Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 568 - Isama Mo Ako Sa’yo

Chapter 568 - Isama Mo Ako Sa’yo

Sama-samang nakatayo sa hardin ng Loulan famiily ang ilang dosenang mga bata at matatanda makalipas ang ilang oras.

Ilan sa kanila ay mukhang mabangis dahil ang cultivation nilang lahat ay umabot na sa True Lord Rank.

"Munting kaibigang Zhao, ito ang mga pinakamagagaling sa Eight Desolate Mountain, at gusto nilang lahat maging mandaragat."

Sabi ng Head of the Loulan Family nang nakangiti.

Tumango ng kaunti si Zhao Feng. Totoo ngang karapat-dapat na maging isa sa tatlong pinakamalaking pamilya sa Eight Desolate Mountain; sa maliit na oras lamang ay kinaya nila agad makahanap ng maraming mandaragat na sapat sa kaniyang pangangailangan.

Nanghingi siya ng mga mandaragat na dapat ay nasa early-stage True Lord Rank na hindi rin masyadong mtanda, mga nasa ilalim lang ng isang daang gulang.

Bukod pa roon ay gusto rin ni Zhao Feng ng mga mandaragat na matapat. Kaya mas maganda ang may simpleng karanasan.

20 taon ang itatagal ng serbisyo.

Syempre ay mabigat rin ang ibibigay ni Zhao Feng. Ang laki ng ibibigay niya ay ilang beses pang mas malaki sa mga normal na mandaragat.

Ipinangako rin ni Zhao Feng na makakakuha sila ng piraso ng Earth-Grade weapon basta mapasa nila ang isang taong "trial."

Miski ang Head of the Loulan family ay napa-pitak sa laki ng gantimpala ni Zhao Feng.

Sobrang halaga ng Earth-Grade weapons kahit pa sa Loulan Family, pero ang mga mandaragat na ito ay makakuha ng isa dahil lamang ay nakilala nila si Zhao Feng.

"Ito lamang ang mga gantimpala para sa unang ilang taon…."

Ngumiti si Zhao Feng. Marami ang natuwa dito, pero marami pa rin ang naghiihnala dito.

"Kahit pa ganiyan ka-ganda ang mga gantimpala, gusto niya ba tayong maging pirata?"

Bulong ng ilan.

"Hehe, ang halaga ng mga iyan ay sapat na sa akin para maging isang pirata."

Kumibo ang karamihan sa kanila.

"Walo lamang ang kailangan ko sa inyo. Masyadpo naman kayong lahat para makipaglaban."

Walang emosyong sabi ni Zhao Feng.

Ang kinailangan niya lamang sa mga mandaragat na ito ay kontrolin ang barko. Hindi alam ni Zhao Feng kung gaano katagal ang paglalakbay. Pero isang bagay lamang ang sigurado: karamihan sa kaniyang gagawin ay mauubos sa cultivation.

Nagsiumlang mamili si Zhao Feng ng walong mandaragat habang nanood naman ng may interes ang Head of the Loulan family at si Loulan Zhishui.

Tuwang-tuwa ang mga mandaragat na napili habang unti-unti naman silang nakukumpleto.

"Family Head!"

Isang anyo ang tumakbo patungo sa Head of the Loulan Family bago lumuhod.

"Hmm? Eight Desolate Sacred City Alliance…?"

Kumuha ng isang espesyal na token ang Head of the Loulan Family sa lalaki bago ito nagsimulang magbasa.

Pagkatapos basahin ang balita, nagbago ang ekspresyon ng Head of the Loulan Family nang tumingin ito kay Zhao Feng.

"Zhishui!"

Hinatak ng Head of the Loulan Family sa gilid ang kaniyang anak.

"Zhao Feng? Hinahanap ng tatlong sects?"

Nabalot sa gulat ang mukha ni Loulan Zhishui at pumagaspas ang kaniyang mga kilay.

"Siguradong siya nga iyon."

Mai kinuhang larawan ang Head of the Loulan Family sa lalaki. Ang nakalagay sa larawan ay isang batang may asul na buhok, isang kalansay, at isang munting pusa.

"Ito… paano ito nangyari? Paano niya kilala ang tatlong sects?"

Hindi makapaniwala si Loulan Zhishui.

