Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 714 - Pagsubok sa Munting Pusang Magnanakaw

Chapter 714 - Pagsubok sa Munting Pusang Magnanakaw

Tinignan ni Zhao Feng ang mga kinakailangan para sa Golden Kun Sacred Lightning Body at Five-Elemental Wind Lightning Technique. Ito ay mas mababa kaysa sa orihinal, at nadagdagan din ang kanilang kapangyarihan. Ang Golden Kun Sacred Lightning Body ay nalagpasan ang Golden Kun Sacred Body sa isang buong antas.

"Nakakatawa…!" Kinuyom ng batang Demigod ang kaniyang kamao na puno ng pagseselos. Binigay niya ang Golden Kun Sacred Body kay Zhao Feng dahil alam niya na hindi niya ito kayang linagin sa mas mataas na antas sa mga susunod na ilang libong taon. Ngunit gayunpaman, sumanib ang kapangyarihan ng God Tribulation lightning sa kaluluwa ni Zhao Feng. Ngayon, mas madali na itong malilinang ni Zhao Feng dahil

ang mga kinakailangan sa Golden Kun Sacred Lightning Body ay ito nang nabawasan.

"Nakaligtaan kong sabihin sa iyo na ang Golden Kun Sacred Lightning Body at ang Five-Elemental Wind Lightning Technique ay binubuo nila ang isa't isa," dagdag ng scholarly elder.

Ang Golden Kun Sacred Lightning Body ay teknik na nagpapalakas ng katawan, ngunit kailangan nito ang suporta ng Five-Elemental Wind Lightning Technique. Kung hindi taglay ng isang tao ang Five-Elemental Wind Lightning Technique, mahihirapan niyang linangin ang Golden Kun Sacred Lightning Body.

"Ang pinagsanib na kasanayan ay hindi maikakailang kakaiba," ginamit ni Zhao Feng ang God's Spiritual Eya upang kopyahin ang lahat ng nilalaman, subalit hindi rin nagtagal ang ngiti sa kaniyang mukha nang makita kung saang direksyon patungo ang Five-Elemental Wind Lightning Technique.

"Ang Five-Elemental Wind Lightning Technique ay nahati sa kabuuan ng labing dalawang antas. Ang unang tatlong antas ay ginamit para sa pundasyon ng Wind and Lightning, pagkatapos, nagsimula nang linilang ang Metal, Wood, water, Fire at Earth mula sa ika-limang antas pasulong. Ang limang elemento ay nagsimula ng lumaganap…" Nagsalubong ang kilay ni Zhao Feng.

Sa katunayan, nalagpasan ng Five-Elemental Wind Lightning Technique ang Wind Lightning Inheritance, ngunit napaghusayan na ni Zhao Feng ang Wind Lightning Technique sa mataas na antas at naiiba ito sa Five-Elemental Wind Lightning Technique.

"Kung gusto kong pag-aralan ang Five-Elemental Wind Lightning Technique… hindi ba ibig sabihin nito ay kailangan kong muling magsanay?" Napakunot ang mukha ni Zhao Feng.

"Tama iyon, ngunit dahil sa kaalaman mo sa Wind Lightning Technique, malalagpasan mo ang kasalukuyan ikaw sa loob ng sampung taon," hindi naman sumalungat ang scholarly elder.

Sampung taon?

Lumitaw ang mga itim na linya sa noo ni Zhao Feng. Bagama't ang sampung taon ay hindi ganon katagal para sa iba. Sampung taon ang kabuuang panahon ang ginugulo ni Zhao Feng upang magsanay para marating ang kaniyang kasalukuyang antas.

Kung ang lahat ay tahimik at payapa, walang pagaalinglangang gagawin ito ni Zhao Feng upang linangin ang Five-Elemental Wind Lightning Technique at gamitin ito nang at akma sa Golden Sacred Lightning Body. Matapos ang lahat, ang dalawang pamamaraan na ito ay maaaring pahintulutan siyang magpatuloy ng mas higit pa.

