Sa underground cellar ng Mermaid Divine Palace, ang grupo ng Mystic True Sacred Clan ay napuno ng tuwa. Pinigil lamang nila ang kanilang ligalig habang nakatingin sa balon at sa alkohol na nakatago sa mga kristal na aparador.
"Nandito ba ang maalamat na Immortal Springs Wine at Illusion God Wine?"
Tinanong ni Zhao Feng ang Mermaid Princess.
Ang Mermaid Divine Palace ay isang ipinagbabawal na lugar sa Mermaid Kingdom, kung kaya hindi pinapapasok rito ang mga normal na sirena. Tanging ang mga Mermaid Princess lamang ng bawat panahon, na talentado sa Dao of the Soul at may inheritance ng Mermaid Divine Palace, ang siyang makakapasok.
"Oo."
Kampanteng sagot ng Mermaid Princess.
Nang marinig ito, nayanig angpuso ng lahat.
Kung iisipin sa nakaraan, ang henyong nakakuha ng Immortal Springs Wine at ng Illusion God Wine ay nakaabot sa Void God Realm sa loob lamang ng ilang taon.
Kayang pataasin ng Immortal Springs Wine ang haba ng buhay ng isang tao sa loob ng isang libong taon, at kaya nitong pataasyin ang antas ng pag-iral at cultivation ng isang tao. Ang isang libong taon ay napakahabang oras na para sa isang normal na Sovereign para maunawaan ang landas ng Void God Realm.
Ang epekto naman ng Illusion God Wine ay mas misteryoso – hinahayaan nitong ang isang tao ay makapasok sa isang malalim na estado at maunwaan ang mga mas matataas na uri ng intent.
Gamit ang Immortal Springs Wine, ang isang tao ay may 50% tsansa na makaabot ng Void God Realm, pero kapag may Illusion God Wine pa, mayroon na siyang 70% sa hinaharap na makaabot ng Void God Realm.
Kung makukuha ko ang Immortal Springs Wine at ang Illusion God Wine, ang pag-abot sa Void God Realm ay magiging madali lamang.
Nang maisip ito, ang bilis ng kanilang paghinga ay lalong tumulin.
Sa pagkakataong iyon, nagsalita ang Mermaid Princess, "Ang Immortal Springs Wine ay nasa balon, pero hindi lahat ng tubig roon ay Immortal Springs Wine."
Huminto ang Mermaid Princess.
Nakikita naman ng lahat na ang estatwa ng sirena ay may daan-daang butas.
"Tanging ang likido lamang sa 'ibabang bahagi' ang tunay na Immortal Springs Wine."
Nang sabihin ito, namula ang mukha ng Mermaid Princess, at naging nakakahiya ang sitwasyon. Isa sa mga babaeng disipulo ang napayuko sa hiya.
Tumingin nang malapitan si Zhao Feng at nakita niyang may agos nga ng likido na naiiba mula sa mga ibang parte na nasa pagitan ng pantaas at kung saan nakadugtong ang buntot.
"Iyan ang Immortal Springs Wine?"
Hindi mapigilan ng dalawang Core Disciples ang kanilang kasakiman at agad silang lumapit sa balon.
"Teka!"
Ang babala ng Mermaid Princess ay huli na.
Nang maabot na ng dalawang Core Disciples ang balon, ang kanilang katawan ay nagsimula nang umuyog, na tila ba lasing sila.
"Kakaiba naman pala ang kapangyarihang ito. Ang balong iyan ay isang winery, at ang ere ng alkohol ay agad na papasok sa katawan ay kaluluwa ng isang tao kahit hindi pa ito huminga."
Napaurok ang dila ni Zhao Feng.
Ang ganoong klaseng kalakas na alkohol ay karapat-dapat lamang talaga na maging alak ng Demigod.
Dapat lamang malaman na ang katawan at estado ng pag-iral ng isang Demigod ay ilang beses na mas malakas kaysa sa mga Sovereigns at nga mga Kings.
Kapag ang isang mortal ay uminom ng isang bote nito, mamamatay sila, pero kung isang malaking halimaw naman, wala naman itong halaga sa kanila.
Ganoon rin, ang katawan at alcohol tolerance ng isang Demigod ay lagpas na sa limit ng mga mortal.
"Kahit ang isang Demigod ay nalalasing kapag uminom sila ng marmai. Ang mga normal na cultivators ay hindi nga makalapit sa balon. Kahit na makalapit pa sila, ang kanilang kamalayan ay nalalasing, kung kaya hindi sila nakakakuha."
Sabi ng Mermaid Princess.
Nang marinig ito, ang ekspresyon ng mga taong naroon ay nagsimulang maging taimtim.
Ang dalawang Core Disciples na sumubok na lumapit ay agad na hinila na ni Chen Yilin at Jiang Fan.
"Paano naman ang mga alkohol sa aparador?"
Napunta naman ang mga tingin ni Zhao Feng sa mga kristal na aparador.
Ang alkohol roon ay nakatago sa mga palayok.
