Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 68 - Feng Hanyue

Chapter 68 - Feng Hanyue

Tumango si Zhao Feng at tumungo sa silid na gawa sa kahoy na minsa'y pagmamay-ari ni Li Changfeng. Nakita niyang hindi kalakihan ang lugar. Mayroon lamang isang kama at lamesa sa silid, ngunit ang kaibahan nito sa mga tents ay tila palasyo ay palikuran.

Pinag-isipan niya ito, at napagdesisyonan na ibigay ito kay Zhao Yufei dahil mas kailangan niya ito.

"Ang silid na ito ay napanalunan ni Brother Feng gamit ang kanyang lakas, Hindi ako maaring manatili dito…" Bahagyang kinagat ni Zhao Yufei ang kaniyang mga ngipin at kahit gaano pa subukan na hikayatin siya ni Zhao Feng, hindi siya pumayag.

Gayunpaman, ang mga patakaran ay nagsasabing tanging ang Sampung Sky Guards lamang ang maaring pumasok, Kaya tinulungan ni Zhao Feng na ilipat ang tent ni Zhao Yufeis katabi ng kanyang silid.

"Sana ay maari rin akong gabayan ni Brother Zhao kahit sandali." Ang mga salita ni Huang Qi ay mas kagalang-galang na ngayon.

Ang mga patakaran ay nanghihikayat ng labanan at ang malakas ay mas maayos na pakikitunguhan. Ang mga mahihina ay mabubugbog. Simula nang maabot niya ang ika-anim na antas, naramdaman ni Zhao Feng na bumaba ang kanyang progreso sa cultivation. Isang hakbang na lamang ay magiging Martial Master na siya, na ganap na bagong lebel.

Wala pa siyang nasisilayan na kahit sinong Martial Masters na nasa edad apatnapu sa Sun Feather City.

Maka lipas ang dalawang oras, ang berdeng-asul na ilaw ay nanataling 2.1 metro sa dimensiyon ng kanyang kaliwang mata.

Ayon sa bilis na ito, kailangan ko ng isang taon upang maabot ang ikapitong antas, naisip ito ni Zhao Feng, at kinuha niya ang kanyang tatlong halaman na isang libong taon na.

Noong gabing iyon, kinain niya ang isang libong taon na blood plant. Ito ay kapakipakinabang sa mga nasa ika-pitong antas.

Matapos niya itong kainin, kaagad niyang ginawa ang kanyang makakaya upang tanggapin ang dumadaloy na enerhiya mula dito. Sa kadahilanang ang kanyang Metal Wall Technique ay nakaabot na sa ika-limang antas, ang kanyang katawan ay may sapat ng lakas upang tiisin ang enerhiya mula sa isang libong taon na blood plant. Ang kanyang kaliwang mata ay binago ang kanyang katawan at dugo, kaya't mas may kakayahan siyang tumanggap ng enerhiya kumpara sa iba.

Maka lipas ang dalawang oras, Natanggap na ni Zhao Feng ang karamihan sa enerhiya. Sa loob ng kanyang kaliwang mata, ang berdeng ilaw ay umabot na sa 2.2 metro.

Maabot ko na ng huling yugto ng ika-anim na antas kapag kumain pa ako ng isa, naisip ni Zhao Feng, ngunit hindi magandang tuloy-tuloy itong kainin sapagkat ang mga halamang ito ay may kasamang impurities, na kapag masyadong ginamit ay mawawalan ng potensyal.

Sa ikalawang umaga, naglakad si Zhao Feng nang puno ng enerhiya sa silid. Hindi nagtagal, may mga magalang na taga-paglingkod ang naghatid sa kanya ng pagkain.

Ayon sa patakaran ng Sky Guards Battalion, si Zhao Feng ay tatanggap ng sampung libong piraso ng pilak at ilang pills. Sa kabutihang-palad, ngayon ang huling araw ng buwan at nakatanggap si Zhao Feng ng mga ito.

Ang sampung libong pilak ay para sa ika-sampung Sky Guard, ngunit bawat antas na mas mataas ay makakatanggap ng karagdagang isang libong pilak sa antas na sumunod bago sila.

Ang mga pills at resources na natanggap niya ay wala siyang masyadong pag gagamitan sapagkat naabot niya na ang mga huling yugto ng ika-anim na antas, kung kaya'y napag desisyunan niya na ibigay ang ilan kay Zhao Yufei.

