Broken Moon Clan.
Ito ang angkan na dating kinabibilangan ni Lord Guanjun, at
noong panahon na iyon, siya ay outer disciple lamang!
Noong nagsasalita si Lord Guanjun tungkol sa Broken Moon Clan,
hindi niya mapigilan ang pagka sabik at paghanga sa kanyang boses.
Mahirap ilarawan sa diwa kung anong klaseng kapangyarihan
mayroon ang Hari.
"Master, ang iyong kahilingan ba ay may kinalaman sa angkan na
ito?" May bahid nang kasabikan ang pagtatanong ni Nan Gongfan.
Noong unang beses nilang nalaman ang buhay ng mga angkan na ito,
nagulat sila, ngunit ngayon ay puno na sila ng pag-asa.
"Baka may pagkaka taon
akong hawakan ang mundong iyon…" ang imahe nang tatlong kabataan sa canyon ay
muling lumitaw sa isipan ni Zhao Feng.
Ang kasabikan at pag-asa sa kanyang puso ay hindi mas mahina kay
Nan Gongfan.
"Your Master, Ako ay mula sa Broken Monn Clan at dahil hindi ko
naabot ang Holy Martial Path bago ang edad tatlumpu, nawalan ako ng pagkakataon
na maging inner disciple. Kaya't iniwan ko ang angkan at nagtrabaho na alagaan
ang mga mortal na bagay. Dahil dito, mayroon pa rin akong koneksyon sa angkan."
Huminto sandali si Lord Guanjun, at sinabi ang isa pang balita.
"Ayon sa aking nalalaman, ang limang taon na disciple test ay magsisimula
sa loob ng dalawang buwan.
Disciple test!
Ang mga mata ng anim na kabataan ay nabuhayan. Ang kasabikan sa
mukha ni Bei Koi at ng iba ay hindi maitago. Ang disciple test na nangyayari
lamang isang beses isang taon ay gaganapin na sa loob ng dalawang buwan.
"Maging ng kalapit bansa
ay maaring sumali sa Broken Moon Clan disciple test. Sa oras na iyon, ang mga
henyo mula sa buong bansa ay mag titipon, kabilang ang mga family clans na
nagtatago sa mata ng mga mortal na may kapangyarihan na maaring humigit pa sa
Guanjun Palace. Kapag nagsama sama ang mga prodigies na ito, ang kompetisyon ay
magiging mainit. Ang iyong Master ay ginawa na ang kanyang makakaya at maari
siyang magpadala ng ilang disipulo sa disciple test," binuod ni Lord Guanjun
ang sitwasyon.
"Ang pinaka elitista sa
mga elitista sa bansa ay mag lalaban upang makapasok sa Broken Moon Clan…"
Naramdaman ni Zhao Feng at ng iba ang pagkulo ng kanilang dugo. Ang labanan ay
bumalik mula kay Bei Moi.
Sa Guanjun Province City, ang kanilang talento at lakas ang
nangunguna, ngunit kapag pinasok nila ang broken Moon Clan, maari nilang
labanan ang ibang peak genuises upang malaman kung sino ang mas malakas.
"Mayroon akong tatlong rekomendasyon para sa disciple test sa
dadating na dalawang buwan, kaya't maari niyo nang gamitin ang pagkakataon
ninyo," mataimtim na saad ni Lord Guanjun habang tinitignan niya ang anim na
kabataan sa kanyang harapan.
Tatlong spots?
Ang mga puso ng kabataan ay tumalon. Kahit na nasa ilalim sila
ng iisang Master, mag lalaban pa rin sila mula sa isa't isa.
Mas marami ang disipulo ni Lord Guanjun, ngunit mayroong
limitasyon sa edad ang disciple test, ito ng dahilan kung bakit hindi
inimbitahan ni Lord Guanjun si Ye Linyun at ang iba pa.
Si Ye Linyun at ang natitira ay tatlumpung taon na o higit pa at
ang patakaran sa Broken Moon Clan ay kung sila makakaabot ng Holy Martial Path
sa edad na tatlumpu, wala silang pagkakataon na maging inner disciple. Ito rin
ay nangangahulugan na ang anim na kabataan sa kanyang harapan ay maaring
lumaban para sa tatlong spots.
"Ang oras ng kawan ng mga halimaw ay tapos na. Lahat kayo ay
bumalik na sa Guanjun Palace at mag diwang!" Saad ni Lord Guanjun at siya
mabilis na naglaho.
Sou! Sou! Isang kulay-pilak na guhit ang lumitaw sa himpapawid at mabilis
na nawala sa paningin.
"Sinabi ni Master na
pumunta kayong lahat sa Spiritual Martial Hall upang kuhanin ang inyong
gantimpala." Lumitaw ni Ye Linyun sa harap ng anim at tumango sila bilang sagot.
