Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 499 - Ang Pinakamalakas na Eye-bloodline sa Kontinente

Chapter 499 - Ang Pinakamalakas na Eye-bloodline sa Kontinente

Sa labas ng Six Warlock Divine Tower, kaharap ni Mo Tianyi si Zhao Feng at nagtanong siya tungkol kay Zhao Yufei.

"Maayos ang kalagayan ni Yufei. Subalit, ang kanyang swerte ay nakapagrandyoso, kung kaya nangangailangan ito ng maraming oras. Hindi siguro siya makakaalis sa loob ng isa o dalawang taon."

Hindi binuksan ni Zhao Feng ang kanyang bibig, pero ang kanyang boses ay umalingawngaw sa isip ni Zhao Mo Tianyi.

Nagbigay lamang siya ng buod ukol sa kalagayan ni Zhao Yufei nang hindi sinasabi ang mga detalye.

Pagkatapos ng lahat, ang Purple Saint Ruins ay masyadong malaking bagay. Kahit ang mga two-star sects ay gustong makakuha ng impormasyon tungkol rito. Ang Azure Flower Continent ay walang sapat na lakas para kalabanin sila.

"Kung kaya nasa panganib si Yufei. Hindi madali para sa isang True Spirit Realm ang lamunin nang buo ang lahat-lahat."

Bahagyang nag-alala si Zhao Feng. Subalit, ligtas naman siguro si Zhao Yufei sa ngayon sapagkat wala namang kahit anong reaksyon mula sa Purple Saint Token o panawagan ng tulong.

"Kapatid na Zhao, ano ang nasa loob ng misteryosong inheritance at saan ito nagmula?"

Hindi mapigilan ni Mo Tianyi ang kuryosidad sa kanyang puso.

Ang hindi matukoy na inheritance na siyang pinasukan ni Zhao Feng ay isang misteryo sa lahat, at nang magpakita ito, mukhang mas maganda pa ito sa Four Great Inheritances. Syempre, isa lang naman ang Heavens Legacy Inheritance sa mga bumaba.

"Mo Tianyi, hindi na ako pwedeng magsalita pa tungkol doon. Hindi ito makabubuti para sa iyo. Kung may mangyayari, kahit ang Heavenly Yuan Clan na nasa likod mo ay hindi ito kakayanin."

Walang emosyon na sabi ni Zhao Feng.

Nang marinig ito, tumalon ang puso ni Mo Tianyi at hindi na nagtanong pa.

Nasimulan niyang mapagtanto na ang inheritance ni Zhao Feng at Zhao Yufei ay sobrang halaga at kaya nitong magdala ng gulo sa Heavenly Yuan Clan.

Bilang Head Disciple ng Heavenly Yuan Clan, ang pang-unawa ni Mo Tianyi sa mundo ng cultivation ay mas mataas pa. Alam niyang ang sakop ng five stars ay hindi lamang isang alamat.

Pagkatapos sabihin ang lahat, handa nang umalis si Zhao Feng.

"Kapatid na Zhao, sandali. Hindi mo pa yata natatanggap ang balita."

Biglang pagtawag ni Mo Tianyi.

"Ano?"

Tumigil ang mga hakbang ni Zhao Feng.

"Mayroong tradisyon ang Sacred True Dragon Gathering. Ang mga henyong nakabalik mula sa kanilang mga inheritances ay magsasama-sama pagkatapos ng seklusyon at kalalabanin ang isa't isa. Ito ang tinatawag na True Dragon Tea Gathering."

Ngumiti si Mo Tianyi, ang kanyang mga mata ay puno ng pag-asa at pagnanasang makipaglaban._True Dragon Tea Party?_

Hindi alam ni Zhao Feng na may ganoong bagay pala. Subalit, nang maisip ito, ang mga henyong ito ay kagagaling lamang sa kanilang mga inheritances kung kaya napakalalakas na nila.

Ang ganap na ito ay hindi lamang limitado sa mga normal na True Dragon Geniuses, kundi pati ang limang napakahusay na prodigies ay magtutungo.

"Sino ang nakakaalam kung gaano kalaki ang paglago ng mga True Dragon Geniuses at mga napakahusay na prodigies…?s"

Isang ngiti ang sumilay sa mukha ni Zhao Feng.

"Ang magiging tagapangasiwa ay ang Three Eyed Saint at si Goddess Bing, at ang lokasyon ay sa Middle Continent. Nagsisimula ito pagkatapos ng isang taon ng Sacred True Dragon Gathering."

Wika ni Mo Tianyi.

"Sige, pupunta ako kapag may oras pa."

