Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 547 - Matagumpay

Chapter 547 - Matagumpay

"Humanda kayo sa pag-atras!"

Nang makaharap ang hindi mabilang na mga Golden Lightning Birds, kahit si Elder Shui Yun ay hindi nanatiling kalmado.

Ang Green Sky Water Border ay maaaring nang masira, at, kahit na si Elder Shui Yun ay malakas at may hindi kumpletong Earth-Grade weapon, ang kaniyang kapangyarihan ay limitado kung ikukumpara sa ilang libong mga Golden Lightning Bird.

Dagdag pa rito, ang skeletal Division Leader ay pinapamahalaan ang Ghost Corpse Cursed Array at mabagal na dinudurog ang Green Sky Water Border. Ang invisible power ng curse ay nakapasok na sa kanilang mga katawan.

"Hehe, gusto mong tumakbo? Sa tingin mo ba ay ganoon lang ito kadali?"

Ang Eye of Heaven ay tumingin sa ibaba nang may mahinang liwanag.

Si Zhao Feng ay ang kumokontrol sa isang hari ng uri ng Golden Lightning Bird.

Qiu Qiu Qiu~~~~

Ang ilang libong lightning birds ay gumamit ng mga malapit na atake para masira ang Green Sky Water Border.

Ang Golden Lightning Bird King ay mas nakakaangat pa; ang bawat atake nito ay nagpayanig sa hangganan sa kabila ng makapangyarihang cultivation technique ni Elder Shui Yun at hindi kumpletong Earth-Grade item."

"Yanyu! Pangunahan mo ang iba at sumugod kayo! Tutulungan ko kayo!"

Nagkaroon ng asul na liwanag ang kamay ni Elder Shui Yun.

Weng~

Ang Green Water Fallen Pearl sa kaniyang harapan ay naglabas ng isang ragasa ng tubig na dumaloy sa ilang milya. Ang lahat sa lugar ay napuno ng tubig, na tila naging isang karagatan.

Bo~~

Ang ulap ng Ghost Corpse Cursed Array ay dumilim nang higit sa kalahati, at ang kapangyarihan nito ay humina.

Bo~~~~

Napakaraming lightning bird sa langit ang kumalat at nadurog.

Ang napakalaking atakeng ito ay nakagawa rin ng butas, kahit ang lugar mismo, ay yumanig.

"Isang hindi kumpletong Earth-Grade weapon ay sobrang lakas sa mga kamay ng isang Sovereign?"

Ang Eye of Heaven sa langit ay tila hindi mapakali.

Ang atake ay sapat na pata masira ang buong Broken Moon Clan at patayin ang lahat ng nandito. Ang paggamit ng isang galaw para sirain ang buong clan, kapangyarihan pa ba ito ng isang tao?

Ang Towering Tree Yao sa hindi kalayuan ay sumigaw nang mapinsala ito.

Kahit na sinabihan ni Zhao Feng ang mga lightning bird na magpanatili ng partikular na distansya, libo libo sa mga ito ang napinsala pa rin o namatay.

Pagkatapos gamitin ang atakeng ito, ang mukha ni Elder Shui Yun ay namutla, at naging pula muli. Gayunman, hindi siya tumigil sa kiritikal na oras na ito.

"Mamamatay ka na, ungas!"

Si Elder Shui Yun ay napalibutan ng isang alon ng tubig nang patayin niya ang ilang mga halimaw sa paliigid at sumugod sa Golden Lightning Bird King.

Diretso papunta sa Beast King!

"Kung gusto mong makipaglaban, halika at maglaban tayo!"

Ganap na tumuon si Zhao Feng sa pagkontrol sa Golden Lightning Bird King. Ginamit niya ang liksi sa kaniyang kalamangan habang naglalaban ang dalawa sa langit.

"Pumatay!"

Ang ibang mga miyembro ng tatlong sect ay sumugod.

Sa kabutihang palad, si Zhao Feng ay nakatuon sa pagkontrol sa Golden Lightning Bird King at sa paglaban kay Elder Shui Yun.

Sa hangin, si Elder Shui Yun at ang Golden Lightning Bird King ay nagsagupaan, at ang natitirang ragasa ng kanilang laban ay umabot sa sampung milya.

