Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 81 - Matinding Kompetisyon

Chapter 81 - Matinding Kompetisyon

"Umalis na si Lord Guanjun sa tagong meditasyon at makakarating na siya rito sa loob ng tatlong araw." Kumalat na ang balita sa Sky Guards Battalion.

Maraming mga youth ang natuwang isinara ang kanilang mga kamay. Sa Guanjun Province City, si Lord Guanjun lang ang nasusunod, isa siyang alamat na anyo na iginagalang ng bawat cultivator.

Nang kumalat ang balita, ang kompetensiya sa Ten Sky Guards ay naging mas mahigpit at naghahamunan pa ang ibang nasa sampung pinakamataas ang bawat isa.

Walang duda, mas mataas na antas sa Ten Sky Guards, mas mataas na pagkakataon na mapili. Tila nagkakagulo ang grupo ng mga youth, magulong kinucultivate at hinahamaon ang bawat isa, kahit alam nilang tila wala silang pagkakataong manalo.

Sa loob ng dalawang araw, kahit si Zhao Feng ay nakatanggap ng panghahamon.

Tinanggap ni Zhao Feng ang lahat ng hamon at ginamit ang Star Finger para tapusin ang kalaban sa isang galaw lang. Para kaunting prblema lang ang lumapit, inilabas ni Zhao Feng ang kanyang ikapitong antas na aura.

Ginawa niya ito dahil sa dalawang rason.

Una, ms kaunting tao ang manghahamon sa kanya. Dahil ang kanyang cultivation ay nakaabot na sa ikapitong antas, nakapasok na siya sa mga yugto ng Martial Master at panibagong lebel. Kahit na tulungan mo ang ibang mga youth, hindi nila susubukang hamunin siya.

Ikalawa, mas mataas na cultivation na ipakita ni Zhao Feng, mas mataas na pagkakataong mapili ni Lord Guanjun. Hinahangaan din ni Zhao Feng ang misteryoso at maalamat na si Lord Guanjun.

"Diyos ko! Nakaabot na si Zhao Feng sa ikapitong antas!"

"May isa na naming pinakahenyo sa Sky Guards Battalion!"

Kumalat ang balitang nakaabot si Zhao Feng sa ikapitong antas. Parehong lumpait sina Zhao Yufei at Huang Qi para batiin siya.

"Isang pagbati para kay Brother Zhao para sa pag-abot sa Martial Master."

Tumingin si Huang Qi kay Zhao Feng nang may paggalang at paghanga.

Ang tatlong hakbang sa siyam na antas ng Martial Path ay tinawag na Martial Learner, Martial Artist, at Martial Master. Kapag narating na ang mataas na hakbang, mag-iiba ang kanilang katayuan.

Ang Martial Learners ang pinakamababang hakbang ng mga cultivator. Ang mga Martial Artists ay hindi lamang malakas, kung hindi iginagalang din ng mga tao. Ngunit mararating lang ang pinakamataas na hakbang kung nakarating na sa Martial Master na antas. Kapag nakaabot na sila sa ikapitong antas, makatatanggap sila ng mga imbitasyon mula sa kahit sino sa labintatlong mga bansa.

"Alam kong si Brother Feng ay hindi matatalo kina Feng Hanyue at Lei Cong."

Mababakas ang kasiyahan sa mga mata ni Zhao Yufei. Mas madali para sa kaniyang tanggapin na nakaabot na si Zhao Feng sa ikapitong antas at Masaya siya para kay kaniya.

Mula sa pagiging outer disciple patungo sa pagiging inner disciple, pagkatapos ay naging henyo sa Sun Feather City, hindi nawala si Zhao Yufei sa pagsaksi sa kanyang progreso.

"Yufei, sa iyong potensyal, malapit mo nang maabot mo ang ikapitong antas." Ngumiti si Zhao Feng at pinagmasdang mabuti ng kanyang kaliwang mata ang katawan ni Zhao Yufei. Ang cultivation ni Zhao Yufei ay nakaabot na peak sixth rank at nasa ikalimang antas siya sa Ten Sky Guards.

******************

Sa loob ng gusali sa gitna ng lugar…

"Medyo kaunti lamang ang mga henyo sa Sky Guards Battalion, sana hindi madismaya si Lord Guanjjun…" bulong ng Third Guard.

Kahit nasa gusali lamang siya halos palagi, alam pa rin niya ang mga pangyayari sa Sky Guards Battalion. Matapos mabalitaang nakaabot na si Zhao Feng sa ikapitong antas, nagulat sina Feng Hanyue at Lei Cong.

Nagdaan ang tatlong araw at naging mas nakakakaba ang kapaligiran.

Ang ikasiyam na posisyon ay nagpapalit halos bawat oras. Ang mga hindi hinamon ay ang tatlong dakilang henyo ng ikapitong antas, na gumamit ng hindi matatapatang lakas para talunin ang kanilang kalaban.

Kumalma si Zhao Feng at itinuon ang pansin sa pagpapalakas sa loob ng dalawang araw. Ang oras na mayroon si Zhao Feng ay limitado, kaya itinuon niya ang pansin sa Returning Breath Technique at Star Finger, na nakalampas sa ikalimang lebel sa ikatlong araw.

Ang Star Finger ay nahahati sa pitong mga lebel at ang ikalima ay nakapagpalabas ng pulso ng magandang ilaw sa daliri ni Zhao Feng.

