Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 85 - Kahilingan

Chapter 85 - Kahilingan

* * *

"Zhao Feng! Ang tanong na ito ay walang kinalaman sa iyo! Kinukupkop ni Master ang mga henyo dahil sila ay maal niya. Sa tingin mo ba na ang master na iyon ay may layunin?" sigaw ni Nan Gongfan sa galit.

Ang tanong ni Zhao Feng ay nakapagpasalaubong din sa mga kilay nila Bei Moi at Feng Hanyue. Totoo naman, ang tanong ni Zhao Feng ay hindi tungkol sa cultivation. Napagtanto rin ni Zhao Feng na ang tanong ay wala nang kaugnayan.

"Ito ang unang beses na may nagtanong sa akin ng katulad ng tanong mo." Bumalik sa normal ang ekspresyon ni Lord Guanjun at tumingin kay Zhao Feng.

Sa kaniyang lebel, halata naman hindi siya magagalit sa mga bagay na ganoon.

Talagang mabait ang Master.

Nagbuntong-hininga si Nan Gongfan at ang iba pa. Mukhang hindi galit si Lord Guanjun.

Sa pamamagitan ng tanong ni Zhao Feng, naging interesado na rin ang iba pa.

Sila Feng Huanyue at Nan Gongfan ay matalino, alam nilang hindi naghahanap ng mga henyo si Lord Guanjun dahil lamang sa kagustuhan niya, may layunin ito.

Si Lord Guanjun ay mabagal na tumayo na nasa likod ang kaniyang mga kamay at nagbuntong-hininga habang nakatingin sa langit.

Nakita ni Zhao Feng ang pagbabago sa kawalang pag-asa, galit at mga inaasahan sa mga mata ni Lord Guanjun nang siya ay nagbuntong-hininga. Tila naranasan ni Lord Guanjun ang apat na panahon sa isang taon nang siya'y nagbuntong-hininga.

"Sa mga nagdaang taon, naghahanap ako at nag-aalaga ng mga henyo para sa isang kahilingan ko. Isa itong bagay na hindi ko kayang gawin, kailangan ko ang mga mas batang henerasyon para gumawa."

Sinuri ni Lord Guanjun ang mga mukha ng mga youth na nasa lugar at tsaka tumingin kay Bei Moi nang may inaasahan at pag-asa.

Isang kahilingan?

Isang bagay na kahit si Lord Guanjun ay hindi makagagawa?

Nagtinginan ang mga youth, nagulat. Alam ng lahat na may peak power si Lord Guanjun sa Cloud Country. Ano ang bagay na kahit siya ay hindi kayang makagawa?

"Ano ang kahilingan ni Lord Guanjun?' Mas nagtataka na ngayon si Zhao Feng.

Hindi siya naniniwalang mayroong hindi kayang gawin si Lord Guanjun.

"Maaari na kayong umalis." Nagbuntong-hininga si Lord Guanjun at sumenyas gamit ang kaniyang kamay.

Pagkatapos, siya ay umupo muli sa kaniyang futon at pinanatili ang kanyang core engineer.

"Master, siguradong tutuparin ko ang inyong kahilingan," pangko ni Bei Moi.

"Mabuting ikaw ay may puso. Simulas ngayon, ituturo ko sa iyo ang lahat ng aking secret skills…" ngumiti si Lord Guanjun.

Ngayon, sampung mga henyo ang pumasok sa Spiritual Martial Hall para subukin ang kanilang potansyal. Walang pag-aalinlangan, ang ipinakita ni Feng Huanyue ay napakagaling, ngunit hindi pa rin ito maikukumpara kay Bei Moi.

…..

Salabas ng Spiritual Martial Hall.

Ang mga outer guards ni Lord Guanjun ay sabay na lumabas.

"Brother Zhao, ang lakas ng loob mo! Paano mo naitanong ang ganoong bagay? Kailangan mong malaman na kahit ang mga martial masters ng ikasiyam na antas ay mapagkumbaba sa Mster," sabi ni Nan Gongfan na may tono ng pagdidisiplina.

