Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 484 - Pagtutugis habang Nangunguna

Chapter 484 - Pagtutugis habang Nangunguna

"Kampon ng Scarlet Moon Demonic Religion, mamatay ka na!"

Sumugod sina Elder Bai at Cang Yuyue mula sa ibaba, gumawa ng isang pincer attack habang nasa ere si Zhao Feng.

Bumaligtad ang sitwasyon sa isang kurap ng mata.

Umatungal ang skeletal Division Leader at isang patong ng nakakapanlaming ng buto na maitim na mga apoy ang nagawang magpalaho ng Wind Lightning God's Flame.

Subalit, ang pinsala nito sa kaluluwa ay hindi mabilisang mapapagaling.

Bago pa makakibo ito, ang kaliwang mata ni Zhao Feng ay naging kulay malamig na asul.

Ang ikalawang eye bloodline technique ay nakahanda na.

"Ice Soul Shooting Line!"

Isang malinaw na liwanag, ang kapal nito ay kalahati ng tao, ay tumagos sa katawan ng skeletal Division Leader.

Nakaranas ng matinding kalamigan ang skeletal Division Leader matapos ang nakakapasong apoy, at mas malaki pa ang pinsala nito.

Ang Ice Soul Shooting Line ay isang mental energy attack. Kung gaano kalakas ang kaluluwa at eye bloodline power ng isang tao, mas malakas ang atake.

Sa kasalukuyang lakas ng kaluluwa ni Zhao Feng, ang kaniyang Ice Soul Shooting Line ay kayang makapagyelo ng kahit sinong True Lord Rank. Kahit ang mga nasa half-step Origin Core Realm ay mahihirapan sumalag.

Subalit, ang skeletal Division Leader ay isang Sovereign na nasa tugatog nito. Ang kaluluwa at ang comprehension niya ay hindi isang bagay na maaaring maikumpara sa isang True Lord Rank o sa half-step Origin Core Realm.

Matapos direktang harapin ang atakeng ito, ang katawan at kaluluwa ng skeletal Division Leader ay napinsala ng kalamigan, subalit hindi naman ito masiyadong malubha.

"Tiyak na karapat-dapat sa pagiging isang Sovereign."

Hindi na nagulat si Zhao Feng.

Ang kaniyang pakay ay pabagalin ang skeletal Division Leader, upang hindi nito magawang maiwasan ang mga atake nina Elder Bai at Cang Yuyue.

Shu Shu Shu~~~

Ang patong ng itim na mga apoy na nakapalibot sa skeletal Division Leader ay nahiwa pabukas at nagsimulang maglaho.

Ding!

Isang matamlay na marka ang naiwan sa ginto-at-pilak na mga buto.

Ano!?

Labis na nagbago ang mga ekspresyon nina Elder Bai at Cang Yuyue.

Ang katawan ng skeletal Division Leader ay mas malakas sa inaakala nila, nakayanan nitong harapan na tanggapin ang kanilang mga atake.

"Hmph, peke lang 'yan."

Malamig na humagikhik si Zhao Feng nang maging asul ang kaniyang God's Spiritual Eye.

"Azure Eye Piercing Slash!"

Ang kaniyang kaliwang mata ay nagkaroon ng matalim na pagkislap.

Bam!

Isang malaking half-transparent blade na gawa sa hangin ang tumama sa pulsuhan ng skeletal Division Leader.

Crack!

Nanginig ang katawan ng skeletal Division Leader at ang buto nito ay nabali, kaya't nalaglag niya ang ginto-at-pilak na bone-whip.

"Atakihin niyo ang mga buto niya."

Naintindihan ito nina Elder Bei at Cang Yuyue.

Kahit ang katawan ng skeletal Division Leader ay napakalakas at kayang makatiis sa mga atake ng mga normal na True Lord Ranks, hindi naman ibig sabihin nito na wala na itong kahit anong kahinaan, at walang kahit anong kahinaan ang makakatakas sa mata ni Zhao Feng.

