Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 734 - Fan Lun Ancient Sound Palace

Chapter 734 - Fan Lun Ancient Sound Palace

Dinala ni Zhao Feng si Li Xueyi at lumipad sila hanggang sampung libong milya nang walang pag-aalinlangan.

Mayroong mga kabundukan at mga lawang lumitaw sa unahan. Ang eksena ay parang nagmula sa isang pinta, at naglalaman ito ng pagkaelegante at ng mismong kagandahan ng kalikasan, tila ba hindi ito parte ng sibilisasyon. Ang tamihik at kalmadong imahe nito ay nakakatulala, at ang puso ni Zhao Feng na bahagyang natataranta ay kumalma na.

Kahit na may mga gamit siyang nawala sa landas niya ng cultivation, ang layunin niya palagi ay kapayapaan at mamuhay ng walang pagsisisi.

"Nandirito na tayo," dinala ni Li Xueyi si Zhao Feng sa isang bundok na puno ng matamlay na tunog ng isang qin. Ito ang Sky Sacred Qin Palace, isang napakalmadong lugar na walang kahit anong pag-aaway.

Naramdaman ng God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ang aura rito at sa wakas na intindihan na niya kung bakit nagsimula nang magising ang Sky Sacred Qin Palace nitong mga nakaraang taon, at kung bakit nag mga puwersang nagcultivate ng Dao of Entertainmente ay nahihirapang makaabot sa pinakatugatog – ito ay dahil sa lubhang katahimikan. Ang ganito kaligtas na kapaligiran ay nangangahulugang kaunting kompetisyon at mas mababang battle-intent.

"Xueyi!"

"Martial Sister Li!"

Maraming mga disciples ang bumati kay Li Xueyi sa daan, at ang ilan ay nagtatakang tumingin kay Zhao Feng. Ang mga mata ng ilang lalaking disciples ay hindi maiwasang mapuno ng pagseselos at inggit habang pinapanood nila sina Zhao Feng at Li Xueyi na naglalakad balikat sa balikat.

"Mahal naming mga Regulators, ito ay isang bisita na inimbitahan ni Master dito," sambit ni Li Xueyi, at ang mga miyembro ng sect ay naririnig ang ibig sabihin ng mga salita ni Li Xueyi at sila ay nagsi-alisan.

Bahagyang kumalma si Li Xueyi. Ang taong nasa tabi ay isang Void God Realm King. Hindi na masaya para sa isang tao kung may mang-iinsulto sa kaniya.

Hindi kalaunan dumating na ang dalawa sa tapat ng isang palasyo na nasa gitna ng isang puting lotus.

"Ang Palace Master at ang First Elder ay nasa seklusyon," pinigil sila ng isang lalaki at babaeng nasa harapan ng palasyo.

Naintindihan ni Zhao Feng ang sitwasyon ng Sky Sacred Qin Palace dahil kay Li Xueyi. Mayroon silang dalawang Void God Realm Kings, at sila ang Palace Master at ang First Elder. Sila rin ay mag-asawa.

Seklusyon? Ang mag-asawa ay hindi gumagawa ng "dual cultivating," diba? Hindi mapigilan ni Zhao Feng kundi mag-isip nang masama. Nang tumanda siya, hindi na siya ang mangmang at purong batang mula noon. Marami na siyang alam tungkol sa ano ang maaaring mangyari sa pagitan ng mga lalaki at babae.

"Senior Zhao, ikaw…" Nabalisa si Li Xueyi. Ang Palace Master at ang First Elder ay parehas na nasa seklusyon, subalit si Zhao Feng ay isang Void God Realm King din at hindi siya maaaring bastusin.

"Hindi ko na kayang maghintay pa," nagdesisyon si Zhao Feng matapos magisip-isip nang ilang sandali. Kung mananatili siya sa isang lugar sa loob ng matagal na panahon, ang panganib mula sa Pursuit of Death ay tataas. Kailangang malaman ng isang tao na si Zhao Feng at ang kaniyang mga kasamahan ay kakasugod pa lamang sa isang two-star battlefield nakaraan, at ang babaeng mayroong Eye of Destiny ay hindi lamang isang palamuti roon.

Boom!

Isang Magnificent Power ang biglang dumurog patungo sa palasyo sa harapan, at isang multi-colored barrier ang lumitaw, bumubuo ng isang patong ng proteksyon.

"Ikaw…! Tigil!" Hindi maiwasang magbago ng ekspresyon ni Li Xueyi nang makaramdam siya ng Magnificent Power, subalit maayos ang pagkontrol ni Zhao Feng dito at pinakawalan lamang ito sa isang maliit na parte, kung hindi malamang ay bumagsak na ang buong bundok.

Crack!

Ang barrier sa paligid ng palasyo ay nagsimula nang mawarak. Mahalagang malaman na ang kaluluwa ni Zhao Feng ay halos katapat na ng isang Emperor, at ang kaniyang Intent ay napakalakas.