"Salamat sa pagsabi sa akin," sabi ni Zhao Feng.

Kakaluklok lang niya bilang panlabas na ni Lrod Guanjun at kahit ayaw niyang masaktan ang damdamin ni Nan Gongfan, hindi niya ito susundin. Hindi naging masaya si Nan Gongfan sa ipinakita ni Zhao Feng ngunit hindi ito ang tamang 0ras, kaya inalala niya sa kaniyang puso.

Si Zhao Yufei ang nakakuha ng ilang impormasyon mula sa mga bibig ni Nan Gongfan.

Sabi ni Nan Gongfan: "Kailangan kitang balaan na si Brother Bei Moi ay may nakapagaling na talento. Sobra siyang mayabang at hindi hinahayaan ang iba na matalo siya, kaya huwag mo siyang kakalabanin."

Pareho lang ang naramdaman ni Zhao Feng nang marinig ito. Nang matalo niya si Bei Moi sa pagkabisado, hindi ito naging masaya.

"Maari ko bang malaman mula kay Zhao Feng kung gaano kagaling si Bei Moi, kung maaari ba siyang makuha ng Master bilang isang core disciple?" may taglay na hindi makatarungan sa tinig ni Zhao Feng.

Kahit na siya ang pinakahenyo sa Sky Guards Battalion, hindi pa rin siya malapit sa pagiging isang core disciple.

"Haha, kung napansin mo na ang potensyal ni Bei Moi noon pa, hindi mo ito sasabihin," tumawa si Nan Gongfan na may halong kapaitan at pagkainggit.

"Gaano karaming bilog ang naipon noong pagkakataon ni Bei Moi?"

Nagtatakang tanong ni Zhao Yufei.

Kailangan nila ng nasa limang bilog para maging isang outer disciple ni Lord Guanjin.

"Sa oras na iyon, ang resulta ko ay lima at kalahating bilog…"

Mukhang naalala ni Nan Gongfan ang nangyari tatlong taon ang nakararaan noong narating nila ni Bei Moi ang Spiritual Martial Hall.

"Lima at kalahati? Mas marami pa iyon kaysa sa amin." Ang pagiging hindi makatarungan sa puso ni Feng Hanyue ay nawala.

"Kaya lamang, kung ikukumpara kay Bei Moi, walang sinabi ang sa akin. Ang sa kaniya ay… walo at kalahati!" Huminga nang malalim si Nan Gongfan habang mababakas sa kaniyang mga mata ang pagka-inggit, kawalang pag-asa, at hindi pagsang-ayon.

Walo at kalahating bilog!

Sila Feng Hanyue at Zhao Yufei ay namangha. Namangha si Zhao Feng, walo at kalahating bilog!

Isang halimaw ang kapangyarihan ni Bei Moi. Hindi nakapagtataka na mahalaga si Bei Moi kay Lord Guanjun. Sa sandaling ito, napagtanto ng mga henyo ang pagkakaiba sa kanila ni Bei Moi.

Matapos umalis sa Spiritual Martial Hall ni Feng Hanyue, bumalik sa Sky Guards Battalion sila Zhao Yufei at Zhao Feng.

Sa parehong araw, ginamit nila ang kanilang pagkakakilanlan bilang mga disipulo ni Lord Guanjun para makalipat sa mas maayos na lugar sa Guanjun Palace.

"Binabati ko kayong dalawa sa pagiging mga disipulo ni Lord Guanjun. Nawa ay hindi ninyo ako makalimutan," sambit ni Huang Qi na may paghanga sa mga mata.

Sa sandaling ito, hindi maiwasan ni Huang Qi na magbuntong-hininga. Naalala niya kung paanong hindi niya pinansin ang dalawa nang unang beses na kanilang pagkikita, ngunit ngayon ay napakalayo na sa kaniya.

Iniligpit na ng dalawa ang kanilang mga kagamitan, pumunta sila para bisitahin ang Third Guard.

"Ngayon na nasa ilalim tayo ng iisang Master, maaari kayong pumunta sa akin kung kailangan ninyo ng tulong." Ngumiti nang bahagya ang Third Guard.

