Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 532 - Pagpatay sa Isang Sovereign

Chapter 532 - Pagpatay sa Isang Sovereign

Sa kabilang panig ay ang Sovereign, at sa kabila naman ay ang Three Eyed Saint na nakatingin nang direkta kay Zhao Feng.

Sa ilalim ng ganitong sitwasyon, kahit pa gamitin ni Zhao Feng ang kanyang Wings of Wind and Lightning, hindi niya alam kung kaya niya bang makatakas, pero wala rin naman siyang intensyon na takasan ito.

Hu~~

Isang suson ng maitim na usok ang siyang pumulupot kay Zhao Feng.

Wu~~

Isang kalansay na may gintonat pilak na kulay ang siyang nagpakita nang may liyab sa mga mata nito.

"Iyan…!"

Nayanig ang puso ni Mystic Ice Queen nang tignan niya ang mapulang nagliliyab na mata nito.

Ang nakakapanirang mental energy force ay nagkalat sa paligid, at kahit ang isang takng kasinglakas oa ng Mystic Ice Queen ay hindi mapakali.

Pagkatapos ng lahat, ang Skeletal Division Leader ay may espesyalisasyon sa mental energy techniques, at sa sukdulan nito, kaya niyang tanggalin ang kapangyariham ng mga Sovereigns kung mental energy lang naman ang pag-uusapan.

Sa mismong pagkakataon na iyon, sina Zhao Feng at ang Skeletal Division Leader ay hinarap ang malamig na bugso ng hangin.

"Zhe zhe zhe… Ang inheritance technique ng Mystic Ice Palace."

Tumawa ang Skeletal Division Leader habang isang butong pamalo ang lumitaw sa palad nito. Tila ba may mga nagsasayaw na guhit ng lila at pulang apoy nang magpakita ang sandatang ito.

Bam~~~~

Kahit anong yelo na lumapit ay agad na nasisira ng butong pamalo ng Skeletal Division Leader, pero ang atake ng Mystic Ice Queen ay sunod-sunod dahil patuloy nitong hinihigop ang Heaven Earth Yuan Qi sa malapit. Hindi ito agad na magagapi.

"Purple Destruction – Wind Lightning Destruction!"

Hindi nangahas si Zhao Feng na pigilan pa ang kanyang sarili at isang matamlay na lilang naipon na enerhiya ang siyang nagpakita sa gitna ng kanyang palad at nagsimulang umikot.

Booom~~~~~

Ang lilang liwanag na ito ay naglabas ng isang nakawawasak na aura na siyang sinira ang nalalapit na mga yelo.

Sa pagkakataong iyon, ang pinagsamang lakas ni Zhao Feng at ng Skeletal Division Leader ay nagtagumpay para harangin ang atake ng Sovereign.

Ang Skeletal Division Leader ay gumaling na ng halos 60-70%, kaya sapat na ito para masalag ang kalahati ng atake, kung saan ang pamalo sa kamay nito ay lumipad at naglabas ng mga linya ng apoy.

Kahit ang iilan sa mga atake ng Mystic Ice Queen ay agad na tinamaan amg Skeletal Division Leader, wala namang problema rito, sapagkat ang katawan nito ay kayang tumanggap ng halos lahat ng pinsala mula sa isang normal na Sovereign nang walang hirap.

Sa kabilang banda, pinadaloy naman ni Zhao Feng ang kanyang hangin at kidlat para masalag nang bahagya ang nakapapanirang pwersa. Subalit, kahit nanlalamig na ang kanyang katawan, ang kanyang bloodline ay kaya pa ring humigop ng lamig upang manumbalik nang bahagya ang nawalang lakas sa kanya.

Hindi mapigilan ni Zhao Feng na mapabuntong hininga. Malaki pa rin ang agwat nila ni Skeletal Division Leader.

"Ah, isang sugatang Sovereign lang naman pala."

Malamig na panghahamak ni Mystic Ice Queen at saka ibinaba ang kanyang kamay. Isang malaking bundok ng yelo ang agad na nabuo at siyang dumurog sa langit.Ang yelong bundok na ito ay tila pinapanginig ang kalupaan. Tila ba isa itong pwersa ng kalikasan - isang kapangyarihan na hindi kayang labanan ng mga tao.

Hindi ito maganda!

Agad na nagbago ang mga mukha nila Zhao Feng at ng Skeletal Division Leader.