"Ignoranteng bata!"

Sumigaw ang skeletal Division Leader at nagpalabas ng isang ragas ng kulay abo na hangin gamit ang kabilang kamay nito upang mahatak ang kaniyang nalaglag na kamay at hampasin ito pabalik.

Malamig itong humagikhik sa loob-loob niya. Gamit ang sikretong teknik nito, kaya nitong mabilisang ikabit muli ang kaniyang kamay.

Kung wala itong mga ganitong paraan, ang skeletal Division Leader ay hindi magagawang mabuhay mula sa kamatayan noon.

Miao miao!

Isang munti na kulay silver-gray na magnanakaw na pusa ang kumislap sa himpapawid at ngumiti sa skeletal Division Leader.

Huminto ang skeletal Division Leader.

Shua!

Isang silver striped na latigo ang biglang lumabas at binalot nito ang sarili nito sa kamay at sa ginto-at-pilak na latigo.

"T*nginang pusa, manatili ka~~~!"

Kumibo at umatungal ang skeletal Division Leader.

Hindi lamang ang kamay nito ang nakuha. Ang ginto-at-pilak na latigo ay hindi isang normal na bagay.

Miao miao!

Nagagalak na pinaglaruan ng munting pusang magnanakaw ang ginto-at-pilak na bone-whip habang itinatabi nito ang naunang silver striped na latigo.

Halos sumabog na sa galit ang skeletal Division Leader at ang buong katawan nito ay nanginig na mayroong madilim na liwanag.

Nanatili lamang ang munting pusang magnanakaw at dinilaan pa ang bone-whip.

Susugod na sana ang skeletal Division Leader papunta sa pusa, subalit sa pagkakataong iyon, sila Zhao Feng, Elder Bai, at si Cang Yuyue ay biglang umatake. Kahit ang matandang si Su ay nagpunta upang tumulong.

Ding Ding Bam~~~

Natumba ang skeletal Division Leader.

Nang may tunog na "ding." Muntikan nang mabali nina Elder Bai at ni Cang Yuyue ang binti ng skeletal Division Leader.

Kung magpapatuloy ito, ang katawan ng skeletal Division Leader ay masisira kahit manalo pa ito.

"T*nginang pusa~~~~~~~!"

Parang kidlat sa galit ang skeletal Division Leader. Hindi pa ito napapahiya nang ganito noon.

Eye of Ice Soul!

Nakita ni Zhao Feng na malapit nang magwala ang skeletal Division Leader, at ang kaniyang kaliwang mata ay muli na namang nagbago ng kulay.

Sa pagkulong ng Eye of Ice Soul, mas nanigas pa ang mga buto ng skeletal Division Leader, at ang isipan pati nag katawan nito ay apektado rin.

"Ten Thousand Sword Destruction!"

"Heavenly Despair Slaughter Sword!"

Nang walang pag-aalinlangan, sina Elder Bai at Cang Yuyue ay nagpakawala ng makakapangyarihang mga atake na lumapag sa skeletal Division Leader.

Sa isang iglap na ito, mayroong mga marka ng espada na nagkalat sa katawan ng skeletal Division Leader, lalo na sa mga lugar na malapit sa joints.

Subalit, nakatutok ang Eye of Ice Soul ni Zhao Feng sa skeletal Division Leader, kaya't hindi ito magagalit kahit gustuhin man niya. Ang bilis ng pag-iisip nito ay 50-60% na mas mabilis kaysa sa normal.

Ang mga Normal na True Lord Ranks ay magiging kasingbagal ng pagong sa ilalim ng Eye of Ice Soul ni Zhao Feng.

"Junior, sinusundo mo na ang kamatayan~~~!"

Umungol ang skeletal Division Leader, ang boses nito ay bumabanda sa soul dimension.

Isang apoy ang gumalaw sa lalagyan ng mata nito nang mayroong isang nakakakilabot at masamang mental energy aura na nagsimulang kumawala.

