Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 728 - Krisis sa Resources

Chapter 728 - Krisis sa Resources

Nagpakawala si Zhao Feng ng hininga at saka tinanggal ang soul-searching technique sa ibon. Tiningnan niya ang mundo ng may kakaibang tingin mula dati.

Nauunawaan niya ngayon ito dahil sa mga alaala ng ibon. Isa lamang itong simple at pinakamababang Yao Bird sa Ancient Dream Realm at kakaunti lamang ang dunong na mayroon ito. Namumuhay lamang ang ibon sa loob ng isang libong milya na paikot. Ang mga lugar na lagpas pa roon ay napakadelikado, at hindi ito nangangahas na pasukin ang ganoong mga teritoryo.

Mayroon nga talagang mga makapangyarihang lahi sa Ancient Dream Realm. Nakakilala ang ibon ng isang makataong lahi dalawa o tatlong beses na, pero ang kanilang mga aura ay ginagapi ang ibon mula sa napakalayo at hindi ito makahinga. Naramdaman ni Zhao Feng kung gaano ka nakasisindak ang mga lahi na ito mula sa alaala.

"Hindi simple ang Ancient Dream Realm. Kailangan kong mag-ingat," huminga nang malalim si Zhao Feng.

Nagtataka siya kung paano siya nakapasok sa lugar na ito gamit ang dimensyon ng kanyang kaliwang mata. Ano nga pala ang ugnayan ng Ancient Dream Realm at ng God's Spiritual Eye? O ng orihinal na may-ari ng matang ito?

Syempre, ang pinakakomplikadong punto ay – bakit ang lahat ng narito ay nadadala rin sa tunay na mundo? Hindi lang naman ito kasingsimple kung saan nakapasok ang kamalayan ni Zhao Feng dito. Ang kanyang katawan ay umiiral rito, at kaya niyang gumamit ng mga sandata sa kanyang ancient metal ring. Ang tanging bagay na hindi niya pa ginagawa ay magdala ng mga nabubuhay rito; ayaw niya pang ihayag ang tungkol sa sikreto ng Ancient Dream Realm.

"Bantayan niyo nang maayos ang lugar na ito…." Nagbigay muna ng mga detalye si Zhao Feng bago umalis.

Shua!

Ang dalawang prutas ay sumilay sa isip ni Zhao Feng, at kinain niya ang 90% na hinog nang walang pag-aalangan.

Ang mga prutas sa loob ng Ancient Dream Realm ay ilang beses na mas maayos kaysa sa Spiritual Fruits na nasa labas na mundo. Ang tanging isyu lamang, kapag naabot na ng isang tao ang Void God Realm, napakaraming resources na ang kailangan para lumago.

Natantsa ni Zhao Feng na kapag kumain siya ng 28 na prutas, matutulak lamang nito ang kanyang cultivation sa panggitnang yugto ng Void God Realm. Ito ay sa ilalim ng pag-aakala na kapag nahigop ang lahat ng enerhiya ng Spiritual Fruits ay pareho pa rin ang epekto nito.

Sa loob ng kubyerta ng kapitan, pinadaloy ni Zhao Feng ang kanyang True Yuan at hinigop ang isang ancient aura sa loob ng prutas. Ang kanyang kulay iskarlet na True Yuan ay nagsimulang kumulo pagkatapos nitong higupin ang enerhiya ng Spiritual Fruit at tila ba naging isang nagliliyab na karagatan.

Kapag naabot na ng isang tao ang Void God Ream, ang kanilang True Yuan ay magiging walang hanggan. Subalit, ang kanilang kaluluwa at True Yuan dimension ay mabagal ang paglago. Mahabang landas ito, at kahit pa makapasok si Zhao Feng sa Ancient Dream Realm, papaiksiin lamang nito ang daan nang bahagya.

Isang buwan ang nakalipas, nahigop nang lahat ni Zhao Feng ang mga enerhiya ng prutas. Narepina na ang kanyang True Yuan, pero malayo pa rin siya sa panggitnang yugto ng Void God Realm.

Syempre, ang paghigop ng kapangyarihan ng God Tribulation Lightning ay dapat pa ring gawin. Sa tulong ng God Tribulation Lightning, ang kaluluwa ni Zhao Feng ay lumalakas bawat araw at marahan nitong tinutulak ang kanyang cultivation sa Emperor level. Dagdag pa roon, palaging natututo si Zhao Feng sa Wings of Wind and Lightning.

"Lightning Wings Flying Technique…. Lightning Wings Wind Flash… Wind Lightning Wings Slash…."

Patuloy na inunawa ni Zhao Feng ang Lightning Wings secret techniques. Ang kanyang susunod na layunin ay ang pinakamataas na antas na technique – ang Lightning Wings Spatial Flash.

