Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 597 - Umatake ang Muntiing Pusang Magnanakaw

Chapter 597 - Umatake ang Muntiing Pusang Magnanakaw

Yumanig ang kalangitan mula sa labanan ng dalawang two-star sects.

SA mga barkong naglalaman ng mga prenda, tanging ang Blue Lightning Sea Sky Ship lamang ay may kumayang tagalan ang sunod-sunod na atake, na siyang dahilan kung bakit nakuha nito ang atensyon matapos pumatay ng dalawang Sovereigns ng Nine Despair Hall gamit ang Ghost Corpse Sursed Array.

"Hmm! Mukhang hindi ko sila binigyan agad ng pansin…."

Umilaw ang mata ng maitim na elder mula sa Six Ring Palace. Magaling ang pinapakita ng batang kapitan ng barko matapos makipag sanib pwersa sa tatlong Sovereigns. Hindi lang sa buo pa rin ang barko nila, kundi kasama na rin dito ang pagpatay nila ng mga kalaban.

Siyempre, ang ibig sabihin nito ay nakakakuha ito ng ms maraming atake mula sa Nine Despair Hall.

Boom! Boom! Boom!

Biglang lumabo ang itim na usok sa paligid ng barko at nagsimula rin itong yumanig. Hindi makatayo ng maayos ang mga mandaragat sa barko.

"Buti na lang ay nilakasan natn ang barko noong nakaraan."

Tinignan nina Loulan Zhishui ang barko at nakita nilang walang sira dito. Dahil ito kalimitan sa Ghost Corpse Cursed Array ni Zhao Feng na nagbawas ng presyon at sa tatlong Sovereigns na kayang humarang ng natitirang atake.

Shua! Shua!

Winagayway muli ni Zhao Feng ang array flag at pina-tungo niya ang itim na usok npara mag-pokus sa depensa. Tinaasan niya rin ang dami ng Ghost Cuoprse Cursed Array pataas sa 50 nang hindi nalalaman ng iba.

"Hindi tayo makakapasok sa labanan."

Pinigilan ni Zhao Feng ang pag-iisip na oumatay ng mga kalaban. Pinalabas niya na para bang nagsisimulang gumulo ang Blue Lightning Sea Sky Ship at sinusubukang umalis sa labanan.

Bam! Bam! Boom~~~~

Kaya lang, kahit pa sa ganoon, ay tuloy pa rin ang pag-atake ng apat na Sovereigns at ng ibang eksperto sa Blue Lightning Sea Sky Ship.

"Kapitan, mayroon pa rin tayong kaunting pag-asang makatakas sa lakas ng barko mo."

Umasa ang tatlong mga Sovereigns. Maliban sa kaunting Great Origin Core Realm na naroroon, ay wala nang ibang makakasira sa depensa ng Blue Lightning Sea Sky Ship, lalo pa sa tulong ng Ghost Corpse Cursed Array.

"Hindi ngayon ang tamang oras."

Umiling si Zhao Feng. Nararamdaman niya pa rin ang mga mata ng Six Ring Palace na nakatuon sa kaniyang bawat galaw.

Muling nag,asid sa kanila ang Spiritual Sense ng half-step Void God Realm.

"Ang pinaka-magandang tiyansa ay kapag nagsimula na ulit magtalo ang dalawang sects."

May sariling plano si Zhao Feng. Sa ngayon, ang lahat ng kailangan niyang gawin ay hindi pumasok sa gitna ng labanan habang pumapatay ng maraming Sovereigns na kaya niya para tumaas ang lakas ng Ghost Corpse Cursed Array.

"Maestro, sampung Sovereigns na ang nakakain ng array."

Nautuwang sabi ng Skeletal Division Leader mula sa Ten Thousand Ghost Pearl.

Habang kaya nitong lumamon ng essence ng isang daang Sovereigns, tataas pa lalo ang lakas ng array hanggang sa umabot sa bagong lebel.

Sa larangan ng digmaan, tuluyan pa ang pagdating ng mga eksperto ng two-star sects.

"Arghh!"

Isa pang sigaw mula sa loob ng usok nang may isa pang Sovereign ang natunaw sa pagiging lusak ng dugo, na sunod namang sinipsip din ng Ghost Corpse Cursed Array. Sa totoo lang, hindi pa nagpapasikat si Zhao Feng niyan. Kung hindi pumasok ang kalaban sa Ghost Corpse Cursed Array ang kalaban ay hindi sila nito aatakihin.

"Kakaiba ang barkong iyon."

Ilang Sovereigns ang lumayo sa barko at doon umatake. Naisip nilang wala islang katatakutan kung malayo sila sa Blue Lightning Sea Sky Ship.

Tumawag ng malamig si Zhao Feng.

"Taasan mo ang bilis at sumugod ka."

Nakuha mi Loulan Zhishui at kinontrol ang barko.

