Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 506 - Paglipol

Chapter 506 - Paglipol

Sa loob ng silid ng Iron Blood Religion, marahang binuksan ni Zhao Feng ang kanyang mga mata habang nakaupo siya sa trono.

Sinabi ni Jiang Sanfeng si Zhao Feng, "Deputy Patriarch, kadalasan, kailangan mong magpulong ng isang beses o higit pa sa isang buwan para malaman mo kung ano ang mga importanteng isyu na kailangan mong malaman. Kapag alam mo na, saka ka na gagawa ng mga desisyon."

Kumunot ang mga kilay ni Zhao Feng habang kinukusot ang kanyang noo.

Sa loob ng nakaraang buwan, nasa seklusyon lamang siya o kaya naman ay kumukuha ng resources.

Sumali rin skya sa paglilinis ng Scarley Moon Demonic Religion, pero nang dumating siya, tanging mahihina na lamang ang natira, kung kaya nalungkot siya.

"Magsimula na tayo."

Ang tingin ni Zhao Feng ay umikot sa mga nasa gitna at nakatataas na opisyales sa loob ng silid.

Kahit na ang kanyang aura sa mental energy ay hindi niya sinasadyang maramdaman, sapat na ito lara hindi mapakali ang mga True Human Ranks at True Mystic Ranks na naroroon.

Ang kaluluwa ni Zhao Feng ay maihahalintulad sa isang Sovereign, ang kanyang mental energy level ay mas malakas pa kay Tiemo.

"Nakasisindak! Kahit ang tingin niya lamang ay sapat na para mawasak ang isip ko."

"Ang bago nating Deputy Patriarch ay mah mental energy pressure na mas malakas pa kay Deputy Patriarch Tiemo."

Nayanig ang puso ng mga opisyales nang tignan sila ni Zhao Feng.

Narinig na nila ang kuwento tungkol sa Bagong Deputy Patriarch.

Pagtakas sa Flooding Lake City, pagbihag kay Empress Qin, pagwalis sa buong Thousand Water Area, pagiging isang Napakahusay na Prodigy sa Sacred True Dragon Gathering… At pagpaslang sa Qin Sword Palace Master at mga kasama nito.

Wala ni kahit isang bata ang may ganoong kadakilaan at kasikatan sa kanilang pangalan.

Sa buong Canopy Great Country, si Zhao Feng ay isang napakalakas na personalidad.

"Ano, wala ba kayong sasabihin? Mabuti! Aalis na ako at magtutungo sa isang mahabang paglalakbay…"

Ngumiti si Zhao Feng at tumago na para umalis habang nakatingin sa mga opisyales.

Wala na masyadong oras ang natitira bago ang Tea Party.

Gusto pa ring makita ni Zhao Feng ang "pinakamalakas na eye bloodline" sa kontinente.

"Deputy Patriarch, sandali lang po!"

"May mga iuulat po ako…!"

Pagtawag ng mga miyembro ng nakatataas.

Nagtinginan sina Jiang Sanfeng at Die Ye nang may kakaibang ekspresyon. Tila ba hindi makapaghintay si Zhao Feng para umalis.

"Deputy Patriarch Zhao, ang dahilan kung bakit nabigo ang misyon nating lipulin ang Scarlet Moon Demonic Religion ay sapagkat may espiya sa mga nakatataas ng Iron Blood Religion…."

Sabi ng isang True Mystic Rank Protector sabay yuko.

Mga espiya?

Nang marining ito, ang buonh silid ay nagkagulo.

"Noong natalo ang mga pwersa ng Scarlet Moon Demonic Religion, marami sa kanilang mga pwersa ang naghiwa-hiwalay at sumama sa iba pang mga organisasyon."

Kumunot ang noo ni Zhao Feng. Napag-alaman niyang mataas ang tsansa nito.

Sumali siya sa huling eksterminasyon, pero tanging mga matatanda at sugatan lamang ang nasa kuta.

Ang Cloud Area at Canopy Great Country ay may parehong problema, pero matagal nang nalinis ni Zhao Feng ang Cloud Area.

Sa kabilang banda, ang Canopy Great Country ay napakalaki; ilang dosenang beses na mas malaki ito sa Cloud Area at napuno ito ng hindi mabilang na mga pwersa.

Walang kahit anong sinabi si Zhao Feng sa lahat habang pinag-uusapan nila ang mga "espiya". Ang kanyang God's Spiritual Eye niya ay nagbubuga ng hindi maipaliwanag na kapangyarihan na siyang nagpaparamdam sa kahit sino na tila binabasa sila.

"Isa, dalawa, tatlo…"

Isang malamig na intent ang sumilay sa mukha ni Zhao Feng.

