Pinigilan ni Zhao Feng ang kaniyang pagkatuwa nang mahawakan ang kaniyang daan-daang libong silver notes at umalis sa kaniyang gusali. Hindi niya pinangarap na magaroon ng ganoon karaming pera. Noon sa Zhao sect, ang kaniyang natatanggap ay dalawampung pilak lamang bawat buwan.
Siguradong makakabili na ako ng maraming resources para makatulong sa aking Silver Wall Technique… inisip ni Zhao Feng.
Di nagtagal, siya ay lumabas ng Guanjun Palace, kung saan hindi pa siya nakakapunta dati. Mas malaki ang Province City kaysa sa Sun Feather City. Ang mga cultivators at mga karwahe ay mamamataan kahit saan.
Hindi na kinailangang magtanong ni Zhao Feng ng direksiyon, sumunod lang siya sa direksiyon ng karamihan at nakarating na siya sa pamilihan. Sa daan-daang metrong layo, nakita niya ang isang tindahan na may nakasulat na "Medicine Pavilion" dito.
"Ang kapangyarihan ng Medicine Pavilion ay talagang malakas. Mayroon din silang tindahan sa Province City," nagliwanag ang mga mata ni Zhao Feng sa tuwa. Nakapunta na siya sa Medicine Pavilion nang ilang beses sa Sun Provunce City, at alam niyang mataas ang kalidad ng mga produkto dito.
"Tatlong Forest Moonlight Grass…Precious Snow Jade Marrow…Bone Connecting Pill…Final Seven Poisonous Snake Guts…" nahilo si Zhao Feng kakatingin sa iba't ibang mga produkto.
Shua! Shua!
Binuksan ni Zhao Feng ang kaniyang kaliwang mata at sinuri angmga produkto. Sa isang saglit, nakabisado niya lahat ang mga pangalan, itsura, at deskripsyon.
Ang libo-libong mga tabletas, gamot, at resources ay makakapagpaabot ng ilang taon para sa isang Martial Learner na makabisado ito, ngunit gumamit lang ng kaunting hininga para maitatak ito sa kaniyang memorya. Pagkatapos ay ipinikit niya ang kaniyang mga mata at sinuri ang mga produkto sa kaniyang isip para hanapin ang kaniyang kailangan.
"Mayroon ka bang kailangan?" magalang na tanong ng lumapit na Martial Learner. Naramdaman niya na si Zhao Feng ay may aura na mas malakas pa sa iba.
"En," sagot ni Zhao Feng. Apat na produkto kaagad ang kaniyang sinabi. "Tatlong pakete ng Bone Strengthening Powder, tatlong Blood Condensing Body Strengthening Pills, tatlong Chi Storage Pills, at isang Sun Gathering Pill."
Nanginig ang Martial Learner at nagtanong, "Si…sigurado ba kayong gusto niyo ang mga ito?"
"ang Bone Strengthening Poweder, isa sa pinakamainam na resources para makatulong sa body strengthening techniques, ay nagkakahalaga ng tatlumpu't siyam na libong pilak bawat pakete!" sigaw ng isang malapit na cultivator.
Si Zhao Feng ay humingi ng tatlo nang sabay!
"Maliit na kaibigan, sigurado ka bang hindi ka nanloloko?" Isang medyo matandang pill master ang lumapit at naglabas ng ikaanim na antas na aura.
"Mao Pill Master!" Ang mga tagagawa ng tabletas at mga Martial Learners ay tumingin sa kaniya ng may paggalang.
Sa ilang sandali, ang sitwasyon ay nakakuha ng atensyon ng maraming tao.
"Nanloloko? Wala akong ugaling ganoon," ngumiti si Zhao Feng nang bahagya.
Lumapit si Mao Pill Master at kalmadong sinabi, "Kaibigan, ang mga mahalagang bagay na ito ay aabot sa kabuuan ng apatnapung libong pilak. Sigurado ka bang kaya mo itong bilhin?" Halatang si Mao Pill Master ay hindi naniniwala na mayroong ganoon karaming pilak si Zhao Feng.
Apatnapung libong pilak!
Huminga nang malamig ang mga mamimili at nagbuntong-hininga. Hindi nila inasahanag ang kaunting produktong gusto ng isang labing-apat na taong gulang na youth at aabot sa halagang apatnapung libong pilak.
"Oo," tumingin pabalik si Zhao Feng sa pill master.
Hmph!
Mababakas ang galit sa mukha ni Mao Pill Master, dahil kung bibilhin talaga ni Zhao Feng ang mga ito, ang mataas na lebel ng Medicine Pavilion ay lilitaw.
Kahit hindi sumigaw si Mao Pill Master, mas lumaki ang kaniyang ikaanim na antas na aura.
"Sa tingin mo ba ay wala akong akong karapatang gawi n ito?" walang bahalang sagot ni Zhao Feng habang inilabas ang mabangis na Inner Strength.
Sa isang sandali, tila nagyelo ang hangin at ang mga mamimili sa paligid ay tila hindi makahinga. Nanigas si Mao Pill Master at naramdaman ang kaniyang Inner Strength na napigilan. Sa kabutihang-palad, ang aura ay nagtagal lamang ng isang Segundo bago mawala. Bukod sa pito o walong taong malapit, walang ibang nakaramdam nito.
"Anong nangyayari?" Ni hindi alam ng nag-aaral ng tabletas ang nangyari.
Pinagpawisan nang malamig si Mao Pill Master sa kaniyang likod. "Sundan mo ako sa ikalawang palapag."
Ayon sa patakaran ng Medicine Pavilion, kung dalawampung libong pilak na halaga ng mga produkto ang ipapagpapalit, kailangan nilang pumunta sa ikalawang palapag.
