Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 562 - Blue Lightning Pirates

Chapter 562 - Blue Lightning Pirates

Hu~Nagpakawala muna ng hininga si Zhao Feng bago tumakas.

"Master, isang grupo ng mga pirata ang nakatudla sa atin."Wika ng Skeletal Division Leader sa loob ng Ten Thousand Ghost Pearl.Mga Pirata?Hindi masyadong pinapansin ni Zhao Feng ang kanyang kapaligiran. Matapos marinig iyon, halos hindi niya naman sila maramdaman.Ang kanyang mga pandama ay mahina sapagkat nakaasa lamang siya sa Spiritual Sense, sapagkat hindi siya mangangahas na gamitin ang God's Spiritual Eye."Ang mga pirata sa walang hanggang karagatan ay kadalasang pinagnanakawan ang mga mayayaman o kaya mga negosyante, pero mukhang wala naman silang balak sa'yo."Kakaiba ang ekspresyon ng Skeletal Division Leader habang nagsasalita ito. Dahil may espesyalisasyon ito sa Dao of Soul, ang Spiritual Sense nito ay napakalakas na kaya nitong marinig kung ano ang mga pinag-uusapan ng mga pirata.Hindi alam ng Skeletal Division Leader kung tatawa ba siya o ngingiti; iniisip ng mga pirata na napakahirap ni Zhao Feng para pagnakawan.Hindi alam ng Skeletal Division Leader kung paano ipapahayag ang kanyang mga emosyon sa kasalukuyan. Ang yaman na mayroon si Zhao Feng ay sapat na para papulahin ang mga mata ng isang tao.Maliban sa Earth-Grade Inheritance Weapon at Ten Thousand Ghost Pearl, kahit ang mga hilaw na materyales lamang sa kanya ay higit pa sa isang normal na one-star clan.Bago sila umalis, kumuha muna si Zhao Feng ng napakaraming resources mula sa Purple Saint Ruins at pinuno ang kanyang interspatial ring.Hindi ma lang nasanggi sa isip ng mga piratang ito na ang yaman ng kabataan na nakikita nila ay kapantay na ng ilang libong taong pagnanakaw.Sou! Sou! Sou!Sa pagkakataong iyon, may iilan pang mga halimaw na humahabol kay Zhao Feng."Takbo!"Hindi na siya nangahas pa na magtagal ar tumakbo na siya palayo sa ere.Ang mapa ng Tianlu Islands ay muling sumilay sa kanyang isip."Ang lugar na ito ay nasa loob ng teritoryo ng Eight Desolate Mountain."Tumingin si Zhao Feng sa harap, pero sa kasamaang palad, hindi siya makatingin nang malayo dahil sa kanyang kaliwang mata.Hu~ Sou!