Sukdulang kaperpektuhan! Sukdulang bilis!

Ito ang naramdaman ni Zhao Feng nang gamitin ang Star Finger. Sa isang hininga ng oras, kaya niyang maka-atake ng pito o walong daliri at gamitin ito para pagbantaan ang ikapitong antas.

Ang panapos na galaw na One Line Star Finger ay nakaabot na sa kapangyarihan ng ikawalong antas at ito ay nang hindi niya ginagamit ang Silver Wall Technique.

"Naintindihan ko, si Lord Guanjun ay darating bukas."

Kinagabihan ng ikatlong araw, ang kompetisiyon ay nag-iinit.

****************

Kinagabihan…

Nakaabot na rin sa wakas si Huang Qi sa ikasiyam na antas sa Ten Sky Guards at nakuntento na rito. Ngayon, may dalawa siyang peaked ranked martial arts na may mataas na lebel at naabot na rin niya ang peak sixth rank.

"Nakabalik na rin ako sa wakas."

Huminga si Huang Qi at hinamon ang ikawalong bilang na natalo niya. Ginawa niiya ito dahil ang ikasiyam na posisyon ay masyadong mapanganib dahil maraming humahamon dito.

Kahit nasa peak sixth cultivation na si Huang Qi, nasa ikawalo lang siya, na nagpapatunay kung gaanon kainit ang kompetisiyon.

"Zhao Feng, sa lakas mo kaya mong makaabot sa tatlong pinakamataas." Nagtataka si Huang Qi.

Alam niya ang lakas ni Zhao Feng, kayang pumatay ni Zhao Feng ng quasi-Martial Masters nang nasa peak sixth rank lang, at marami na siyang natutunan matapos ang misyon. Sigurado si Huang Qi na kayang manguna ni Zhao Feng o maging ikalawa. Sinama niya ang ikalawa dahil nakaabot na si Feng Hanyue sa peak seventh rank.

Sa Ten Sky Guards, una si Feng Hanyue, ikalawa si Zhao Feng, at ikatlo si Lei Cong.

Malamang, ito ang mga antas na ibinigay ng ibang youth sa kanila, ngunit nasa ikasampu pa lang si Zhao Feng ng Ten Sky Guards.

"Nakaabot na ako sa ikapitong antas, kaya hindi na ito mahalaga," kaswal na ngumiti si Zhao Feng.

Hindi maiwasang tumingin ni Huang Qi na may halong pagka-inggit. Sa kasalukuyang cultivation ni Zhao Feng, malaki ang kaniyang pagkakataong mapili ni Lord Guanjun, kaya hindi na mahalaga ang kanyang antas.

Isa siyang pinakahenyo na nakaabot na sa ikapitong antas bago pa maging labing-anim na gulang.

*************

Mabagal na lumipas ang oras.

Sa wakas ay umaga na at lumabas ang Third Guard sa gusali.

"Tapos na ang oras! Lahat ng Ten Sky Guards puntahan ako dito bukas ng umaga. Sa sandaling iyon, pupunta si Lord Guanjun para magbigay ng mga gabay."

Nag marinig ito, sumigaw sa tuwa ang Ten Sky Guards, habang ang mga hindi napili ay nalungkot.

"Hahaha… Makakatulog na rin ako!" Tumawa si Huang Qi nang malakas.

Halatang gusto ng Third Guard na nasa peak state ang mga youth na ito kapag nakita ni Lord Guanjun. Tuwang-tuwa rin si Zhao Feng. Simula nang nagkaisa sila ng mata, malaki na ang kanyang naging progreso.

Nang makapasok siya sa Guanjun Palace, nailabas ng kompetisiyon ang kanyang potensyal at ngayon, may pagkakataon na siyang makilala ang maalamat na anyo ng Cloud Country.

Nang gabing iyon, nakatulog nang maayos ang Ten Sky Guards.

****************

Kinaumagahan…

Lahat ng youth ay bumangon nang maaga, puno ng kapangyarihan. Kahit hindi pa tinatawag ng Third Guard, ang Ten Sky Guards ay pumasok sa gusali sa gitna ng bukid. Dumating silang kalahating oras na mas maaga.

"Hindi na masama, maaga kayong lahat."

BInilang ng Third Guard ang pumunta at kinumpirma ang kanilang mga pangalan dahil maraming mga pagbabago sa mga antas sa mga nakaraang araw.

"Mm-hmm. Sampung tao dito, Feng Hanyue, Lei Cong, Lu Xiaoyu, Zhao Yufei…Huang Qi, Li Ziwen, Zhao Feng."

Nang basahin niya ang pangalan ni Zhao Feng, bahagya siyang nagulat nang makita ang kakaibang mga ekspresiyon nila pagkarinig dito, ngunit walang nagduda sa kanyang lakas.

Tah! Tah! Tah!

Sa oras na ito, narinig ang mga hakbang galing sa labas.

Ang sampung youth ay pinigilan ang kanilang hininga. Bago pa man bumukas ang pinto, ang nakasisindak na kapangyarihan ay tila nagpabigat sa kanilang mga damdamin. Tila nakatapak ang mga hakbang sa kanilang puso.

Habang pinapanood ng lahat, ilang mga anyo ang naglakad papasok…