Ang pagbabago sa ugali ni Mao Pill Master ay nakapagpataka sa ibang tao, ngunit may kaunting nakaramdam ng malakas na aura na lumitaw at nawala sa isang saglit.
"Martial…Martial Master…" isang cultivator ng ikalimang antas ang nainis na bumulong sa kaniyang sarili.
Ngunit dahil masyadong mahina ang kaniyang boses, walang ibang nakarinig dito. Ang mga nakakaalam ng katotohanan ay nagulat, na tila nawala ang kanilang mga kaluluwa. Sinuring maigi ni Mao Pill Master si Zhao Feng, at itinaas ang kaniyang kamay. Hindi pa siya nakakita ng batang Martial Master noon. Kapag naging Martial Master ang isang tao, siya ay titingalain ng mga Martial Learners at Martial Artists.
Ang mga Martial Master ay hindi lamang simbulo ng kapangyarihan, sila ay mga simbulo rin ng katayuan. Ngunit ang youth na ito ay labing-apat na taong gulang lamang at nakaabot na siya sa ganitong lebel!
"Hindi na kailangan, marami akong ginagawa. Dito na lang magpalitan," umiling si Zhao Feng.
Dahil dito ay biglang nailing si Mao Pill Master, ngunit hindi siya makatanggi, kaya kailangan niyang makipagpalitan doon mismo.
"Bone Strengthening Powder, tatlumpung libong pilak kada isang pakete, ang tatlong pakete ay may kabuuang isang daan at labingpitong libong pilak; Blood Condensing Pills tatlumpu't dalawang libong pilak kada tabletas, ang tatlong tabletas ay siyamnapu't anim na libong pilak; Chi Storage Pills apatnapu't apat na libong pilak kada tabletas, ang dalawang tabletas ay walompu't walong libong pilak; Sun Gathering Pill walumpung libong pilak kada isang tabletas…lahat ay nagkakahalaga ng tatlong daan at walumpu't tatlong libong pilak!" pag-anunsyo ni Mao Pill Master.
Tatlong daan at walumpu't tatlong libong pilak!
Huminga nang malamig ang mga malapit na mimimili. Alam ng isang tao na ang isang mabagsik na halimaw ay nagkakahalaga lamang ng tatlumpung libong pilak, at kailangan pa nilang itaya ang kanilang buhay para makapunta sa kaibuturan ng Sky Cloud Forest para mahanap ito!
Kahit ang mga Martial Master ay hindi magtatangkang pasukin ang tunay na kaibuturan ng Sky Cloud Forest.
"Ito na ang mga pilak." Kinuha ni Zhao Feng ang makapal na tumpok ng silver notes at inilagay ito sa pinagbabayaran.
"Ang bilang ay tama." Kayang alamin ni Mao Pill Master kung ito ay totoo o hindi sa pamamagitan ng pagtingin sa tatak ng kasunduan ng thirteen country. Kasama sa kasunduan ng thirteen country ang Cloud Country at ang Maple Fire Country. Ang kasunduang ito ay tinatawag ding Sky Cloud Thirteen Country Pact at lahat sila ay gumagamit ng parehas na pera para sa mas madaling pagpapalitan.
Di nagtagal, si Mao Pill Master at ang dalawa pang iba ay kinuha ang mga gusto ni Zhao Feng bilhin.
"Bone Strengthening Powder, tatlong pakete; Blood Condensing Pills, tatlo; Chi Storage Pills, dalawa; Sun Gathering Pill, isa," kinumpirma ni Zhao Feng na ang lahat ay nakuha nila.
"Ang youth na ito ay kayang magdala ng maraming pera." Ang mga mata ng ilang cultivators sa Medicine Pavilion ay nagkislapan. Dalawa sa kanila ang sumunod nang may nakakatakot na mukha. Hindi nila alam ang tunay na cultivation ni Zhao Feng.
"Mao Pill Master, ang mamimilin iyon…" Alam ng isang Pill Learner na may mali.
"Ang kaligtasan ng isang mamimili sa labas ng Medicine Pavilion ay walang kinalaman sa atin. Bukod pa rito, ang cultivation at katauhan ng mamimiling ito…" hindi nag-alala si Mao Pill Master kay Zhao Feng. Ang isang labing-apat na Martial Master ay siguradong may malakas na katauhan.
Pagkalabas pa lang ng pavilion ni Zhao Feng, naramdaman na niyang may dalawang taong sumusunod sa kaniya.
Bilang isang disipulo ni Lord Guanjun, maaarin niyang gawin ang halos kahit anong gusto niya sa Guanjun Province dahil ang kaniyang master ay ang panginoon doon.
"Young master." Pagkapasok ni Zhao Feng sa Guanjjun Palace, ang pinunong guwardiya ng ikaanim na antas ay lumapit at binati siya. Walong Martial Artist, kasama ang pinunong guwardiya, ang nakatayo nang mag paggalang.
Maaaring ang mga normal na guwardiya ay walang alam sa katauhan, ngunit ang pinunong guwardiya ay may mga koneksyon, at napag-alaman ang kaniyang pagkakakilanlan.
"Guanjun Palace!" Napatalon ang dalawang sumusunod sa kaniya.
Teng! Teng!
Tumigil agad ang kanilang mga hakbang. Lalo silang nawalan ng pag-asa nang makita nilang batiin ng pinunong guwardiya si Zhao Feng nang may paggalang…
Guanjun Palace.
Ang malaking siyudad na ito na kontrolado ng iba pang labindalawang siyudad at ang mga tinatawag na Young Master ay siguradong may koneksyon sa 'taong iyon'…
Nang maisip ito, pinawisan nang malamig ang dalawang Martial Artists. Isang hakbang pa, siguradong nasa impyerno na sila.