"Dark Ghost Death Claws!"

Hinawi ng skeletal Division Leader ang kamay nito at isang dark-red claw na kasinglaki ng isang silid ang bumaba papunta kay Zhao Feng.

Sa oras na lumabas ang Dark Ghost Death Claw, naramdaman ng bawat True Spirit Realm cultivator ang paglamig ng kanilang mga puso, at nakaramdam sila ng pagdaan ng aura of death.

"Grabe, nakakatakot na Soul attack."

Sina Elder Bai at ang matandang si Su ay mayroong gulat na mga hitsura.

Ang kuko ay mayroong liwanag na kulay pula, at bago pa ito makalapit, nakaramdam si Zhao Feng ng kalamigan sa kaniyang kaluluwa.

"Walang mas mababa sa Origin Core Realm ang hindi mapipinsala kaharap ang atake na ito."

Tumtok ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng sa Dark Ghost Death Claw.

Shu!

Nanatili siya at hinayaang tumagos ang Dark Ghost Death Claw sa kaniyang katawan.

Bo~~

Sa dimensyon sa loob ng kaniyang kaliwang mata, ang hugis ng isang kuko ay humiwa sa lawa.

"Hehe, hindi pa ako napipinsala ng mental energy attacks noon."

Hindi na ito ikinagulat ni Zhao Feng.

Ang God's Spiritual Eye ay halos hindi tinatablan ng mga normal na mental energy attacks o illusions. Dagdag pa rito, ang kaniyang Soul ay nakaabot na sa isang level na maikukumpara sa Origin Core Realm at maaaring mas malakas pa ito sa kasalukyang skeletal Division Leader.

"Ano…? Ang kaniyang eye bloodline ay halos hindi na tinatablan ng mga normal Soul attacks?"

Mayroong mga alon na pumipihit sa puso ng skeletal Division Leader.

Malinaw na alam nito ang kapangyarihan na nilalaman ng atake na ito. Kahit ang mga nasa half-step Origin Core Realm ay hindi makakaatras nang walang pinsala.

Ding Ding~~~ Peng! Bam~~

Napagtagumpayan ng grupo na palibutan ang skeletal Division Leader, nagpapakawala ng mga alon ng atake.

Ang mga pagkilos ng skeletal Division Leader ay mabagal dulot ng Eye of Ice Soul at napaatungal ito dahil sa mga atake.

Boom~~~~

Biglang nanginig ang Devouring Spirit Ten Thousand Withering Array at nabasag.

Mayroong sumira sa mata ng array at, sa isang iglap, ang itim na usok na nakapalibot sa kastilyo ay naglaho, nagdulot upang makatagos ang sinag ng araw mula sa panlabas na mundo.

Madilim ang ekspresyon ng skeletal Division Leader at alam nito na natalo na laban, kaya nagsimula itong sumigaw, "Juniors, pamumunuan muli ng Scarlet Moon Sacred Religion. Hindi ka makakatakas sa kapalarang ito."

Weng~~

Ang napinsalang katawan ng skeletal Division Leader ay biglang nagpakawala ng isang singsing ng ginto-at-pilak na apoy na nagdulot upang mabilis na tumaas ang aura nito, tila ba isa itong totoong Sovereign.

Hu~~

Tila pinamumunuan ng makapangyarihang aura na ito ang Kalangitan at Kalupaan, kaya't napaatras silang lahat.

Agad na kasunod nito, ang mga buto ng skeletal Division Leader ay dumilim nang kumislap ito palabas ng kastilyo na mayroong ginto-at-pilak na mga apoy.

Qiu!

Sa loob lamang ng ilang paghinga, ang linya ng apoy ay umabot sa mga hangganan ng disyerto.

Matandang Su at ang iba pa na nasa loob ng kastilyo ay huminga.

Plop! Plop!

