Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 67 - Ten Sky Guards

Chapter 67 - Ten Sky Guards

Nakuha ng sigaw ni Huang Qi ang atensyon noila Zhao Yufei at Zhao Feng.

Makikipaglaban siya?

Nagtinginan si Zhao Feng at Zhao Yufei at pinanood si Huang Qin a tumakbo papunta sa mga silid na yari sa kahoy.

"Zhe zhe zhe…mag-uumpisa na ngayon ang palabas…" May mga anyong nag-umpisang magsilapit sa mga tolda.

"Ang lakas ng loob niyang makipaglaban sa Ten Sky Guards sa unang araw."

"Kahit wala siyang karapatang gawin iyon, ikaanim na antas lamang siya."

Gumala ang mga mata ni Zhao Feng sa mga youth na papalabas ng kani-kanilang mga tolda at nalamang ang kanilang mga cultivation ay nasa ikaapat o ikalimang antas. May kaunting mas matanda ring nasa ikaanim na antas din. Ang taong may pinakamababang potensyal dito ay katulad na ni Zhao Linlong ng Sun Feather City.

Di kalaunan, dumating si Huang Qi sa harap ng sampung silid na yari sa kahoy, na may mga bilang base sa kanilang lakas. Ang ikasampung may-ari ay ang ikasampu sa pinakamalakas, at dahil ito ang unang pagkakataon ni Huang Qi na makipaglaban, pinili niya ang lalaki sa huli.

"Hahaha… sinong nangahas na kalabanin ako, si Li Changfeng?" Isang mayabang na pagtawa ang nanggaling sa silid.

Bumukas ang pinto nang may langitngit at isang youth na puno ng pilat ang lumabas.

Ang ikasampung bilang na si Li Changfeng ay kakaabot lang sa peak fifth rank, nguntit puno na siya ng mapanganib na aura.

"Hmph! Isang mayabang na mababang uri ng ikalimang antas!"

Sa maputik na bukid, nagharap ang dalawa.

"Mayabang o hindi, malalaman mo rin," tumawa si Li Changfeng at kinuha ang itim na itim na espada na may mga butas, tulad ng mga pilat sa kanyang katawan.

"Manahimik ka na at makipaglaban!"

Lumabo ang anyo ni Huang Qi nang gumamit ng martial art na may mataas na antas na nakaabot na sa peak level. "Thirteen Legs of the Willow!" sigaw ni Huang Qi habang nagpakita ng isa pang martial art na may mataas na antas ng peak level.

Ang dalawang skils na ito lamang ang nakaktalo sa mga youth ng Pearl Tree City.

Breaking Rock Sword!

Nahiwa ang balikong na espada ni Li Changfeng at isang mapulang Inner Strength ang lumabas dito. Ang lebel ng galaw na iyon ay naabot na ang kaperpektuhan!

Peng!

Nagbanggaan ang dalawang skills na may mataas na antas.

Nag-hmph si Huang Qi at napa-atras ng ilang hakbang.

Martial art na may mataas na antas…kaperpektuhan? Hindi makapaniwala si Huang Qi sa nakikita niya. Sa tabi ni Zhao Feng, mababakas din ang pagkagulat sa mga mata ni Zhao Yufei.

Splitting the Rocks!

Umatake muli si Li Changfeng at ang mapanganib na aura niya ay lumakas nang lumakas…

Feathers of the Flying Bird!

Sa ilalim ng pressure, gumamit ng isa pang skill si Huang Qi na nakapagpaiwas sa kanya sa atake.

"Heavenly Rock Shatter! sigaw ni Li Changfeng sa gitna ng gabi, ang espada ay tila makapagpapabagsak ng mga bundok.

"Ang kapangyarihan ng galaw na ito ay mas mataas sa orihinal na galaw."

"Isang nakakasindak na atake."

Sumikip ang mga dibdib ng mga youth na nanonood. Ang mapaganib na aura ay sinamahan pa ng kanyang sword skill na tila hahatiin ang langit.

Flying Wind Palm!

Sa kapahamakan, hindi umtras si Huang Qi at bigla siyang gumamit ng peaked ranked palm skill. Tila nakatutulak ang mga palad niya ng mga ulap.

Clang——

Ang enerhiya ay nagbangga at isa pang butas ang nabuo sa bukid.

