* * *
Ang ikasampung galaw!
Ang mga henyong nanonood sakanila ay pinigil ang kanilang mga hininga habang sila ay mariing nakatitig sa dalawang anyo. Sa kalagitnaan nila, sina Zhao Linglong at Zhao Ling ay mayroong lubhang masamang ekspresyon sa kanilang mga mukha.
"Ten moves, paano niyang…?" mapanganib na kumislap ang mukha ni Zhao Linlong.
Sa umpisa ng summit hanggang ngayon, siya lamang ang kayang kayanin ang sampung suntok galing kay Xin Wuheng, kahit pa siya ay natalo sa ikasampung galaw.
Ngunit ngayon...
Ang taong minaliit niya ng tingin ng may pagbabalewala ay kaya ring makipagpalitan ng ten moves!
Bilang ang pinakahenyo ng sect ng Zhao, paano niyang nahayaan mangyari ito? Mas lalo pa siyang natakot nang maisip niya ang katotohanan na maaaring manalo si Zhao Feng...
"Paano ito nangyari!?" nalugmok ang mukha ni Zhao Ling. Pumusta siya ng ilang beses kay Zhao Feng, at natalo niya lahat ng ito. Ang ganap ni Zhao Feng ay hindi mas mahina kaysa sa diyos na nasa kaniyang puso - Zhao Linlong.
Hindi mas mahina...mas magaling!
Nahulog ang mga alikabok at tumayo magkatabi ang dalawa. Ang mga kamay nina Xin Wuheng at Zhao Feng ay parehas na magkakabit habang sila ay humihinga ng sobrang bilis.
Mayroong masamang hiwa sa katawan ni Xin Wuheng na nagdulot upang tiklupin niya ang mga kilay niya sa sakit. Sa kabilang banda, tumayo ng tuwid si Zhao Feng, kahit na napunit ang kaniyang damit, hindi siya napinsala dahil ang kaniyang Metal Wall Technique ay nakaabot na sa fifth level.
Kung depensa ang pag-uusapan, mayroon siyang Metal Wall Technique; kung ang pag-uusapan ay bilis, mayroon siyang Lightly Floating Ferry; at kung opensa naman ang pag-uusapan, mayroon siyang Star Finger. Sa lahat ng aspeto, siya ay top tier.
Ten moves ng walang pagkatalo!
Ang mga manonood na kabataan ay nagkagulo. Ang alamat ng ten moves ni Xin Wuheng ay nawasak na sa wakas!
Mayroong taong kayang makipagpalitan ng ten moves sa kaniya. Ang eksenan ito ay parang mabigat na masong dumudurog sa mga mukha nina Zhao Linlong at Zhao Ling.
Sila Zhao Chi, Zhao Han, at Zhao Qin ay mayroong ekspresyong ng gulat sa kanilang mga mukha. Sino ang makakaisip na mayroong itim na kabayo sa loob ng pamilya ng Zhao?
Hindi! Matagal na siyang itim na kabayo!
Mula sa paligsahan ng outer disciples hanggang sa pangunahing paligsahan hanggang sa henyong summit, gumagawa ng milagro si Zhao Feng.
"Masiyadong malakas!" Kasiyahan ang kuminang sa mga mata ni Zhao Yufei.
"Hmph! Kanina sinabi niya na na maaari siyang makipagpalitan ng tatlumpu, hindi...limampung galaw!" tiniim ni Zhao Ling ang kaniyang mga ngipin at mabigat na sinambit.
Bagama't ang pagsasagawa ni Zhao Feng ay mas maayos kaysa kay Zhao Linlong, hindi niya nais na yumukod sa kaniya!
"Xin Wuheng, ang tinatawag mong ten moves ay baka mayroong koneksyon sa iyong Cloud Chess Step. Gamit ang sampung hakbang sa pagsasaayos ng patibong at ang paggamit ng pinakamaliit na halaga ng enerhiya upang makapag-iwan ng pinakamalaking pinsala hanggang maaari," sabi ni Zhao Feng, nang nakangiti.
