Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 653 - Mermaid King, Salamat Sa Iyo

Chapter 653 - Mermaid King, Salamat Sa Iyo

Ang Illusion God Wine ay nababagay nga talaga na maging isa sa mga maalamat na uri ng alkohol sa Fan Universe. Sa ilang saglit lamang, nakapasok na si Zhao Feng sa isang malalim na estado na siyang nagpahintulot sa kanya na maunawaan ang king intent bago pa ito tuluyang makalapit sa kanya.

Syempre, ang epekto ng Illusion God Wine ay panandalian lamang. Hindi niya pa talaga naaabot ang antas ng isang Hari.

Ang lahat ay nakadepende sa abilidad ng isang tao na makaunawa at kung gaano katagal ang epekto ng Illusion God Wine, at naiiba pa naman si Zhao Feng kumpara sa iba na gumamit ng Illusion God Wine.

Kadalasan, ang mga gumagamit nito ay nagkakaroon ng malabong kamalayan dahil sa alak, pero dahil sa God's Spiritual Eye ni Zhao Feng, kalahating gising siya. Nangangahulugan ito na malinaw ang kanyang abilidad nang sinusubukan niyang unawain ang epekto ng alak.

Dagdag pa roon, ang God's Spirirual Eye ay may makapangyarihang pagsusuri at pag-unawa sa simula pa lamang, kung kaya nahahawakan na agad ni Zhao Feng ang mga hangganan ng Void God Realm.

Ang kanyang kamalayan ay umalis na sa kanyang pisikal na katawan at nakianib sa kalikasan.

Pinigil ni Zhao Feng ang kanyang pagkalasing at ginamit ang bawat pagkakataon upang makaunawa.

Napagtanton niya, na pagkatapos umalis ng kanyang kamalayan sa kanyang katawan, ang kanyang katugmaan sa kalangitan at kalupaan ay nakaabot na ng bagong antas.

Ang kamalayan ni Zhao Feng ay nakikita na ang sarili niyang katawan sa ibaba, ganoon rin ang mga mukha nila Chen Yilin, Jiang Fan at ng mga kasama nito.

Sa isang isip lamang, nakakuha na ng maraming kapangyarihan si Zhao Feng, at kaya niya pang gumamit ng mas maraming Heaven Earth Yuan Qi. Dahil ito sa isang Magnificent Power na tanging ang isang hari lamang ang mayroon.

Subalit, hindi pa nakalilipon si Zhao Feng ng isang buong Void God intent, at ang Magnificent Power niya ay nasa maagang yugto pa. Subalit, sa kanyang kasalukuyang estado, kaya nang humigop ni Zhao Feng ng Heaven Earth Yuan Qi ng ilang libong beses na mas mabilis.

Weng~

Sa ilalim ng patnubay ni Zhao Feng, ang walang hanggang Heaven Earth Yuan Qi ay pumasok sa kanyang Crystal Core, at ang Immortal Springs Wine ay agad na nahigop.

Ang estado ng pag-iral ni Zhao Feng at ang cultivation niya ay agad na tumaas.

"Peak Small Origin Core Realm!"

Ang King Intent ni Zhao Feng ang siyang nagpahintulot sa kanya na makahigop ng Immortal Springs Wine sa sukdulan nito at upang makaangat ng antas. Sa isang bigla, ang kanyang cultivation ay umabot na ng Peak Small Origin Core Realm.

"Ang aking Core Center ay matalag nang kristalisado, kung kaya hindi na isang pagsubok sa akin ang Great Origin Core Realm."

Naramdaman ni Zhao Feng na tila ba hawak na niya ang Great Origin Core Realm.

Subalit, sa pagkakataong iyon, ang epekto ng Illusion God Wine ay nagsisimula nang maglaho. At ang mystic state ay nanlalabo na rin.

Ang lahat ay tila isang kalmado at malinaw na tubig sa isang danaw na mukhang madidistorbo na.

Gulu~

Agad na ininom ni Zhao Feng ang natitira pang Illusion God Wine.

Shua!

Naging mas malinaw ang malalim na estado, at ang pakiramdam ng King intent ay muling kumalat sa katawan ni Zhao Feng.

"Nahigop ko na ang lahat ng kapangyariha ng Immortal Springs Wine. Ang estado ng aking pag-iral ay katulad na ng isang hari."

Naramdaman ni Zhao Feng na ang kanyang estado ng pag-iral ay umabot na sa ibang lebel.

Dapat malaman na uminom siya ng tatlong lagok ng Immortal Spings wine. Ang mga normal na tao ay nangangailangan ng isang taon o higit pa para mahigop ang lahat ng ito, pero ginawa lamang ito ni Zhao Feng sa isang bigla.

Sa pagkakataong iyon, tila ba isa siyang tunay na hari, at lahat ng Heaven Earth Yuan Qi ay nakayuko sa kanya.

Ang bawat isip at kilos niya ay napapagalaw ang Magnificent Power, at ang Crystal Core katawan ni Zhao Feng ay dahan-dahan nang lumalaki.