Ang bawat galaw ng isang Sovereign ay sentro ng Heaven Earth Yuan Qi at kayang makianib nito sa kalikasan.

Hindi makahinga si Zhao Feng, at naramdaman niyang ang gabundok na yelo ang siyang humaharang sa daan nila upang makatakas. Bukod pa roon, binubuwisit rin siya ng Three Eyed Saint mula sa kabilang gilid.

Beng!!

Ang nakasisindak na kapangyarihan at lamig ng yelo na bundok ang siyang nagpanginig sa dalawang anyo sa ibaba.

Halos hindi ito nasalag ng Skeletal Division Leader at halos mapadura naman ng dugo si Zhao Feng.

Sa huling pagkakataon, ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ay naging malamig.

Weng~~

Isang magarang anyo na may suot na korona, may hawak na itim na ispada, at nakaupo sa isang nanlalamig na trono ang biglang nagpakita. Sa parehong pagkakataon, ang lamig na malapit kay Zhao Feng ay agad na hinigop nito.

Pero kahit ganoon pa man, kaya lamang pigilan ni Zhao Feng ang mapanirang epekto ng lamig.

Ang kapangyarihan ng bundok na yelo ay sapat na para wasakin ang isang Half-Step Origin Core Realm, at sa kritikal na pagkakataon na iyon.

"Three Eyed Divine Light – Golden Crow Smothering World!"Nagningning ang mga mata ng Three Eyed Saint.

Whoosh!

Isang naliliyab na na atake ng uwak ang siyang bumulusok mula sa itaas patungo kay Zhao Feng. Lubha ang pagkamuhi ng Three Eyed Saint kay Zhao Feng kung kaya ang kanyang atake ay nakatuon lamang rito.

"Wind Lightning Eye Flame!"

Kailangang gamitin ni Zhao Feng ang technique na ito para salagin ang atake ng Three Eyed Saint, pero nasa hangganan na si Zhao Feng ng kanyang lakas at kahit ang Skeletal Division Leader ay sinalo na ang lahat ng presyur.

Sa pagkakataong iyon, ligaya ang gumuhit sa mga mata ng Skeletal Division Leader."Kung mamatay dito si Zhao Feng, hindi na magiging problema pa ang Dark Heart Seed."Syempre, hindi naman nangahas ang Skeletal Division Leader na umakto na tila mahina, dahil dama niya ang kapasidad ng God's Spiritual Eye ni Zhao Feng na napakatalas.Ang hinihiling ko lang ay labanan pa nang higit ng Mystic Ice Queen si Zhao Feng at magdulot pa ng pinsala.Kapag mas mataas ang panganib, mas lalo siyang mabibigyan ng pagkakataon para makatakas kay Zhao Feng."Ice Imperial Spear… Magpakita!"Isang kalahating-transparent na anyo ang biglang bumulaga sa palad ni Zhao Feng.Hu~~Isang hindi maipaliwanag na lamig ang siyang nagpayelo sa buong kapaligiran.Ang gabundok na yelo sa itaas ay nagsimula nang magpira-piraso.Kasama ang Earth-Grade Weapon at ang kanyang buong battle-power, si Zhao Feng ay mas malakas nang bahagya kay Skeletal Division Leader."Break!"Sabay na umatake sina Zhao Feng at Skeletal Division Leader para masalag ang ibinigay na pinsala ng Mystic Ice Queen."Skeletal Division Leader, gaano kataas ang tsansa para mapatay natin ang Mystic Ice Queen?"Ang boses ni Zhao Feng ay umalingawngaw sa Dark Heart Seed.__

Patayin ang isang Sovereign?Halos mapabaliktad ang Skeletal Division Leader at napakislot ang mukha nito."Master, maaaring hindi natin mailigtas ang ating mga buhay. Para naman sa pagpatay sa kanya, ang posibilidad ay halos zero. Kung nasa peak ako ng aking lakas, magkakaroon tayo ng 10-20% na tsansa."Ang mga mata ng Skeletal Division Leader ay puno ng galit, pero nagugulumihanan rin siya.Paanong hindi pa rin ito alam ni Zhao Feng?Syempre, alam naman talaga ni Zhao Feng. Kailangan nilang parehong magbayad ng malaking halaga para mapatay si Mystic Ice Queen, at kahit pa magtagumpay sila, muling hihina lamang ang Skeletal Division Leader."Hmph, sino kang pangahas na hindi tinutuon ang atensyon habang kalaban ako?"Itinaas ng Mystic Ice Queen ang kanyang kamay at isang mas malakas na uri ng ipo-ipo ang nagpakita.Sumikip ang puso ng Skeletal Division Leader. Ang presyur na kanilang natatanggap sa kasalukuyan ay mas mataas kaysa sa dati."Hehe, karapat-dapat ka nga talagang maging isang Sovereign. Mas mabuti kung ganito."