Sina Elder Bai at si Cang Yuyue ay parehas na natumba sa sahig dahil sa mahihina nilang auras. Matapos ang labanang ito, at sa paggamit ng lahat ng klase ng sikretong teknik, ang mga ekspertong naroroon ay pagod na pagod.

"Sa wakas ay nanalo na tayo. Pagtapos ng labanang ito, ang skeletal Division Leader ay labis na hihina at mangangailangan ng halos isang taon o dalawa upang gumaling."

Bumuntong-hininga ang matandang si Su.

Pakiramdam ng mga taong naroroon na para bang natakasan nila ang kamatayan.

Sinong mag-aakala na mayroong isang Division Leader ng Scarlet Moon Demonic Religion dito?

Para sa karamihan, suwerte na ang mabuhay.

"Salamat, sa inyong lahat, sa tulong ninyo. Ako na ang bahala sa iba."

Isang kalmado at mapayapang boses ang maririnig mula sa taas ng kastilyo.

Tumigil ang lahat at tumingala sa isang nakalutang na batang mayroong asul na buhok.

Maraming mga puso ang nanginig sa mga oras na ito.

Malaki ang ginampanang parte ng batang ito kaya't hindi pa sila patay, sa halip ay nagwagi pa sila.

Si Zhao Feng lamang ang tanging walang pinsala sa kastilyo.

"Zhao Feng, mag-isa mong hahabulin ang Division Leader?"

Itiniim ni Cang Yuyue ang kaniyang mga ngipin at sinubukan niyang tumayo.

"Brother Zhao, kailangan nating planuhin ito."

Panghihikayat ng matandang si Su.

Mayroong kakaibang ekspresyon si Elder Bai, "Zhao Feng, hindi ko rin inirerekomenda na humabol ka. Ang skeletal Division Leader ay isang Sovereign na nasa tugatog nito at tiyak na mayroon itong malakas na mga paraan upang makapagtipid ng buhay nito."

Matamlay na ngumiti si Zhao feng, "Makakaalis lamang ako sa Cloud are nang walang inaalala kapag natapos ko ito."

"Kung gusto mo talagang tugisin ang skeletal Division Leader, maaari natin itong gawin matapos tayong gumaling. Kung tutuusin, ang skeletal Division Leader na iyon ay ang aking kalaban."

Taimtim na sinambita ni Elder Bai.

Sa pagkarinig nito, lahat ng naroroon ay tumango.

"Ang bakas ay mas lalong lalamig kung mas matagal tayong mananatili. Maraming salamat sa lahat ng magagandang intensyon niyo subalit, sapat na ang sarili ko."

Umiling at ngumiti si Zhao Feng.

Weng~

Isang pares na gawa sa hangin at kidlat ang lumitaw sa kaniyang likuran, nagdulot upang bumanda ang Wind at Lightning.

Sapat na ako.

May mga pumipihit na alon sa mga puso ng matandang si Su at ng iba pa nang marinig nila ito.

"Ganito ba kalaki ang tiwala ng Zhao Feng na ito sa kaniyang sarili kaya't kaniya niyang patayin mag-isa ang skeletal Division Leader?"

Gulat na nagtinginan sina Elder Bai at si Cang Yuyue.

Qiu!

Sa pagaspas ng mga pakpak, naging isang guhit ng kidlat si Zhao Feng na kumislap sa ere, kasingbilis ng skeletal Division Leader.

Sa loob ng kastilyo, hindi magawang kumalma ng mga tao habang nakatingin sila sa paglipad ni Zhao Feng paalis.

"Tiyak na karapat-dapat siya maging isang napakahusay na prodigy. Gaano pa kaya karami ang mga paraang hindi pa niya nagagamit?"

Bumuntong-hininga si Elder Bai.

"Yu Tianhao, Zhao Feng, at ang iba pang mga prodigies… Hahamunin ko kayo sa pagbalik ko."

Ang mga magagandang mata ni Cang Yuyue ay puno ng katibayan at ng paglalayong lumaban.

Related Books

Popular novel hashtag