Wah!

Dumura si Huang Qin g dugo sa hangin at may makikitang pula at malalim na hiwa sa kanyang damit. Ang galaw na iyon ni Li Changfeng ay talagang nakasisindak at parang papatayin niya ang sinomang pumigil sa kanya. Sa totoo lang, ni wala ngang natamong galos si LI Changfeng; nayanig lang siya ng kaunti.

"Ayos ka lang ba?" Nagmadaling kunin ni Zhao Feng at Zhao Yufei si Huang Qi.

"Paano ako natalo…?"

Hindi lamang malalang napinsala si Huang Qi, kung hindi puno rin ng pagkagulat at kawalang-paniniwala. Ang pinakahenyo ng Peral Tree City at isang cultivator ng ikaanim na antas, paanong hindi man lamang niya matalo ang isang nasa ikalima lamang?

Bilang isang manonood, nakita ni Zhao Feng ang totoong nangyari. Una, mas maraming karanasan si Li Changfeng sa labanan; mababakas ito sa mga pilat sa kanyang katawan. Ikalawa, ang sword skill ni Li Changfeng any nakaabot na sa napakataas na lebel. Kasama ng nakasisindak na aura, ang kanyang mga galaw ay naging mas nakamamatay. Maraming tao ang nakakita ng dalawang dahilan na ito, ngunit hindi nila nakita ang ikatlo.

Napakalakas ng katawan ni Li CHangfeng at kasabayan nito ang ikaapat na lebel ng Metal Wall Technique.

"Malakas," itinango ni Zhao Feng ang kanyang ulo.

"Oi, batang baguhan, gusto mong kalabanin ang Ten Sky Guards sa kakayahan mong 'yan?"

"Hehe, ni hindi man lamang niya naranasan na makipagpalitan ng mas marami sa tatlong galaw sa Ten Sky Guards. Mukhang hindi magaling ang mga baguhan ngayon." Nagtawanan ang mga nasa gilid.

Kakarating lamang ng tatlo sa Sky Guards Battalion at tinawag silang mga baguhan. SAa gitna ng tawanan, nakuha rin ni Zhao Yufei ang atensyon ng maraming youth.

"Hahaha! Magandang babae, kung sa tingin mong hindi kumportable ang inyong tolda, pumunta ka sa sild ko!" Ngayon lang napansin ni Li Changfeng ang ganda ni Zhao Yufei at siya ay namangha din.

Dahil dito, nagtawanan ang mga youth na nasa malapit. Nanlamig ang mukha ni Zhao Yufei at mahigpit na nakasara ang mga kamay nang mahigpit, siguradong kakalabanin niya ang lalaki.

"Hindi ka niya kalaban!" Isang malakas na kamay ang pumigil sa kanyang mala-jade na braso.

Pinigilan ni Zhao Feng si Zhao Yufei dahil nasuri ng kanyang kaliwang mata ang kahihinatnan. Kahit na parehas ang lebel ng kanilang cultivation, mas maraming karanasan si Li Changfeng sa labanan at mas mabangis siya.

Kung kakalabanin ni Zhao Yufei si Li Changfeng, aabot lamang ng apatnapung persyento ang pagkakataon niyang manalo.

"Hindi ako naniniwala," medyo namula ang pisngi ni Zhao Feng at kahit mukhang ayaw ni Zhao Yufei, hindi na siya umangal.

"Zhe zhe, saan naman nanggaling ang pilyong batang ito?"

Dinilaan ni Li Changfeng ang kanyang labi at mas umigting ang pagkamabangis niya sa kanyang mga mata.

"Tayo na!" Ayaw magpapigil ni Zhao Feng at umalis sa lugar habang hinihila ang kamay ni Zhao Yufei.

"Gusto mo na umalis?" Naging kasingbilis ng hangin si Li Changfeng at hinarangan ang kanilang daan. Ang kanyang speed skill na may mataas na antas ay nakaabot na rin sa peak level.

"Gusto mong makipaglaban?" walang bahalang sinabi ni Zhao Feng.

"Hahaha… hindi mo ba alam ang mga patakaran ng Sky Guards Battalion? Hangga't hindi pa malubhang napinsala o nabaldad, maaaring maglaban hangga't gusto!" Malakas na tumawa si Li Changfeng.