"Tama ka! Sa kakayanan mong manatili hanggang sa ten moves, ang ibig sabihin lang nito na ang lakas mo ay kasing-lakas ng akin, o baka mas malakas pa kaysa sa akin." Isang mapanganib na liwanag ang kumislap sa mga mata ni Xin Wuheng.
Mata sa mata ang dalawa, kahit sino man sa kanilang dalawa ay maaaring umatake agad.
"Haha! Masiyado kang mapagkumbaba kung ang cultivation mo ay nasa peak lamang ng fifth rank," sambit ni Zhao Feng ng may malalim na kahulugan.
Naging mas mataimtim bigla ang mukha ni Xin Wuheng.
Flaming Metal Fist!
Umatake si Zhao Feng habang abala si Xin Wuheng. Ngayon pagkakataon hindi niya ginamit ang Angry Dragon Fist o kahit ang Star Finger, ginamit niya ang pinaka pangunahing skill - Flaming Metal Fist!
Sa maliit na pagitan, ang pinakasimple, pinakamabilis na atake ang pinaka may malaking epekto. At ang Flaming Metal Fist ay ang pinakagamit na skill ni Zhao Feng.
Ngunit hindi rin nagkukulang si Xin Wuheng, ang kaniyang pandama ay nakalampas na sa mga limitasyon ng sixth rank at kapantay na ng sa mga Martial Masters. Sa saglit na nilipon ni Zhao Feng ang kaniyang Inner Strength at nilabas ang kaniyang kamao, tumugon siya gamit ang paglabas ng kaniyang palad.
_Peng!_
Ang pagbanggaan ng kamao at ng palad ay nagdulot para mapaatras si Xin Wuheng. Dahil nasanaya ni Zhao Feng ang Metal Wall Technique at may lamang sa depense at lakas. Ang katunayan na siya ang unang umatake ay naging dahilan din upang mas maging malakas ang kaniyang suntok kaysa sa palad ni Xin Wuheng.
Angry Dragon Fist!
Tumulak si Zhao Feng dahil siya ay nananalo na at ang kaniyang Inner Strength ay dahan-dahang nagsimula sa pag-akyat sa peak ng fifth rank.
Pagtapos ng ten moves, tinutulak na ni Zhao Feng si Xin Wuheng paatras!
Sumubaybay sa takot ang mga manonood. Walang sinuman ang nakaisip na mayroong isa pang talentadong bata na kayang lumaban kay Xin Wuheng.
Labing isang galaw...labing dalawang galaw...labingtatlong galaw...
Si Zhao Feng ang kumontrol sa unang dalawampung galaw. Gamit ang kaniyang kaliwang mata, nakita niya na mayroong bahagyang pinsala sa loob ng katawan ni Xin Wuheng, kaya naman hindi niya siya pinagpahinga.
Kinailangan umatras ni Xin Wuheng upang magkaroon ng kaunting panahon para pagalingin ang maliit na pinsala sa loob, ngunit dahil alam ni Zhao Feng ang bagay na iyon gamit ang kaniyang kaliwang mata, hindi niya binigyan ng pagkakataong makapagpahinga si Xin Wuheng. Natulala ang mga manonood.
Sa loob ng pabilyon ng pamilya ng Zhao...
Lubhang masama ang mukah ni Zhao Linlong at ang kaniyang dalawang kamao ay mahigpit na nakatikom. Ang cultivation ni Zhao Feng ay hindi kasing-taas katulad ng kaniya. Bakit kaya niyang makipagsabayan kay Xin Wuheng?
*************
_Sa ilalim ng malaking puno..._
"Zhe zhe, kawili-wili. Hindi ako makapaniwala na ang maliit na lungsod gaya ng Sun Feather City ay mayroong dalawang talentadong henyo, ang potensyal ng dalawang ito ay maaaring maipuwesto sa top five ng Jun City," isa sa mga nakapilak ang nagsalita.
"Kailangan nating i-ulat to kay Panginoon kung sakaling ang dalawang ito ay makuha pa ng ibang grupo…" maingat na sambit ng isa.