"Walang perpektong bagay sa mundong ito," bumuti ang pakiramdam ng batang Demigod at nagsimula nang magalak. Ang kasalukuyang sitwasyon ni Zhao Feng ay tulad ng pagkakaroon ng bundok ng kayamanan ngunit hindi alam kung saan ito gugulin.

Sa sandaling ito, patuloy na nagbago ang pagpapahayag ni Zhao Feng, at sa wakas ay gumawa siya ng desisyon. Sa ngayon, malinaw na hindi niya kayang linangin muli ang Five-Elemental Wind Lightning Technique at ang Golden Kun Sacred Lightning Body; ito ay hindi makatotohanan.

"Ako'y magpapasya kapag natapos na ang Pursuit of Death," nagsimulang huminahon si Zhao Feng.

Ito ay malaking karangalan na makapasok siya sa lungsod ng Heaven's Legacy Race. Maging ang mga Demigods ay kaiinggitan siya.

Umalis sa Divine Techniques Palace si Zhao Feng ng walang bahid ng ekspresyon sa mukha.

"Sampung taon lang naman. Ang mga kabataan sa panahon ngayon ay sobrang nagmamadali," ang scholarly elder ay pinaalis si Zhao Feng gamit ang kaniyang mga mata at walang magawa kundi umiling-iling nalamang.

Sa loob ng sinaunang lungsod, naglakad-lakad nang marahan si Zhao Feng at binilang ang kayamanan na nasa kaniyang singsing.

Ang sinaunang metal na singsing ay karaniwang walang laman. Higit sa nobenta porsyento na ng kaniyang yaman ang nagamit na. Sa ngayon, siya ay lubhang naghihirap.

Napabuntong hininga na lamang siya habang tinitignan ang lungsod na puno ng kapalaran.

Lumipas ang ang araw sa loob ng Ten Thousand Blood Palace.

"Lahat ng isang daang cursed ghost-corpses ay may lahi at dugo na ngayon ng Ten Thousand Withering Ghost Bone ," ani ng babae habang nakangiti. Siniyasat ni Zhao Feng ang lahat ng ghost-corpses. Ang mga ito ay mas payat at mas mabuto, ngunit ang kanilang lakas ay dumoble.

Matapos magsanib ang lahi ng Ten Thousand Withering Ghost Bone nadagdagan ang lakas ng mga ito upang makaligtas. Maari din silang maayos kahit na wasak na ang kanilang mga buto.

Bukod dito, dahil sa pagsasanib ng mga lahi, ang lakas ng mga ito ay nadagdagan. Sa ngayon, ang paglinang sa mga sinumpang ghost-corpses ay nasa pagitan ng late-satge at peak Small Origin Core Realm.

Ang kapangyarihang ito ay sapat na para mabura ang Ten Great Clans of the Azure Flower Continent. Nakipagsanib din ang skeletal Division Leader sa mga lahi ng Ten Thousand Withering Ghost Bone .

"Master…!" puno ng pagkagalak ang skeletal Division Leader. Hindi kailanman naisip na magkakaroon ng gayong araw.

Kahit na ang Ghost Corpse sinumpa Array, Scarlet Moon Demonic Relihiyon ng nakaraan ay hindi maihambing sa dito. Kung hindi lamang dahil kay Zhao Feng, hindi nito matatapakan ang kaniyang paa dito.

Napatango ng ulo si Zhao Feng sa kagalakan at inalis ang Ghost Corpse Cursed Array. " Ako ay mayroon pang natitirang kayamanan na humigit kumulang sa sampung porsyento…" Ang mga mata ni Zhao Feng ay nagsimula ng umikot bago bumagsak sa munting pusang magnanakaw.

Ang munting pusang magnanakaw ay may hindi pangkaraniwang lahi na may pagkakapantay sa lahi ng Ten Thousand Ancient Races.

