Sa hall, ang mga kabataan ay
naka tingkayad.
Napataas ang kilay ni Zhao Feng, hindi siya naniniwala na walang
kahit isa sa Sampung Sky Guards ang nakilatis ni Lord Guanjun sa isang sulyap
lamang.
"Ang siyam na antas ng
Martial Path ay pundasyon lamang. Sa lugar na ito, ang lakas, cultivation at
skills ay hindi importante kung hindi ka makakaabot sa sumunod na realm,"
nangibabaw ang boses ni Lord Guanjun sa hall.
Ang mga salitang ito ay naintindihan nang kalahati ng mga
kabataan at kalahating kakaiba sa kanilang mga tainga. Kakaunti lamang ang
nakaintindi ng kahulugan ng sinabi ni Lord Guanjun.
"Ayon sa kanya, ang siyam
na antas ng Martial Part ay pundasyon lamang… sa yugtong ito, kahit mas malakas
ka pa sa iba, wala itong halaga kung hindi ka aabot sa sumunod na realm," may
isang bagay na naintindihan si Zhao Feng.
Naalala niya isang buwan na ang nakakalipas noong nakausap niya
si Master Ye. Sabi ni Master Ye, "Ang siyam na antas ng Martial Path ay
humuhubog sa katawan at mga buto at bumubuo sa pundasyon.
Ngayon, naalalala ni Zhao Feng ang puntong ito at napag tanto na
ang tunay na tunguhin ng siyam na antas ng Martial Path ay hindi pagpatay
o ang mga skills.
"Isang kabataan ang nag
hangas na magtanong, kung hindi cultivation at lakas ang mahalaga sa siyam na
antas ng Martial Path, ano ito?" Tumayo si Feng Hanyue at magalang na
nagtanong. Sa ginawa niyang ito, may namuong malamig na pawis sa kanyang
likuran.
Ang siyam sa Sampung Sky Guards ay hindi mapigilan na pagpawisan
din at humanga sa kanyang tapang.
Nagkaroon nang magandang impresyon si Lord Guanjun kay Feng
Hanyue. "Ang lakas ay ikalawa lamang dito sapagkat ang hinaharap ang pinaka
mahalaga. Ang landas na maghahatid sayo sa malayo."
Hinaharap. Ang landas na maghahatid sa'yo sa malayo."
Agad na naintindihan ito ni Zhao Feng. Kapag ang isang tao ay
nakaabot na sa lebel ni Lord Guanjun, magkakaroon sila nang ibang pananaw.
Halimbawa, maaring ang Martial Artist ang pinaka malakas sa
kanyang buong antas, ngunit kung wala siyang potensyal at hindi kayang tapusin
hanngang sa ikapitong antas upang maging Martial Master, walang halaga ang
pagiging pinaka malakas niya sa mga ika-anim na antas. Kung kaya, hindi sila
itataas ng kanilang dibisyon.
Ito rin ay nangangahulugan na ang sulyap ni Lord Guanjun ay
nakita niya ang potensyal ng Sampung Sky Guards at hindi siya tumingin nang
mabigat sa kanilang mga kasalukuyang lakas.
Ang mga mayroong mas magandang potensyal ay may mas mataas na
cultivation, kung kaya't namimili siya ng mga disipulo mula sa Sampung Sky
Guards.
"Kahit sabihin ko ito,
kailangan mo pa rin na masubukan." Sa pag sabi nito ni Lord Guanjun, kinuha
niya ang malinaw na bolang kristal na kasing laki ng kanyang kamao.
Ang bolang ito ay gawa sa kakaibang materyal. Sa kanyang hudyat,
kinuha ni Bei Moi ang bolang kristal at ibinigay ito sa Sampung Sky Guards.
"Ayan ang bagay na iyon!"
Naramdaman ni Gongfan ang pagtalon ng kaniyang puso.
Noong taon na iyon, dumating siya sa Spiritual Martial Hall
kasama si Bei Moi, inilabas din ito ni Lord Guanjun.
Sinabi ni Lord Guanjun, "Ito ay espesyal na bagay sa mundo,
sapagkat nasusukat nito ang potensyal sa hinaharap ng isang tao. Kaya
nitong tantyahin ang hinaharap na potensyal nang humigit-kumulang siyamnapu't
siyam na porsyento.
Hindi mapigilan ng mga kabataan na kabahan matapos itong marinig.
"Isang bagay na maaaring
sukatin ang potensyal ng isang tao!" Naging interesado si Zhao Feng.
