Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 80 - Magandang Kasunduan

Chapter 80 - Magandang Kasunduan

"Half-Holy ranked martial art - Returning Breath Technique!" Binagsak ni Bei Moi ang libro sa lamesa.

Isa pang half-Holy ranked martial art at Inner Strength din!

Gumalak ang puso ni Zhao Feng. Sa sandaling panahon, na hindi ginagamit ang kanyang enerhiya, nagkamit siya ng half-Holy ranked speed skill at ngayon, nakakatanggap na siya ng Inner Strength. Ang dalawang skills na ito ay parehong kapaki-pakinabang kay Zhao Feng dahil ang kanyang Lightly Micro Step ay tanging high ranked martial art. Kahit na gumamit siya ng Air Crossing Breathing Technique, ito ay kagaya lamang ng peak ranked martial art.

Sa Inner Strength skill naman, ang Lightly Floating Ferry ni Zhao Feng, sa tulong ng Air Crossing Breathing Technique ay makukumpara sa half-Holy ranked martial art ngunit ang inilabas ni Bei Moi ay nasa half-Holy rank.

"Ang skill na ito ay nakuha ko sa cultivator ng ikasiyam na antas matapos ko siyang talunin. Kahit hindi ko pa ito nababasa, kung maka-kabisado mo ito sa mabilis na panahon kagaya noon, mananalo ka," saad ni Bei Moi.

Talunin ang cultivator sa ikasiyam na antas?

Gulat na tinignan ni Zhao Feng ang walang emosyon na kabataan sa kanyang harapan.

Gaano siya kalakas?

Ang kaibahan lamang ay sina Third Guard at Nan Gongfan ay hindi kahina-hinala sa kanya. Ngunit bahagyang mahina, nakita ni Zhao Feng ang selos sa mga mata ni Nan Gongfan. Halata na kahit iisa ang kanilang Master, sina Third Guard and Nan Gongfan ay parehong may inggit sa talento ni Bei Moi.

Ngayon na nakakita sila ng taong maaring tumalo kay Bei Moi sa isang aspeto, halata ang kanilang kasiyahan.

"Ano? Natatakot ka?" May kaunting ngiti ang lumitaw sa mga labi ni Bei Moi, hindi siya makapaniwala na mayroong tao sa Guanjun Palace ang makakatalo sa kanya sa pagmememorya. Sigurado siya na ito ay plano nina Zhao Feng at Third Guard upang linlangin siya.

"Sige ba." Tumawa si Zhao Feng mula sa kanyang puso.

Maaring ang half-Holy martial art ay hindi mahalaga kina Third Guard at Bei Moi, bilang sila ay mga disipulo ni Lord Guanjun, ngunit ito'y mahalaga kay Zhao Feng.

Matapos niya itong tanggapin, agad na binasa ni Zhao Feng ang nilalaman ng Returning breath Technique.

Shua! Shua! Shua...

Habang nililipat ni Zhao Feng ang mga pahina, isang berdeng ilaw ang lumitaw sa kanyang kaliwang mata. Ngunit hindi niya ito binigyang pansin kasabay nang paglabas ng kanyang aura na kapareho sa katawan ni Zhao Feng.

Tens of breaths later...

Pah!

Hinagis ni Zhao Feng ang libro pabalik sa lamesa at nagpakawala ng hininga. "Subukan mo 'ko."

"Ako na." Gulat at paghihinala ang nangibabaw sa mga mata ni Bei Moi, kaya't kinuha niya ang libro at pumili nang ilang lugar.

Agad na sumagot si Zhao Feng nang walang pag-aalinlangan at tama ang lahat ng kanyang sagot.

"Hehe, Brother Bei! Natalo ka!" Hindi maitago ni Nan Gongfan ang galak sa kanyang puso.

"Mukhang natatalo rin si Brother Bei." Kasiyahan ang nangibabaw sa mukha ni Third Guard, sa kabila nang lahat, si Zhao Feng ay nasa Sky Guards Battalion, na kanyang kontrolado.

Ngunit ang pinaka masaya sa kanila ay si Zhao Feng. Nang hindi ginagamit ang kanyang enerhiya, natalo niya ang dalawang half-Holy ranked martial arts. Saan niya pa matatagpuan ang ganitong bagay?

Tanging si Bei Moi lamang ang may masamang mukha.

