Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 531 - Pagsugod ng mga Sovereign

Chapter 531 - Pagsugod ng mga Sovereign

Sa itaas ng bundok, pinapanood lamang ni Zhao Feng sina Yu Xingchen at Yu Tianhao na umalis nang may taimtim na ekspresyon.

Simula noong makabalik siya mula sa kanyang inheritance, ang kanyang lakas ay tumaas nang ilang beses. Ang kanyang cultivation, pang-unawa, kaluluwa, at eye bloodline ay lahat tumaas ang kapangyariham, at sa nakaraang taon, kinaya niyang magcultivate ng kapiranggit na bahagi ng Puple Destruction Lightning.

Naniniwala siyang hindi siya natatalo sa loob ng buong kontinente laban man sa kahit sinong nasa ibaba ng Origin Core Realm, pero ang labang ito ang siyang naglagay ng pagtigil sa kanyang kaarogantehan at pagiging sobrang makumpiyansa.

"Kahit gaano mo pa iniisip na ikaw ang pinakamagaling, palaging may mga taong mas magaling pa rin sa'yo. Sino ang nakakaalam kung ilan pang malalakas na henyo ang mas magaling kaysa sa akin? Isang baga lang naman ako na nasa tuktok ng Azure Flower Continent."

Ang mga mata ni Zhao Feng ay desidido na.

Tanging sa paglago lamang at patuloy na pag-abante ang magiging daan para makahabol siyansa mga maalamat na tao.

"Zhao Feng, kumusta na ang iyong mga pinsala?"

Agad na lumapit sina Patriarch Honh at Tiemo sa kanya. Sobrang nagpapasalamat na sila na walang lubhang nasaktan o namatay man lang sa laban na ito.

"Ayos lang ako."

Ngumiti si Zhao Feng habang isang alon ng tubig ang kumalat sa kanyang buong katawan para pagalingin siya.

Halos lahat ng kanyang mga pinsala ay pagaling na ngayon.

Tinignan ni Patriarch Hong at Tiemo ang isa't isa sa gulat. Kung nagpatuloy ang laban, mas malaki ang tsansa ni Zhao Feng. Sa madaling salita, mas mataas ang posibilidad niya na makaligtas.

Muli nang bumalik si Zhao Feng sa kanyang trabaho bilang Deputy Patriarch pagkatapos ng laban, pero anh kanyang mga gawain ay mas madali kaysa kay Tiemo.

Bukod pa roon, ang Iron Blood Religion naman ang namumuno sa Canopy Great Country, kung kaya wala namang nangangahas na hamunin sila.

Nangangahulugan ito na pwedeng gamitin ni Zhao Feng ang halos lahat ng kanyang oras sa pagcucultivate at para perpektuhin ang eye bloodline niya.

Kasalukuyan, kasabay ng pagtaas ng kanyang cultivation, ang kanyang eye bloodline power ay lumalago rin. Subalit, dahil sa restriksyon sa kanyang cultivation, ang eye bloodline techniques ni Zhao Feng ay tumigil na sa progreso nito."Natutunan ko na ang lahat ng bawat sikretong technique ng tatlong major eye-bloodline families."Napag-alaman ni Zhao Feng kung ano ang bagay na pumipigil sa kanya. Dahil nasa Azure Flower Continent lamang siya, mahirap para sa kanya na matuto ng bagong mga eye-bloodline techniques.Syempre, ang kanyang pinakapokus ay ang Wind Lightning Stone Tablet.

Naunawaan niya na ang sangsampu ng purple-colored lightning, at kahit mukhang maliit lamang ang numero na ito, ang Puple Destruction ni Zhao Feng - ang mga Wind Lightning Techniques niya ay kaya nang pumatay ng mga normal na Half-Step Origin Core Realms nang walang kahirap-hirap.

Bukod pa roon, hindi siya nagpahinga sa pag-uunawa sa Ice Imperial Spear.

Ang Ice Imperial Spear ay mas kumpleto kumpara sa ibang Earth-Grade Weapons, kung kaya mas higit itong naunawaan ni Zhao Feng kaysa sa iba.

Subalit, hindi siya nangahas na tawagin ito.

Sa teorya, ang kanyang soul-strength ay maihahalintulad sa isang Sovereign, hindi naman imposible para sa kanya na gumamit ng Ice Imperial Spear, pero ang isang kumpletong Earth-Grade Weapon ay talagang nakagugulat para makita. Kung kaya, hindi nangahas si Zhao Feng na gamitin ito.

Sa isang kisapmata, kalahating taon na anh nakalipas.

Dahil sa restriksyon sa Azure Flower Continent, ang mga abilidad ni Zhao Feng ay narepina nga pero wala namang mga pangunahing pagbabago.