"Maari mo ba ako tulungang hanapin ang lahi ng pusang ito?" tanong ni Zhao Feng sa isang malalim na tono.

"Hehe, ako rin ay interesado sa lahi ng pusang iyan. Susuriin ko ito nang libre," nakangiting sabi ng babae.

Maging ang batang Demigod ay nakikiusisa.

Mula ng siya'y muling nabuhay, lagi nalamang siyang inaapi ng pusang ito. Kung alam niya lamang ang lahi ng pusang ito, maari sana siyang makagawa ng plano at makipag transaksyon dito. Habang siya ay nag-iisip, ang batang Demigod ay umaasa sa kaniya.

Miao miao!

Ang munting pusang magnanakaw ay naglakad patungo sa armadong makinarya at natusok ang katawan nito ng karayom.

Bagaman, hindi nagsalita ang makinarya pagkatapos ng ilang buntong hininga.

Weng~~~

Ang armadong makinarya ay tumigil. Nabigla ang babae at hindi siya makapaniwala habang sinusuri ang munting pusang magnanakaw.

"Heaven's Legacy Cat, ang misteryosong bloodline na kailangan ng pinakamaatas na permiso," sabi ng walang emosyong armadong makinarya.

Heaven's Legacy Cat?

Nagtinginan si Zhao Feng at ang batang Demigod. Wala sa kanilang dalawa ang nakarinig sa lahi ng pusang ito.

"Paumanhin, mula sa pinaka mataas na antas ng lihim," tila may nalalaman ang babaeng ito ngunit hindi niya ito maaring sabihin.

Miao!

Masiglang nagbalik sa balikat ni Zhao Feng ang munting pusang magnanakaw, ang eleganteng babae ay tumingin sa tao, bata at tatlong pusa na may komlikadong ekspresyon. Hindi niya mawari kung ano ang eye-bloodline ni Zhao Feng. Ang kaunting niyang nalalaman tungkol sa lahi ng munting pusang magnanakaw ay ang pinaka lihim.

"Salamat," nagpaalam na si Zhao Feng sa babae at nilisan ang Ten Thousand Blood Palace.

Mayroon pa siyang natitirang humigit kumulang na sampung porsyentong yaman. Ngunit hindi niya alam kung saan ito gagamitin.

Hindi na ako makakakita ng ganito kalaking kapalaran sa loob ng ilang libong taon, pag-iisip ni Zhao Feng. Sa paanong paraan kaya gugugulin ni Zhao Feng ang kaniyang natitirang salapi? Dahil mukhang hindi na siya makakapunta sa lugar na ito.

Lumipas ang isang oras, nakarating si Zhao Feng sa Array Tower na kung saan nagtutustos sila ng damit na makakapagpalakas.

Ang layon ni Zhao Feng ay mapalakas ang Ghost Corpse Cursed Array.

"Mga dayo, anong maipaglilingkod ko?" tanong ng babaeng nanggaling sa liwanag na may suot ng magandang damit.

Hindi nagpaligoy-ligoy si Zhao Feng at inilabas ang Ghost Corpse Cursed Array at ang isang daang cursed ghost-corpses.

"Hindi ito mahirap," ang eleganteng babae at marangal ay sumangayon ng mabilis.

Pagkatapos nito, ang huling kayamanan ni Zhao Feng ay nagamit na.

Makalipas ang ilang oras, isang bagong Ghost Corpse Cursed Array ang nasa kamay ni Zhao Feng.

"Ang bagong array ay animnapung porsyentong mas malakas, ito ay may abilidad upang gumawa ng ilusyon upang linlangin ang iyong mga kalaban," tugon ng babae na puno ng kumpyansa.

"Magaling!" bakas ang kagalakan sa mukha ng skeletal Division Leader nang kuhanin ang bagong gamit.

Hinawakan ni Zhao Feng ang kaniyang walang ng laman na metal na singsing at napabuntong hininga nalamang at umalis ng Array Tower.

