Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 580 - Hinukay

Chapter 580 - Hinukay

"Heart blood essence?"

Ang mga mata ng parehong youth ay nagliwanag, at ang gwapong lalaki ay labis na natuwa nang tila marinig ang tungkol sa nga alamat noon; "Ang heart blood essence ay kay kakayahang magbago. Kapag may naligo rito, napapataas nito ant kalagayan ng pag-iral at pundasyon.

"Tama."

Ang elder na nakasuot ng payak na damit ay tumango, "Ang dugo ay mapapakinabangan ng mga Sovereign. Kung kayong dalawa ay makakaligonsa heart blood essence, sinisigurado ko ng magkakaroon kayo ng katawan at kalagayan ng pag-iral na katumbas ng sa isang half-step Origin Core Realm, at ang pagkakataong makalagpas sa Origin Core Realm ay magiging mas mataas."

Nang marinig ito, ang dalawa ay labis na nagalak.

Ang cultivation ng dalawa ay nasa early-stage at late-stage True Lord Rank. Sinong nakakaalam kung gaano katagal bago sila makalagpas sa half-step Origin Core Realm, kahit sa Origin Core Realm lang?

Masasaning ang heart blood essence ng isang balyena ng walang hanggang karagatan ay kayang mabago ang potensyal ng isang tao.

Dagdag pa rito, ito ay isang pangmatagalang kapakinabangan na walang katumbas na kamalasan, hindi tulad ng mga pill at iba pang mga resourcrs na mag-iiwan ng mga komplikasyon.

"Dagdag pa rito, ang kalagayan ng pag-iral ng balyenang ito ay hindi normal. Malamang ay nasa ilalim lang ito ng isang maalamat na haring balyena ng walang hanggang karagatan.

Bulong ng elder.

Ang heart blood essence ng balyenang ito ay makakalahpas sa iba.

"Kung patuloy kong gagamitin ang dugong ito, maitutulak nito ang aking katawan at ang kalagayan ng pag-iral papunta sa Void God Realm. Kahit na hindi nito mapapataas ang pagkakataon kong makalagpas sa Void God Realm, maglakaroon naman ako ng malakas na pundasyon…"

Ang puso ng elder ay kumalabog.

Walang hindi matutuwa kung magkakaroon sila ng pagkakataong mapataas ang kalagayan ng pag-iral. Kaunting tao lang sa ilalim ng Void God Realm ang matitiis ang heart blood essence.

"Third Elder, gaano kalakas ang iyong loob na mapapatay mo ang balyenang ito?"

Tanong ng magandang babae.

"Hehe… Kalma. Ang balyena ng walang hanggang karagatang oto ay labis na mahina na ngayon at malamang ay nasa 20 hanggang 30% ng buong battle-power nito. Higit pa rito, ang puso nito ay kasinglaki ng bulwagan, na higit pa sa sapat para sa iyo.

Ang elder ay ngumiti nang malakas ang loon. Matapos sabihin ito, nagpadala siya ng isang palad na sumaksak sa balyena.

Ang paligid sa loob ng ilang milya ay nagbago sa harapan ng Great Origin Core Realm.

Boom~~~~

Isang dark green na liwanag ng palad ang tumama sa ulo ng balyena.

"Mystic Sky Dark Energy Symbol!"

Ang anyo ng palad ay naipon sa hangin at nagsimulang lumaki.

Ang mas katangi-tangi, ang Mystic Sky Dark Energy Symbol ay mabagal na lumulubog sa ulo ng balyena ng walang hanggang karagatan.

Wu~~~

Sumigaw ang balyena ng walang hanggang karagatan at nahirapan ito habang naipapakita ang nasasaktang ekspresyon.

Sa sandaling ito, 80 hanggang 90% ng mga laman nito ang naapektuhan nf power of the curse, at nasa huli na itong hininga.

"Hahaha… Mas mahina pa ito sa aking inanakala."

Ang elder ay tumawa ng maiwasan ang isang alon na nagawa ng paggalaw ng balyena.

Sa peak nito, kayang makagawa ng balyena ng mga tsunami sa paggalaw nito at labis na mapinsala ang mga normal na Origin Core Realm.

Sa loob ng katawan ng balyena:

"Master, may isang Great Origin Core Realm Sovereign Lord sa labas…"

Anh skeletal Division Leader ay nag-aalala. Nararamdaman nilang lahat kung gaano kalakas ang Great Origin Core Realm.