"Master, sa nakaraang kalahaging taon, ang mga resources na ating nakuha ay halos mauubos na."

Umalingawngaw ang boses ni Skeletal Division Leader sa Dark Heart Seed.

"Kumusta naman ang progreso?"

Agad na inanib ni Zhao Feng ang kanyang kamalayan sa Ten Thousand Ghost Pearl.

Sa loob ng Ten Thousan Ghost Pearl ay may isang mamasa-masamg itim na putik, at may limang True Lord Rank ghost-corpses ang nakatayo sa isang hanay, ang kanilang mga aura ay nasa pagitan ng maagang yugto at huling yugto ng True Lord Rank.

Ang limang ito na True Lord Rank ghost-corpses ay nagmula sa Hundred Graves Forbidden Ground kung kaya naiiiba sila sa mga normal na ghost-corpses.

Ang orihinal na dalawang dark-silver ghost-corpses na pagmamay-ari ni Zhao Feng ay nasa isang tabi, at ang kanilang mga aura ag halos nasa huling yugto na ng True Lord Rank. Subalit, gamit ang lason nilang kayang pumatay ng kahit sino na mas mababa sa Origin Core Realm, hindi sila maaaring masukat sa mga normal na pamantayan.

Nangangahulugan ito nanmay pitong True Lord Rank ghost-corpses na kinokontrol si Zhao Feng. Kung alam ito ng iba, gaano kaya sila magugulantang?

Dapat lamang malaman ng isang tao na ang buong Canopy Great Country ay mayroong lima hanggang anim lamang na True Lord Ranks.

"5% pa lang ang nakukumpleto."

Napakunot ang kilay ni Zhao Feng na tila dismayado. Ang kanyang dalawang dark-silver ghost-corpses ay hindi kasama sa bilang ng Hundred Corpse Plan.

"Master, hindi naman bilis ko ang may problema. Hindi lang talaga sapat ang resources."

Mapaklang wika ng Skeletal Division Leader.

Hindi naman nagduda si Zhao Feng. Kahit na mayroon siya ng mga pangunahing resources, ang iba pang mga materyales na kakailanganin ay bibihira lamang sa Azure Flower Continent. Kahit pa ang sa lakas ng Iron Blood Reliigon ay wala silang magagawa.

"Kukuha na lang tayo mamaya nang mas marami pa. Kumusta naman ang paggaling mo?"

Binago ni Zhao Feng ang pinag-uusapan.

Ang aura ng Skeletal Division Leader ay hindi halos naiiiba sa isang tunay na Sovereign.

"Gumaling na ako sa halos 60-70% ng aking peak battle-poeer at kaya ko nang makipaglaban sa mga normal na Sovereigns, pero hindi ako magtatagal lalo na sa mga tulad ni Yu Xingchen."

Pagtugon ng Skeletal Division Leader.

Nang marinig iyon, natuwa si Zhao Feng.

Kahit 60-70% lamang ng lakas ng Skeletal Division Leader ang nanumbalik, higit na ito sa isang Half-Step Origin Core Realm na mga eksperto.

Kung hindi niya ginamit ang kanyang Earth Grade Weapon, alam ni Zhao Feng na talagang hindi siya mananalo laban sa Skeletal Division Leader.

Sa isang kisapmata ulit, tatlong buwan na naman ang lumipas.

Sa pagkakataong iyon, ang Hundred Corpse Plan ni Zhao Feng ay umabot na 6% na kumpleto, kung saan may isang nadagdag.

"Sa kasamaang palad, hindi na sapat ang resources. Kung makakagawa pa tayo ng sampu o higit pa, pwede na nating mabuo ang Hundred Corpse Curse Array, at 50 nito ay sapat na para pigilin ang lakas ng isang Sovereign. At ang 100 ay kayang pagbantaan ang mismong buhay ng Sovereign."

May pagsisising wika ng Skeletal Division Leader. Ang mga liyab sa mata nito ay tila tumatalon na para bang interesado kung paano kukunin ni Zhao Feng ang mga materyales.

Sa kasalukuyang estado, mukhang hindi posible para kay Zhao Feng na matapos ang Hundred Corpse Plan sa Azure Flower Continent.

Itinago ito ni Zhao Feng bilang isang sikreto at hindi siya nangahas na may mga makaalam nito.

Sa arae na iyon, nagtungo si Zhao Feng sa isang malaking auction ng Puple Rising Great Country dahil bali-balitang naroroon ang mga materyales na kakailanganin niya.

Sa isang disyerto na may kumplikadong lambak.

Qiu!

Si Zhao Feng ay naging isang arko ng kidlat na agarang tinahak ang mga burol.