"Ang mga aparador ay nakaselyo, kung kaya mahina lamang ang amoy ng alkohol, pero ang mga aparador ay gawa sa mga kakaibang materyales. Kahit sino na nasa ilalim ng Void God Realm ay mahihirapang gumawa ng pinsala, at napakahirap rin para sa kanila na buksan ang mga pinto nito."
Tugon ng Mermaid Princess.
Natahimik ang buong grupo nang marinig iyon.
Walang duda, ang Illusion God Wine ay nasa mga aparador.
Sinubukan kumontrol ni Zhao Feng ng isang ghost-corpse papunta sa balon, pero ang alkohol ay umaabot hanggang sa kanyang kaluluwa.
"Ang kapangyarihan ng alkohol ay kayang pasukin ang mental energy dimension."
Nangamba na talaga si Zhao Feng.
Kahit ang isang ghost-corpse na walang kamalayan ay hindi magawa ang gawain, sapagkat may kaugnayan sila.
"Paano naman nakuha ng henyong iyon ang Immortal Springs Wine at Illusion God Wine?"
Pagtatanong ni Chen Yilin.
"Mahirap malaman kung ano ang nangyari ilang libong taon na ang nakalilipas, pero ang Mermaid Princess noon ay nakatulog nang mahimbing at namatay ilang taon ang lumipas pagkatapos ng insidente, dahil sa nawala niya ang soul inheritance sacred treasure ng mga sirena…"
Napabuntong hininga ang Mermaid Princess nang sabihin ito.
Bumagsak ang puso ng lahat.
Halata namang nagtagumpay lamang ang henyo dati dahil sa swerte.
Milagro na nga para sa kanila para maabot ito.
Sinubukan ng grupo angk kahit anong maisip nila.
Walang kahit sino ang nakakapasok sa loob ng 20 na yarda mula sa kristal na balon.
Sa Demigod Forgotten Garden, ang pinakamahabang sakop ng atake ng isang Peak Great Origin Core Realm ay nasa 20 yarda lamang, at ang distansyang iyon ay nabawasan pa ng sangkatlo sa ilalim ng lawa. Nangangahulugan ito na hindi nila magagamit ang kanilang True Yuan para makuha ang alkohol.
Sa kabilang banda, mas mahirap namang buksan ang mga aparador.
Bukod kay Zhao Feng, sumubok na ang lahat at hindi sila nagtagumpay.
Walang kahit anong ginawa si Zhao Feng. Sa halip, tinignan niya ang mga alak sa loob ng aparador habang kumiskislap ang mga mata.
Nagsimula nang mag-isip sina Chen Yilin at ang mga kasama nito.
May naisip na rin sila sa wakas; itapon ang isa sa kanila habang may lubid na nakatali rito, at hilahin sila pabalik pagkatapos kumuha ng alak. Ang taong kukuha nito ay kakaharap lamang ng maliit na bahagdan ng oras ng pagkakakulong sa ere ng alkohol.
"Pwede lamang tayong magpadala ng mga tao. Kung gagamit tayo ng aytems, wawalisin lamang ito ng tubig ng lawa."
Pagkukumpirma ni Chen Yilin.
Pagkatapos ng lahat, nasa ilalim sila ng tubig, at ang kristal na balon at aparador ay ibang mga teritoryo na kayang balewalain ang paligid.
"Ang paraang iyan ay posible. Kung ilalagay niyo ang lahat ng inyong soul-defending items sa lubid, tataas ang depensa ng taong iyon laban sa sense of alcohol. Kung isang segundo lang naman, wala naman siguro silang kakaharapin na peligro."
Tumango nang bahagya si Zhao Feng.
Kailangan ng pagtutulungan para makuha ang Immortal Springs Wine at iba pang mga alkohol.
"Hehe, ayon sa kasunduan natin dati, hahatiin natin ang lahat ng pabuya ng 70-30, pero pagkatapos pumasok ng palasyon, nakadepende na ito sa mga kakayahan natin."
Biglaang ngumiti si Chen Yilin, at hindi naman tumanggi si Zhao Feng. Ang mga pabuya na nakuha nila kanina ay halos dahil sa hukbo niya, pero hindi naman niya ito magagamit rito.
Whoosh!
Isang Core Disciple ang itinapon nila sa kristal na balon.
Ang taong responsable sa pagtapon ay si Jiang Fan sapagkat ang kanyang katawan ang pinakamalakas bukod pa kay Zhao Feng.
Sa kanilang unang subok, ang Core Disciple ay itinapon nila sa may balon, pero hindi naman ito sakto, kung kaya nakakuha lamang sila ng maliit na dami bago muling mahila pabalik.
"Wu…."
Ang disipulong iyon ay hindi na makatayo nang maayos, kung kaya hindi na sila sumubok ng pangalawang beses.
"En, itatapon ko ang ikalawa nang mas maayos."
Kampanteng sabi ni Jiang Fan.
"Susubukan ko."
Ngumiti si Chen Yilin. Ang kanyang cultivation ang pinakamataas roon, at ang kanyang bloodline at katawan ay hindi rin naman simple.
Whoosh!
Si Chen Yilin ay itinapon sa ibaba ng pribadong bahagi ng sirenang estatwa.