"Mayroon na akong Crystal Core, kung kaya hindi gaanong magbabago ang lakas ko kahit maabot ko ang Great Origin Core Realm."

Ang pinakapokus ni Zhao Feng ay hindi cultivation. Ang pinakamahalagang bagay sa kanya ay ang pagkaunawa ng King intent.

Sa unang sipsip kanina, halos hindi pa maunawaan ni Zhao Feng ang mga hangganan nito.

Sa ikalawang pagkakataon, uminom naman si Zhao Feng ng dalawang sipsip ng Illusion God Wine upang maging malakas ang epekto.

"Ang pakiramdam na umaalis sa aking pisikal na katawn ay katulad ng Eye of Heaven."

Biglang may naalala si Zhao Feng.

Ang Eye of Heaven ay katulad ng King intent.

Nang maisip hanggang dito, nagsimula nang padaluyin ni Zhao Feng ang kanyang God's Spiritual Eye.

Shua!

Sa isang pagkakataon, ang kamalayan ni Zhao Feng at ang kanyang mga pandama ay lumawak ng ilang beses, at ang sakop ng kanyang King intent ay ganoon rin.

"Ang Mermaid Divine Palace!"

Isang transparent na asul na mata ang nagpakita sa ilalim ng tubig at nakatingin ito sa Mermaid Divine Palace.

Nayanig ang puso ni Zhao Feng. Sino ang nakakaalam kung ano ang maaaring mangyari kapag nagsama ang Eye of Heaven at King intent? Subalit, isa lamang ang sigurado – ang kanyang pag-unawa sa King intent ay lalong lalalim, at lalaki ang sakop nito.

Weng~

Ang kanyang King intent ay nagpakita kasama ng kalangitan at kalupaan.

"Kaninong King intent ito?"

Isa pang Divine Sense ang lumipad sa ere, at isang Magnificent Power ng isang hari ang yumanig sa soul-dimension.

Ang may-ari ng Divine Sense ay halata namang ang Mermaid King.

"Ikaw iyon!?"

Tinignan ng Mermaid King ang Eye of Heaven at kinumpirma na ito ang kaliwang mata ni Zhoa Feng. Ito ang ikinayanig ng kanyang puso.

__

Ang sutil na ito ay may King intent? Ito ba ang epekto ng Illusion God Wine?

Ang Magnificent Power ng Mermaid King ay napakalakas, at tila ba isa siyang Diyos.

Ang dalawang King intents ay nagtaam, at ang intent ni Zhao Fng ay agad na nagapi at halos masira, per sa kabutihang palad, ang Eye of Heavem ay isang kakaibang technique na kayang buuing muli ang intent.

Ang kanyang intent ay nagsimulang mabuo pagkatapos mawasak, na siyang nagdulot ng lalong pagkaunawa at kontrol sa panig ni Zhao Feng.

"Ang King intent ng Mermaid King ay nalipon nang maayos, kung kaya ang bawat kilos niya at hininga ay kaisa ng kalangitan at kalupaan."

Nagsimula nang magsuri si Zhao Feng sa king intent ng Mermaid King at napag-alaman niya ang kritikal na punto nito - ang kalooban ng isang Void God Realm King.

"Ang paglipon sa intent na ito sa sukdulan at ang pagsasama nito sa kalooban hanggang sa maging isa – ito ang King intent."

Naunawaan na ni Zhao Feng, pero sa huli ng araw, ang teorya ay isang teorya lang naman. Ang pagkumpleto sa hakbang na iyon ay nangangailangan ng soul at mental energy na nasa pinakamataas na antas.

Ang mental energy ni Zhao Feng ay nakaabot na ng ganoong hakabang dahil sa tulong ng Illusion God Win at ng Eye of Heaven.

Para naman sa kanyang kaluluwa, halos hindi na ito maabot sapagkat nakapagcultivate na siya sa Ten Thousand Divine Thoughts Technique.

Nang maisip ito hanggang dito, nagsimula nang padaluyin ni Zhao Feng ang kanyang Ten Thousand Divine Thoughts Technique, kung kaya nalipon nang ilang beses ang kanyang mental energy.

Mahirap ito, pero hindi para kay Zhao Feng na may God's Spiritual Eye na may kapangyarihan ng "pagkopya".

Boom!

Ang Magnificent Power ng Mermaid King ay niyanig ang soul-dimension.

"Hmph, kung wala ang intent ng isang hari, hindi na mahalaga kung makakapasok ka sa ganitong estado, Hindi ka rin naman magtatagal."

Napangisi nang malamig ang Mermaid King, pero sa pagkakataong iyon:

Weng~

Isang Magnificent Power ng hari ang nabuo sa palibot ng Eye of Heaven.

"Ano!!? Paano!!?"

Hindi mapigilang mapabulalas ng Mermaid King.

Kahit napakahina ng King intent, maliksi ito at magaan, na tila ba narepina ito ng ilang dosenang magkakaibang intents.

"Hehe. Mermaid King, salamat sa iyo."

Isang bagong Divine Sense ang sumuri mula sa Eye of Heaven.