Bahagyang interesado si Zhao Feng sa True Dragon Tea Party, pero may mga problemang dapat muna niyang ayusin.

"Kapatid na Zhao, narinig kong nakaabot na si Goddess Bing Wei sa True Lord Rank sa Mystic Ice Inheritance at marami na siyang natalo na True Lord Ranks kalahating taon ang nakalilipas. Mas lalo pa ngang naging magaling ang Three Eyed Saint."

Pagpapatuloy ni Mo Tianyi.

"Sino naman itong Three Eyed Saint?"

Biglang pinigilan ni Zhao Feng si Mo Tianyi. Kahit ano man ang gawin niya, wala siyang maalala na Three Eyed Saint.

"Ay, nakalimutan kong sabihin. Ang Three Eyed Saint ang nasa unang puwesto sa nakaraang Sacred True Dragon Gathering pati na rin bago iyon. Kung hindi dahil sa restriksyon sa edad, hindi siguro si Yu Tianhao ang nasa unang puwesto."

Pagpapaliwanag ni Mo Tianyi.

Hindi nakapagtataka.

Naunawaan ni Zhao Feng. Ang Three Eyes Saint na ito ay isang "senior" ng mga nakaraang Sacred True Dragon Gatherings.

Syempre, 20 na taon pa siguro siyang mas matanda kay Yu Tianhao, sapagkat ang Three Eyed Saint ay nanalo na ng dalawang Sacred True Dragon Gatherings.

"Bukod pa roon, ang pamilya ng Three Eyed Saint ay isang eye bloodline family na masasabing numero uno sa kontinente. Ang kanilang ninuno, ang Three Eyed Heavenly Emperor, ay isang alamat, at ang kanyang Three Eyes Techniques ay sikat sa buong kontinente."

Punong-puno ng ingat at respeto ang mukha ni Mo Tianyi nang sabihin ito.

"Ang pinakamalakas na eye bloodline sa kontinente? Karapat-dapat ngang pangasiwaan ng Three Eyed Saint ang True Dragon Tea Party."

Bahagyang itinango ni Zhao Feng ang kanyang ulo.

Ngumiti si Mo Tianyi, "Zhao Feng, alam ko namang ayaw mong magpatalo sa Three Eyed Saint, lalo na at ang kanilang pamilya ang may pinakamalakas na eye bloodline."

Alam naman ng lahat na ang eye bloodline ni Zhao Feng ay napakalakas.

Ang kapangyarihan ng kanyang eye bloodline ay tinalo sina Tuoba Feng at ang lalaking malamulto ang mata, mga miyembro ng dalawang major eye bloodline families.

"Syempre. Ang layunin ko ay hindi lang naman ang pinakalamalakas na bloodline sa Azure Flower Continent."

Ngumiti si Zhao Feng at hindi itinago ang kanyang mga pangarap.

Hindi pa naman natatalo ang kanyang eye bloodline sa kahit sino. Kahit na si Chi Gui ng Black Cliff Palace ay malakas, natalo pa rin naman siya ni Zhao Feng sa huli.

Ngayon, dahil may isang eye bloodline prodigy na nagpakita, mas naging interesado na si Zhao Feng sa True Dragon Tea Party.

"Sige, kung ganoon magkita na lamang tayo sa tea party."

Umaasang sabi ni Mo Tianyi at saka umalis.

Hindi na nagtagal pa si Zhao Feng sa Six Warlock Divine Tower. Nakipagkita na siya kay Jiang Sanfeng at Die Ye saka bumalik sa Flooding Lake City.

Tiegan Mountain.

Sampung araw ang makalipas nang umalis sila at si Master Tiegan ay inayos na ang mga materyales na kakailanganin para sa simpleng bersyon ng Wheel of Light and Darkness.

"Andito na ang mga materyales, at gumamit tayo ng mga alternatibo para sa mga wala tayo."

Sinabihan ni Master Tiegan si Zhao Feng ukol sa mga progresong nagawa at sa mga huling preparasyon bago gawin ang pinasimpleng Wheel of Light and Darkness.

Sa loob ng isang sikretong silid sa Tiegan Palace, nakaupo si Zhao Feng nang padekwatro habang isang maitim na usok ang biglang nagpakita at ibinunyag ang isang ginto at pilak na kalansay na may dalawang kumikislot na pulang apoy sa mga mata nito.

"Skeletal Division Leader, nanumbalik na ang iyong lakas ng halos 30-40% at ilang buwan pa lang naman."

Pagsusuri ni Zhao Feng.

Mas mabilis pa pala itong gumaling kaysa sa kanyang iniisip.