Sa kabila nang lahat, siya ay kabataan na labinlimang taon pa lamang na hindi pa kailanman nakakatanggap ng kritisismo. Nakita rin ni Zhao Feng ang malamig na ilaw sa kanyang mga mata, halatang nag-iwan siya ng marka sa puso ni Bei Moi.

"Masaya bang masaktan ang damdamin nang dalawa sa pinaka henyong half-Holy ranked martial arts?" Malalim na pinag-isipan ni Zhao Feng.

Ang matalo ay makinabang, lahat ay may katumbas na halaga.

"Ang memorya ay hindi nangangahulugan na makakukuha ka ng kabatiran. Aalis na ako." Tumayo si Bei Moi at umalis.

Nagpalitan ng tinginan sina Nan Gongfan at Third Guard, parehong masaya na makitang talo si Bei Moi. Pumunta na si Zhao Feng sa taas at bumalik sa kanyang silid na gawa sa kahoy.

Sa pagpikit ng kanyang mga mata, Returning Breath Technique at Smoking Transparent Step ang laman ng kanyang isipan. Ngiti ang lumitaw sa kanyang mata habang tinitignan niya ang dalawang skills. Ito ang unang pagkakataon na makahawak ang half-Holy ranked martial art.

Una siyang tumingin sa Returnung Breath Technique, na isang Inner Strength skill. Habang mas malalim ang Inner Strength Skill ay mas komplikado itong aralin. Ito ay mapanganib dahil ang kaunting pagkakamali ay maaring magdulot ng kapahamakan. Ngunit mas madali ito kay Zhao Feng dahil sa kanyang kaliwang mata. Sa oras na ito, nilabas niya ang abilidad ng kanyang kaliwang mata at isang kakaibang mainit na pakiramdam ang dumaloy sa kanyang katawan.

Nakita ni Zhao Feng ang dugo at Inner Strength na dumadaloy sa kanyang katawan. Ang kapangyarihang ito ay kahalintulad nang maalamat na Inner Sight na maari lamang makamtan sa peak ninth rank, ngunit ang kanyang paningin ay mas malinaw.

Sa loob lamang ng ilang oras, nakaabot na agad si Zhao Feng sa simulang yugto nang Returning Breath Technique. Kahit si Bei Moi ay mabibigla kung makikita niya ito.

Returning Breath Technique: Nagpapaikli ng Inner Strength nang pinaka mataas na kalidad upang makabuo ng mas malakas. Ang skill na ito ay hinahayaang makapag tago nang mas maraming Inner Strength.

"Ang Inner Strength skill na ito ay sobrang lakas!" Narmdaman ni Zhao Feng na bahagyang nanginig ang kanyang boses.

Ang benepisyo ng Returning Breath ay sa pag papaikli ng Inner Strength, panibagong Inner Strength na may mas mataas na kalidad at mababang bilang ang nabubuo, kung sa gayon makapag tago pa ng marami.

**********************

Makalipas ang kalahating araw...

Pinaliit ni Zhao Feng ang maliit na bula ng Returning Air Inner Strength, at ang kapangyarihan nito ay agad na humigit sa kanyang Air Crossing Breathing Technique.

Ang pinaka nakakagulat ay maaring tumunaw ang Returning Breath Inner Strength ng Inner Strength ng ibang tao. Ang orihinal na Inner Strength ni Zhao Feng ay unti-unting naubos at nagbago. Sa paglipas ng oras, ang Returning Breath Inner Strength ay naging mas malakas.

***********************

Isang araw at gabi ang makalipas...

Ang buong orihinal na Inner Strength ni Zhao Feng ay naging Returning Breath Inner Strength na. Ang bagong Inner Strength ay bumuo ng berdeng layer nang mabilis kaya't hindi mapigilan ni Zhao Feng na bumuntong-hininga.

"Ang aking Returning Breath Inner Strength ay kumukuha ng ibang Inner Strength at idinagdagdag sa akin… Kung sa gayon, ang katangian nito ay katulad sa noon.

Nalaman ni Zhao Feng ang bagay na ito at siya ay sobrang sabik. Ang kanyang Returning Breath Inner Strength ay maaring gamitin kasabay nang Lightly Floating Ferry, at kahit nasa walumpu hanggang nobenta porsyento lamang ang epekto nito noon, mayroon itong malaking halaga t kalidad.

Matapos masimulan ang Returning Breath Technique, nalaman ni Zhao Feng na ang kaniyang Inner Strength ay mas malakas kay Lei Cong ng kalahati at ito ay kakaaral niya pa lamang.