Sobrang kaparehas ni Zhao Feng ang batang nasa litrato. Gumamit rin siya ng isang kalansay para kalabanin ang mga pirata. Ang tanging pagkakaiba lamang ay ang kaniyang buhok at ang kaniyang mga mata.

"Zhishui, isang beses sa isang libong taon nangyayari ang bagay na ito, at ang mga gantimpalang ibibigay ng three sects ay sapat na para maabot ng Loulan Family ang kalangitan…."

Nanginig sa tuwa ang boses ng Loulan Family Head.

Namuno ang three sects sa Tianlu Islands, at naapektuhan rin nila ang mga islang malapit sa kanila.

Magbabago ang kalagayan ng Loulan Family kung makukuha o mapapatay nila si Zhao Feng.

"Sasabihin ko ito sa nakaraang Head of the Family at Old Huang. Gawin mo ang lahat ng kaya mo para maantala siya."

Taimtim na utos ng Head of the Loulan Family at huminga ng malalim, "Ang pagtaas o pagbagsak ng Loulan Family ay nakadepende sa'yo."

"Pero… niligtas kami ni Zhao Feng."

Hindi ito ginusto ni Loulan Zhishui.

Sa isang banda ay ang pamilya niya, at sa isa naman ay ang tagapagligtas niya.

Bumalik si Loulan Zhishui kay Zhao Feng nang may halo-halong emosyon.

"Lady Zhishui, napili ko na ang walo kong mandaragat. Kailangan ko lang ng mayordomo at ng ko-kapitan at ng vice-captain at magiging maayos na ang lahat.

Para bang sobrang natuwa si Zhao Feng.

Sa tulong ng walong mandaragat para manehuhin ang Blue Lightning Sea Sky Ship ay hindi na mag-aalala si Zhao Feng. Ideya ng skeletal Division Leader ang magdagdag ng vice-captain at ng mayordomo.

Kinailangan ding bumuo ng ghost-corpses at ng cultivation ng Skeletal Division Leader; hindi lamang ito lang angowedeng gumawa ng maliliit na bagay para kay Zhao Feng.

Pumayag si Zhao Feng sa ideyang ito. Isa sa pinakamalalakas na pwersa ang Skeletal Division Leader sa kaniyang tabi.

Sa oras na iyon, pumasok na ang lahat ng mandaragat sa Blue Lightning Sea Sky Ship, pero mukhang nahihirapan si Loulan Zhishui.

"Lady Loulan."

Isang malakas na kamay ang tumapik sa kaniyang balikat, at dahil dito ay nanginig ang buong niyang katawan habang tumingin siya sa kalamadong mata ni Zhao Feng.

"Wala na akong paki kyng ikaw si Zhao Fan o si Zhao Feng, pero niligtas mo ang buhay ko. Kailangan mo nang umalis sa Eight Desolate Mountain."

Kumuyom ang ngipin ni Loulan Zhishui habang mapait na ngumiti.

Hmm?

Nagbago ang ekspresyon ni Zhao Feng. Isa lamang ang rason ni Loulan Zhishui para mabanggit niya ang kaniyang pangalan.

"Mukhang minaliit ko nanaman ang three sects."

Nagbutong-hininga si Zhao Feng. Pinadala na siya sa gilid ng Tianlu Islands, kaya inakala niyang hindi siya makikilala basta hindi siya ganoon katagal mananatili.

Kaya lamang ay halatang may iba pang paraan ang three sects para magbigay ng impormasyon sa Eight Desolate Mountain.

"Mawawalan ka na ng oras kung hindi ka pa aalis."

Puno ng takot ang boses ni Loulan Zhishui habang tinutukaj niya si Zhao Feng.

"Sige."

Tinignan ni Zhao Feng si Loulan Zhishui ng isa pang beses at nakaramdam siya ng pasasalamat.

"Magsimula ka nang mag-ayos."

Agad na inutusan ni Zhao Feng ang walo niyang mandaragat.

Hu~

Nagsimulang pumalaot ang bakal na barko, pero sa oras na iyon:

"Bata, saan ka tingin mong pupunta~~~!"

Isang matandang boses ang nagpilit sa Heaven Earth Yuan Qi na pumito nang lumitaw ang aura ng Origin Tcore Realm.

"Hindi ito maganda! Ang previous Head of the Family."

Nagbago ang ekspresyon ng Loulan Zhishui.