Ginamit ni Zhao Feng ang Void Space Eye Slash para mapigilan si Lord Hu Suo, na nagdala ng panganib sa kanyang sarili sa proseso.

Mula sa intent nf Great Origin Core Realm na ito, mukhang mas malakas ito kay Lord Hu Suo.

"Hehe, habang ang Great Origin Core Realm na iyon ay pinipigilan ang balyena, ito ang perpektong pagkakataon para makuha ang heart blood essence."

Si Zhao Feng ay ngumiti.

Heart blood essence?

Hindi maiwasan ng skeletal Division Leader na magulat. Sa sitwasyong ito kung saan ang panganib ay nasa loob at labas, si Zhao Feng ay nag-iisip tungkol sa heart blood essence?

Kahit na magtagumpay sila, susuko ba nang ganoon kadali ang Great Origin Core Realm sa labas?

Shua!

Isinantabi ng skeletal Division Leader ang Ghost Corpse Cursed Array at gustong makita kung magtatagumpay siya sa kanyang layunin.

"Kailangan muna nating pag-usapan ang realm of acid na ito.

Sabi ni Zhao Feng. Hindi naman ganoon kahirap na gawin ito ngayon dahil ang balyena ay nawalan ng higit sa kalahati ng lifeforce nito.

"Magyelo."

Ipinalaganap ni Zhao Feng ang kanyang bloodline power at ang Ice Imperial Seal nang pinagyelo niya ang buong lugar."

"Magbukas ng daanan."

Ibinigay ni Zhao Feng ang sunod na gawain sa skeletal Division Leader.

Boom Boom Boom~~

Walang ekspresyon na ginamit ng skeletal Division Leader ang phantom ng Nine Deadly Yin Bone at nakagawa ng isang lagusan sa patuloy na pagsaksak ng sandata.

Ang proseso ng paggawa ng lagusan ay mas madali kaysa sa inaasahan, dahil sa, matapos mawalan ng lifeforce ng balyena, nawalan ng kapangyarihan ang asido.

Dagdagpa rito, ginamit ni Zhao Feng ang kanyang bloodline power parang ang malagkit na likido ay maging matigas, na nagpahintulot sa skeletal Division Leadrt na magawa ang lagusan nang madali.

Habang nagtatrabaho ang dalawa, ginawa nila ang kanilang makakaya para maitago ang kanilang aura kapag nanaalarma ang Great Origin Core Realm sa labas.

Sa kabutihang palad, ang katawan ng balyena ay malaki at tila naging isang harang, kaya ang kaguluhan ay natalpan.

"Halika na."

Utos ni Zhao Feng kay Loulan Zhishui.

"Naintindihan ko."

Si Loulan Zhishui at kanyang mga kasama ay pinagalaw ang barko at idinerekta ito sa lagusan papunta sa labasan.

"Kumaliwa ka, tapos ay kumanan."

Nasuri na ng God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ang estruktura sa loob ng katawan ng balyena.

Makalipas ang isang sandali, ang barko ay palapit na sa puso.

Peng! Peng! Peng! Peng!

Ang tunog ng pagtibok ng puso ay nagbigay ng malaking puwersa, at ang mga mandaragat ay hindi makahinga.

Kung hindi lang dahil sa kahinaan ng balyena, hindi mangangahas si Zhao Feng na lumapit sa puso nito habang buhay pa ito.

Habang ang balyena ay nasa peak pa nito, ang kalabog mula sa puso nito ay maaari pang mapasabog ang mga normal na Sovereign.

Ang puso ng balyena ay kasinglaki ng isang maliit na palasyo, at nagliliwanag ng asul at pula.

"Paano natin magagalaw ang ganito kalaking puso?"

Ang ekspresyon ng skeletal Division Leader ay kakaiba.

Si Zhao Feng ay tahimik sa ilang saglit bago nagdesisyong gamitin ang lumang paraan.

Magyelo!

Iwinagayway ni Zhao Feng ang kanyang kamay at isang malamig na hugis lotus na liwanag ang kumalat sa puso.

Gayunman, ang puso ng balyena ay labis na malaki aylt hindi kaagad napagyelo nang buo.

"Sapat na ito."

Si Zhao Feng ay tumango. Ang kalahating dosena ay sapat na. Ang totoo, kung ganap itong nagyelo ay mamamatay ang balyena, na hindi maganda sa kasalukuyang sitwasyon.