Dahil sa katotohanang ang butas ang pangunahing kahinaan ng ruins, idinerekta ni Zhao Feng ang laban sa palabas na dulo ng misteryosong kanyon,at si Elder Shui Yun naman ang susunod. Kung hindi niya inasikaso ang Golden Lightning Bird King, ang iba ay hindi makakatakas.

"Ang babaeng ito ay talagang malakas."

Ang skeletal Division Leader ay iwinagaywaya ang itim na bandila at pinahigop sa Ghost Corpse Cursed Array ang blood essence ng mga haimaw sa paligid bago atakihin si Elder Shui Yun sa ilalim.

Ang ibig sabihin nito ay kailangang lumaban ni Elder Sui Yun sa dalawang Sovereign nang sabay habang nakikipaglaban in sa isa o dalawang libong mga halimaw.

Sa ibabaw ng bundok, ang mga nanonoo ng mga eksperto ay pinigilan ang kanilang hininga.

Ang battle intent sa kanilang mukha ay labis na nakakagulat. Kahit ag isang kasinglakas ni Elder Shui Yun ay mapapanganib.

"Skeletal Division Leader, patayin mo na ang iba."

Umalingawngaw ang boses ni Zhao Feng.

"Sige."

Ang skeletal Division Leader ay idinerekta ang array papunta ay Ye Yanyu at ang iba habang si Zhao Feng ay kinontrol din ang ilang mga lightning bird para mapigilan ito sa pagtakas.

"Walang hiyang ungas!"

Nanlamig si Elder Shui Yun nang tignan ang Eye of Heaven.

Para maprotektahan ang mga miyembro ng kaniyang grupo, ginamit niya ang isang Earth-Grade weapon at isang malawakang skill, na nakagamit ng maraming laks niya, at sa kasalukuyan, gumagamit siya ng malaking Yuan Qi habang kalaban ang mga halimaw. Ngunit, habang kontrolado ni Zhao Feng ang Golden Lightning Bird King, hindi ito lumaban nang harapan at inutusan ang skeletal Division Leader na patayin ang iba.

"Arghhh!"

Isang sigaw ang nanggaling sa kabilang banda.

Ang unang pinsala ay lumitaw na sa wakas nang bumagsak ang isang peak True Lord Rank.

Kahit ang mga bumagsak na True Lord Rank ay mas malakas kay Tiemo, namatay siya nang nakakakilabot na pagkamatay.

"Hehehe..."

Ang skeletal Division Leader ay iwinagayway ang itim na bandila at ang ginto-at-pilak na latigo papuntsa grupo.

Ang curse ay nagsisimula nang umepekto sa kaniya, na nagdahilan para mabagal na humina ang blood essence.

Sa sandaling ito, ang skeletal Division Leader at mga halimaw ay lamang.

"water Spirit Divine Change!"

Ang mukha ni Elder Shui Yui ay namutla, at lumitaw ang malamig na intent sa kaniyahg mukha.

Di! Da!

Si Elder Shui Yun ay nabalot ng isang asul na liwanag na tila umiikot sa hangin. Kahanga-hangang tila naging isa ang kaniyang katawan sa asul na liwanag, na naging parang likido.

Qiu!

Tinamaan ng kidlat ang katawan ni Elder Shui Yun, ngunit ang kaniyang likidong anyo ay tila hindi napinsala.

"Anong uri ng secret technique iyon?"

Nagulat si Zhao Feng. Sa kalagayang ito, ang katawan ni Elder Shui Yun ay tila naging tubig.

Weng~~

Dagdag pa rito, ang kaniyang katawan ay lumaki nang ilang yarda. Sa kalagayang ito, tila naging isa siyang diyos ng tubig at ang kaniyang battle-power ay dumoble.

Boom!

Isang baha ang dumaloy sa ilang milya, at daan daang mga ibon ang namamatay bawat minuto.

Ang Golden Lightning Bird King ay sumigaw sa sakit nang tamaan ito, ngunit ginagawa pa rin ni Zhao Feng ang kaniyang makakyaa para gamitin ang liksi nito sa kaniyang kalamangan.

"Ungas, mamatay ka na!"

Si Elder Shui Yun ay tila isang diyosa ng tawagin ang kapangyarihan ng kalikasan.

Sa loob ng ilang hininga, ang Golden Lightning Bird King ay sumigaw nang mapabagsak ito ni Elder Shui Yun.

