Plop!
Nahulog ang bandidong may isang mata, ang kaniyang paghinga ay tumigil bago siya tumama sa sahig. Kasabay nito, lumapag din si Zhao Feng sa sahig.
Hu!
Marahan siyang huminga at isang matamlay na asul na liwanag ang naglaho galing sa kaniyang kaliwang mata. Nang patayin niya ang lalaking mayroong isang mata, ang kaniyang kaliwang mata ay nakamit sa pinakafull potential nito ay ang Flowing Wind Stance ay sumanib sa kaniyang daliri, na nagdulot upang ang lakas nito ay maaaring ikumpara sa mga Martial Masters.
Ito ang pinakamalakas na atake ni Zhao Feng!
Hindi naisip ng pinuno ng mga bandido na ang Star Finger ni Zhao Feng ay maaaring umabot sa fourth level at na kaya nitong umatake sa hangin. Ang mga abilidad ng kaliwang mata ni Feng ay nakuha rin ang mga kahinaan ng kalaban at sa ilalim ng kalamangan na ito, nasaksak niya ang noo ng kaniyang kalaban.
Pagtapos niyang patayin ang lalaki, hinalukay niya ang mga gamit nito. Hindi nakapagtataka na ang bandido ay isang Martial Master ng seventh rank, ang pilak pa lamang na mayroon siya ay lagpas dalawang daan na, dagdag pa rito mayroon siyang dalawang high ranked martial arts at isang peak ranked martial art na libro sa kaniya.
Bukod rito, nakahanap din si Zhao Feng ng isang bote ng mamahaling Recovery Pills na kayang gumawa ng kung anong pangalan nito.
Hmmm?
Nakakita si Zhao Feng ng isang liham sa mga gamit ng bandido. Nang buksan niya ito, nakita niya na ang nilalaman nito ay patunay na mayroong palitan na nangyayari sa mga maharlika mula sa Maple Fire Country.
"En, ang mga battle points na nakuha ko dito ay malamang lagpas dalawampu, dahil mayroong ebidensya na siya ay mayroong koneksyon sa Maple Fire Country." Nagagalak si Zhao Feng habang nililipat niya ang bangkay sa tabi.
Sou!
Sa oras na ito, isang batang kalbo na nakapilak na kasuotan ang nanggaling sa kabilang banda.
"Ibaba mo iyan!" Utos ni Lei Cong, sinusukan niyang pigilan ang galaw ni Zhao Feng.
"Ano ang masasabi ni Brother Lei?" Kalmadong sinabi ni Zhao Feng.
"Lubhang napinsala na ang bandidong iyan kanina, kaya naman ang mga battle points at mga items ay marapat na hatiin natin." Ang mukha ni Lei Cong ay malamig at strikto.
Sa pagkakarinig dito, naramdaman ni Zhao Feng na naglagablab sa galit ang kaniyang puso. Ang lalaking ito ay gustong kuhanin ang battle points mula sa kaniya!
"Noong kinalaban ko ang bandido, mayroon pa siyang pitumpu hanggang walumpung porsyento ng lakas na natitira, at nilalabas niya ang kaniyang mga huling atake, kaya naman mas lalo pa siyang naging mapanganib," mariing sinambit ni Zhao Feng habang nakatayo siya sa tapat ng bangkay.
Tumapat siya sa isang napakalaking panganib nang labanan niya ang lider, kaya naman paano niya kakayaning ipamigay ang battle points?
"Hahaha... batang nagngangalang Zhao, wala kang ebidensya ng pakikipaglaban dito at ang bandidong may isang mata na iyan ay pinatay gamit ang isang daliri, sa tingin mo ba ay kaya mong gawin 'yon? Isa pa, walang kang kahit anong pinsalang natamo, kaya paano mo madaling nasalag ang mga huling atake ng isang Martial Master?" Malamig na sinabi ni Lei Cong habang kumikislap ang mga liwanag sa kaniyang mga mata.
Totoo nga, masiyadong maraming kahina-hinalang punto kung si Zhao Feng talaga ang pumatay sa lider.
Una, ang bandido ay napatay gamit ang isang daliri lamang ng walang masiyadong pagpalag. Pangalawa, walang kahit anong pinsalang natamo si Zhao Feng, at walang bakas ng pakikipaglaban.
Ang huling pangunahing punto ay noong pinatay ni Zhao Feng ang lider ng bandido, walang ibang kabataan ang naroroon, kabilang na si Lei Cong.
Sou! Sou! Sou…
Dahan-dahan, ang mga kabataan ay nagsitipon at nang nakita nila ang tapatan sa pagitan ni Zhao Feng at Lei Cong, sila ay lubhang nagtataka. Pagtapos nilang tanungin kung ano ang dahilan, nagsimulang magtawanan ang mga bata.
"Bata! Huwag mong nakawin ang mga battle points, ang team ko, team ni Lei Cong, ay dapat lang makakuha kahit kalahati nito." Lubos na naging agresibo ang team ni Lei Cong.
Hindi nagtagal, ang mga team nina Lu Xiaoyu at ni Lu Chen ay nagdatingan.
