Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 755 - Ang Pagbabalik sa Great Country

Chapter 755 - Ang Pagbabalik sa Great Country

"Master?"

Habang nakatingin sa marespetong ekspresyon ang Skeletal Division Leader ay nagulat ang Bat King, ang Mystic Sword Sovereign, at ang kaniyang mga kasama. Ngayon lamang nila naisip na ang batang tahimik at walang ekspresyon na ito ay ang "Master".

"Zhao… Zhao Feng!" hindi makapagsalita ang Mystic Sword Sovereign, si Shi Chengtian, at ang iba pa. Mula sa simula, nakatayo lamang si Zhao Feng sa tabi ng Skeletal Division Leader nang walang sinasabi, kaya matagal siyang hindi pinapansin. Ngayon lamang sila nagtinginan sa Napakahusay na Prodigy na ito.

"Skeletal Division Leader," sabi ni Zhao Feng sa hindi natutuwang tono, "Binigay ko na sa'yo ang gawaing ito. Tatanungin mo pa rin ako sa bawat maliit na bagay?"

"Opo, opo, opo…." Hindi mapigilan ng Skeletal Division Leader na suminok at murahin ang sarili niya sa pagiging hangal. Matapos ang lahat ng pianagdaanan ni Zhao Feng ay wala na lamang ang Azure Flower Continent at ang Scarlet Moon Demonic Religion sa kaniya. Naamdaman na rin nito na wala na ring pakialam si Zhao Feng sa Scarlet Moon Demonic Religion, kaya siya ang mag-aasikaso nito. Bilang isang alipin sa ilalim ng mga utos ng kaniyang Master, kailangan nito gawin ang lahat ng makakaya niya.

"Lahat ng maliliit na bagay?" kumibo ang mukha ng Mystic Sword Sovereign at ng mga kasama nito, at ang Bat King at mga kasama niya ay nagtinginan sa isa't isa na puno ng gulat. Para bang ang laban para sa kontinente ay parang laro lamang ng bata sa mga mata ni Zhao Feng.

Hindi matagusan ng tingin ng Sovereigns si Zhao Feng, at para pang may sakit pa siya sa oras na iyon.

"Zhe zhe zhe…. Bat King, lahat kayo. May pagpipilian kayong lahat—maaari kayong yumuko sa harap ko o mamamatay kayo!" malamig na tumawa ang Skeletal Division Leader at nagbago ang ekspresyon nito. Matagal nang sumusunod ito kay Zhao Feng, at sa wakas ay dumadating na rin ito sa dating ugali niya.

"Ikaw…pinagtataksilan mo ang Patriarch!" nagngalit ang panga ng babaeng may maputing mukha.

"Mamatay ka na!" may nakakamatay na pulang ilaw ang kumislap sa mata ng Skeletal Division Leader.

Boom!

May isang maitim na pilak na kamay ng kalansay ang bumagsak mula sa kalangitan at dumurog sa babae. Wala pa ngang oras para makasigaw ang babae nang mangyari ito.

Sii!

Huminga nang malamig na hangin ang mga eksperto sa magkabilang panig.

"Masyado siyang malakas!"

"Baka nasa peak Great Origin Core Realm na ang Skeletal Division Leader. Maliban sa Patriarch, wala nang may kayang tangnan siya…."

Nagulat ang Bat King at ang Sovereign na naka-itim. Kung sobrang malahalimaw na ang lakas ng Skeletal Division Leader, paano na lamang ang kaniyang master, si Zhao Feng? Matapos pag-isipan ito, napagdesisyunan ng dalawa na yumuko muna ngayon, at ang karamihan sa mga elites na nasa Scarlet Moon Demonic Religioay yumuko na rin.

Kaya lamang ay may ilang elites ang sumubok na tumakas.

Boom! Boom!

Bago pa makatakbo ng kalahating milya ang mga elites na ito, may bumagsak na Intent galing sa kalangitan na siyang sumira sa kanilang mga kaluluwa.

"Void God Intent!"

"Baka nasa half-step King Intent na ito. Tanging ang Patriarch lamang ay mayroon nito!"