Sa puntong ito, higit sa kalahati ng mga lightning bird ang namatay, at matapos mamatay ng beast king, ang mga natitirang mga halimaw ay nagsitakasan na.

Hu~

Nakahinga na si Elder Shui Yun nang mag-umpisang maipon ang kaniyang katawan.

Pagkabalik sa normal na kalagayan, ang kaniyang mukha ay naging kasingputi ng papel at siya ay napagod.

Halata naman, kahit ang Water Spirit Divine Change ay may hindi natatapatang depensa, isang malaking kabayaran ang kailangan para magamit ito. Dagdag pa rito, nakagamit na siya ng malaking lakas bago ito gamitin.

"Wind Lightning Eye Flame!"

Ang Eye of Heaven ay nagliwanag nang may lilang apoy.

Whoosh!

Isang half-transparent na lila at asul na apoy ang naglabas ng aura ng Destruction ang tumama sa nanghihinang si Elder Shui Yun.

"Hindi ito maganda!"

Ang mga ekspertong nanonood sa panlabas na mundo ay sumigaw.

Ang nakakasindak na Wind Lightning Eye Flame ay biglang nilamon si Elder Shui Yun.

Bam!

Ang katawan ni Elder Shui Yun ay bumagsak mula sa hangin at napunta sa isang bundok, na nakagawa ng isang butas na may lalim na isang daang yarda.

Ang Wind Lightning Eye Flame ay ang pinakamalakas na eye bloodline flame na kaniyang nagamit sa buong buhay niya.

"Ang eye bloodline flame na iyon ay siguradong sapat na para mapatay ang isang normal na Sovereign."

Ang puso ng skeletal Division Leader ay nanikip.

Sa sandaling ito, si Ye Yanyu, at ang iba pang mga miyembro ng grupo, at ang mga manonood ay tumahimik lahat.

"Elder Shui Yun..."

Si Ye Yanyu at mga kasama ay tumingin nang mabigat ang loob sa butas.

Bo~

Isang alon ng tubog ang lumitaw mula sa butas, at isang nasunog na anyo ang lumipad palabas."

"Ang taong iyon..."

Ang anyo ay umuusok at nasunog. Ito pa rin ba ang mabuting si Elder Shui Yun?

"Um...atras na!"

Sinabi ni Elder Shui Yun bago magsimulang mawala ang mga marka ng sunog at mabagal na maghilom.

Makalipas ang isang sandali, nakaabot na si Elder Shui Yin kina Ye Yanyu, ngunit ang kaniyang anyo ay nakakakilabot pa rin.

"Humanap muna kayo ng lugar para makahilom."

Gumalaw ang katawan ni Elder Shui Yun, ngunit pinilit niyang paghilumin ang iba.

Sa puntong ito, higit sa kalahati ng grupo ang napinsala o namatay.

Ginamit ni Zhao Feng ang Eye of Heaven para makontrol ang mga halimaw sa paligid at sumama sa skeletal Division Leader para habulin ang mga ito.

"Zhe zhe zhe... hayop ka, ipapaintindi ko sa iyo kung ano ang kahihiyan kapag nahuli kita."

Ang skeletal Division Leader ay nagpatuloy sa pag-atake sa kanila nang may mayabang na ekspresyon.

Kung magpapatuloy ito, siguradong si Elder Shui Yun at mga kasama nito ay mamamatay dahil labis na itong napinsala at ang kaniyang battle-power ay naubos na.

Sa mismong sandaling ito, isang boses ang umalingawngaw sa ulo ng skeletal Division Leader, "Tumigil ka."

Shua!

Ang Eye of Heaven ay nawala.

"Zhao Feng, ang tagumpay ay naghihintay na sa atin. Kaya kong hulihin ang hayop na iyon nang buhay..."

Sabi ng skeletal Division Leader nang mabigat sa loob nang maisip kung paano siya tinalo ni Elder Shui Yun noon at ngayon na ang perpektong pagkakataon para gumanti.

Gayunman, kahit na anong ungol at reklamo nito, hindi ito tumutol sa kautusan ni Zhao Feng.

Alam nitong ang kontrol ng Eye of Heaven ni Zhao Feng sa sitwasyon ay mas mahusay pa kaysa sa sarili nito.