Sa pagkakataong iyon, nang apawan na siya ng ere ng alkohol, gumamit na ng bote si Chen Yilin at nakakuha siya ng isang dakot ng Immortal Springs Wine.
"Hehe."
Nahila naman pabalik si Chen Yilin at itinabi na niya ang bote.
Ang dami na nakuha niya ay hindi naman sapat.
"Kailangan kong magpahinga. Iba naman."
Kahit si Chen Yilin ay tila nalasing, at ang kanyang isip ay hindi ganoon kaklaro.
Sa totoo lang, pwede pa namans iyang umulit, pero upang maging ligtas, napagpasyahan ni Chen Yilin na magkaroon nang malinaw na isip sakaling may mangyaring hindi maganda.
"Kapatid na Zhao, kung makikipagtulungan ka sa Mermaid Princess, pwede mo rin namang subukan."
Napatingin si Chen Yilin kay Zhao Feng at nakaramdam siya ng kakaiba nang makitang walang ginagawa si Zhao Feng.
Tumaas tuloy ang pagkabahala niya bigla.
"Master."
Hindi mapakaling naghihintay ang Mermaid Princess ng mga utos.
Basta sabihin lang ni Zhao Feng, tutulong naman siya para makuha ang Immortal Springs Wine.
"Kunin muna natin ang Illusion God Wine."
Wika ni Zhao Feng pagkatapos.
Ang estado ng kanyang pag-iral at katawan ay kakaiba at malapit na sa antas ng isang hari; kung kaya, mas mahalaga sa kanya na makuha ang intent ng King.
Ang una niyang layunin ay ang Illusion God Wine, at sumunod ang Immortal Springs Wine.
Napangiti si Chen Yilin. Ang alkohol na iyon ay nasa loob ng mga aparador, at hindi naman sila madaling buksan. Kahit na mabuksan niya pa sila, ang ere ng alkohol roon ay maaaring mapatulog siya habang buhay.
"Master, ang Illusion God Wine ay ang kulay lilang baso sa pinakagitna."
Wika ng Mermaid Princess.
Walang kahit sino ang mas nakakaalam ng mga bagay-bagay sa Mermaid Divine Palace bukod sa kanya.
"En."
Tumango si Zhao Feng.
Nang maisip ito, ang kanyang kaliwang mata ay nakatutok na lamang sa kulay lilang baso.
Sa pagkakataong iyon, sina Chen Yilin at ang mga kasama nito ay may nakuha ng dakot ng Immortal Springs Wine.
Napatingin sina Jiang Fan at ang mga kasama nito kay Zhao Feng nang may interes. Ano kayang paraan ang gagawin ni Zhao Feng para makuha ang Illusion God Wine?
Weng~
Isang palihim na ipo-ipon ng eye-bloodline power ang tumakip sa basong kulay lila.
Hmm?
Ang puso nila Chen Yilin ay napatalon.
"Iyan ba ay isang spatial eye-bloodline technique?"
Ang mga Core Disciples na naroroon ay lahat marunong.
Nayanig ang puso ni Zhao Feng nang may isang nakakadurog na presyon ang bumaba sa kanyang kaluluwa.
Ang aparador ay naglalaman ng isang magarang intent, na siyang dahilan para mabigo ang pagsubok ni Zhao Feng.
__
Gumamit ako ng Spatial Movement, pero hindi nito nalilipat ang bagay na gusto kong kuhanin.
Alam ni Zhao Feng na dahil sa ang aparador at ang baso mismo ay naglalaman ng intent ng isang Demigod.
Ang Demigod intent na iyon ang siyang bumabalot sa buong Demigod Forgotten Garden. Ito ang diyos ng harding iyon.
"Zhe zhe, gaya ng inaasahan sa Demigod Forgotten Garden; ang aparador ay may abilidad para pigilan ang mga spatial techniques."
"Matagal nang umiiral ang Demigod Forgotten Garden, at marami ng mga henyo sa loob ng ilang taon ang may espesyalisasyon sa spatial laws, gaya ni Nan Gongsheng."
Hindi na nagulat pa sina Chen Yilin, Jiang Fan at ang mga kasama nito. Nanghahamak na lamang sila.
"Subukan natin ulit."
Hindi agad na sumuko si Zhao Feng. Nagsimula siyang mag-isip. Ang intent ngayon-ngayon lang ay mukhang direktang nagmumula sa aparador at sa baso.
Miao miao!
Tumayo ang munting pusang magnanakaw sa kanyang balikat at iwinagayway ang kanyang pangalmot.
"Sige."
Naunawaan ni Zhao Feng ag pakahulugan ng munting pusang magnanakaw.
"Spatial Movement!"
Nakatuon ang kaliwang mata ni Zhao Feng sa munting pusang magnanakaw.
Isang palihim na ipo-ipo ang bumalot sa munting pusang magnanakaw.
Shua!
Naglaho bigla ang munting pusang magnanakaw, at halos mapaluwa ang mga mata nila Chen Yilin.
Sa sumunod na pagkakataon:
Miao!
Ang munting pusang magnanakaw ay nagpakita sa aparador, sa tabi ng Illusion God Wine, at ininom niya ang laman nito sa isang lagok lamang.