"Maaari ko bang itanong ang pangalan mo?" Hindi alam ni Zhao Feng ang tunay na pangalan ng Third Guard.

"Dahil sa pagiging Guanjun Corp, Third Guard na ang aking pangalan ngayon." Anga tagapangasiwa ng Sky Guards Battalion ay misteryoso pa rin.

Sila Zhao Feng at Zhao Yufei ay nagulat at iniwan na nila ang Third Guard matapos ang ilang sandali. Matapos maging disipulo ni Lord Guanjun, mas maayos na ang natatanggap nilang pakikitungo kaysa sa iba sa Guanjun Palace.

Sa parehong araw.

Si Zhao Feng at Zhao Yufei ay lumipat na sa kanilang sariling gusali. Ang gusaling pinaglipatan ni Zhao Feng ay may dalawang Martial Artists bilang guwardiya.

"Pagbati sa iyo, Young master Zhao!" Yumuko ang dalawang guwardiya.

"Pagbati sa iyo, Master." Mga pito o walong tagapagsilbi ang magalang na nakatayo doon.

Ang gusali ay tatlong palapag at maroong maliit na hardin.

"Ang pakikitungo rito ay lampas pa sa kung anong nakukuha ng mga Elder ng Zhao sect," pinatunog ni Zhao Feng ang kaniyang dila.

Kung ito ay kalahating taon ang nakararaan, hindi niya naisip na magiging guwardiya niya ang Martial Artists. Sa pagiging disipulo lamang ni Lord Guanjun, nakakuha siya ng tatlumpung libong pilak at ilang libreng mga resources.

Matapos lumipat sa kaniyang bagong bahay, naligo si Zhao Feng at nag-umpisang magcultivate muli. Ang Returning Breath Technique ay hindi niya tingilang sanayin. Pagkatapos magsanay saglit ng Returning Breath Technique, sunod naman ang Silver Wall Technique. Ang Silver Wall Technique lamang ang Holy martial art na mayroon siya at kaya nitong mapataas ang kaniyang lakas.

Naalala ni Zhao Feng ang sinabi ni Lord Guanjun noong umaga: "Ang punto ng siyam na antas ng Martial Path ay mapalakas ang dugo, mga buto at laman ng isang tao. Ang tunay na layunin ng Inner Strength ay hindi ang pagpatay kung hindi ang mapalakas ang katawan ng isang tao. Sa putnong ito, maraming cultivators ang napunta sa maling daan."

Madaling makita na ang tunay na layunin ng martial path ay ang malinang ang katawan at pundasyon nito, na nagdahilan kay Zhao Feng na maging mas dedikado sa pagsanay ng Silver Wall Technique.

Kapag na naabot na ng Silver Wall Technique ang ikasampung lebel, malalampasan na ng kaniyang katawan ang hangganan ng mga mortal at hindi na niya kailangang alalahanin ang mailalabas na kapangyarihan tuwing susubukang abutin ang Holy martial path.

Sa mga sumunod na mga araw, itinuon ni Zhao Feng ang pansin sa Silver Wall Technique, Returning Breath Technique at iba pang skills tulad ng Star Finger at Smoking Transparent Step. Ngunit ang progreso ng Silver Wall Technique ay napakabagal matapos itong makaabot sa ikaanim na antas.

Hindi lamang ito, ang mga Body Strengthening Technique at nangangailangan ng oras at pagsisikap upang unti-unting mabuo.

"Ang mga resources ay kayang makapagpabilis ng progreso ng body strengthening techniques," inisip ni Zhao Feng.

Inayos niya ang kaniyang mga gamit ang nakita niyang may apat na daang libong pilak sa kaniyang mga bulsa.

Hm? Ang dami!

Namangha si Zhao Feng nang ilang segundo bago naalalang ang lahat ng mga bagay na ito at galing sa mga banditong pinabasak niya, lalo na ang isang na sa ikapitong antas. Ang taong ito lamang ang nagbigay sa kaniya ng dalawang daan hanggang tatlong daang libong pilak.

* * *

Related Books

Popular novel hashtag