Kasabay nito ang pamilyar na aura ng Origin Core Realm ang lumitaw mula sa loob ng Loulan Family. Kayang sabihin ni Zhao Feng na galing sa sugatang Sovereign ang aura, si Old Huang.

Shua!

Napatalon si Loulan Zhishui sa barko at inabot ang siko ni Zhao Feng.

"Lady Loulan… ito…?"

Umabot sa ilong niya ang amoy ng babae.

Sobrang nagulat si Zhao Feng sa pangyayaring ito. Bumagsak ang isa niyang kamay sa leeg ni Loulan Zhishui pero wala siyang ginawa.

"Kuhanin mo ako bilang prenda at tsaka ka umarangkada."

Hiyang sabi ni Loulan Zhishui.

Naitindihan ni Zhao Feng ang ibig sabihin ng babae. Hindi siya makapaniwala sa tapang na ipinapakita nito.

"Hindi mo kailangang gawin ito…."

Iling ni Zhao Fneng, pero hindi ito tinanggihan ang tulong.

Mas madali ngang kuhanin siya bilang "prenda" para makatakas. Dahil ito sa hindi ganoon kadaling humarap sa dalawang Sovereigns.

Sou! Sou~~~

Dumating ang nakaraang Head of the Loulan Family at ang Sovereign elder na may suot na makulay na damit.

"Ibaba mo si Zhishui!'

Sigaw ng matandang naka-makulay na suot.

"Hmph! Papatayin ko siya kapag mag sumubok na lumaoit sa akin."

Nagsimulang mamula ang mukha ni Loulan Zhishui ng hinawakan ni Zhao Feng ang kaniyang leeg. Mahirap masabi kuung dahil ba ito sa hirap niyang huminga o sa hiya.

"Tigil!"

Sigaw ng nakaraang Head of the Loulan Family at ng mga kasamahan niya.

Natawa si Zhao Feng habang lumilipad sa himpapawid ng hawak si Loulan Zhishui.

Kaya lamang ay bago pa makaalis si Zhao Feng sa Eight Desolate Sacred City ay may dagdag nanamang aura ang dumating.

"Previous Family Head, aatake ang ibang pwersa ng Eight Desolate Sacred City kahit pa hindi tayo umatake."

Tuluyan pa rin ang pagbago ng ekspresyon ng Loulan Family.

"Ibig mong sabihin…?"

Kuminang ang mata ng nagretirong Head.

"Bakit hindi na lang natin siya kuhanin kaysa ibigay sa iba? Magandang pangpalit doon ang isang anak para sa buong Loulan Family."

May lumitaw na pagkabaliw sa mata ng Loulan Family Head.

Hanbang iniisip ang mga gantimpala ng three sects, nagsimula ring magliyab ang mata ng previous Family Head na pumalit sa lahat ng pag-aatubili.

"Sige!"

Tumingin ng malalim ang Head of the Family sa kasalukuyang Head of the Family at kumaway. Kung kakayanin ng sariling ama ng anak na sumuko sa kaniya, paano pa ang lolo nito?

"Patayin ng lahat si Zhao Feng!"

Sumugod ang previous at current Head of the Loulan Family kay Zhao Feng.

Sou~~~

Sa oras na iyon, patungo na sa karagatan ang Blue Lightning Sea Sky Ship.

"Parang walang pakialam na ang pamilya mo sa buhay mo… Lady Loulan."

Nagulat si Zhao Feng sa pangyayaring ito. Binitawan na niya rin ang babae.

Kung wala nang pakialam ang Loulan Family sa kaniya, ang ibig sabihin nito ay hindi na kailangang gamitin siya ni Zhao Feng bilang prenda.

"A…. ama….."

Namutla sa pagkabigo at kalungkutan si Loulan Zhishui.

Umugoy ang katawan niya habang nakatayo sa kubyerta. Ang pamilya niya ay sumusugod ng sabay-sabay ng hindi kinokonsidera ang buhay niya.

"Hindi ka pa rin aalis?"

Mahinang itinulak ni Zhao Feng si Loulan Zhishui.

"Hindi na ako babalik."

Sobrang diin ng pagkagat ni Loulan Zhishui sa kaniyang labi na nagsimula itong magdugo.

"'Di ba kailangan mo ng vice-captain? Pwede rin ako maging yaya o taga-sunod mo…. Hindi ko kailangan ng kahit ano pabalik, gusto ko lang ay kuhanin mo na ako.

Related Books

Popular novel hashtag