Ang abong bangka sa likod niya ay tahimik na naglalakbay sa pirming bilis.Ang bangka ay gawa sa napakatibay na materyales. Ang mga atake mula sa mga normal na halimaw ay hindi makapaglalagay rito ng gasgas.Mayroong ilang dosenang kwarto sa bangka, at isang diskusyon ang nagaganap sa isa sa mga kwarto nito."Boss, ang sutil na iyan ay lumilipad nang kapareho nating direksyon. Sisirain niya kaya ang ating plano?"Isang lalaking may pekalt ang nagtanong."Hmph, dahil hindi niya alam kung ano ang nakabubuti sa kanya, magpadala tayo ng iilang mga kasama natin para patayin siya. Ang karne ng lamok ay karne pa rin naman."Karamihan sa mga pirata ay nawawalan na ng pasensya.Sa pagkakataong iyon, nauunang lumipad si Zhao Feng sa kanila kaya napunta ang atensyon nila dito. Ang distansya nila sa isa't isa ay napakalapit lamang."Tiiisin mo muna iyan nang sandali."Sa punong upuan ay may isang kabataang nakadamit ng asul. Napakagwapo niya para sa isang pirata.Ang kabataang ito ay nag-isip muna bago pumangit ang kanyang ekspresyon, "Napakaraming halimaw ang umaaligid, at mayroon ring mga auras ng Sovereign na mga halimaw. Kung ang sinto-sintong ito aya maaapektuhan ang ating plano, kahit ang isang libong beses na pagpatay sa kanya ay hindi sapat."Halos lahat ng mga pirata ay hinahamak ang presensya ni Zhao Feng, pero hindi nila alam kung dapat ba siyang patayin o hindi.Qiu!Lumipad si Zhao Feng sang-ayon sa mapa na nasa utak niya, pero ang ikinagulat niya ay ang patuloy na pagsunod sa kanya ng mga pirata.Kahit ang Skeletal Division Leader ay hindi ito maunawaan.Sa oras na iyon, ang mga pirata ay nagtungo sa loob ng bangka, at hindi na sila minamanmanan pa.Pagkatapos lumipd ng ilang dosenang libong milya, isang balangkas ng malaking bundok ang nagpakita.Ang mas malaki ay nasa walang hanggang karagatan."Iyan ang Eight Desolate Mountain!"Nakaramdam si Zhao Feng ng Yuan Qi. Kahit hind ito kasinggaling ng sa Azure Flower Continent, ilang beses pa rin itong mas mabuti kaysa sa walang hanggang karagatan.Ayon sa mapa, ang Eight Desolate Mountain ay isang lugar kung saan pwedeng mabuhay ang mga tao sa loob ng ilang milyong milya, at tinatawag rin itong "refueling" location.Maraming mga isla ang mas maliit pa kaysa sa Azure Flower Continent sa walang hanggang karagatan. Mayroong mga disyerto, bulubundukin, mga ban atbp.Ang Eight Desolate Mountain ay isang lugar na puno ng mga bundok, at kasing laki lamang ito ng Cloud Area.Sa parehong pagkakataon:"Boss, muling nagpakita ang tutudlain natin."Ang ekspresyon ng mga pirata ay nagbago nang bahagya, at ang kabataang naka-asul ay itinango ang kanyang ulo, "Aatake tayo kapag mas malapit na.""Hmph, tatapusin na rin natin ang sutil na iyan."Dinilaan ng lalaking may peklat ang kanyang mga labi.Sou~~Bumilis nang bahagya ang abong bangka.Hmm?Naramdaman ni Zhao Feng na kakaiba ito. Hindi lamang dahil sa bumibilis ang mga pirata, kundi isang maitim na asul na barko ang nagpakita sa harap nila.Ang bagong barko ay tatlong palapag ang taas, at naramdaman niyang maraming Half-Step Origin Core Realm na naroroon habang lumalapit siya.Ang mga aura na ito ay tila ba binabalaan si Zhao Feng."Hahaha! Isang sakiting True Lord Rank na nasa huling yugto ang nangahas na maglakbay nang mag-isa sa walang hanggang karagatan?""Ang sutil ba na iyan ay isang young master na nawawala sa kanyang landas?"Maraming mga anyo ang nagpakita sa bagong bangka at itinuro nila si Zhao Feng nang may mapaglarong mga ekspresyon.Halata namang kakaibang pangyayari ang makita na naglalakbay ang isang True Lord Rank nang mag-isa sa walang hanggang karagatan.Isang elder ang nakatayo sa pinakaharapa ng bagog barko. Sa tabi niya ay napakaraming Half-Step Origin Core Realms.Sovereign!Nakaramdam si Zhao Feng ng kapiranggot na mental energy mula sa elder, pero ang tingin nito ay bahagyang sinuri lamang si Zhao Feng nang hindi man lang ito pinapansin."Ang pinakamalapit na isla ay ilang milyong milya ang layo. Parehas lang naman kami ng cultivation, pero kaya na niyang maglakbay nang mag-isa. Nakamamangha!"Isang boses ng batang babae ang maririnig. Bigla itong tumabi sa Sovereign at tinignan ssi Zhao Feng nang may paghanga.Ang mga tumatawang anyo ay nanigas. Kakaiba nga talaga para sa isang True Lord Rank ang makaabot nang ganito kalayo sa walang hanggang karagatan nang mag-isa."Mukhang may problema nga ang batang ito!"Ang mga mata ng nakatatandang mga eksperto ay nagningning at nagbahala sila at nagsuspetsa.Lalagpasan na lamang sana ni Zhao Feng ang bangko pero napaikot ang kanyang mga mata nang marinig ito, ganoon pa man, isang layuning makapatay ang bigla niyang naramdaman. Ang abong bangka ay patuloy na sumusunod.Hmm?Nahanap ng Sovereign na ang bagay na kakaiba kay Zhao Feng ay ang kanyang presensya at ang paggamit nito ng kanyang Spiritual Sense."Kayong lahat, mag-ingat kayo mga kapwa pirata!"Ang kanyang ekspresyon ay agad na nagbago nang suriin niya ang lugar gamit ang kanyang Spiritual Sense.