"Hehe, baguhan, ibigay mo ang kalahati ng iyong mga natanggap." Mula sa silid na gawa sa kahoy na hindi kalayuan, isang matipunong kabataan ang naglakad.

Ang kabataan ay sobrang linis at matipuno, mahirap paniwalaan na siya mismo ang nagsabi nang ganoong mga salita.

"Ika-lima sa Sampung Sky Guards, Lu Xiaoyun."

"Palaging kinukuha ni Lu Xiaoyun ang mga resources mula sa mga mas mababang antas sa kanya."

Pagtatalakay ng mga kabataan sa 'di kalayuan. Siniyasat din ni Zhao Feng si Lu Xiaoyun. Siya ay labing-apat o labinlimang taong gulang, hindi ganoon katanda kay Zhao Feng, ngunit naabot niya na ang peak sixth rank.

"Kung kaya mo," nakangising saad ni Zhao Feng.

"Baguhan, huwag mong isiping magaling ka dahil lamang sa natalo mo si Li Changfeng. Ni hindi kayang makipag palitan ng tatlong atake si Li Changfeng sa akin," dahan-dahang sambit ni Lu Xiaoyu, at nang nilingon niya si Zhao Feng, nasa baba niya na ito.

Halata sa kanyang mata na si Zhao Feng ay katulad ni Li Changfeng, dalawang maliliit na lamok. May partikular na bilang ang pagkakaiba ng lakas bawat antas.

"Ano bang gusto mong gawin sa akin?" Umismid si Zhao Feng at naglakad patungo sa ibang direksyon. "Kung gusto mo makipag laban, gawin mo. Kung hindi, umalis ka na!"

Ano!?

Naging madilim ang ekspresyon ni Lu Xiaoyu. Minamaliit siya ni Zhao Feng. Siya lamang ang gumagawa ng ganoon sa ibang tao, ngunit naranasan niya ang bagay na iyon ngayon. Kumulo ang kanyang dugo dahil dito.

"Hmph!" Naging malabo ang pigura ni Lu Xiaoyu at tuluyan siyang nawala.

_Hu!_

Nakaramdam lamang ng ihip ng hangin si Zhao Feng sa kanyang gilid. Sobrang bilis!

Sa isang kisap-mata, naharang na ni Lu Xiaoyu ang daan ni Zhao Feng. Ang ganoong klase ng bilis ay nangangahulugang ang kanyang peak ranked speed skill ay nasa mataas na lebel na.

Lightly Micro Step!

Nag-iwan ng afterimage si Zhao Feng kasabay nang pag-iwas niya sa atake ni Lu Xiaoyu.

"Mukhang hindi ka ganoon ka-walang kwenta!"

Nabigla si Lu Xiaoyu sapagkat ang peak ranked martial art ay umabot na sa mataas na lebel at bukod sa nangungunang si Feng Hanyue, wala nang nakatatalo sa kanyang bilis. Ngunit natuklasan niya na ang bilis ni Zhao Feng ay lubusan at ang epekto nito ay mas mabuti pa sa kanya.

_Shua! Shua!_

Naglaban silang dalawa ngunit wala ang makatalo sa bawat isa.

"Thunderbolt Fist!"

Biglang ginamit si Lu Xiaoyu ang peak ranked martial art sa pag gamit niyang ito, dumagundong ang kalangitan.

Star Finger!

Agad na ginamit ni Zhao Feng ang Star Finger kasabay nito ang kapangyarihan ang Metal Wall Technique na malapit sa ika-limang lebel. Sa kabila ng lahat ng ito, hindi pa rin niya tuluyang naharang ang Thunderbolt Fist.

Hong—-

Ang tunog ng kamao ni Lu Xiaoyu ay palakas nang palakas kasabay ng peak sixth rank cultivation ay nasa ibabaw ng kanyang kamay. Natapos ni Feng ang cultivation sa peak fifth, kung kaya't hindi niya nagawang komprontahin siya ng diretso.

Habang iniisip ni Zhao Feng kung maaari nang gamitin ang ilan sa nakatago niyang lakas-

"Tumigil kayo!" Tumindig ang makapangyarihang boses mula sa gilid. Ang may-ari ng boses na ito ay isang kalbong kabataan na may damit gawa sa pilak na kumikinang sa ilalim ng sinag ng araw.