Sa daan pabalik, mukhang may iniisip si Feng Hanyue habang
palipat-lipat ang kanyang tingin kila Bei Moi, Nan Gongfan at Yang Qingshan.
Maari lamang magrekomenda ng tatlong tao si Lord Guanjun at sa
kanilang anim, sila Bei Moi, Nan Gongfan at Yang Qingshan ang may pinaka mataas
na cultivation, dahil lahat sila ay nasa ika-walong antas o mas mataas pa.
Kung ikukumpara sa tatlo, sila Feng Hanyue, Zhao Feng at
Zhao Yufei ay may mas mababanh tsansa.
"Kaya kong makakuha ng isang pwesto sa tatlong spot kung gagawin
ko ang aking makakaya," naisip ni Zhao Feng sa kanyang puso.
Matapos ang laban sa kawan ng mga halimaw, ang kanyang lakas ay
tumaas at ang berdeng liwanag ay umabot na sa 2.65 metro.
Wala siyang kumpyansa na matatalo niya si Bei Moi dahil maari na
itong tumalo ng ika-siyam na antas, ngunit si Zhao Feng ay may animnapu
hanggang pitumpung porsyento ng kumpyansa na matatalo niya sina Yang Qingshan
at Nan Gongfan.
At saka mayroon pang dalawang buwan bago ang disciple test, at
may pagkakataon pa si Zhao Feng na humusay.
Ginamit ng anim ang kanilang speed skill at bumalik sa Guanjun
Palace.
*************************
Spiritual Martial Hall.
"Nag-aantay na si Master sa loob." Nasa tapat na ng gate si Ye
Linyun.
Ang kanyang cultivation ay peak ninth rank, kaya't siya ang
pinaka mabilis. Pangalawa si Bei Moi at naglakad na rin siya sa hall. Sumunod
sa kanya ay sina Yang Qingshan, Nan Gongfan at Zhao Feng, at ang dalawa ay
bahagyang nagulat sa bilis ni Zhao Feng.
Hindi nagtagal, ang anim na kabataan ay nakarating na sa
Spiritual Martial Hall.
Naupo si Lord Guanjun sa kanyang upuan habang sinusuri ang ang
anim na disipulo.
Sa kanyang kaliwa't kanan ay sila Ye Linyun at First Guard. Ang
mga kabataan ay pamilyar kay Yr Linyun, ngunit ang First Guard ay misteryosong
tao na nakaabot sa half-step Holy rank.
Dahil sugatan si Third Guard matapos ang laban kay Lord tier
deadly beast, pinunan ni First Guard ang kanyang pwesto.
"Paano ang sistema ng battle points?" Tanong ni Lprd Guanjun na
may malalim na boses.
"Master, ang Guanjun Corps ay natapos na ang kalkulasyon ay
binigay na ang resulta." Yumuko si First Guard sa pag-abot niya nang maliit na
aklat.
Hindi kinuha ni Lord Guanjun nag aklat, bagkus ang sinabi niya,
"Basahin mo iyan."
"Sige." Binuksan ni First Guard ang aklat at binasa ang
nakasulat: "Una, Zhao Feng - 465 battle points. Pangalawa, Bei Moi - 403 battle
point…"
"Sandali!"
Nagbago ang ekspresyon ni Lord Guanjun habang nakatitig siya kay
First Guard. "Hindi nangunguna si Bei Moi?"
Ang katotohanan, maging ang ibang mga henyo ay naisip na
imposible ito. Paanong hindi nanguna si Bei Moi? Maging si Lord Guanjun ay nag
hinala. Sa oras na ito, natahimik ang Martial Spiritual Hall.
Nakuyom ni Bei Moi ang kanyang mga kamao ay galit na bumulong .
"Imposible! Hindi ako naniniwala!"
"Master, si Zhao Feng ang nakahuli sa Golden Beak Eagle King at
doon niya nakuha ang karamihan sa kanyang mga puntos," ipinaalam sa kanya ni Ye
Linyun na may mababang boses.
"Ilang puntos ang pagpatay sa Golden Beak Eagle King?"
Pagtatanong ni Lord Guanjun.
Agad na sumagot si First Guanjun, "Mayroong 20-60 puntos sa
pagpatay nang high tier deadly beast. Ngunit dahil ang lakas nang Golden Beak
Eagle King ay nasa peak ninth rank at lubhang mahirap patayin, 100 puntos ang
kapalit nito."
100 Battle points! Nabigla si Bei Moi at ang iba.
"Kahit na napatay niya ang Golden Beak Eagle King, ang kanyang
battle points ay sobra pa rin. Sabihin mo na sa amin ang battle points ng iba,"
kalmadong utos ni Lord Guanjun.