**************************
Sa gitna ng entablado, ang dalawang anyo ay nagpalitan ng suntok, subalit walang kayang makapagdesisyon kung sino ang panalo.
Dalawampung galaw... dalawampu't isang galaw...dalawampu't dalawang galaw...
Pagtapos ng dalawampung galaw, marahang nagsimula ang pagbabawi ni Xin Wuheng. Ang kaniyang Cloud Chess Step ay sanay na sanay sa paggamit ng mabagal at tuwid na bilid upang kontrahin ang matulin na bilis. Dagdag pa rito, pinigilan niya ang sarili niya na makipagbanggaan kay Zhao Feng.
Masiyadong malakas si Zhao Feng kung purong lakas ang pag-uusapan, at isang beses na niyang ginamit ang Star Finger, ang pinsalang naidulot nito ay kapantay ng mga peak sixth rankers. Ang ibig sabihin lang nito, na kahit si Zhao Linlong, na siyang nakaabot sa sixth rank, ay maaaring matalo. Kung ganoon, kailangan lang umatras ni Xin Wuheng paminsan-minsan at makakuha ng oras para makapagpahinga.
Tatlumpung galaw...tatlumpu't limang galaw...
Sa wakas, sa ikatatlumpu't limang galaw, nagawa ng makalamang ni Xin Wuheng.
Ang laban na ito ay mas naging matindi at mapanganib. Minsan ay gagawa ng pasimpleng atake si Xin Wuheng at kapag ginamit niya ang Cloud Chess Step, mas lalo pa nitong napapahirap hulaan ang mga pasimpleng atake. Subalit ang mga reflexes ni Zhao Feng ay lubhang mabilis, at sa pinaka oras na makikita niya kung paano aatake si Xin Wuheng.
"Paano niya nagagawa ito? Katulad ba niya ako? Mayroon ba siyang pandama gaya ng isang Martial Master?" nagtatakang tanong ni Xin Wuheng.
Limampung galaw...animnapung galaw...
Walang nananalo!
_Plop!_
Nahulog si Zhao Ling sa sahig ng walang kalaban-laban, ang kaniyang mukha ay namumutla. Noon, nakipagpustahan siya kay Zhao Feng na makakaya niyang makipagpalitan ng ten moves, at matatalo na siya.
Subalit sa oras iyon ay tumawa si Zhao Fen. "Masiyadong kaunti ang ten moves, kahit paano gawin mong tatlumpu. O, limampung galaw…"
Sa oras na ito, nagpalitan na ang dalawa ng lagpas animnapung galaw ng walang senyales ng pagkapanalo o pagkatalo.
Animnapung galaw… pitumpung galaw...
Pabilis ng pabilis ang opensa ng dalawa. At sa wakas, nakaabot na sila ng walumpung galaw.
Huminga ng malalim si Xin Wuheng at ang aura ng kaniyang 'One with the Heavens' ay naging palinaw nang palinaw. Ang aura na ito ay katulad ng isang nanggaling sa babaeng nasa kuweba, ngunit mas mahina.
Sa pagharap sa aura na ito, pakiramdam ni Zhao Feng siya ay isang langgam. Ang pakiramdam na ito ang nagdulot sakaniyang upang hindi makahinga ng maayos.
Pagtapos ng siyamnapung galaw, ang bawat atake ni Xin Wuheng ay nagpadala ng malalim na kaunawaan. Ang kaliwang mata ni Zhao Feng ay dahan-dahang bumukas at isang mahinang berdeng-asul na kinang ang bumalot sa kaniyang mata. Bigla siyang napunta sa super-vision mode.
Ang bawat galaw ni Xin Wuheng ay naging mas mabagal ng sampung beses.
_Shua!_
Sa loob ng napakadilim na dimensyon, isang tila multong anyo ni Xin Wuhen ay lumilitaw at bawat kilos na mayroon siya ay umuulit-ulit pabalik-balik.