Namutla ang mga mukha ng Bat King at ng mga kasama nito. Pina-plano sana nilang tumakas, pero matapos nila makita ang tunay na lakas ng Skeletal Division Leader, ay hindi nila mapigilang maramdamang maging swerte.

Sa sandaling oras na nakalipas lamang ay kino-kontrol na niya agad ang Skeletal Division Leader sa buong grupo ng cultivators galing sa Scarlet Moon Demonic Religion, kasama na dito ang dalawang Sovereigns.

Sobrang bihira ang Origin Core Realm na eksperto sa Azure Flower Continent; lahat ng nasa True Lord Rank ang silang namumuno sa buong lugar.

Para naman sa Sovereign Lords sa Great Origin Core Realm, ang lahat-lahat ng naroroon ay hindi lalagpas sa bilang ng daliri ng kamay. Lahat ng naroroon ay nalilimitahan ng lugar ng Azure Flower Continent. Sobrang bihira ng mga Sovereign Lords kahit pa sa malalapit na two-star forces.

Muntik nang umabot sa cultivation ng half-step King ang sa Skeletal Division Leader.

"Zhao Feng," dinala ni Shi Chengtian ang ama niyang si Shi Yuntian para batiin si Zhao Feng, at nagpakita rin sila ng pasasalamat sa kaniya. Kung wala si Zhao Feng doon ay baka namatay na ang lahat ng Shi family.

Naglalaman ng pag-iingat ang mga kumplikadong ekspresyon ng Mystic Sword Sovereign at ng ibang eksperto ng Sacred Alliance. Ang tanging gusto lamang ni Zhao Feng ay makontrol ang Scarlet Moon Demonic Religion. Kapag naging matagumpay siya wala nang nakakaalam kung magiging pangalawa na siyang Scarlet Moon Demonic Religion Patriarch o kung ano mang sakuna ang dadating sa kontinente.

"Zhao Feng, inaatake ng buong kontinente ang pwersa ng Scarlet Moon Demonic Religion ngayon. Hindi ka ba natatakot na mawawala sila sa kontrol mo? Bakit hindi ka makipagsanib pwersa sa Sacred Alliance para sirain ang Scarlet Moon Demonic Religion nang tuluyan?" sabi ng Mystic Sword Sovereign.

"Ang alipin ko na ang may kontrol sa lahat ng may tungkol sa Scarlet Moon Demonic Demonic Religion. Wala akong paki dito," sabi ni Zhao Feng, at napabuntong-hininga ang Mystic Sword Sovereign.

Ito ang unang beses na nakita niya si Zhao Feng mula noong Sacred True Dragon Gathering, at hindi niya man lang siya matagusan ng tingin.

Natutunan na rin ni Zhao Feng ang sitwasyon ng Azure Flower Continent mula sa Mystic Sword Sovereign at kay Shi Chengtian.

Nabubuhay na muli ang pwersa ng Scarlet Moon Demonic Religion at unti-unti silang kumakalat. Kahit pa malaki ang lamang ng Sacred Alliance at ng Ten Great Clans ay parang wala pa rin silang kontrol sa sitwasyon.

"Paanong muling nabubuhay ang Demonic Religion nang ganito kabilis?" agad na pagdiretsa ni Zhao Feng. Nang matalo ang Demonic Religion noong ilang daang taon, iilan lamang sa pwersa nila ang natira.

"Sinusuportahan sila ng Moon Demon Palace, kinokontrol naman ng Scarlet Moon Demonic Religion Patriarch ang ilan sa pasukan papunta sa Scarlet Moon Inheritance kaya't kaya niya magpadala ng tauhan sa bawat ilang taon….." buntong-hininga ng Mystic Sword Sovereign.

Moon Demon Palace?

Kumunot ang noo ni Zhao Feng. Minsan na niya silang makasalamuha sa Purple Saint Ruins, pero pinarusahan na sila ng Emperor Duanmu at pinasuko niya na rin sila sa doon.