Mararamdaman ang simpatya ng mga youth na nakapaligid sa kanila. Oo, hindi ipinagbawal ng Sky Guards Battalion ang pakikipaglaban. Sa kabilang banda, isinulong pa nila ito.

"Mas mabuti na ang ganito."

Isang mapanganib na liwanag ang lumabas sa mga mata ni Zhao Feng. "Sandali, Zhao Yufei, kukuha ako ng silid para sa iyo.

Ang mga salita niya ay nagdahilan para manigas ang katawan ng mga youth sa paligid, ngunit nagtawanan din pagkatapos.

"Brother Feng…"

Mukhang nag-aalala si Zhao Yufei. Kahit alam niyang malakas si Zhao Feng, hindi siya nakatitiyak na mananalo siya.

Shua!

Ang youth sa tabi niya ay biglang nawala at sa isang kisapmata, nasa harap na siya ni Li Changfeng.

Ang bilis! Ni anino lang ang nakita ng mga nanonood na youth.

"Kaperpektuhan ng isang speed skill na may mataas na antas." Ginamit na rin ni Li Changfeng ang lahat ng kanyang lakas.

Malapit lang naman sa kaperpektuhan ang kanyang speed skill, ngunit hindi pa siya nakaabot dito.

Shua! Shua!

Habang nagpapalitan ng atake ang dalawa, kitang-kita na msa lamang si Zhao Feng.

"Spliting the Rocks!" lumabs muli ang mapanganib na espada ni Li Changfeng.

Ito ang galaw na nakapagpabasak kay Huang Qi ng ikaanim na antas kanina lang.

Sa ilalim ng kaliwang mata ni Zhao Feng, nalaman niyang sinadyang lagyan ng parte ng kanyang mapanganib na aura ang espada para maging mas nakasidindak ito. Ang mapanganib na aura na ito ay nakukuha lamang sa pamamagitan ng pagpatay ng tao, ang hirap isipin kung anong nakaraan ng youth na ito.

"One Line Star Finger! Sigaw ni Zhao Feng nang gamitin ang kanyang malakas na galaw.

Sssss——

Isang asul na liwanag ang lumitaw sa hangin at tumama nang malakas sa espada ni Li Changfeng.

Clang—- Dang~

May lumabs na dugo sa bibig ni Li Changfeng habang napaatras siya ng ilang hakbang, puno ng takot.

Gaano kalakas ang One Star Finger? May kapangyarihan din ito galing sa Metal Wall Technique.

Star Finger!

Ang daliri ni Zhao Feng ay nag-iwan ng guhit ng bulalakaw sa gabing iyon at maganda ang mga ito. Nagawang iwasan ni Li Changfeng ang unang limang galaw at kahait unti-unti na siyang nagagalusan, hindi siya nagpatalo.

""Matibay na loob." Kahit humanga si Zhao Feng sa kanya, ayaw niya ang kabagsikan ng kanyang kalaban, kaya hindi rin siya nagpatalo.

Sss!

Napadaing sa sakit si Li Changfeng nang nasipa sa kanyang kamay ang kanyang balikong espada.

Hua!

Naghiyawan ang mga manonood. Ang mayabang at mabangis na si Li Changfeng ay natalo ng isang youth na mas bata sa kanya.

"Napakalakas mo… Hindi na ako magpapatalo sa iyo sa susunod." Tumayo si Li Changfeng sa kanyang kinalalgyan at kinuha ang kanyang mga kagamitan mula sa silid na yari sa kahoy. Ibig sabihin din nito, hindi siya ang may-ari ng silid.

"Nanalo siya…" Namanghang tumingin si Li Changfeng sa youth sa kanyang harapan.

Sama-samang pumasok ang tatlo sa Sky Guards Battalion at ni hindi niya pinansin si Zhao Feng noong umpisa.

Matapos matalo si Li Changfeng, makalilipat na rin sa silid na yari sa kahoy si Zhao Feng sa wakas. Ang bilang na sampu sa kanyang pinto ay nagsasabing nasa ikasampung antas siya ng Ten Sky Guards.

Sa pagkakataong ito, naramdaman ni Zhao Feng ang pagkahanga, paggalang, at pagkamaingat ng mga nakatingin sa kanya…