Napa-pitak na lamang ang lahat ng masaksihan nila ang bilis at liksi ng barko,

Peng! Boom!

Nadurog ang ilang half-step Origin Core Realm at True Lord Ranks.

"Zhe zhe… Gusto ko na ring lumabas."

Hindi rin matulungan ng Skeletal Division Leader ang sarili niya. Napa-ikot na lamang ng mata si Zhao Feng.

Hindi pinayagan ng utos niya na tumakas ang Blue Lightning Sea Sky Ship, pati na rin ang pagpasok sa larangan ng digmaan dahil kaunti pa lamang ang nilalabas ng dalawang sects at hindi pa nila binibigay ang kanilang lahat.

Kinailangan ni Zhao Feng na hintayin ang dalawang banda na ibigay ang lahat ng mayroon sila bago sila tumakbo.

Buti na lang, pagkalipas ng oras, ay naglabas na ng ilan ppang kawal ang Six Ring Palace.

Masasabing kapaki-pakinabang ang death squad ni Zhao Feng at binigyan nito ang Six Ring Palace ng magandang puwang na ginamit nila para sumugod.

""Pag nakapatay pa tayo ng ilan pang Sovereigns at nakapag-antala ng ilan pa, susugod na ang Six Ring Palace gamit ang lahat ng mayroon sila."

Natuwa si Zhao Feng.

"Magsimula nang tumungo sa gitna."

Utos ni Zhao Feng, na siyang sinunod ng mga mandaragat.

"Kapatid na Zhao, anong ginagawa mo?"

"Nakaalis na rin tayo sa gitna. Sige, hindi tayo tatakas, pero bakit gusto mo tayong pumunta sa gitna?"

Malaki ang binago ng ekspresyon ng elder na may isang kamay at ng babaeng naka-dilaw. Nakalapas na sila bilang bitag at nakaalis sa gitna, tapos ngayon ay babalik ulit sila?

"Makinig ka sa akin kung gusto mo pang mabuhay."

Malamig na sabi ni Zhao Feng.

"Tigilan niyo siya!"

Tumalon patungo kay Zhao Feng, na siyang hawak pa rin ang bandila, ang babaeng naka-dilaw. Ngumisi lamang si Zhao Feng at naka-ambang umatake nang may naramdaman siya sa balikat niya.

Miao miao!

May abong-pilak na guhit ang umilaw sa himpapawid.

Sa sunod na nangyari:

"Argh!"

Natigil ang katawang naka-dilaw.

Shua!

Isang maitim, at malabong patalim ang tumapat sa kaniyang leeg, at mayroon ding maliit na sugat dito. Isang malamig na intensyon ang bumaba sa kailali-ilaliman ng kaluluwa niya.

"Patawarin… mo ako…"

May nakitang maliit at naka-ambang abong-pilak na pusa ang babaeng naka-dilaw sa gilid ng kaniyang mga mata.

"Napakabilis. Paano ito nagawa noon?"

Si Li Yunya, na siyang pinakamalakas sa tatlo, ay huminga ng malamig na hangin. Miski siya ay hindi nakita kug paano gumalaw ang munting mpusang magnanakaw.

Para bang kaya nitong tumagos sa space.

"Magaling munting pusang magnanakaw. Kapag may gumawa pang kahina-hinala ang iba, patayin mo na lang sila agad."

Ngumiti sa tuwa si Zhao Feng.

Makalipas ang kalahating taon, ginamit rin ng munting pusang magnanakaw ang heart blood essence at ang Ancient Dream Realm aura kasama ni Zhao Febg. Miski si Zhao Feng ay hindi alam ang lahat ng abilidad ng pusa.

Miao miao!

Agad na nawala ang pusa nang bumalik ito sa ancient metal ring na siyang may mga guhit ng abo at pilak.

"Lapit pa."

Winagayway muli ni Zhao Feng ang array flag at inutusan nito ang Blue Lightning Sea Sky Ship na lumapit sa larangan ng digmaan.

Sa inaasahan, mas marami pang atake ang nakuha ng barko, pero hindi na lamang nakaasa si Zhao Feng sa barko ngayon.

"ings of Wind and Lightning!"

Isang pares ng malabong kulay lila na pakpak ang namuo sa likod ni Zhao Feng. Umihip ang hangin habang kumulog naman nang malakas.

Crackle!

Kumampay ang Wings of Wind and Lightning habang lumalapit si Zhao Feng sa isang Sovereign na malapit sa array.

"Blade of Purple Destruction!"

Isang manipis at kulay lila na patalim ang bumuo sa kamay ni Zhao Feng, naglabas din ito ng aura of Destruction.

Boom!

Nagawang makagawa ng Sovereign ng isang defensive barrier sa pagpapa-ikot niya sa kaniyang True Yuan, kaya lamang ay nahati pa rin siya sa kalahati.

"Arghh!"

Nilamon agad ng array ang duguang katawan ng Sovereign.