Ang mga normal na True Lors Ranks ay kayang lumipad sa ilang libonh milya, pero dahil ang kaluluwa ni Zhao Feng ay maikukumpara sa isang Sovereign, ang kanyang epekto sa Heaven Earth Yuan Qi ay sampung beses pang mas malakas sa normal na True Lord Ranks. Sa kanyang lebel, kaya niyang lumipad sa loob ng daan-daang libong milya nang walang hirap.

Sa isang punto ng pagkakataon, isang malaking bundok na isang libong yarda ang haba ang siyang humiwa sa mga ulap na nakikita.

"Ito ang Cloud Gazing Mountain, isang mahalagang palatandaan kapag papasok ka na ng Purple Rising Great Country. Makikita agad ng isang taong ang ilang libong milyang senaryo kapag nakatayo siya sa taas nitom

Isang mapa ang sumilay sa isip ni Zhao Feng. Ang ganoong klaseng bundok ay nakaturo sa mapa.

Biglang napakislot ang kaliwang mata ni Zhao Feng tungo sa tuktok ng Cloud Gazing Mountain.

"Sino ang nariyan!?"

Nakaramdam si Zhao Feng ng isang malamig na ere na siyang ikinapangamba niya.

Nang gagamitin niya na sana ang kanyang God's Spiritual Eye para suriin ito.

"Three Eyed Divine Light!"

Isang maliwanag na sinag ng liwanag ang tila ba sinusunog anh lahat ng nasa daan nito at tumataghoy na ito patungo kay Zhao Feng.

"Ikaw nga… Three Eyed Saint!"

Nagpadala naman agad ng isang malamig na sinag ng liwanag ang kaliwang mata ni Zhao Feng at madali naman nitong nasira ang Three Eyed Divine Light.

Isang taong may olandes na buhok ang nagpakita sa likod ng mga ulap; ito ang Three Eyed Saint.

Syempre wala namang pakialam si Zhao Feng sa isang mahinang katulad ni Three Eyed Saint, pero ang kanyang mukhabay taimtim pa rin nang tignan niya ang mga ulap.

Isang nakakapangatog na lakas ang tila bumuhos sa ere, at tila ba nakapasok si Zhao Feng sa Antarctica.

"Mystic Ice Queen!"

Napabulalas si Zhao Feng.

Isang magandang babae ang may suot na korona at hawak na ice staff ang siyang bumaba mula sa langit.

Ang Mystic Ice Queen ay tila naging sentro ng Heaven Earth Yuan Qi, at ang daa niyang lamig ay kumakalat sa ilang dosenang milya.

Siiii!

Ang tubig sa loob ng sampung milya ay nagsimulang magyelo, kahit ang dugo ni Zhao Feng ay nanininigas na rin kahit may abilidad naman itong higupin ang lamig.

"Sheng'er, pwede ka namang manood lamang sa isang gilid at ituon mo ang iyong Sacred Eye Bloodline kay Zhao Feng."

Ang mga mata ng Mystic Ice Queen ay naguhitan ng intensyong makapatay habang inuutusan ang Three Eyed Saint.

Naisip niya na talaga na may Wings of Wind and Lightning si Zhao Feng. Baka nga mayroon pa itong ibang pamamaraan para makatakas.

"Mystic Ice Queen, hindi ka pa rin sumusuko at tutulungan mo pa rin talaga ang Three Eyed Saint?"

Malamig ang ekspresyon ni Zhao Feng. Ito ang unang beses na may kaharap siyang Sovereign nang direktahan.

"Zhao Feng, kung ibibigay mo ang mga sikreto at iba pang mga bagay na nakuha mo mula sa misteryosong inheritance, hahayaan kitang mabuhay."

Ikinumpas ng Mystic Ice Queen ang kanyang mga kamay at pinatawag ang isang bayo ng malamig na hangin na bumaba mula sa langit para balutin si Zhao Feng.

Ang makapangyarihang hangin na ito ay sapat na para pagpira-pirasuhin ang isang True Lord Rank, pero hindi naman ito nangyari kay Zhao Feng at hindi lamang ito makagalaw.

"Hayaan akong mabuhay? Mystic Ice Queen, Three Eyed Saint, kung titigil na kayo, baka may pag-asa pa."

Panghahamak nang malamig ni Zhao Feng.

Katawa-tawa!

Tumuro paharap ang Mystic Ice Queen at ang mga nakapalibot na hangin ay nagsimula nang ikutan si Zhao Feng.

"Zhao Feng, ikaw ang may kasalanan nito."

Pinadaloy ng Three Eyed Sainy ang kanyang Sacred Eye Bloodline at inasinta ito sa kinaroroonan ni Zhao Feng.

Hindi niya layuning patayin si Zhao Feng; siya lamang ang bahala para pigilan itong makakilos.