"Sinong nandiyan!?"

"Sinong King ang naglalakas-loob na atakihin ang Qin Palace?"

Mga sigawan mula sa lalaki at babae ang nagmula sa loob ng palasyo, at nakatayo si Zhao Feng habang ang kaniyang mga kamay ay nasa kaniyang likuran at mayroong isang matamlay na ngiti sa kaniyang mukha.

Tumingin si Li Xueyi sa batang ito na napapalibutan ng Magnificent Power nang mayroong isang kakaibang ekspresyon. Hindi ba takot ang batang King na ito na harapin ang galit ng dalawang Kings?

Whoosh! Whoosh!

Dalawang anyong nababalutan ng Magnificent Power ang lumitaw. Ang isa ay isang maharlika at magandang babae – ang Palace Master – at ang isa naman ay isang edukadong lalaki na siya namang First Elder.

"Xueyi," ang titig ng dalawa ay lumipat-lipat patungo kay Zhao Feng at kay Li Xueyi. Tila ba napakatahimik nila at wala silang problema sa isa't isa. Huminga ang dalawang Kings, subalit hindi nila mapigilang maghinala sa relasyon sa pagitan ng dalawa.

Maaari bang nakatagpo si Xueyi ng King na asawa? Ang titig ng magandang babae ay nagdulot upang mamula si Li Xueyi, at alam niya na mali ang pagkakaintindi ng kaniyang master.

Hindi nagalit nag Palace Master at ang First Elder. Nauna muna nilang suriin si Zhao Feng. Bilang mga ekspertong nagku-cultivate ng Dao of Entertainment, sila ay payapang mga tao. Dagdag pa rito, ang King na ito ay napakabata, at nakuha niya ang atensyon nila nang hindi nananakit kahit ng isang bulaklak.

Ang dalawang Kings ay nagtinginan sa isa't isa at natiyak nila na hindi nga nila kilala si Zhao Feng.

"Ang isang ito ay tinatawag na Zhao Feng, at ako ay nagmula sa True Martial Sacred Zone, nangangailangan ng tulong mula sa dalawang seniors ng Sky Sacred Qin Palace," mapagkumbabang sinabi ni Zhao Feng.

"Pakiusap," ang dalawang Kings ay mayroong magandang impresyon kay Zhao Feng dahil hindi siya nagpakita ng kahit anong kayabangan.

Pumapayag pa nga ang Palace Master na mayroong mabuong relasyon sa pagitan nina Li Xueyi at ni Zhao Feng. Kung tutuusin, bihirang makakita ng isang batang King, at tila ba ang kaniyang Intent ay bahagyang mas mataas kaysa sa kanila.

Sa loob ng malinis na bulwagan, ang mag-asawa, si Zhao Feng, at si Li Xueyi ay nakaupo.

Diniretso na sila ni Zhao Feng.

"Fan Lun Ancient Sound Palace? Xueyi, talagang nakakita ka ng isang anyo nakaraang pitong taon?" Natulala ang dalawa. Ang Fan Lun Ancient Sound Palace ay unang nadiskubre ng founder ng Sky Sacred Qin Palace at ang kanilang buong sect ay tinaguyod sa paligid nito, at ngayon lamang nila nalaman na may nakapasok na taga-labas dito.

"Ito ay isang anyo ng isang babae na talagang sukat na sukat sa taong tinutukoy ni Senior Zhao. Kung pagkakamali lamang ito, paanong nagkataon ito?" Tiniyak ito ni Li Xueyi. Nakausap na niya si Zhao Feng noon at nasiguro niyang si Liu Qinxin nga ito.

"Walang duda kung bakit mag-isang bumukas ang Fan Lun Ancient Sound Palace noon."

Hindi makapaniwala ang dalawa at nagsimula silang mag-usap bago sila magdesisyon.

"Kailangan nating matuklasan ang katotohanan," taimtim ang kanilang mga ekspresyon. Ang Fan Lun Ancient Sound Palace ay ang core inheritance ng Sky Sacred Qin Palace, at ang isang taga-labas ay nagawang makapasok nang hindi man lamang nilang nalalaman.

Nagdulot ito upang kumalma sila. Mula sa isang tiyak na perspektibo, maaari pang sabihin na ito ay isang lihim na panganib. Nagdesisyon ang dalawa na tuklasin ang katotohanan at ayusin ang mga kahinaan, kung mayroon man.

Nagdesisyon ang dalawang panig na magkampihan upang malaman ang katotohanan. Tumango si Zhao Feng, marunong umintindi ang mag-asawa at hindi nila tinanggihan si Zhao Feng.

Iisa lamang ang kanilang mga layunin. Nais tiyakin ni Zhao Feng kung ang kaniyang mapapangasawa ay buhay pa ba o patay na samantalang nais naman masiguro ng mag-asawa kung mayroon bang mali sa kanilang core inheritance.