Mula sa kanyang aura, ang Skeletal Division Leader ay may battle power na nasa huling yugto ng True Lord Rank at kasinggaling niya na ang isang Peak Stage True Lord Rank.

Alam ni Zhao Feng na dahil ito sa Ten Thousand Ghost Pearl.

Ang ere ng kamatayan sa loob nito ay perpekto para sa mga ghost corpses.

"Master, ang progreso ko ay pansamantalang natigil sa True Lord Rank na mga bangkay. Kahit napakaramin ng ere ng kamatayan roon, ang mga resources ay limitado, at ang cultivation ko ay hindi pa umabot sa peak."

Napabuntong hininga ang Skeletal Division Leader. Ang Hundred Corpses na plano ni Zhao Feng ay isang maliit na ambisyon. Maaari niya itong gamitin para bumuo ng isang hukbo ng isang daang True Lord Ranks.

Agad namang maiisip ng isang tao kung gaano kanakasisindak ang isang daang True Lord Ranks.

Kapag nakumpleto na ang planong ito, hindi na mahirap para kay Zhao Feng na walisin ang buong bansa.

"Ilan na ang natapos?"

Pagtatanong ni Zhao Feng.

"Isa pa lamang ang natatapos at malapit na ang isa sa loob ng nakalipas na dalawa at kalahating buwan."

Ikinumpas ng Skeletal Division Leader ang kanyang kamay at lumabas ang isang mabahong maitim na pulang ghost corpse.

Ang nakakadiring aura ay ikinakunot ng kilay ni Zhao Feng.

Subalit, ang battle power sa maagang yugto ng pagiging True Lord Rank nito ang siyang ikinagulat ni Zhao Feng.

"Ang Hundred Graves Forbidden Ground ay kailangan pang pumatay ng isang daan o higit pang True Lord Ranks at gamitin ang negatibong enerhiya para bumuo ng sumpa. Sa totoo lang, iilan sa kanila ay naabot na ang True Lord Rank bago sila namatay, nangangahulugan na pahirap ito nang pahirap."

Mapait na ngawa ng Skeletal Division Leader.

Hindi mapigilan ni Zhao Feng na mapaurok ang kanyang dila. Nangangahulugan ito ang maagang yugto na True Lord Rank ghost corpse na ito ay nabibilang sa mga mahihina.

Ang isang daang kalansay ay nangangahulugang isang daang True Lord Ranks. Makikita agad kung gaano kanakasisindak ang pwersang gustong buuin ng sumpang ito.

"Susubukan kong kunin ang mga resources."

Binuksan ni Zhao Feng ang kanyang God's Spiritual Eye at pinunasan ang marka ng Skeletal Division Leader bago iiwan ang sariling God's Eye Mark sa bagong kalansay.

Tumalon ang puso ng Skeletal Division Leader. Ganoong paraan lang kinontrol ni Zhao Feng ang ghost corpse.

Shua!

Ikinumpas ni Zhao Feng ang kanyang kamay at ang ghost corpse ay napunta na sa Ten Thousand Ghost Pearl.

Sumunod agad roon, ikinumpas ulit ni Zhao Feng ang kanyang kamay at tinawag ang dalawang ghost corpses na may pilak na guhit sa kanilang mga buto.

"Hindi na masama, magaling talaga ang Skeletal Division Leader. Ang dalawang ghost corpses ay mas magagamit ko pa nang maayos."

Ikinumpas na ni Zhao Feng ang kanyang kamay at inalis ang dalawang kalansay.

Sa pagkakataong iyon, ang dalawang kalansay ay lumagpas na sa maagang yugto ng True Lord Ranks at hindi na masukat kung ano ba talaga.

"Ang resources ko ay hindi pa sapat para sa Hundred Corpses na plano. Babalikan ko na lang ito kapag kailangan ko na."

Hindi nagtagal, nakahanap na ng solusyon si Zhao Feng.

Masyadong mahirap maghanap ng resources sa Azure Flower Continent nang mag-isa, pero maaari namang pumunta si Zhao Feng sa Purple Saint Ruins.

Ang Purple Saint Ruins ay isang nakahiwalay na dimensyon na mayaman sa resources, kung saan ang mga top resources ng Azure Flower Continent ay normal lang sa Purple Saint Ruins.

Kung hindi dahil roon, ang tatlong two-star sects ay hindi naman magpaplano nang todo-todo para roon.

Tatlong araw ang makalipas, pumunta na sila Zhao Feng at Master Tiegan sa pagawaan at nagsimula nang gawin ang pinasimpleng Wheel of Light and Darkness.

Ito ang kumakatawan sa puso ni Zhao Feng.