heavenly Illusion Stance!"

Ginamit ni Feng Hanyue ang kaniyang hindi pa kumpletong Holy martial art at biglaan, ang kaniyang anyo ay parang naging buwan, malabo at mailis, ngunit siya pa rin ay kinakabahan dahil kay Yang Qingshan.

Makalipas ang dalawampung galaw, pinagpapawisan na si Feng Hanyue at kalaban pa lamang niya si Yang Qingshan habang pinipigilan niya ang kaniyang cultivation.

Pagtapos nito, umakyat si Zhao Yufei at nakipagpalitan ng ilang galaw kay Yang Qingshan, habang ang pangalawa ay nagpipigil ng kaniyang cultivation sa lebel na mayroon ang babae.

Bagama't mas magaling si Zhao Yufei sa inaasahan, natalo pa rin siya makalipas ang tatlumpu o higit pang galaw.

Nagsanay si Yang Qingshan ng maraming half-Holy martial arts high hanggang sa mataas na lebel at mukha ring mayroon siyang kumpletong Holy martial arts, taimtim na pagninilay ni Zhao Feng.

Pagtapos matalo nina Feng Hanyue at ni Zhao Yufei, si Zhao Feng naman ang sumunod.

Ako na?, tumayo si Zhao Feng.

"Hehe, hayaan mo ako!" Isang ngiti ang lumitaw sa mga labi ni Nan Gongfan nang kinuha niya ang lugar ni Yang Qingshan.

Bahagyang nagtaka si Yang Qingshan. Bakit naman lalabas si Nan Gongfan at harapin si Zhao Feng? Ngunit hindi niya siya tinaggihan at binigay niya ang puwesto niya kay Nan Gongfan.

Alam ni Zhao Feng na napasama niya ang loob ni Nan Gongfan nakaraan dahil sa kaniyang mga salita habang sila ay umaalis sa Spiritual Martial Hall.

"Brother Zho Feng, relax, pipigilan ko ang cultivation ko sa seventh rank, parehas ng sa iyo," mayabang na sinabi ni Nan Gongfan.

Shua!

Hindi na nagbigay pansin si Zhao Feng sa mga salita at bigla siyang lumitaw sa likod ni Nan Gongfan. Ang buong proseso ay nasa lubhang katahimikan.

Napaka bilis!

Sina Zhao Yufei at Feng Hanyue ay nagulat. Gumamit si Zhao Feng ng Smoking Transparent Step, na ang specialty ay katamihikan.

Star Finger!

Mabilis na ginamit ni Zhao Feng ang Star Finger na nasa peak fourth level, na nagpalabas ng isang linya ng asul na liwanag.

"Hindi na masama!" Ngumiti si Nan Gongfan at pasimpleng hinawi ang kaniyang manggas na madaling nadurog sa atake ni Zhao Feng.

Napaka kaswal!

Taimtim lamang si Zhao Feng, ang katawan ay maaaring nai-ensayo ang Holy martial art na kayang sumira ng kaniyang Star Finger.

Pagtapos tapatan ang atake, itinulak palabas ni Nan Gongfan ang kaniyang palad at nagpadala ng sampung bilog ng puting hangin sa direksyon ni Zhao Feng. Nais umiwas ng pangalawa ngunit may naramdaman siyang puwersahang pumipigil sakaniya.

Sa gitna, nahigop ni Nan Gongfan sa lahat ng dumi, dahon, at mga sangay.

"Zhe zhe, mukhang mas lumakas pa ang Godly Suction Force ni Brother Nangongfan," bumuntong hininga si Yang Qingshan.

One Line Star Finger.

Tumulak paharap si Zhao Feng imbes na umatras at ginamit angpahatak na puwesa nito, mabilis niyang ginamit ang pamatay na gakawang Star Finger.

Tong! Tong! Tong...

Paulit-ulit na sumaksak ang daliri ni Zhao Feng ay ito ay naglabas ng ilaw ng magandang asul na liwanag.

"Tunay na malakas ang kapangyarihan mo, ngunit wala itong epekto sa akin," tumawa si Nan Gongfan habang tumatawa sa iisang lugar at hinawi ang kaniyang mga kamay.

Hu~ Hu~

Patong-patong na puting air waves ang nagsimulang umikot sa katawan ni Nan Gongfan. Sa tuwing umaabot sa kaniya ang atake, bumababa ang kaniyang kapangyarihan at sa wakas at mawala na.

Bago pa lamang mahigop si Zhao Feng sa isang mapanganib na sitwasyon-

Flowing Wind Stance!

Mabilis na humalo ang daliri ni Zhao Feng sa patong-patong na puting abo at tila ba isa siya sa mga ito.

One Line Star Finger!

Mukahng ang mga atake ni Zhao Feng ay nakasalalay sa hangin.

"Ang batang ito ay kayang resolbahin ang aking Holy martial art!" Nagbago ang ekpsresyon ni Nan Gongfan.