Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 69 - Kill Squad

Chapter 69 - Kill Squad

"Ano sa tingin mo ang pag-uusapan nila?"

"Narinig ko na lalabas si Lord Guanjun sa secluded meditation sa susunod na buwan, maari kayang tungkol ito doon?"

Ilan sa mga matalinong kabataan ang mayroon ng mga hula.

Ang Sky Guards Battalion ay ang special force sa Guanjun Palace, mayroon itong dalawang

hangarin: Ang una ay mag palaki ng mga henyo at ang sumunod ay tustusan ng mga bagong dugo sa Guanjun Corps.

Ang lumikha ng organisasyon na ito ay si Lord Guanjun mismo.

"Nandito na ang lahat," isang malamig at walang emosyon na boses ang nangibabaw sa gusali.

Shua!

Ang mga kabataan ay nakaramdam lang ng anino bago lumitaw ang isang tao.

"Third Guard." Yumuko ang Sampung Sky Guards, kabilang si Feng Hanyue.

Ang Third Guard ay palayaw lamang na nag rerepresenta sa taong ito. Alam ng lahat

na mayroong labing-walong Guanjun Corpsmen at natutulungan siya nito pa-tago.

Lahat sila ay Martial Masters at ang kanilang lakas ay higit na malakas sa mga normal na Martial Masters.

Ang gwardiya na nagpakita sa summit noong araw na iyon ay ika-labimpito, ngunit natalo niya ang elder ng Qui family sa dalawang atake lamang. Ang Third Guard sa kanilang harapan ay mayroong mas matinding kalakasan.

"Dapat ay alam mong lalabas na si Lord Guanjun sa secluded meditation sa loob ng isang buwan."

Malamang ay alam nila!

Tumango ng puno ng pag-asa ang mga kabataang naroroon. si Lord Guanjun ay isang alamat sa Cloud Country at pinamagatan na rin siyang 'Unbeatable', ang kanyang kasikatan ay kumalat na rin sa mga kalapit na bansa.

"May isang balita akong nais ipahayag. Kapag dumating si Lord Guanjun, kukuha siya ng ilang mga disipulo sa inyong lahat." Inggit ang nangibabaw sa kanyang mga mata habang sinasabi niya ito.

Kukuha ng mga disipulo si Lord Guanjun?

Noong matapos niya ang kaniyang sinabi, ang mga kabataan ay namula sa sobrang sabik. Ang karamihan ay kayang mamatay ng walang pagsisi para lamang makita si Lord Guanjun, at kung makakatanggap sila mga aral mula sa kanya, iyon ay isang pangarap.

Ngunit ang maging isang disipulo niya ay hindi nila kailanman naisip. Sa kanila ng lahat, mayroong malaking autoridad si Lord Guanjun sa kanilang bansa at naabot niya na rin ang Holy Martial Path...

Kasabikan ang lumitaw sa mukha ni Zhao Feng, mukhang magandang desisyon ang pumunta dito.

Sa lugar na ito, maari siyang maki-halubilo sa mga henyo sa buong bansa at may pagkakataon siya na masilayan ang alamat na si Lord Guanjun.

"Mayroon pa kayong isang buwan! Ang Sky Guards Battalion ay binibigyan kayo ng pagkakataon sa actual combat." Ngiti ang lumitaw sa kanyang mga labi sa kanyang pagsasalita.

Actual combat?

Ang sampu ay interesado at nag-aasam sa sabay na pagkakataon. Marami silang pagkakataon na makipaglaban bilang Sky Guards Batallion ngunit hindi nila madalas maranasan ang mga bingit sa kamatayan at buhay na mga sitwasyon.

"Kamakailan lamang ay mayroong ilang tulisan sa paligid, lahat sila ay nasa ika-apat na antas o mas mataas pa. Mayroong hinala na sila ay pinadala ng mga kalapit nating bansa, ang Maple Fire Country. Ang inyong misyon ay patayin ang mga grupo ng kriminal na ito, habang pinoprotektahan ang mga kalapit na nayon," saad ng Third Guard.

Mga tulisan? Pinadala ng mga kalapit na bansa?

Bagama't sila ay mausisa, karamihan sa kanila'y sabik.