Makalipas ang isang oras, tinipon ng mag-asawa ang upper echelon ng Sky Sacred Qin Palace, at ang pinakamahinang elder na sasali sa pagtitipon ay nasa peak Greate Origin Core Realm. Ito ay dahil papasok sila sa inheritance sa isang kakaibang paraan at, batay sa teorya, sila ay lalabag sa mga patakarang inihanda ng founder. Ang lahat ng siyam na Elders ay kinakailangang bumoto upang maging patas.

Matapos malaman kung gaano kahalaga ang usapin, bumoto na ang lahat ng siyam na Elders. Isang taga-labas ang nakapasok sa inheritance nang walang nakakaalam ay isang bagay na hindi nila maaaring matanggap.

Hindi kalaunan dumating na ang upper echelon sa harapan ng isang pinagbabawal na lugar. Sa htapat nila ay mayroong isang bangin na napapalibutan ng isang hamog.

Bahagyang nakakakita ang kaliwang mata ni Zhao Feng ng isang malaki at misteryosong palasyo na mayroong apatnapu't siyam na palapag na nababalutan ng isang malabong usok. Nakikita niya rin na ang Ancient Sound Palace ay hugis bilog, at ang sentro nito ay walang laman.

Ang Ten Thousand Ancient Races bloodline at ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ay parehas na bahagyang tumibok. Kahit na ang Fan Lun Ancient Sound Palace ay nahaharangan ng ilang patong ng arrays, nakakaramdam pa rin si Zhao Feng ng isang sinaunang aura na katulad ng Ancient Dream Realm na kumakawala mula rito.

Biglang naramdaman ni Zhao Feng na ang Fan Lun Ancient Sound Palace ay hindi isang bagay na kayang kontrolin ng Sky Sacred Qin Palace. Ang founder ng Sky Sacred Qin Palace ay kalahating hakbang na lamang patungong Mystic Light Realm at kahit ganoon pa man hindi pa rin nila magawang matuklasan ang mga sikreto nito.

Weng~~

Ang mag-asawa at ang ilang mga elders ay nagwagayway ng mga array flags, nagdulot upang maglaho ang usok at maglabas ng hugis ng Fan Lun Ancient Sound Palace. Kahit na naglaho na ang hamog, malabo pa rin ang palasyo, subalit ang sinaunang aura ay mas lumakas at nagdulot upang maramdaman ng lahat ng naroroon na sila ay parang mga langgam na nakatingala sa isang higante.

Whoosh! Whoosh! Whoosh!

Pinangunahan ng mag-asawa ang ilang miyembro ng upper echelon, pati na rin sina Zhao Feng at Li Xueyi, patungo sa bangin. Mayroong kabuuan ng siyam na tao at, bukod kay Li Xueyi, ang pinakamahina sa kanila ay nakaabot na sa peak Great Origin Core Realm.

Ang mag-asawa at si Zhao Feng, kabuuan ng tatlong Kings, ay sunod nagsimulang sapilitang buksan ang Fan Lun Ancient Sound Palace. Kahit na ang sect ang may kontrol dito, mahirap pa ring sapilitang buksan ito.

Sa isang iglap na iyon, ang Magnificent Powers ng tatlong Kings ay sumanib bilang isang espesyal na kulay pilak na token sa harapan ng Fan Lun Ancient Sound Palace.

Weng~~

Nagsimulang manginig ang pilak na token bago marahang lumipad patungo sa alapaap.

Kasabay nito:

Boom~~~~

Ang kulay pilak na metal na mga pinto ng Fan Lun Ancient Sound Palace ay nagsimulang bumukas. Sa bawat pag-angat ng token, mas lalong bumubukas ang mga pinto.

Ang mga pinto ay biglang huminto nang mabuksan na ang isangkatlong parte nito, dahil isangkatlong parte na nito ang bumukas, madali nang magkakasya ang isang tao rito.

"Dali!" Maririnig ang nagmamadaling mga boses ng mag-asawa.

Whoosh!

Naging isang kulay pulang guhit ng kidlat si Zhao Feng na kumaripas patungo sa Fan Lun Ancient Sound Palace. Sunod ay dinala ng mag-asawa si Li Xueyi at sumunod sa kaniya. Pagtapos ay nagpunta na ang mga elders.

Sa loob ng ika-unang palapag ng Fan Lun Ancient Sound Palace, sa ilalim nila ay mayroong hindi mabilang-bilang na mga hakbang at iba't ibang mga larawan sa pader.

Isang kakaibang eksena ang nagsimulang lumitaw. Ang mga imahe sa pader ay tumalon patungo sa kanila, at nakakarinig din sila ng mga boses.

Nagsimulang bumagal ang mga hakbang ni Zhao Feng nang makatagpo siya ng isang pumipigil na puwersa.

Related Books

Popular novel hashtag