"Yang Qingshan - 195
battle points, Nan Gongfan 181 battle points…," binasa ni First Guard ang
battle points ng iba.
Halatang walang ibabg nakaabot ng 200 battle points maliban kina
Bei Moi at Zhao Feng.
Ayon sa lohika, ang battle points ni Zhao Feng ay nasa mga 100 o
higit pa. Kahit napatay niya ang Golden Beak Eagle King at nakakuha ng 100
battle points, nangangahulugan na nakatanggap siya ng 365 extra battle points,
at nalampasan sina Nan Gongfan at Yang Qingshan.
"Imposible!" Galit na
umiling sina Nan Gongfan at Yang Qingshan.
Malamig na tumawa si Bei Moi, ngunit hindi siya nagsalita.
Naniniwala siya na magbibigay ang kanilang Master ng tamang husga.
"Maari bang nagkaroon ng problema?" Tanong ni Lord Guanjun
habang naka taas ang mga kilay.
Sa mga normal na sitwasyon, hindi niya kwinestyon ang Guanjun
Corps, ngunit sa pagkakataon na ito, sobrang biglaan sa kanya nito.
"Master, sigurado akong tama ito at kung may pagkakamali man,
sobrang liit lamang nito," walang alinlangang saad ni First Gaurd, at
nagpatuloy na siya sa detalye ng kalkulasyon.
"Napatay ni Zhao Feng ang pitumpu hanggang walumpung flying
beasts sa kanyang palaso mag-isa, at ito ay nagkakahalaga ng 2.5 battle points
isa. Dito pa lamang ay mayroon na siyang 200 at kung isasama ang Golden Beak
Eagle King, ito ay 300 na…," pagbabasa ni First Guard.
May listahan kung saan galing ang mga puntos.
"Oh? Archery?" Bahagyang nagulat si Lord Guanjun at tinignana
niyang muli si Zhao Feng.
"Sa bagay na ito, si General Heng, ako at ang ibang mga
malapit na archers ay mapapatunayan ito." Dagdag ni Ye Linyun.
"Hmm… wala dapat problema
ditoo." Hindi na nag sususpetya si Lord Guanjun.
Sumunod, ang ibang mga puntos naman. Matapos niyang mapatay ang
mga flying beasts, ginamit niya ang natitira niyang oras upang makuha ang 160
na puntos.
Sina Nan Gongfan at Yang Qingshan ay mayroon lamang 180 sa
dobleng oras at ang dalawa ay may mas mataas na cultivation kay Zhao Feng.
"Hindi ako naniniwala!" Umiling si Nan Gongfan upang
ipakita ang kanyang hindi paniniwala.
"Ang pakikipag laban ni Zhao Feng ay sobrang husay at ang bawat atakeng kanyang gagawin ay makapapatay ng beast. Ang kanyang liksi ay doble sa mga nasa katulad niyang antas. Sa bagay na ito, maging ang elitista ng Guanjun Corps ay hindi makasunod sa kanya...marahil isa siyang natural na pumapatay!?" Komplikadong tiningnan ni First Guard si Zhao Feng.
May maaliwalas na ngiti si Ye Linyun. "Noong nakaraan, nanguna
rin si Zhao Feng sa misyon na pumatay, at sa oras na iyon, siya ay nasa
ika-anim na antas pa lamang…"
Ngayon na sinabi na ang pinagmulan ng battle points ni Zhao
Feng. Wala nang pag-aalinlingangan ang tingin ni Lord Guanjun kay Zhao Feng
nang may papuri. "Hindi ko inakala na magkakaroon ako ng tauhan na magaling sa
archery at close combat."
Alam niya kung paano kumilos ang Guanjun Corpsmen, hindi sila
kailanman halos nagkakamali.
"...Anong klaseng halimaw ang lalaking ito?" Kinuyom ni Bei Moi
ang kanyang kamao, na nagpapakita ng kanyang 'di pagsang ayon. Bilang
nag-iisang core disciple ni Lord Guanjun, paano siya natalo ng isang outer
disciple?
Sila Nan Gongfan, Yang Qingshan at Feng Hanyue ay gulat na
nakatingin kay Zhao Feg. Tanging si Zhao Yufei lamang ang may ngiti sa kanyang
labi at hindi na nagulat sa bagay na ito.
Matapos nilang matanggap ang kanilang mga battle poibts, ang
anim na mga henyo ay umalis, naiwan sila Lord Guanjun, First Guard at Ye Linyun
sa Spiritual Martial Hall.
"Ano pa ang iyong kailangan?" Tanong ni Lord Guanjun.
Huminga nang malalim si First Guard. "Master, ang totoong battle
points ni Zhao Feng ay 565 at hindi 465! Ngunit upang ikonsidera ang ibang mg henyo,
ni-lihim ko ang 100 battle points…"