"Mukhang kakailanganin kong tumungo sa Moon Demon Palace minsan," bulong ni Zhao Feng.

Matapos marinig ito ay nanlaki ang mata ng Mystic Sword Sovereign. Parang sinasabi ni Zhao Feng na nakasalamuha na niya sila dati at pupunta lamang para ayusin ang gulo.

Moon Demon Palace! Isa iyong two-star sect! Ang mga two-star sects ay mga pag-iral na tinitingala lamang ng Ten Great Clans.

Syempre, kung alam lang ng Mystic Sword Sovereign na dati nang may sinamsam si Zhao Feng na two-star battlefield ay baka hindi siya masyadong mag-alala. Kahit pa ang Emperor of Death na siyang matagal nang humahabol kay Zhao Feng ay kayang madaling makasira ng normal na two-star sects.

Sandalian namang kinausap ni Zhao Feng si Shi Chengtian.

Taos-puso ang paghanga ni Shi Chengtian kay Zhao Feng.

Ang pinakatinanong niya ay ang tungkol sa mga Napakahusay na Prodigies, na may diin tungkol kay Yu Tianhao. Pitong taon na ang nakalipas nang ginawa nilang dalawa ang sampung taong pakikisama nila. Walong taon na rin ang nakalipas mula sa Sacred True Dragon Gathering, na kasingtagal nang hindi niya nakikita si Yu Tianhao.

"Tingin ko ay hindi pa bumabalik si Yu Tianhao mula noon," umiling si Shi Chengtian nang sabihin ito.

"Yu Tianhao?" sa kabila ng lahat ay may kaunti pa ring alam ang Mystic Sword Sovereign. "Ang nangyari ay ito: ang pinanggalingan ng Yu family ay sa legendary continent zone, pero sa pagkalipas ng panahon ay kumalat na ang ibang pamilya niya sa walang hanggang karagatan…." Sabi ng Mystic Sword Sovereign.

Continent zone? Hindi mapigilan ni Zhao Feng na magulat.

Iyon pala ay pitong taon matapos ang laban ay umalis si Yu Tianhao sa Azure Flower Continent at pumasok sa isa sa mga sangay ng Yu family. Ang lakas ng Yu branch family na iyon ay malapit na sa isang two-star sect.

"Narinig ko mula kay Yu Xingchen na ang bloodline at talento ni Yu Tianhao ay hindi mapapantayan. Baka ipadala siya sa pinakasangay ng Yu family sa continent zone," sabi ng Mystic Sword Sovereign. Naintindihan naman ito ni Zhao Feng.

Kahawig dapat ng Yu family ang Duanmu family – forces of the Dynasty. Ang buong rason kung bakit kinuha ni Duanmu Qing si Zhao Yufei sa continent zone ay para maibalik ang Duanmu family.

"Continent zone? Mukhang matutulak ang laban namin ni Yu Tianhao nang kaunti, "bulong ni Zhao Feng.

Ang orihinal sana nilang usapan ay maglalaban sila "matapos ang sampung taon." Ang ibig sabihin noon ay maaari itong maging sampung taon, o 15-taon, o miski 20.

Pumayag si Zhao Feng kay Zhao Yufei at kay Duanmu Qing na pumunta sa continent zone matapos resolbahin ang gulo kay Liu Qinxin.

Hindi masyadong nagtagal si Zhao Feng sa Western Continent.

"Skeletal Division Leader, iiwan ko ang Scarlet Moon Division Religion sa'yo," ibinigay ni Zhao Feng ang Ten Thousand Ghost Pearl sa Skeletal Division Leader at saka umalis. May ilang daang cursed ghost-corpses sa loob ng Ten Thousand Ghost Pearl, na may iilan ring mg Sovereign Lord Rank.

"Wag kang mag-alala, Master. Scarlet Moon Demonic Religion lang naman ito," punong-puno ng tuwa ang Skeletal Division Leader nang kinuha nito ang Ten Thousand Ghost Pearl. Gamit ang Ghost Corpse Array, matatalo niya ang lahat, kahit na may dumating pang isang King.

Shua! Shua! Shua!