Iniabot ni Bei Moi ang bolang kristal kay Feng Hanyue.
"Pumikit ka at ibuhos mo ang iyong kamalayan at Inner Strength dit," saad ni Lord Guanjun sa kanya.
"Oo, sir." Huminga nang
malalim si Feng Hanyue at kinalma ang kanyang sarili. At kanyang pinokus ang
kanyang enerhiya sa bolang kristal sa kanyang kamay.
Weng~
May mga bilog na mayroong puting ilaw ang lumitaw sa loob ng
bolang kristal. Isang bilog, dalawang bilog, tatlong bilog… limang bilog!
Ang ika-limang bilog ay naging kulay berde, hindi katulad ng
apat na mga bilog na kulay puti.
"Nakalagpas ka sa ika-apat na bilog, ito ay nangangahulugan na
ang potensyal mo ay lumagpas sa mortal na katawan. Kahit ito ay mabuti, hindi
pa rin ito sapat upang maging aking core disciple," saad ni Lord Guanjun.
Nagdilim ang mga mata ni Geng Hanyue matpos itong marinig. Siya
ang may pinaka mataas na cultivation sa Sampung Sky Guards, ngunit siya
mabuti-buti lang sa mga mata ni Lord Guanjun.
Matapos makita ang kakayahan ni Feng Hanyue, lalong kinabahan
ang ibang mga henyo.
Hindi nagtagal, pagkakataon na ni Lei Cong. Nanginginig ang
kamay ni Lei Cong noong kinuha niya ang bolang kristal, at sa wakas ay binuhos
niya ang kanyang kamalayan dito.
Lumitaw ang mga bilog na may puting liwanag sa loob ng
bola.
Isang bilog, dalawang bilog, tatlong bilog, apat na bilog!
Tumigil ang puting bilog sa ika-apat, hindi lumitaw ang ikalima.
"Ang iyong potensyal ay
umabot sa hangganan ng mga mortal, ngunit ito ay malayo pa sa aking target,"
umiling si Lord Guanjun.
Paano ito naging ganito!?
Ang mga mukha ni Lei Cong ay naging kasing itim ng uling,
na para bang nawala niya ang kanyang kaluluwa.
Ang pagsusuring kanyang natanggap ay mas masama pa kay Feng
Hanyue. At least si Feng Hanyue ay nakatanggap nang karaniwang resulta.
Sumunod, pagkakataon na ni Lu Xiaoyu.
"Ako na." Mayroong
mataimtim na itsura si Lu Xiaoyu habang itinutuon niya ang kanyang kamalayan sa
bola. Sa loob ng bola, tatlong bilog ang lumitaw, sumunod ay kalahating bilog.
Tatlo't kalahating bilog ay medyo mas malala kaysa kay Lei Cong.
"Ang henyo sa mga mortal,
ngunit hindi ito sapat sa real world stage ," umiling si Lord Guanjun.
Maliban kay Feng Hanyue, ang dalawa ay hindi umabot sa hangganan
ni Lord Guanjun.
"Ang potensyal nina Lu Xiaoyu at Lei Cong ang pinaka mataas sa
Sun Feather City, ngunit wala silang halaga dito." Kumirot ang puso ni Zhao
Feng.
Iniisip niya rin kung ano ang ibig sabihin ni Lord Guanjun sa
'real world stage'. Matapos si Lu Xiaoyu, pagkakataon na ni Zhao Yufei.
Pumikit su Zhao Yufei at hinawakan ang kristal gamit ang kanyang
jade-like na kamay.
Weng~
Ang mga bilog ay lumitaw sa loob ng kristal; talong mga bilog
ang lumitaw, naging lima, naging apat, paulit-ulit na nag-iiba. Ito ay sobrang
paiba-iba at ang kulay ay hindi puti o berde.
"Hm?"
Nag-isip nang malalim si Lord Guanjun. ang sitwasyon ni Zhao
Yufei ay naiiba sa ibang kabataan.
"Ang potensyal ba ni Yufei ay kakaiba?" Naisip ni Zhao Feng.
Nagsalita si Lord Guanjun matapos ang ilang sandali nang
pag-iisip. "Ang iyong potensyal ay espesyal, ngunit hindi nito matatalo ang kay
Feng Hanyue.
Sa pagtanggap ng kanyang resulta, huminga nang malalim si Zhao
Yufei.