Higit pa sa ilang dosenang anyo ang nagpakita sa bangka

"Sinabihan kita na may mali talaga sa sutil na iyan:"Ang sutil na ito ay mukhang nagmamanman para sa mga pirata."Ang mga eksperto, kabilang na ang isang Sovereign, ay malamig na tumingin kay Zhao Feng, pero hindi naman siya ganoon kahalaga sa kasalukuyan.Dose-dosenang mga malulupit na anyo ang lumipad mula sa abong bangka. Ang pinuno ay isang kabataang may hindi mapantayang kapangyarihan.Walang duda, nasa Origin Core Realm na siya."Hindi ito maganda! Iyan ang Blue Lightning Pirates!"Bumagsak ang puso ng matanda at huminga siya nang malalim bago tumingin sa kabataang nakadamit ng asul nang may pagkabahala."Blue Lightning Pirates! Isa sa sampung pinakamalaking grupo ng mga pirata sa Eight Desolate Mountain!"Nagkagulo sa bagong barko.Mula sa dosenang anyo ng Blue Lightning Pirates, ang pinakamahina sa kanila ay nasa Peak True Lord Rank, at mayroong lima o anim na nasa Half-Step Origin Core Realm.Ang grupo ng mga dumedepensang bangka ay bumuo ng isang hanay, pero ang mga pirata ang mas nakakaangat sa parehong bilang at lakas."Arghhh!"

Sa pagkakataong nagkasagupaan na ang dalawang pwersa, maraming mga hiyaw ng pagkalungkot ang nanggaling sa mga dumedepensa."Blue Lightning Pirates, pakiusap tumigil na kayo! Wala namang mahalaga sa bangkang ito. Kung may gusto kayo, pwede naman nating pag-usapan. Hindi na kailangang maglabanan pa."Sinubukan ng Sovereign elder na pigilan ang karahasan.Kadalasan, kayamanan lang naman ang gusto ng mga pirata. Hangga't ang mga naglalakbay na bangka ay magbabayad ng presyo, ligtas naman sila.

"Hehe. tanda, hindi namin gusto ng pera. Basta ba ibigay niyo si Lady Loulan Zhishui, hahayaan ka naming mabuhay."

Ngumiti ang lalaking naka-asul."Lady Loulan? Paano mo nalaman?"Nagulat ang Sovereign elder at bumagsak ang kanyang puso.Ang lalaking naka-asul ay ngumiti sa babaeng katamtaman lamang ang ganda na nasa tabi ng elder."Imposible!"Nagsaita ang elder sa malamig na tono, "Kahit mamatay ako, ipadadala ko si Lady Loulan sa Pure Moon Spiritual Sect. Ang pag-asa ng Loulan Family ay nasa kanya.""Patayin niyo silang lahat! Hulihin nang buhay si Lady Loulan Zhishui."Pag-uutos ng lalaking naka-asul.Muli na namang naglaban ang dalawang pwersa."Ganoon pala iyon."Naunawaan na ni Zhao Feng kung bakit hindi siya inatake ng mga pirata, pero wala naman siyang paki sa ganitong mga bagay.Tahimik na sinubukang umalis ni Zhao Feng doon."Zhe zhe zhe. Sutil! Tingin mo ba makakaalis ka mula sa Blue Lightning Pirates?"Isang lalaking may peklat at dalawa pang Peak True Lord Ranks ang sumugod papunta kay Zhao Feng.