Kung wala ang Mermaid Kung, isang "tunay na gurong tinuturuan siya", mahirap para kay Zhao Feng na mabuo ang kanyang King intent.

Gaya ng inaasahan, matapos marepina ang kanyang King intent, ang bawat isip at kilos ni Zhao Feng ay agad na maaabot ang antas ng isang hari. Ang kanyang kalooban ay nakaukit na sa kanyang King intent, at kahit pawala na ang epekto ng Illusion God Wine, nagiging malinaw lamang lalo ang isip ni Zhao Feng. Ang kanyang bagong King intent ay hindi naglalaho.

"T*** i**** tao~~~!"

Ang galit na atungal ng Mermaid King ay maririnig sa kalangitan at kalupaan.

Ang Magnificent Power ng hari ang siyang nakapagpayelo ng tubig, at ang mga isip ng nalalapit na nilalang ay hindi rin gumagana.

"Wala naman iyang epekto."

Ang bagong buo na King intent ay naglabas ng isang Magnificent Power na nilagpasan pa ang kaluluwa.

Ang Magnificent Power ng Mermaid King ay hindi napigilan si Zhao Feng. Ang kaya lamang nitong gawin ay gapiin ito.

Shua!

Ang Eye of Heaven ay biglang nawala sa ibabaw ng Mermaid Divine Palace.

Sa underground wine cellar, binuksan ni Zhao Feng ang kanyang mga mata, at isang ngiti ang sumilay sa kanyang mukha nang itabi niya ang natitirang Illusion God Wine.

Sa isang isip lamang, kaya niyang pumasok sa "one with Heaven and Earth" state, at ang kanyang intent ay daig pa ang parehong pisikal at mental energy worlds.

Subalit, pagkatapos lumabas sa Eye of Heaven sttae, ang King intent ni Zhao Feng ay hihina.

….pero kahit ganoon pa man, mayroon na akong isang Half-Step King intent na mas mahusay pa kaysa sa ibang Half-Step Kings.

Hindi na nagulat pa si Zhao Feng. Pagkatapos ng lahat, ang pangunahing dahilan kung bakit niya nabuo ang King intent ay dahil sa kanyang Eye of Heaven, kung kaya nasa Half-Step King level lamang ito kung wala ang Eye of Heaven.

"Half-Step King intent…!"

Naramdaman nila Chen Yilin ang isang magnificent force na tila ginigipit sila.

Bukod pa kay Chen Yilin at Jiang Fan, ang isip ng lahat ay hindi man lang makalaban sa mga iniisip ni Zhao Feng.

"Hindi lamang ito isang normal na Half-Step King intent!"

Nayanig ang puso ni Chen Yilin.

Ang Half-Step King intent ni Zhao Feng ay naglalaman ng intent ng isang tunay na Void God Realm King at napakalakas nito, samantalang ang mga normal na Half-Step King ay hindi kayang bumuo ng Magnificent Power.

"Ang aking intent ay nagagapi rin ng Demigod intent ng Demigod Forgotten Garden."

Pagbulong ni Zhao Feng.

Pagkatapos maabot ang kanyang kasalukuyang lebel, alam niya na kung gaano kanakasisindak ang Demigod intent.

Kung ang kanyang intent ay isang danaw, isang karagatan naman ang Demigod intent.

"Malakas yata ang epekto ng Illusion God Wine?"

Napakamagalang nila Chen Yilin at Jiang Fan kahit naiinggit sila.

Hindi nila alam na dahil sa God's Spiritual Eye at Eye of Heaven ni Zhao Feng kung kaya nahigop ang lahat ng kapangyarihan ng God Illusion Wine sa sukdulan nito. Bukod pa roon, "ginawa" na ito ng Mermaid King para sa kanya.

Kung iba itong henyo na uminom ng kaparehas na dami ng Illusion God Wine, ang epekto ay hindi man lang makakaabot sa 10% ng nagawa ni Zhao Feng.

Sa aking normal na estado, ang aking intent ay nasa Half-Step King level lamang. Subukan naman natin ang Eye of Heaven.

Pag-iisip ni Zhao Feng.

Shua!

Ang kanyang intent ay umalis sa kanyang katawan at tumingin ito pababa sa Mermaid Divine Kingdom.

Ang sakop ng Eye of Heaven ay palaki nang palaki.

Weng~

Isang transparent na asul na mata ang nakiisa sa langit ng Purple Smoke Lake, at isang Magnificent Power ang sumilay sa palibot ng Eye of Heaven na tila ba pinagyeyelo ang kalangitan at kalupaan.

Ang intent ni Zhao Feng ay nakaabot na sa panimulang yugto ng pagiging isang hari.

"Gaya ng inaasahan, tanging ang Eye of Heaven state lamang ang magpapahintulot sa akin na maglabas ng King intent."

Natuwa nang lubos si Zhao Feng. Tila ba isa siyang hari na nakatingin paibaba sa mundo.

Sa isang pitik lamang ng King intent, kaya na nitong pumatay ng mga normal na Sovereigns at Sovereigns Lords nang walang kahirap-hirap.