"Patayin niyo ang buwisit na iyon!"

Noon lamang nagawang umaksyon ng malapit na mga Sovereigns, kaya lamang ay kumampay muli ang pakpak ni Zhao Feng at biglang bumalik siya sa Ghost Corpse Cursed Array.

Isang hinga lamang ang tinagal ng buong presesong iyon.

"Buo na agad ang Blade of Purple Destruction ko habang gumagalaw ako."

Bumalik na siya agad sa array matapos madaling mapatay ang Sovereign.

Natigil si Li Yunya at ang dalawang Sovereigns. Ang babaeng naka-dilaw naman ay nakaramdam ng pagiging maswerte.

Sa ilalim ng kontrol ni Zhao Feng, ang Blue Lightning Sea Sky Ship ay nagmaniobra sa gilid-gilid ng kalagitnaan nang hindi pumapasok.

Hindi pa natuwa si Zhao Feng sa pagpatay ng mga Sovereigns sa loob ng Ghost Corpse Cursed Array. Umaatale rin siya sa mga malapit, at sunod, ay nakapatay na siya agad ng dalawang Sovereigns.

Hu~~~

Ang lakas ng sumpa ng Ghost Corpse Cursed Array ay lalong lumakas, at ang malalapit na Sovereigns ay hindi na sumubok na lumapit sa barko.

"Pasubok ako."

Sabi ng isang lalaking Origin Core Realm na naka-itim na damit at may hawak na halber ang sumugod kay Zhao Feng.

"Great Origin Core Realm!"

Nagbago ang ekspreson ni Li Yunya at ng kaniyang mga kasama. Hindi nila naisip na kaya nilang labanan ang isang Great Origin Core Realm nang mag-isa.

"Maghanda na kayong sumuko."

Utos ni Zhao Feng habang binubuksan niya ang defensive array ng Blue Lightning Sea Sky Ship sa todo nitong estado.

Shua! Shua!

Sabay niya rin namang dinagdagan ng samou pa ang dami ng cursed ghost-corpses.

"Umatake kayo nang sabay!"

Winagayway ni Zhao Feng ang itim na bandiila atgumawa siya ng usok na dragon na siyang nakipagtalo sa lalaking naka-itim na baluti. Kasabay nito ang paggamit ng tatlong Sovereigns ng kanilang ssecret techniques.

"Ten-Sided Destruction!"

Pinagbago ng lalaking naka-itim n baluti ang paligid at may malamig na liwanag ang lumipas sa himpapawid.

Ramdam na ramdam ang nakakahilong presyon at pwersa ng liwanag bago pa ito makarating, at lahat ng nasa Blue Lightning Sea Sky Ship ay nahirapang huminga.

Boom!

Sobrang yumanig ang barko nang matulak ito paatras ng kalahating milya.

Wah! Wah!

Sabay na dumura ng dugo ang elder na may isang kamay at ang babaeg naka-dilaw, habang si Li Yanyu naman ay sapat na ang lakas para hindi masaktan matapos bawasan ng Ghost Corpse Cursed Array ang lakas ng liwanag.

Hu~~

Agad na dumilim ang usok ng Ghost Corpse Cursed Array, pero si Zhao Feng, na nasa half-step Origin Core Realm, ay hindi nasaktan.

May alon ng tubig na lumitaw sa paligid niya na pumayag sa kaniyang hindi masaktan.

"Ice Imperial Spear!"

Biglang binato ni Zhao Feng ang array fkag sa gilid ayt [pinaikot ang kaniyang Ice Water Bloodline, na siyang nagpabuo sa isang anyo ng sibat. Ang sobrang amig nito ay napunta sa Geat Origin Core Realm.

Nalito ang iba sa dahilan kung bakit binato ni Zhao Feng ang array flag sa gilif nang hindi na pinapakialaman ito.

Miao miao!

Lumitaw muli ang munting pusang magnanakaw at sinalo ang array flag.

Pa!

May lumitaw na paa ng pusa sa lakas ng sumpa at inatake nito ang lalaking naka-itim na baluti sa lahat ng direksyon.

Nagulat si la Yunya at ang dalawa pang Sovereigns.

"Ano? Ang pusang iyon…."

Muntik nang malaglag ang mga mata ngfg Skeletal Division leader mula sa Ten Thousang Ghost Pearl. Binigay sa munting pusang magnanakaw ang bandila.

Ang ibig sabihin noon ay si Zhao Feng at ang tatlong Sovereigns at maikukumpara na sa apat na Sovereigns.

Sa kabila pa ng lahat, ang state of existence ni Zhao Feng at malapit na sa peak Great Origin Core Realm, at lumalakas pa ito bawat araw. Ang lakas ng Ice Imperial pear ay sapat na para matalo ang lahat ng nasa ilalim ng Small Origin Core Realm, at pwede na rin nito matakot ang mga nasa Great Origin Core Realm.