Hindi lamang God's Spiritual Eye ang mayroon siya, mayroon ring malalim na mental energy techniques si Zhao Feng, ganoon rin ang Division Leader na nasa kanyang Ten Thousand Ghost Pearl.

Naalala ni Zhao Feng kung sino ang mga mukhang kasuspe-suspetsa.

"Ipagpaliban muna natin ito."

Ikinumpas ni Zhao Feng ang kanyang kamay at hinayaan muna ang isyung ito.

Ang ibang mga problema ay agad namang ipinrisinta sa kanya.

"Ang Purple Leaf Chapter Leader ay tumatanda na at napagdesisyunan niya nang magretiro. Kulang tayo ng isang Chapter Leader. Maaaring pumili ang Deputy Patriarch kung sino ang ipapadala."

Isang Vice Chapter Leader ang nag-ulat nang may natutuwang mukha.

"Ang Qin Sword Palace ah wala ng mga pinuno at ang religion ay kinakain na ang kanilang mga sariling teritoryo, pero pinigil tayo ng Imperials at ng Liu Family…."

Pagbuntong hininga ng isang matandang Chapter Leader.

"Kahit na buhay pa ang Qin Sword Palace, halos patay rin naman na ito. Sa pagkasawi ng Liu Family First Elder, ang Iron Blood Religion ay nangingibabaw na sa lahat. Ang tagasunod na ito ay iminumungkahi na lipulin na natin ang buong imperyo ay gumawa ng sarling bansa."

"Lipulin ang mga sumasalungat na pwersa! Magtayo ng sarili nating kaharian!"

Maraming mga ambisyosong nakatataas ang napakalakas sumuporta.

Ang taong nagsimula ng tawag na ito ay isang Elder na nasa main headquarters na may cultivation na nakaabot na sa huling yugto ng True Mystic Rank.

"Hmph! Bumuo ng sarili nating kaharian? Hindi naman iyan mahirapcgawin, pero ang pinakamalaking panganib ay ang Scarlet Moon Demonic Religion pa rin."

Hinamak ni Zhao Feng nang kay lamig ang ambisyosong Elder habang nakatitig dito.

Agad na sinundan ng karamihan ang titig na ito.

"Ang… Ang tagasunod na ito ay nagnanais lamang na agad maghari ang Iron Blood Religion at maging isang one-star force."

Agad na nanlamig habang nagpapawis ang Elder.

"Pakiligpit siya!"

Pag-uutos ni Zhao Feng nang walang emosyon.

Nang sabihin niya ang bagay na iyan, agad na itinulak ni Jiang Sanfeng at Die Ye ang Elder sa lapag.

Maraming mga eksperto na naroroon ang nagulat at hindi alam kung ano ba ang nangyayari.

"Deputy Patriarch Zhao, kahit isa ka pang Deputy Patriarch, hindi mo ito pwedeng gawin sa akin! Paano ka naman pagsisilbihan ng iba kung ganuan ka?"

Hindi na nanlaban pa ang Elder, sa halip sinubukan niyang ilaban na inosente siya.

"Bakit ka pa nangangahas na magsalita? Ngayong nanumbalik na ang Demonic Religion, ano ang intensyon mo para gumawa ng away sa loob ng great country?

Ang God's Spiritual Eys ni Zhao Feng ay nagpadala ng isang sinag ng mental energy na siyang sumira sa depensa ng Elder at ang kanyang mga salita ay nagsimula nang maghayag ng ilang bagay.

Naunawaan na ng mga nakatataas.

Sino lang naman ang magbebenepisyo kapag nagkaroon ng digmaan sa loob ng Canopy Great Country? Syempre, ang Scarlet Demonic Religion.

Ni hindi na nga kinailangan pang gamitin ni Zhao Feng ang Eye of Heart para maihayag ng Elder ang kanyang katauhan.

Sa isang iglap lamang, agad na natuklasan ni Zhao Feng kung sino ang espiya.

Naramdaman ng mga nakatataas na nanlamig ang kanilang puso.

Syempre, sigurado si Zhao Feng, sapagkay ang lalaking ito ay sa mga suspek na kanyang natukoy kanina.

Isang oras ang makalipas, ang mga tao sa silid ay hindi na mapakali.

Isa pagkatapos ng isa ang mga espiyang natutuklasan ni Zhao Feng.

Syempre, hindi lahat sa kanila ay galing sa Scarlet Moon Demonic Religion. Halos kalahati ay galing sa Imperials.

Ilang araw ang makalipas, ang main headquarters ng Iron Blood Religion ay puno ng takot habang nalalaman nila kung sino ang mga espiyam

Ang lahat ng ito ay dahil sa bagong Deputy Patriarch.

Ang kanyang kasikatan ay sinakop ang buong headquarters.