Ang Lightning Wings Spatial Flash ay kombinasyon talaga ng Lightning Wings Wind Flash at ng Lightning Wings Flying Technique. Ginamitan ito ng spatial technique ng Lightning Wings Flying Technique at ang Intent ng Wind Lightning. Kapag naunawaan na niya ang Lightning Wings Spatial Flash, isang libong milya sa loob ng isang hininga ang magagawa niyang alamat.

Subalit, para maunawaan ang Lightning Wings Spatial Flash, kailangan niyang maging mas pamilyar sa Lightning Wings Flying Technique at sa Lightning Wings Wind Flash. Marahang inaabot ni Zhao Feng ang kanyang layunin.

Lumipas ang oras, nakapokus na lamang si Zhao Feng sa cultivation, at hindi niya naman nakasalubong ang Pursuit of Death ngayon. Ang lahat ay nasa loob pa naman ng kanyang inaasahan.

Una sa lahat, halos lahat ng tagasunod ng Emperor of Death ay napatay na.

Ikalawa, dinurog niya ang Intent of Death sa pinakamahinang antas nito kung kaya mahirap na itong maramdaman.

Matapos maabot ang Void God Realm, napag-isa na ni Zhao Feng lalo ang kanyang sarili sa God Tribulation Lightning, at ang kanyang kabihasaan sa Ten Thousand Divine Thoughts Technique ay umabot na sa One Thought into One Thousand Stage. Nangangahulugan ito na pwede niya nang masira nang buo ang Intent of Death, pero hindi niya pa rin ito ginawa.

Nag-iwan talaga siya ng kapiraso nito at saka ito sinelyo. Pwera na lamang kung nasa tabi ni Zhao Feng ang Emperor of Death, wala siyang mararamdaman na kahit ano.

"Emperor of Death, pinapatakbo mo ko sa loob ng ilang taon. Pagbabayaran mo na ito ngayon nang ilang beses pa," puno ng pagkamuhi si Zhao Feng. Kahit sino namang hinahabol sa loob ng ilang taon habang namumuhay sa hangganan ng kamatayan ay magagalit.

Sa ikasiyam na buwan matapos lumisan ng Pirate Sacred Land:

Weng~~~

Ang aura ng isang King ay sumilay sa ghost ship.

"Void God Realm! Naabot ko na rin ito!" Ang batang Demigod ay nababalot ng ginintuang liwanag, na tila ba isa siyang buddha. Ang simpleng aura lamang mula sa kanyang Sacred Body Bloodline ay nagdudulot ng presyon sa Skeletal Division Leader na nasa huling yugto ng Great Origin Core Realm.

Ang Golden Kun Sacred Body ni Demigod Kun Yun ay halos umabot na sa 5th level, nagulantang si Zhao Feng. Nasa isip niya na ang Golden Kun Sacred Body, kung kaya masasabi niya agad ang antas ng batang Demigod sa isang tingin lamang.

Kapag nakaabot na ang Golden Kun Sacred Body ng 5th level, ang cultivator ay hindi na mapapantayan sa Void God Realm level. Hindi na mahirap para sa kanya na labanan ang mga Emperors gamit lamang ang kanyang katawan.

Nang maabot na ng batang Demigod ang Void God Realm… halos maabot na rin ng Golden Kun Sacred Body ang 5th level. Hindi alam ni Zhao Feng kung gaano kalaki ang lakas ng batang Demigod ngayon, pero isang bagay ang sigurado siya – ang batang Demigod ay hindi mapapantayan ng kahit sino na mas mahina sa Emperor.

"Master, kung magtutulungan tayo, hindi na tayo matatakot sa kahit sinong Emperors basta hindi sila ang mga top Emperors," maririnig ang boses ng batang Demigod.

Totoo nga, ang kanilang magkasamang pwersa ay hindi mapapantayan ng kahit sino na mas mahina sa Emperor. Kung magkasama silang lalaban, hindi nila kailangang mabahala sa mga normal na Emperors.

"Pero hindi pa rin ito sapat para kalabanin ang Emperor of Death," napailing si Zhao Feng at hindi naging arogante.

Ang mga Emperors ay nahahati rin sa iba't ibang tiers. Ang pagkakaiba pagitan ng mga normal na Emperors at top Emperors ay napakalaki. Dagdag pa roon, ang Emperor of Death ay isa sa mga pinakamalakas na Emperors, at ang kanyang battle-power ay malapit na sa Mystic Light Realm.

"Master, kailangan ko pa ng mga resources. Kapag sapat na ito, mababawi ko na ang aking lakas," wika ng batang Demigod. Isa siyang pangalawang buhay ng isang Demigod at kaya niyang panumbalikin agad ang kanyang lakas kung sapat ang kanyang resources. Hindi talaga ito masasabing "cultivation" dahil nagawa na niya ito dati pa.