"Brother Feng!" Sina Zhao Yufei at Huang Qi ay pumunta sa kaliwa at kanang tabi ni Zhao Feng, subalit ang kanilang mga lakas ay mas mahina kumpara sa team ni Lei Cong.
"Bata, bibigyan kita ng isa pang pagkakataon. Ibigay mo sa akin ang katawan ng bandido, ang ebidensya, at ang mga spoils, at bibigyan namin kayo ng ilan sa mga battle points," mapilit na sinambit ni Lei Cong.
"Hindi," malamig na hagikhik ni Zhao Feng, malakas din ang kaniyang pag-uugali.
"Mukhang tumatanggi ka sa kampay ng tagumpay at inumin ang alak ng pagkatalo!" Malamig na liwanag ang kumislap sa mga mata ni Lei Cong habang marahan niyang tinaas ang kaniyang kamay, nagbabalak umatake.
Ang kabataang naroroon ay tila hindi makahinga. Tuwang-tuwa sa isang tabi si Lu Xiaoyu, at si Huang Qi naman mayroong malalamig na pawis na lumalabas sa kaniyang noo. Ang lakas ni Lei Cong ay pangalawa sa Ten Sky Guards, at mayroon siyang dalawa sa sampu sa kaniyang team. Kahit si Zhao Feng ay kayang lumaban kay Lei Cong, paano haharapin nina Huang Qi at ni Zhao Yufei ang iba pang sampu?
Teng!
Sa oras nito, mag isang magandang anyo ang dumating, habang naglalabas ng aura na mahirap tanggihan.
Feng Hanyue!
Marami sa mga kabataan na naroroon ay magalang na binati siya, kabilang na si Lei Cong. Pagtapos ng laban, namutla ang mukha ni Feng Hanyue at halata na ang kaniyang pinsala ay hindi pa lubos na gumagaling.
Pagtapos malaman ang sitwasyon, nagsalita si Feng Hayue, "Ang bandidong may isang mata ay talagang mayroong walupung porsyento ng kaniyang lakas na natitira bago siya namatay."
Hua!
Naging maligalig ang manonood habang sila ay hindi makapaniwalang tumingin kay Zhao Feng.
"Malamang, kung ako ay wala roon, hindi mo rin makakayang patayin siya kahit na lahat pa kayo ay sumugod sa iisang oras...Kaya naman, makukuha ko ang kahit kalahati ng mga battle points!" Biglang naging baliko ang mga salita ni Feng Hanyue.
Kahit kalahati!
Parehas humigpit ang mga puso nina Zhao Feng at Lei Cong. Talaga namang nagsumikap si Feng Hanyue upang saktan ang bandidong may isang mata, sina Lei Cong at Zhao Feng ay parehas walang masabi.
"Paano ang isang kalahati?" Tanong ni Lei Cong.
"Hindi ko na problema iyon, isa pa nariyan naman ang Guanjun Corps na nagi-ikot at nagbibilang," Mayabang na pagsasalita ni Feng Hanyue.
Sa pagrinig dito, tumango ang lahat ng manonood, nalaman nila na mayroong taong nagbibilang ng battle points.
Shua!
Sa oras na ito, isang anyo ang nanggaling mula sa mga puno sa hindi kalayuan, at ang kaniyang bilis ay doble ng bilis sa lider ng bandido!
Guanjun Corpsman!
Naramdaman ng kabataan ang pagsikip ng kanilang mga dibdib. Ang Guanjun Corpsman na ito ay nakaabot na sa eighth rank, at naglabas siya ng isang dominanteng aura, na kahit si Feng Hanyue ay tumingin sa kaniya ng may paghanga at paggalang.
Ang mga Guanjun Corpsmen ay ang mga personal na guwardiya ni Lord Guanjun, at ang bawat isa sa kanila ay mayroong lakas na lagpas sa mga normal na Martial Masters. Kahit si Feng Hanyue ay hindi natagpuan kung saan nagtatago ang mga Guanjun Corp.
"Ang dalawampung battle points para sa pagpatay sa bandito at ang sampung points para sa pagtitipon ng mga ebidensya, lahat para sa kabuuan na tatlumpung battle points... Lahat ay mapupunta kay Zhao Feng," malamig na inanunsyo ng Guanjun Corp.
Ano!?
Ang mga kabataang nakarinig nito, ay napanganga.
Paano naging posible ito?
Sila Lei Cong, Feng Hanyue, Lu Xiaoyu ay lahat nagulat at hindi nila alam ang kanilang sasabihin.
Masiyadong pinapanigan ng Guanjun Corpsman na ito si Zhao Feng!
"Ang lider ng bandido ay napatay ni Zhao Feng mag-isa, at walang sinumang tumulong sa isang daang paghinga sa pinaglalabanan nila. Ang ebidensya na mayroon silang koneksyon sa kalabang bansa ay kinolekta rin ni Zhao Feng mag-isa, kaya naman ang lahat ng tatlumpung puntos ay mapupunta sa kaniya," pagpapaliwanag ng Guanjun Corpsman.