Isang mahinang tawa ang nagmula sa kabataang may kulay asul na buhok sa tabi ng Skeletal Division Leader.Tawa? Talaga bang nakakatawa pa siya?Biglang naging berde ang mukha ng Skeletal Division Leader. Kung mamamatay si Zhao Feng, malaki ang tsansa na mamamatay rin siya.Hmm?Napagtanto ng Skeletal Division Leader na hindi na ginagamit ni Zhao Feng ang Earth-Grade Weapon nito.Shua!Isang jade carving ang biglang nagpakita sa kamay niya."Iyan ang…!!"Hindi na mapakali ang Mystic Ice Queen na nasa ere at naramdaman niyang napatalon ang kanyang puso."Jade Dragon Protection - open!"Ang jade carving ni Zhao Feng ay biglaang naglabas ng maliwanag na ilaw, at isang kulay berdeng dragon ang nagpakita.Qu~~Isang malalim na pag-ungol ang umalingawngaw sa kalangitan, at ang dragon ay nagbuga ng hindi mapantayang kapangyarihan."Ano ito?"

Nakaramdam ang Skeletal Division Leader at Mystic Ice Queen nang hindi maipaliwanag na pakiramdam sa kanilang mga kaluluwa.Sa mismong pagkakataong iyon, ang Heaven Earth Yuan Qi sa loob ng ilang daang milya ay tila ba napipigilan ng isang kapangyarihan, at bawat nilalang sa loob ng ilang libong milya ay nakaramdam ng presyur sa kanilang kaluluwa."Patayin siya!"Inilipat ni Zhao Feng ang kanyang enerhiya sa Jade Dragon Protection at itinuro sa Mystic Ice Queen.Whoosh~~~Ang malaking berdeng dragon ay sumugod patungo sa Mystic Ice Queen na siyang nakapagpayanig sa nalalapit na Yuan Qi.Crack!Ang ipo-ipo ay agad na nasira sa pagkakataong nahawakan ito ng dragon.Ang dalawa ay wala sa parehong antas."Hindi, huwag~~~~!"Ang atake ng dragon ay hindi mabilis. Halata naman kung saan ito papunta pero hindi ito maiwasan ng Mystic Ice Queen.Kung naabot na ng isang tao ang tiyak na antas, ang lohika ay hindi na magagamit pa."Arghhhh~~~~~!"

Humiyaw ang Mystic Ice Queen nang masira ang kanyang napakalakas na depensa na para bang nagpupunit ng papel.Kahit ang isang taong kasinglakas ng isang Sovereign ay mapapatay ng isang dragon."Palace Master!"Ang Three Eyed Saint mula sa malayo ay takot na takot at halos maghiwalay na ang kanyang kaluluwa anumang pagkakataon, at namumutla na rin ang kanyang mukha.Isang Sovereign na nakatayo sa tuktok ng kontinenteng ito ang napatay ng isang jade dragon carving sa kamay ni Zhao Feng."Ang kapangyarihan ng Jade Dragon Protection ay halata namang mas malakas kaysa sa Void God Protection ni Ye Yanyue."Pinigil ni Zhao Feng ang gulat na namumuo sa kanyang puso.Sa parehong pagkakataon, ang kulay ng jade dragon carving ay namusyaw nang kalahati at isang bitak ang namuo rito.Ang Jade Dragon Protection ay maaaring masabing isang uri ng Void God Protection, pero mas kakaiba ito at naglalaman ng isang bloodline ng totoong dragon.Pinanood lamang ng Skeletal Division Leader ang lahat ng ito habang nakanganga at nagpapawis. Hindi niya akalaing may ganitong klaseng pakulo pala na itinatago si Zhao Feng para patayin ang Sovereign na ito.Sa pagkakataong iyon, itinabi na ni Zhao Feng ang jade dragon carving at kaswal na tumingin sa Skeletal Division Leader.Nakaramdam ang Division Leader ng lamig na nagmumula sa paa nito haggang sa kumalat sa buong katawan niya