Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 474 - Pakikipaglaro sa mga Demonyo

Chapter 474 - Pakikipaglaro sa mga Demonyo

May kakaibang pakiramdam na biglang sumilay kay Palace Lord You Long. Tila ba may isang mata na malamig na nakatingin sa bawat kilos niya.

Isang bigla, isang kulay asula na "Eye of Heaven" ang makikita sa mga ulap at tila nakiisa ito sa kalangitan at kalupaan.

"Iyana ng…!!"

Napatalon sa takot si Palace Lord You Long.

"You Long, ano ang nangyayari sa iyo?"

Hindi nasisiyahang tanong ni Sub-Division Leader Batie. Kakamura niya lang kay You Long at akala niya ay lalaban pa ito.

Maraming mga anyo sa gusali, kasama na sina Protector Blood Corpse, Protector Youmo, at Protector Sanling, ay napatingin kay Palace Lord You Long nang may gulat sa mukha.

Talaga bang lalabanan niya ang Sub-Division Leader Batie?

Ang lahat ay nagpapawis na para kay Palace Lord You Long, iniisip nila na hindi magiging mabuti ang kapalaran niya.

"Sub-Division Lead, hindi ito maganda! Andito si Zhao Feng, tignan niyo~~~!"

Bumulalas si Palace Lord You Long at sabay tumuro sa labas.

Lumingon ang lahat at tumingin sa itinuro niya.

Wala namang bakas ng kahit sino ang nasa may sinag ng buwan.

Ang mga ekspertong naroroon ay binuksan pa ang kanilang spiritual sense, pero wala naman silang mahanap na bakas ng kahit ano sa loob ng ilang dosenang milya.

Mamaya-maya, napatingin ang lahat kay Palace Lord You Long nang may nagtatanong na mukha.

"Bakit nawala ito…?"

Si Palace Lord You Long ay tila ba nakakita ng isang multo. Ang Eye of Heaven ay biglaang naglaho sa isang kisapmata, na tila ba hindi ito totoo.

"Kayong lahat, maniwala kayo sa akin. Alam kong nakita ko ang mata ni Zhao Feng ngayon lang. Pinapanood niya tayo gamit ang isang sikreto niyang pamamaraaan."

Huminga muna nang malalim si Palace Lord You Long at saka sinabi ito sa isang mataimtim na mukha.

Kapag naaabot na ng isang tao ang ganitong antas, kampante na sila sa kanilang mga panramdam.

Subalit, ang mga tao sa loob ng gusali ay bahagyang nagsususpetsa.

"Deputy Sub-Division Leader You Long, sinasabi mo ba na ang sutil na si Zhao Feng ay palihim tayong sinusundan?

Isang ngiti ang sumilay sa matabang pisngi ni Sub-Division Leader.

"Ang kanyang mata ay nag-iwan ng malalim na palatandaan sa akin. Hindi lamang ito guni-guni."

Muling tumitig si Palace Lord You Long sa labas pero hindi na nagpakita pa ang Eye of Heaven.

"Hehe, Deputy Sub-Division Leader You Long, bakit ikaw lang ang nakaramdam sa lahat ng andito? Hindi ba kaya ni Sub-Division Leader na maramdaman ito gamit ang kanyang cultivation? Paano naman si Protector Youmo, na ang forte ay ang deteksyon at ang may pinakamataas na antas ng panramdam?"

Ang lalaking nakaputi, si Protector Sanling, ay ngumiti.

Ang lahat ay umayon sa kanyang sinabi.

"Gusto ko rin namang paniwalaan ang sinasabi mo. Oh, kung mangangahas ang sutil na ito para pumunta…. Ikinakatakot ko lang na baka hindi niya kaya, hahaha…."

Napalakas ang tawa niSub-Division Leader Batie at nakabuo ito ng mga bayo ng hangin na siyang naglipad ng mga buhangin palayo.

Nagsimula nang purihin ng lahat ang lalaking ito.

Umupo na lamang si Palace Lord You Long na parang talunan.

Wala naman siyang magagawa kung hindi sila naniniwala.