"Hmm?"

Ang elder sa labas na umaatake ay nakaramdam ng isang bagay.

Ang pagpigil mula sa balyena ay biglang naging mas maliit.

"Kapitan, anong dapat nating gawin?"

Hindi naintindihan ni Loulan Zhishui at kanyang mga kasama.

Sa kasalukuyan, ang puso ng balyena ay naging kalahating yelo, at mas mahina na ang panginginig ng katawan nito.

Sinabi ni Zhao Feng nang walang emosyon, "Maghukay kayo."

Miao miao!

Pagkasabi niya nito, ang munting pusang magnanakaw ay tumalon nang may dalang pala.

Crack! Crack!

Ang munting pusang magnanakaw ay itinulak ang pala sa puso ng balyena at nagsimulang mahhukay.

Halos lumuwa ang mata ng lahat.

Ang skeletal Division Leader ay nagulat din, ngunit kung iisiping mabuti, hindi ito ang unang beses na ginawa ito ni Zhao Feng at ng munting pusang magnanakaw.

"En. Lahat, kumilos na kayo."

Inilagay ni Zhao Feng ang kanyang kamay na nagliliwanag nang may simbolo ng ice lotus, sa puso ng balyena.

Habang mas lumalakas ang kanyang bloodline, naintindihan na ni Zhao Feng kung paano gamitin ang mga secret bloodline technique na hindi limitado sa Ice Imperial Spear. Nang "tinunton ang ninuno" ng kanyang bloodline, nagawa niyang makasulyap ng ilang impormasyon.

"Gawin na natin ito."

Ang lahat ay kumuha ng mga gamit o sandatbat nagsimulang maghukay sa paligid ng puso. Ang mga mahirap na parte ay ibinigay sa munting pusang magnanakaw.

Shu~~~~

Nagwagayway ang munting pusong magnanakaw ng misteryosong punyal at madaling hiniwa ang matitigas na parte ng puso.

Nasa kalahati ng oras para makagawa ng tsaa ang nakalipas, ang puso ay natanggal na sa balyena.

Sa kabutihang palad, isinelyo ni Zhao Feng ang lugar sa yelo at kapag hindi ay dadaloy ang dugo sa lugar.

Kunin!

Itinaas ni Zhao Feng ang kanyang kamay ay inilagay ang malaking puso sa kanyang interspatial ring.

Sa kabutihang palad, ang singsing na ito ay ibinigay sa kaniya ng Purple Saint Partial Spirit at nasa mataas na antas, kaya kakasya ito sa puso.

"Anong nangyayari?"

Ang elder na nakadamit sa labas ay may nakitang mali.

Ang balyena sa kanilang harap ay naging labis na mahina at nawalan ng kakayahang lumaban. Napakaraming dugo ang nanggaling dito na ginawang pula ang karagatan.

Sa mismong sandaling ito:

Sou!

Isang maliit na gray na barkong may yelo ang lumabas sa bunganga ng balyena.

"Sinong nandiyan!?"

Biglang sumigaw ang elder, at ang aura ng isang Great Origin Core Realm ay napuwersa ang lugar.

Ang mga puso ng lahat ay tila tumalon.

"Salamat sa pagligtas sa amin, senior."

Lumabas si Zhao Feng at nagpapasalamat na yumuko sa elder.

Lahat sa barko ay hindi maiwasang pawisan nang malamig. Tila sinusubukan ni Zhao Feng na manloko ng isang Great Origin Core Realm.

"Ikaw ay isang negosyanteng kinain ng balyena?"

Nag-isip ang elder naintindihan kaagad. Hindi ito ang unang beses na nakain ng isang balyena ng walang hanggang karagatan ang isang barko.

Habang nag-uusap ang dalawang panig:

Sou~ Sou Sou~~~

Isang malaking barko ng piratang may halos isang daang anyo ang lipad. Ang pinuno ng barko ay nasa hugis tatsulok.

"Ang Metal Triangle Pirates ay nandito rin!?"

Hindi maiwasang sumigaw ng elder.

Tatlong Origin Core Realm aura ang lumitaw mula sa barko, at ang pinakamalakas sa kanila ay nakaanot na sa Great Origin Core Realm.

"Hahaha… Palibutan sila!"

Isang mayabang at nakakayanig na tawa ang nanggaling sa barko.