Sa loob lamang ng ilang araw, higit pa sa isang dosenang gitna at nakatataas na opisyales ang napugutan ng ulo. Ikinagulat ito ng lahat, pero sa ganoong pagkakataon, naging magalang at kinatatakutan siya ng lahat.

Sa isang kisapmata, si Zhao Feng na ang may kontrol sa religion sa loob ng kalahating buwan at ang buong headquarters ay nalinis.

Bumalik si Tiemo noong isang araw at napag-alaman niya ang aura ng pagpatay ay mas matalas kaysa dati. Nang malama ang nangyari, ang kanyang mukha ay puno ng paghanga.

Ang mga ikinilos ni Zhao Feng ang siyang nag-alis ng lason sa Iron Blood Religion, na sampung beses pang mas mahalaga kaysa sa pagpatay sa kalaban.

Sa parehong gabi, nagkita si Zhao Feng at Tiemo sa isang sikretong gusali.

"Pupunta ako sa isang mahabang paglalakbay, kung kaya kailangan mo munang kontrolin ang religion."

Wika ni Zhao Feng.

Nakaramdam siya ng kapanatagan ngayong nagbalik na si Tiemo.

Kahit na nakikita niya at nababasa ang lahat ng may mas mababang cultivation kaysa sa kanya gamit ang God's Spiritual Eye, hindi naman ito ang landas na gusto niyang tahakin.

"Oh? Pupunta ka sa Tea Party, hindi ba?"

Pagtatanong ni Tiemo. Pagkatapos ng lahat, nakasali siya sa Sacred True Dragon Gathering dati, pero ang ranking niya ay hindi kasingtaas ng kay Zhao Feng.

Itinango ni Zhao Feng ang kanyang ulo. Kailangan niyang makita ang mga paglago ng iba pang mga henyo at bahagyang interesado rin siya sa Three Eyed Saint.

"Mula sa mga nakababata, tanging si Yu Tianhao lamang ang kayang pagbantaan ka. Subalit, mag-ingat ka pa rin sa Three Eyed Saint."

Pagbabala ni Tiemo.

"Oh? Three Eyed Saint?"

Nagpakita si Zhao Feng ng isang mukhang interesado.

"Ang Three Eyed Saint ay nasa unang pwesto sa dalawang Sacred True Dragon Gathering bago si Yu Tianhao at nasa 50 gulang na halos, kung kaya hindi na siya isang junior. Bukod pa roon, sumali siya sa Three Saints Palace dati sa rekomendasyon ng Sacred Alliance ilang taon na ang nakalilipas at agad na umangat ang pwesto niya sa pagiging Enforcer….."

Wika ni Tiemo.

Three Saints Palace?

Isang liwanag ang gumuhit sa mga mata ni Zhao Feng. Hindi niya akalaing ang Three Eyed Saint ay isang miyembro ng Three Saints Palace, isang two-star sect, at naging isang Enforcer sa kanyang pamamalagi roon.

"Ang kanyang Three Eye Divine Light ay sinasabing hindi nawawasak at ang pinakamalakas na eye bloodline sa kontinente. Paniguradong hahamunin ka niya kahit may lamat ang inyong edad. Dahil parang kasal pa naman sila ni Goddess Bing Wei."

Pag-aalala ang makikita sa mga mata ni Tiemo.

Ang posibilidad na manalo si Zhao Feng laban kay Yu Tianhao ay 50-50.

Subalit, ang Three Eyed Saint ay nagmula sa nakaraang henerasyon at nasa isang two-star sect.

"Ganoon pala iyon. Ang Three Eyed Saint at si Goddess Bing Wei ay kasal na."

Nagulantang si Zhao Feng.

Pagkatapos noon ay sinabi na agad ni Tiemo ang mga abilidad ng Three Eyed Saint's eye bloodline.

Itinuon ni Zhao Feng ang kanyang atensyon.

"Salamat, Kapatid na Tiemo, pero kahit naman walang gawin ang Three Eyed Saint, may plano pa rin akong hamunin siya."

Ang mga salita ni Zhao Feng ay may kumpiyansa.

Sa isang malayong lugar na nababalutan ng yelo, may isang lalaki at babae ang naglalakad nang magkatabi patungo sa isang magarang gusali.

"…ang eye bloodline ng Zhao Feng na iyon ay may espesyalisasyon sa mental energy, eye flames at yelo."

Pagbubuod ni Goddess Bing Wei.

Sa tabi niya ay isang lalaking may olandes na buhok. May isang nakasaradong "pangatlong mata" sa kanyang noo.

"Kapatid na Bing, huwag kang mag-alala. Ang eye bloodline ko ay nagising na sa ikatlong yugto nito at kaya nitong talunin ang halos lahat na nasa ilalim ng Origin Core Realm."