Nang matapos siya, naintindihan na ng lahat. Ang patakaran ay ganito, bagama't sila Feng Hanyue at ang iba pang mga kabataan ay mayroong malaking papel sa pagpipinsala sa lider, ang tanging nakapatay sa kaniya ay si Zhao Feng lamang mag-isa.
Tumingin ang Guanjun Corp patungo kay Zhao Feng at sinabing, "Hindi masama!" bago siya umalis, iniwan ang mga grupo ng kabataang naga-aalinlangan na walang lakas ng loob upang kuwestiyunin siya. Subalit, ilan sa kanila ay nag-aalalang tumingin kay Zhao Feng. Nakita siguro ng Guanjun Corpsman ang buong eksena kung saan pinatay ni Zhao Feng ang pinuno ng bandido at kaya naman ibinigay niya ang lahat ng battle points sa kaniya.
Kailangan malaman ng isang tao na ang sampung battle points ay katumbas ng isang peak ranked martial art, ang limampung battle points ay maaaring ipalit sa isang half-Holy Martial art.
The youths looked at Zhao Feng with envy and jealously as Zhao Feng received thirty extra points. In their midst, both Feng Hanyue and Lei Cong's faces were glum.
Ang mga bata ay nagtinginan kay Zhao Feng ng may inggit at pagseselos nang makatanggap si Zhao Feng ng karagdagang tatlumpung puntos. Sa kalagitnaan nila, madilim ang mga mukha nina Feng Hanyue at ni Lei Cong.
Naramdaman ni Zhao Feng ang lamig na nanggagaling kay Feng Hanyue at ang babala sa mga mata ni Lei Cong.
"Brother Hanyue, narinig ko na ang taong may pinakamaraming battle points ay makakauha ng karagdagang premyo, hindi tayo maaaring sumuko agad hindi ba?" Mahinang sinabi ni Lei Cong kay Feng Hanyue.
Ngayon oras, halatang si Zhao Feng ang nangunguna, isinasantabi sina Feng Hanyue at Lei Cong.
"Hahayaan ko siyang maging masaya pansamantala." Naging kalmado muli ang mukha ni Feng Hanyue.
Pagtapos ng insidenteng ito, ang pangalan ni Zhao Feng ay kumalat sa buong Sky Guards Battalion, ilan sa mga kabataan ay naisip na suwerte lamang siya, samantalang nagkintaban naman ang mga mata ng iba.
Ang misyon ay hindi pa natatapos, at ayon sa impormasyong nakuha mula sa mga bandido, ang grupo na natalo nila ay nagngangalang Desolate Destuction Bandits. Sa isang lugar, mayroon pang ibang mga grupo ng bandido, kabilang ang Deadly Wolves Bandits bilang ang pinakamalakas dahil sila ay mayroon ding Martials Masters sa kanilang grupo.
**********************
Makalipas ang tatlong araw…
Ang mga teams mula sa Sky Guards Battalion ay ang nakapatay sa halos lahat ng bandido sa paligi. Habang sila ay nakikipagsagupaan sa laban, ang lakas ng mga kabataan ay tumaas ng malaking porsyento.
*****************
Sa isang tiyak na araw…
Ilan sa mga maliliit na team ay nagtipon-tipon at inatake ang taguan ng Deadly Wolves Bandits. Ang namamahala sa pagkuha ng impormasyon ay si Zhao Feng.
Sa loob ng kailaliman ng isang kuweba…
"Paano natagpuan ng mga b*stardong iyon ang taguan natin?" Tumayo ang lider ng Deadly Wolves Bandits.
Kailangan malaman ng isang tao na ang taguan ng mga Deadly Wolves Bandits ay lubhang tagong-tago. Kahit na alam ng isang tao kung nasaan ang lugar na ito matatagpuan, ang landas patungo rito ay lubhang mapanganib at napakakomplikado at napakahirap sundan.
Ang mga bandido na nasa loob ng taguan ay nagkagulo, dahil alam nila na ang Desolate Destruction Bandits ay nilipol ng mga misteryosong mga bata na iyon.
"Patayin!" Ang mga grupo ng Sky Guards Battalion ay umatake.
"Sabihan ang ating mga brothers na umatras!" Napag-isipan ng lider ng Deadly Wolves ang misteryosong pinagmulan ng mga kabataan at dali-dali niyang ginawa ang kaniyang desisyon.
Hindi nagtagal, ang grupo ng halos dalawampung kalalakihan ang tumakas sa likuran.
"Patayin…"
Mula sa likod ng bundok nagmula ang agarang tunog ng laban.
Sou! Sou! Sou…
Isang kumpol ng palaso ang nagmula sa malapit na gubat. Isa sa mga kabataan ay may hawak na gintong pana at sa isahan ay tumira siya ng anim hanggang pitong pana, na siyang kumuha sa buhay ng mga taong tinamaan.
"Paano nalaman ng mga p*tang ito na mayroon tayong lugar na pagtatakasan?" Sambit ng lider ng Deadly Wolves sa isang malamig na paghinga.
Lumibot ang kaniyang mga mata sa paligid at naramdaman niya ang paglamig ng kaniyang puso nang siya ay mapatutok ng tingin sa isang batang may hawak na gintong pana.