"Ang ikalawang si Lei Cong." Takot ang bumalot sa mga mukha ng mga kabataan.

Tumigil na rin ang kanilang paglalaban.

Malinaw na nakita ni Zhao Feng ang pagiging maingat at takot sa mga mata ni Lu Xiaoyu. Ang kalbo na kabataan ay nakaabot na sa peak sixth level at naabot na rin ang simula sa ikapito. Siya ang ikalawa sa Ten Sky Guards, Lei Cong. Sa pagharap sa kanya, nakaramdam ng intimidasyon si Zhao Feng at Lu Xiaoyu.

"Lei Cong, bakit mo pinahinto angaming laban?" Tanong ni Lu Xiaoyu.

Tumanggi si Lei Cong. "Ang tagapangasiwa ay nag-utos na magtipon ang Ten Sky Guard upang pag-usapan ang isang bagay."

Pagtitipon ng Ten Sky Guards?

Kuryosidad at gulat ang nangibabaw sa mukha ng lahat. Hindi pa ito nangyayari sa Sky Guards Battalion noon. Ano ang gusto nilang pag-usapan?

***************

Hindi nagtagal...

Sinundan ni Zhao Feng si Lei Cong sa gusali sa gitna ng lugar. Ito lamang ang nag-iisang gusali sa lugar at dito nakatira ang supervisor. Sa pagpasok sa gusali, mayroon ng iilang kabataan dito at lahat sila ay nakaabot na sa ika-anim na antas.

Ang mga taong naroroon ay kabilang sa Ten Sky Guards.

"Sino ba 'to?" Isa o dalawang kabataan ang mukhang may ayaw kay Zhao Feng.

"Tinalo niya si Li Changfeng at naging isa sa Ten Sky Guards…" Walang ekspresyong saad ni Lu Xiaoyu.

Natalo niya si Li Changfeng? Ang batang ito ay isa rin sa Ten Sky Guards?

Ang mga kabataan nandoon ay binawi ang kanilang kabastusan.

Hindi nagtagal, siyam na tao kabilang si Zhao Feng ang dumating, pati si Lei Cong kasama ang pinaka malakas na cultivation.

"Bakit hindi pa dumating si Feng Hanyue?" Tanong ng isang tao.

"Kahit na siya ay tamad, dapat ay nandito pa rin siya."

Si Feng Hanyue ang pinaka henyo sa Ten Sky Guards.

Habang tinatanong nila ito, isang magandang kabataan na mayroong pilak na buhok ang pumasok. Noong una'y naramdaman ni Zhao Feng na ito ay isang babae, ngunit nang nailabas ang kanyang aura, naging masukal ang ihip ng hangin.

Bawat galaw ng magandang kabataan ay nagbibigay nang makapangyarihang aura, na para bang ang kanyang nakatagong lakas ay lalabas sa isang isang iglap.

Sss!

Malamig na buntong-hininga ang ginawa ni Zhao Feng. Si Feng Hanyue ay umabot na sa ikapitong antas!

Ika-pitong antas!

Ang iba pang siyam na tao ay hindi na nagtangkang tumingin sa mga mata ni Feng Hanyue.

Napaka lakas! Ni hindi pa siya umaabot ng labing-anim na taong gulang pero ganap na Martial Master na siya.

Hindi mapigilan ni Zhao Feng ang kanyang pagkagulat. Mula sa natutunan niya sa Sun Feather City, karamihan sa mga cultivators ay hindi nararanasan ang umabot sa ikapitong antas at nanatili lamang sa peak sixth rank hanggang sila ay mamatay.

Halimbawa, kahit na marami sa Ten Sky Guards ang nakaabot na sa peak sixth rank, maari silang manatili roon nang hanggang sampung taon o habang buhay.

Makikita na sobrang hirap na maging Martial Master, ngunit isa sa Sky Guards Battalion ay naging Martial Master sa edad na labing-anim na taong gulang lamang!

Sa pagdating ni Feng Hanyue, kaswal niyang sinuri ang iba at tinignan ang mga bagong mukha sa ikalawang pagkakataon, ngunit wala siyang ginawa.

Sa kanyang mga mata, kahit ang mga henyong kagaya ni Lei Cong at Lu Xiaoyun ay walang halaga.