"Sinong nakakaalam kung kailan ako muling makakapunta sa lugar na ito sa hinaharap?" Bumuntong hininga si Zhao Feng.

Linisan ni Zhao Feng, bata at pusa ang lumang lungsod.

"Napahinto si Zhao Feng nang umalis sa madilim at berdeng barrier. Napalilibutan ng Demonic Hell Vines ang matandang lungsod. Sa loob lamang nang sampung araw, ang lahat ay matatakpan ng Demonic Hell Vines.

"Mayroong walong Demonic Hell Vine Kings?" Naiintindihan ni Zhao Feng ang sitwasyon sa pamamagitan ng pagdama sa Demonic Hell Vine King na kaniyang kinokontrol.

Ang walong Demonic Hell Vine Kings ay halos kasing lakas ng hari, at halos maabot na nito ang kanilang limitasyon. Walang anuman, binuksan ni Zhao Feng ang kaniyang eye-bloodline at kinontrol ang pito pang Demonic Hell Vine Kings.

Kalahating araw ang nagdaan, nilisan ni Zhao Feng ang dagat na may dalang walong bote na selyado ng yelo. Bawat isa sa mga bote ay naglalaman ng Demonic Hell Vine King.

Syempre, ang mga tirang baging ay hindi tumigil sa paglaki. Makalipas ang ilang araw, si Zhao Feng ay lumisan. Ang gubat ng bagong ay muntikan ng umabot sa lungsod Heaven's Legacy Race.

Whoosh! Whoosh! Whoosh!

Ilang malaking barko na may isang daang metro ang haba nang lumipad mula sa lungsod at naghagis pababa ng mga kakaibang globo.

Boom!

Ang mga kakaibang globo ay naging katakaot-takot na itim na apoy na umubos sa mga baging sa dagat na nag-iwan ng mga abo.

Sa puntong ito, nakabalik na si Zhao Feng sa sentro ng isla. Nag-ikot ng paningin si Zhao Feng sa secret realm at naramdaman niya na hindi lamang nag-iisa ang lunsod na ito. Ang nalalaman ng nakararami tungkol sa Heaven's Legacy Race ay maikukumpara sa tuktok pa lamang ng malaking bato ng yelo.

Siguro, kakaunti nakikita pa lamang ang nakita ni Zhao Feng sa lungsod.

Bagaman, ang sikreto ng Pirate Emperor ay ito nang nabunyag. Ilang milenya na ang nakalipas, nahanan ng Pirate Emperor ang Heaven's Legacy secret realm, ngunit hindi niya kayang kontrolin ang lugur kahit na siya ay dating Mechanisms Grandmaster at Array Grandmaster. Ginamit ng Pirate Emperor ang lugar na ito upang itayo ang kaniyang mana. Hindi nagawang makapasok ng mga Emperors at Sacred Lord ang kaniyang mana dahil ito ay nasa secret realm ng Heaven's Legacy Race.

Sa gitna ng Eighteen Corners Canyon, tinawag nang ipo-ipo ang nakakatakot na kapangyarihan ng Heaven at Earth na sapat na upang wasakin ang lahat ng haharang sa kaniyang daanan.

"Ang Pirate Emprer's inheritance ay papabagsak na…" Ang boses ng Yin Yang Lord ay narinig hanggang sa kabila dulo ng Ship of Death. 

Sa puntong ito, maliban sa Wen Luoan at Yin Yan Lord ay may dalawang iba pang Death Spirit Lords. Mayroong lalaki at babae na nakabalot ng kadiliman.

"Tatlong Death Spirit Lords at dalawampu't-anim na Death Guards. Dadating na rin ang Maestro ano mang araw mula ngayon. Tignan natin kung makatakas ka pa ngayon, Zhao Feng!" Isang nakakakilabot na ngiti ang lumitaw sa mukha ni Wen Luoan.