Kumaway ang Skeletal Division Leader, at may lumitaw na sampung ghost-corpses. Bawat isa sa mga aura nila ay maikukumpara sa peak Small Origin Core Realm, at may lakas rin sila ng sumpa na siyang kinatatakutan din ng mga Great Origin Core Realm Sovereign Lords.

Matapos makita ang sampung ghost-corpses sa peak Small Origin Core Realm, ang Bat King, ang Mystic Sword Sovereign, at ang kanilang mga kasama ay malamig na napasinok. Sa lakas na iyon ay hindi inisip ng Bat King at ng mga kasama niya na kaya ng Skeletal Division Leader na pamunuan ang buong kontinente.

Whoosh!

May arko ng kidlat ang umilaw sa kalangitan nang tumungo si Zhao Feng sa Northern Continent. Para naman sa pagsakop ng Scarlet Moon Demonic Religion, totoo namang ibinibigay ni Zhao Feng ang lahat ng kontrol kay Zhao Feng.

Sa loob ng apat na oras ay nalipad na agad ni Zhao Feng ang Western Continent at nakarating na agad sa Northern Continent, at nasa ilalim pa 'yon ng katotohanang limitado ang dami ng True Yuan na ginagamit niya.

Sa loob ng Northern Canopy, sa Canopy Great Country, may isang arko ng kidlat ang lumintik.

Nagmasid si Zhao Feng sa paligid ng Canopy Great Country at sa pinakaloob ng headquarters ng Iron Blood Religion. May ilan siyang nakitang pamilyar na mukha sa loob, pero may mga bago pa rin siyang nasilayan. May nakita rin siyang ilang pwersa ng Scarlet Moon Demonic Religion, pero masyado na siyang tinamad para guluhin pa sila.

Ang tanging gusto niya lamang ay ang Six Warlock Tower sa great country proper, pero huminto siya nang sandali nang maabot niya ang Thousand Water River area.

Ito ang dati niyang posisyon. Mayroong maraming malalakas na aura na nakatipon sa bundok, pero sinusubukan nilang itago ang sarili nila, pero nagawa pa ring maramdaman sila ni Zhao Feng.

"Narinig ko ring kumakalat na ang Scarlet Moon Demonic Religion nang sobra sa Thousand Water River. Parang dumating na ang nakatataas sa kanila at parang may pinaplano…."

"Nakita na namin kung nasaan ang kuta, at kaya natin siyang makuha nang biglaan,."

Marami sa mga matataas na eksperto sa Canopy Great Country ay naroroon. Ang pinakamahina roon ay nasa True Human Rank.

"Hmm?" nakita ng Divine Sense ni Zhao Feng si Patriarch Hong at ang may kulay dugong buhok na si Tiemo. Ang aura nila ang pinakamalakas sa mga naroroon.

"Empress Qin… Flooding Lake City Lord… Tian Yunzhi… Jiang Sanfeng…" maraming nakitang pamilyar si Zhao Feng.

Halos kalahati sa mga eksperto ay nagmula sa Iron Blood Religion. Sina Patriarch Hong at Tiemo, ang dalawang leaders ng Iron Blood Religion, ay pinapangunahan ang pwersa ng Great Country.

Nagmasid rin ang Divine Sense ni Zhao Feng patungo sa kuta ng Scarlet Moon Demonic Religion na ilang libong milya ang layo, at nagbago ang ekspresyon niya.

Nang maisip ito ay lumitaw siya bigla sa bundok. Wala namang ginawa sa kaniya ang mga malapit na arrays.

Kasabay pa nito ay nakumpleto pa ang plano ng Iron Blood Religion. Sa loob ng batong kwartong binuo nila:

"Parang hindi lamang ganoon kasimple ang kuta na ito. Siguro kailangan nating…"

May pinaplano sina Patriarch Hong at si Tiemo sa ilaw ng kandila. Sa oras na iyon, may lumitaw na anyo sa gitna nila.

"Sino 'yan!" sigaw nila Patriarch Hong at Tiemo at halos napatalon sa gulat.