"Sir Third Guard, bakit hindi na lamang magpadala ang Guanjun Palace ng kanilang hukbo at patayin sila?" Tanong ni Lei Cong para sa kanilang lahat.

"Magandang katanungan!" Paliwanag ng lalaki, "Ang mga tulisan ay mga tuso, hindi sila lumilitaw sa iisang lugar palagi… minsan ay nagpapanggap din silang pangkaraniwang mamamayan. Ang tsansa na mapatay sila sa pamamagitan ng pagpapadala ng hukbo ay sobrang maliit… Kung gayon, napag desisyonan ng Guanjun Palace na ibigay ang pagkakataon na ito sa mga kabataan.

Naintindihan agad ni Zhao Feng ang nangyayari matapos itong marinig. Ang Guanjun Palace ay

binigay sa kanila ang misyon na ito sapagkat wala silang sapat na karanasan sa masugid na labanan.

"Inaasahan ko na sa pamamagitan nito ay lalabas ang inyong mga potensyal. Ang Guanjum Palace ay ginawa ito upang sa bawat tulisan sa ika-apat na antas na inyong mapatay, makakatanggap kayong ng isang battle point; sa bawat ika-limang antas na inyong mapatay, makakatanggap kayo ng dalawang battle points; at kung mapatay niyo ang kanilang pinuno, makakatanggap kayo ng dalawampung battle points! Ang mga mas mataas ang antas ay makakatanggap ng dagdag na gantimpala," saad ng Third Guard.

"Maari ko bang itanong kung para saan ang battle points?" Tanong ng isang kabataan.

"Maaring gamitin ang battle points sa Treasury Hall, kung saan maari niyo itong papalit ng Martial Arts, resources at mga armas… halimbawa, ang isang battle point ay maaring papalit sa limang daang taong blood plant, ang sampung battle points ay peak ranked martial art, limampung battle points ay half-Holy martial art," sagot ng lalaki.

Kumulo ang dugo ng mga kabataan matapos marinig ito.

Peak ranked martial arts! Half-Holy martial arts!

Lahat sila ay nasabik. Bawat isa ay mayroong isang peak ranked martial art, ngunit ito ay maaring limitado sa bilis, depensa o opensa. Kung gayon, ang peak ranked martial arts ay lubos na mahalaga sa kanila.

Bagama't hindi kumpleto ang Holy martial art sa kaliwang mata ni Zhao Feng, ang gamit nito ay hindi pa mas mahusay sa half-Holy martial art.

Isa pa, ang battle points ay maaaring ipalit sa mga armas at resources.

Mukhang napag desisyonan ng Guanjun Palace na palakihin ng tama ang mga henyong ito. Sa pagpatay ng ilang tulisan lamang ay makakatanggap sila nang battle points, na magagamit nila sa pagpapalit ng mga mahalagang resources, naisip ni Zhao Feng.

Inaasahan niya talaga ang misyon na ito. Ang pagkakaroon niya ng misteryosong kaliwang mata ay nagbigay lalo sa kanya ng mas malaking tsansa na magtagal.

"Ang misyon ay magsisimula sa loob ng limang araw, kayo ay maghanda na!" Tinapos na ni Third Guard ang kanyang pagpapaliwanag ng mga detalya, nag-utos na siya na maka-aalis na ang lahat.

Matapos ang usapan, ang balita ay kumalat sa Sky Guards Battalion.

Ang misyon ay hindi lamang limitado sa Sampung Sky Guards, ngunit ang Sampung Sky Guards ang amuno sa mga pangkat. Sa sumunod na mga araw, ang mga kasapi sa Sky Guard Battalion ay nagsimulang bumuo ng mga grupo alinsunod sa pagkakahati ng mga gantimpala.

Ilan sa mga malalakas na grupo ay kabilang sina Lei Cong at Lu Xiaoyu. Kung saan,

lahat ng mga kasapi ay nasa ika-apat na antas o mas mataas pa.

May mga tao pa rin na piniling mag-solo gaya nu Feng Hanyue, ang una sa Sampung Sky Guards.

Si Feng Hanyue ang tanging Martial Master, kung gayon ang kanyang lakas ay maaring tumalo ng isang grupo.