Ang mga kilos ng tila multo na anyo ay nagdala ng malalim na kaunawaan at sila ay mas madaling maintindihan gaya ng sa babae. Dahil nakakuha na siya ng iilang kaunawaan galing sa Mysterious Wind Palm na iyon, natutunan agad ni Zhao Feng ang aura na ito.
_Bukas!_
Dali-daling pinagsama ni Zhao Feng ang kaniyang Lightly Floating Ferry, Lightly Micro Step at Flaming Metal Fist bilang iisa. Isang aura na kaparehas ng kay Xin Wuheng ang lumitaw sa kaniyang katawan.
_Pah—-_
Tumulak ng isang palad si Zhao Feng kay Xin Wuheng.
_Teng teng teng…_
Umatras si Xin Wuheng, ang kaniyang mukha ay puno ng pagkagulat. "Ano!? Ang kaniyang palad…"
Mayroon siyang kakaibang pakiramdam na ang aura na nagmula sa palad ni Zhao Feng ay ninakaw mula sa kaniya. Kung iyon ay totoo, ito ay lubhang kasindak-sindak.
Huminga ng malalim si Xin Wuheng at nilipon ang kaniyang Inner Strength. Ang kaniyang pandama ay kapantay ng sa mga Martial Masters, at ang bilis ng kaniyang paglipon at lakas ay lagpas pa sa mga sixth rankers. Ibig sabihin lang nito na kahit sinong cultivator na mas mababa sa sixth rank ay hindi matatalo si Xin Wuheng kung ang pag-uusapan ay Inner Strength. Ito rin ang dahilan kung bakit kaya niyang talunin si Zhao Linlong.
Ngunit hindi niya alam na namanman na ng kaliwang mata ni Zhao Feng ang lahat ng kaniyang Inner Strength at pagbabago sa pagdaloy ng dugo.
_Ganito pala ah..._
Mabilis na naintindihan ni Zhao Feng ang aura na iyon.
Star Finger!
Tumusok ang daliri ni Zhao Feng sa hangit at ngayong oras ito ay mas malakas pa kaysa kanina. Ang Star Finger ay tungkol din sa paglilipon ng Inner Strength. Pagtapos niyang matutunan kung paano nilipon ni Xin Wuheng ang kaniyang chi, tumulak paharap ng bahagya ang Star Finger ni Zhao Feng.
"Napakagaling! Palapit na nang palapit ang Star Finger sa peak third level." Nais niya talagang pasalamatan si Xin Wuheng.
Una, nagkaroon siya ng kaunawaan sa misteryosong aura na iyon. Pangalawa, natutunan niya kung paano mas maayos na maglipon ng Inner Strength.
Siyamnapu't isang galaw…siyamnapu't dalawang galaw...
Mas matapang na lumaban si Zhao Feng.
Kahit na hindi natatalo si Xin Wuheng, hindi rin siya nakakalamang. Ang nagpalamig sa kaniya ay ang potensyal ni Zhao Feng, nararamdaman niyang palakas ng palakas si Zhao Feng.
Ang aura ni Zhao Feng at ang Inner Strength niya ay halos katulad na katulad ng kaniya.
Anong klaseng tao ang lalaking ito!?
Hindi mapigilan ni Xin Wuheng kundi aminin na nakatapat niya ang kaniyang karibal. Ang kaniyang espesyalidad ay enlightenment, ngunit ang bilis ng pang-unawa ng kaniyang kalaban ay mas mabilis pa kaysa sa kaniya.
Siyamnapu't limang galaw... siyamnapu't anim na galaw...
Palapit na sila sa isang daang galaw. Lahat ng naroroon ay pinigilan ang kanilang paghinga, ang kanilang mga mata ay puno ng paghihintay at tuwa para sa resulta. Batay sa patakaran, kapag sila ay nakapagpalitan na ng isang daang galaw ang mga henyo at ang taong tagapamahala ay pagdedesisyunan kung sino ang panalo.
Subalit, sa siyamnapu't siyam na galaw -
_Teng!_
Umikot si Xin Wuheng at tumalon ng sampung metro sa himpapawid. "Dito magtatapos ito!"
* * *