Sumunod, nagsimula na siyang aralin ang Smoking Transparent Step sa labas. Ang half-Holy ranked martial art na ito ay sobrang kahalintulad nang Lightly Micro Step.

Smoking Transparent Step: Kasing gaan ng usok. Kapag ginamit sa mababang lebel, maaring kumilos ng hindi naririnig.

Sa kadahilanang ang kanyang Lightly Micro Step ay nakaabot na sa perpeksyon, madali na lamang na makapasok sa mga simulang yugto ng Smoking Transparent Step. Ngunit kapag nais ni Zhao Feng na umabot sa mababang lebel, ito ay magiging mahirap na.

Nag-ensayo maigi si Zhao Feng nang ilang araw, ngunit hindi niya pa rin maabot ang mababang lebel. Sa punto nang kahirapan, nakita niya ang Flowing Wind Stance sa kanyang mata.

Ang Flowing Wind Stance ay suporta sa Holy Martial art at kapag ginamit niya ang Smoking Transparent Step kasabay nito, mukhang nakakuha siya nang bagong kaalaman.

Matapos ang kalahating minuto, binuksan ni Zhao Feng ang kanyang mga mata. Nag-ensayo siya muli nang Smoking Transparent Step at nalaman niyang nakaabot na siya sa mababang lebel. Matapos maabot ang mababang lebel, umangat ito dahan-dahan habang papalapit sa mataas na lebel. Sa panahong ito, nakakuha rin si Zhao Feng nang kaalaman sa Flowing Wind Stance!

"Hmmm, oras na." Tumigil na si Zhao Feng sa pag-ensayo sa kanyang skills.

Hanggang ngayon, mayroon siyang ilang pangunahing skills:

Holy ranked martial art – Silver Wall Technique

Half-Holy ranked martial arts: Returning Breath Technique, Smoking Transparent Step, Lightly Floating Ferry

Peak ranked martial art: Star Finger (Ang kapangyarihan ay hindi mas mahina sa half-Holy ranked martial arts)

Bukod sa mga ito, siya ay mayroong Archer God's Left Eye, na ang antas ay hindi tukoy. Hindi rin alam ni Zhao Feng kung gaano na siya kalakas.

"Kung babalik tayo sa Sun Feather City ngayon, wala nang kahit isa ang aking katapat," hindi mapigilan ni Zhao Feng ang pag buntong-hininga.

Ayaw niya pang bumalik sa Sun Feather City ngayon. Sa Province City na ito, maraming mga henyo na parehong henerasyon na pantay niya kung hindi man, mas malakas.

Si Bei Moi ay nasa peak eighth rank at maaring nakapatay na siya ng cultivators ng ikasiyam na antas. Sa pananatili dito, nakaramdam si Zhao Feng ng kompetesyon at presyur na nagpapaningas ng kanyang potesnsyal.

Matapos mapag-aralan ang mga bagong skills, umalis na si Zhao Feng sa kanyang silid at napag-alaman niya na marami nang pagbabago sa Sampung Sky Guards.

"Narinig ko na dadating na si Lord Guangjun sa ilang araw, kaya't ang lahat ay sinusubukang maging isa sa Sampung Sky Guards.

Sa paguusap nito, si Huang Qi ay bahagyang nalumbay. Maraming mga henyo sa Sky Guards Battalion na kasali sa kompetisyon, ang mga lebel ng cultivation ng mga kabataan ay lumulukso ang pag-angat.

Si Huang Qi ang pinaka henyo sa Pearl Tree City, ngunit hindi niya man lamang nakayanang maging isa sa Sampung Sky Guards matapos siyang pumunta dito.

"Pahirapan kong narating ang ikasyam na wooden room dalawang araw na ang nakakalipas, ngunit ako ay agad na hinamon at natalo," mapait na saad ni Huang Qi.

Ang mga antas nang Sampung Sky Guards ay malaki ang inangat nitong mga nakaraang araw, maliban sa tatlong tao. Ang tatlong ito ay sila Feng Hanyue, Lei Cong, at Zhao Feng.

Bagamat ikasampu si Zhao Feng, ang kanyang tunay na lakas ay ikatlo, kaya't walang naghangas na labanan siya, kung kaya't ang ikasiyam ang naging pangunahing target.

Sa araw na ito, tinipon ni Third Guard ang mga kabataan at nag-anunsyo, "Si Lord Guanjun ay nakalabas na sa secluded meditation at siya ay darating na dito sa loob nang tatlong araw."

­­