Sa kadahilanang bagong dating lamang ni Zhao Feng, bumuo siya ng grupo kasama sina Zhao Yufei at Huang Qi, ngunit ang lakas ng kanilang grupo ay wala sa lakas nina Lei Cong at Lu Xiayu. Ganoon pa man, may kumpyansa si Zhao Feng na ang kanyang battle points ang mangunguna.

Ilang araw na lamang ay magsisimula na ang misyon kung kaya'y kumain si Zhao Feng ng isa sa isang libong taong gulang na halaman.

**************************

_Matapos ang tatlong araw..._

Ang berdeng sinag ng ilaw sa dimensyon ng kanyang kaliwang mata ay umabot na sa 2.3 meters.

Sa oras na ito, mayroon pang isang halaman si Zhao Feng, ngunit hindi niya ito ginamit dahil ang tuloy-tuloy na paggamit ng mga resources ay ba-baba ng epekto nito. Isa pa, hinahanda ito ni Zhao Feng sa kritikal na oras kapag sinubukan niya nang umabot sa ika-pitong antas.

Ang aking cultivation ay nasa huling yugto na ng ika-anim na antas, ngunit mayroon pa ring maliit na distansya sa peak, naisip ni Zhao Feng.

Sa gayon, mas umasa siya sa misyon na magiging daan upang mailabas ang potensyal sa pamamagitan ng maka-agaw buhay na labanan. Sa kisap-mata, ang limang araw na binigay na paghahanda at natapos na.

Isa pang nakakagulat na pangyayari ay nakaabot na si Zhao Yufei sa ika-anim na antas, dalawang araw na ang nakalilipas sa tulong ng mga resources ni Zhao Feng.

**********

Kinaumagahan...

Lahat ng kabataan sa ika-apat na antas pataas ay nahati sa maliliit na grupo at umalis sa Guanjun Palace. Ang grupong may tatlong kasapi na binubuo nila Zhao Feng, Zhao Yufei, at Huang Qi ay kabilang sa dito.

"Brother Feng, ang iyong tunay na cultivation ay nasa peak fifth rank pa lamang?" Pagsasaad ni Zhao Yufei na mayroong paghihinala.

Noon sa Zhao family, malinaw na alam niyang mabilis ang progreso ni Zhao Feng, ngunit nakaabot na siya sa ika-anim na antas. Kaya paanong nasa peak fifth rank pa lamang si Zhao Feng?

Naging interesado rin si Huang Qi matapos itong marinig.

"Tama ka, hindi ito ang tunay kong cultivation." Hindi na ito tinago ni Zhao Feng at nilabas ang kanyang tunay na aura.

Peak sixth rank!

Parehong nakaramdam ng presyur si Zhao Yufei at Huang Qi. Ang aura ni Zhao Feng ay masyadong masinsin at mabigat, mas mabigat ang dala nitong presyur kumpara sa ibang nasa peak sixth rank.

Matapos niyang sandaling ipakita ang kanyang aura, itinago muli ito ni Zhao Feng at ibinalik sa simula ng ika-anim na antas gaya nina Zhao Yufei at Huang Qi.

Ipinakita ni Zhao Feng sa kaniyang grupo ang kanyang tunay na lakas upang makuha ang mga

tiwala nila. Ngayon na tinago niya ito, maari siyang umatake nang palihim sa laban. Umalis n ang tatlo sa Guanjun Province City at nakarating sila sa hangganan nito matapos ang ilang araw na paglalakbay. Ang lugar na ito ay wasak at masukal, na mayroong maraming puno, ilog, sapa, bangin at ilang nayon sa paligid, ngunit ito lamang rin ang daan papunta sa Maple Fire Country, kung

kaya't ang mga tulisan ay pinadala nila.

"Sa oras na lisanin natin ang nayon na ito, papasok tayo mapanganib na lugar kung saan nagtatago ang mga tulisan." Binuksan ni Zhao Feng ng kanyang mapa at tinalakay ang mga bagay kasama si Zhao Yufei at Huang Qi.

"Hehe, Lady Yufei, nais mo na bang sumali sa aking grupo?" Saad ng isang tao na may mayabang na boses.

Lumingon si Zhao Feng kasabay ng dalawa at nakita nila si Lu Xiaoyu naglalakad, na nagunguna sa grupo na may kasamang pitong tao.