Tahimik lamang si Zhao Feng. Ayaw niya nang magbigay ng mga resources sa Ancient Dream Realm sa batang Demigod. Kailangan niyang limitahan ang lakas ng batang Demigod, kung hindi, maaaring maging mas banta pa ito kaysa sa Emperor of Death.

"Wala na nga akong mga resources para sa sarili ko," napailing si Zhao Feng.

Miao miao!

Ang munting pusang magnanakaw ay nagpakita rin at ikinumpas nito ang mga pangalmot niya, na tila ba sinasabing kailangan niya rin ng mga resources pa.

"Master, ang cursed ghost-corpses ay nakaabot na sa Peak Small Origin Core Realm at nangangailangan na rin sila ng malaking bilang ng mga resources para lumakas," pagdagdag ng Skeletal Division Leader.

Ang tao, bata, pusa, at ang kalansay ay napatahimik. Sa isang gabi lamang, ang lahat ng nasa ghost ship ay nagkaroon ng krisis sa resources.

Wala na ngang masyadong Primal Crystal Stones ang natitira, at kailangan niya pang mag-iwan ng utos para paliparin ang barko.

Ang pinanggagalingan ng krisis ay ang Heaven's Legacy City, pero kung pipili muli si Zhao Feng, gagawin niya pa rin naman ang parehong bagay.

"Master, may mungkahi ako," kumislap ang mga mata ng batang Demigod nang magsalita ito.

"Mungkahi? Hindi naman siguro iyan pagnanakaw sa isang two-star sect o kaya isla, hindi ba?" Napairap si Zhao Feng.

Ayon sa kanilang kasalukuyang krisis, mukhang ang pagkuha ng kayamanan sa maraming one-star clans at ilang dosenang pirata ay hindi sapat. Ang cultivation ng batang Demigod at ni Zhao Feng ay napakataas, kung kaya ang mga normal na resources ay walang halaga sa kanila.

"Master, pumatay ako kanina ng isang grupo ng mga pirata at nakakuha ako sa kanila ng impormasyon. Ang Red Dragon Island Zone ay malapit na at ito ang pinaglalabanan ng mga two-star sects," dinilaan ng batang Demigod ang kanyang mga labi at nagbigay ng isang malupit na ngiti. Ang ekspresyong ito ay napakasama at nakakamatay para sa isang bata.

Miao miao!

Ikinumpas ng munting pusang magnanakaw ang kanyang mga pangalmot sa pagsang-ayon. Kulang na rin siya sa mga resources.

Naligalig rin ang Skeletal Division Leader.

"Two-star sect battlefield?"

Nakuha nito ang atensyon ni Zhao Feng. Ang mga sagupaan sa pagitan ng mga two-star sects ay napakalaki at maraming bilang ng mga resources ang pinag-uusapan.

Sa nakaraan, talagang iiwas si Zhao Feng sa mga ganito, pero ngayon, isa itong magandang lugar para sa kanila.

"En, tingnan ko ang mapa," isang iskrin na gawa sa yelo at tubig ang nagpakita sa harap ni Zhao Feng at sumilay rito ang balangkas ng mga nalalapit na island zones.

Ang Red Dragon Island Zone ay malapit nga talaga sa kanila; sanglima lamang ng isang island zone ang layo nito sa kanila.

Patuloy pang sinuri ni Zhao Feng ang mapa paibaba at napunta ito sa Gan Sacred Island Zone na lima o anim na island zones ang layo.

"Ang Sky Scared Qin Palace… Ay hindi na malayo."

Natuwa ang puso ni Zhao Feng. Ang Sky Sacred Qin Palace ay nasa loob ng Gan Sacred Island Zone.

Hindi masamang ideya na kumuha muna ng mga kayamanan bago dumaring sa Sky Sacred Qin Palace.

"Tara na!" Bahagyang hindi makapaghintay si Zhao Feng. Walang nakakaalam kung ito ba ay dahil sa kanyang pagnanasa na magnakaw ng kayamanan o dahil ba sa malapit na sila sa Sky Sacred Qin Palace.

Whoosh!

Biglang bumilis ang ghost ship, at ang barko mismo ay naging bahagyang maligalig nang magtungo ito sa Red Dragon Island Zone.

Sa parehong pagkakataon, sa loob ng Red Dragon Island Zone, isang lugar na dalawang beses na mas malaki sa Azure Flower Continent:

Boom! Boom! Boom!

Ang Magnificent Power ng maraming Kings ang siyang nagpayanig sa langit. Lumipad ang mga alikabok sa mga isla, at ang mga nasa Origin Core Realm ay maituturing na nasa pangunahing pwersa.

Sa kabuuan, may tatlong two-star sects na naglalaban sa island zone. Maraming mga Void God Realm Kings sa laban na ito.

Hindi nila alam na may paparating pa lang apat na hindi inaasahang mga bisita.