Nang matapos si Zhao Yufei, sumunod na ang ikalimang Sky Guards, sumunod ang ika-anim, at ang ikapito…
Ang mga kabataan matapos si Yufei ay hindi umabot sa pinaka
mababang pamantayan ni Lord Guanjun.
"Ako na." Kinuha nang nanginginig na kamay ni Huang Qi ang
kristal kay Bei Moi.
Hindi nagtagal, tatlo't kalahating bilog ang lumitaw sa kristal.
Ang kanyang potensyal ay pareho kay Lu Xiaoyu at siya pa rin ang nangunguna sa
Smapung Sky Guards, ngunit hindi pa rin siya sapat para kay Lord Guanjun.
Bigo!
Nalungkot si Huang Qi; siya ang pinaka henyo sa Pearl Tree City
at nais niyang ipakita ang kanyang skills sa Province City, ngunit hindi man
lamang niya naabot ang pinaka mababang pamantayan ni Lord Guanjun.
Pagkakataon na ni Li Zwen matapos si Huang Qi.
Si li Zwen ng kabataan na kasama sa grupo ni Lu Xiaoyu sa
panahon ng misyon.
"Ako…" Kubhang kinakabahan si Li Zwen at hindi niya magawang
kumalma.
Pah!
Hinampas ni Bei Moi ang likod ni Li Ziwen at naramdaman niya na
kumalma ang kanyang dugo. Ngunit ang kanyang pagsusulit ay walang halaga,
mayroon lamang siyang tatlong bilog.
"Sunod," saad ni Lord Guanjun na puno ng emosyon.
Sunod?
Tumalon ang puso ni Zhao Feng. Pagkakataon niya na. Ang huli sa
Sampung Sky Guards ay si Zhao Feng.
Sa oras na ito, ang mga mata ng lahat ay nakatuon sa kanya. Sa
panahong ito, nararamdaman ni Zhao Feng na inaasahan siya at ang kumpyansa ni
Zhao Yufei. Naramdaman niya rin ang mga ngiti nina Third Guard at Ye Linyun.
Lubhang inaasahan nila ang potensyal ni Zhao Feng sapagkat si
Zhao Feng ay umabot na sa ika-pitong antas at isa siya sa pinaka bata sa
Sampung Sky Guards.
Bago iyon, si Zhao Feng ang unang nakapatay sa misyon na pumatay
at mayroon siyang memorya na tumalo kay Bei Moi.
Iniabot ni Bei Moi ang bolang kristal kay Zhao Feng na mayroong
interes sa kanyang mga mata. Mayroon siyang malalim na impresyon kay Zhao Feng
sapagkat siya lamang ang taong nakatalo sa kanya sa pagkakabisado.
Bahagya siyang nalungkot matapos siyang matalo kay Zhao Feng
noong araw na iyon. Ngayon ay makikita niya kung gaano kalakas ang potensyal ni
Zhao Feng.
"Master, ito ang kabataang mas mahusay magkabisado kay Bei Moi
at ang unang nakapatay ng tulisan sa misyon. Hindi lamang iyon, siya rin ang
pinaka bata sa Sampung Sky Guards," saad ni Third Guard sa mababang boses.
"Oh?" Kuryosidad at
interes ang lumitaw sa mga mata ni Lord Guanjun.
Sa ilalim ng tingin ng lahat, kinuha ni Zhao Feng ang kristal at
tinuon ang kanyang kamalayan maging ang kanyang Inner Strength dito.
Weng~
Ang unang bilog ay agad na lumitaw.
Anong nangyayari!?
Tumalon ang puso ni Zhao Feng dahil matapos lumitaw ang isang
bilog, ang sumunod na bilog ay mabagal na nabuo. Kahit ituon niya ang buong
kamalayan niya dito, isa't kalahating bilog lamang ang nabuo.
Hm?
Natigilan ang mga taong nanonood. ang potensyal ni Zhao Feng ay
hindi dapat maging mas mahina kay Feng Hanyue.
Nadismaya si Lord Guanjun at magsasalita na sana siya.
Peh Peh! Peh Peh…
Nakarinig si Zhao Feng nang tumatalong tunog mula sa kanyang
kaliwang mata na naghatid sa kanyang katawan nang sobrang init.
Weng~
Hm?
Ang mga puting bilog na huminto sa pag galaw ay biglang umabante
at umabot sa dalawang bilog.
Matapos ang dalawang bilog, ang puting bilog ay patuloy na
gumagalaw. Dalawang bilog… Tatlong bilog… Tatlo't kalahating mga bilog...