Bukod pa roon, ang mga grupong ito ng eksperto ay wala namang dapat katakutan sa Cloud Area.

"Sa loob ng tatlong araw, ako ang mamumuno kay nila Protector Youmo, Protector Sanling, at ilan pang dosena ng ibang mga kawal patungo sa Broken Moon Clan. Una nating lilinisin ang clan na ito, at susunod naman ang Dragon Killing Alliance at iba pa nilang mga kakampi. Para naman sa iyo You Long at Blood Corpse, kayo na ang bahala sa kalat namin."

Punong-puno ng kapangyarihan ang boses ni Sub-Division Leader Batie. Kahit na huminga siya ng mungkahi sa iba, hindi naman talaga siya nakinig rito at pinili pa rin ang kanyang plano.

Wala pa ring emosyon is Lord You Long at nanatiling tahimik.

Itinaas niya muli ang kanyang ulo sa kalangitan sa labas.

Isang bigla, napatalon nag kanyang puso, "Nagpakita ito!"

Isang malaking transparent na mata ang nagpakita mula sa kung saan. Ang diskusyon sa loob ng gusali ay agad na nasira habang napatingin ang lahat sa labas.

"Ano namang kag****** ito?"

"Deputy Sub-Division Leader You Long, ano bang ginagawa mo?"

Nadismaya ang lahat. Wala namang kahit ano sa labas.

Napaubo halos ng dugo si Palace Lord You Long. Ang Eye of Heaven ay muling naglaho sa isang kisapmata. Bago ito mawala, nakita ni Palace Lord You Long ang pagiging mapaglaro nito.

"You Long, sinasadya mo na ba ito?"

Makikita na ang galit sa mukha ni Sub-Division Leader Batie. Kung normal lamang ito na miyembro, matagal niya na itong pinatay.

Ang mukha ng Palace Lord ay naging pula at berde habang sinusubukan niyang magsalita.

"Mukhang pinaglalaruan ako ni Zhao Feng."

Napagpasyahan ni Palace Lord You Long na huwag nang magsabi ng kahit ano kahit muli pang magpakita ang Eye of Heaven.

Tila isa itong istorya ng "the boy who cried wolf". Walang kahit sino sa kanila ang naniniwala sa kanya.

Katulad ng inasasahan, ang Eye of Heaven ay muling nagpakita at tumingin nang malamig sa kanya.

Bumagsak na ang puso ni Palace Lord You Long. Hindi siya mapakali at tila naggigipit siya.

Subalit, siya lang ang nakakaramdam nito.

Binuksan ni Palace Lord You Long ang kanyang spiritual sense at sinuri ang lahat sa loob ng ilang dosenang milya, pero hindi siya makahanap ng kahit anong bakas ni Zhao Feng.

Mahirap isipin kung anong klaseng sikretong technique ang Eye of Heaven.

Hindi naisip ni Palace Lord You Long na ang Eye of Heaven ay siya lamang ang pinapanood.

Sa loob ng gusali, habang lumilipas ang oras, sa wakas ay may ikalawang tao na siyang nakaramdam ng presenya ng Eye of Heaven.

Biglang nakaramdam si Protector Youmo ng isang presyur na tila ba may matang nakatingin sa kanya. Agad siyang tumingin sa madilim na kalangitan.

Subalit, ang isang tingin na ito ang siyang nakapagpahulog sa kanya sa walang hanggang kawalan.

Ang Eye of Heaven ay naglabas ng isang mental enery power na umanib sa kadiliman.

Biglang umungol si Protector Youmo at iwinagayway ang kanyang kamay upang tumawag ng likido na siyang kumalat sa lahat sa loob ng gusali.

Sou Sou Sou!

Ang likido ay naglalaman ng nakasisindak na erosive power na kayang gawing tubig ang mga normal na True Spirit Realms.

"Arghhh!"

Ang mga hiyaw nilang nakakapagpangatog ng buto ay maririnig sa buong gusali.

Ito ang kuta ng Scarlet Moon Demonic Religion at ang mga Protectors rito ay ang mga may pinakamataas na battle powers.

Halos sampung tao ang nasaktan ni Protector Youmo sa kanyang atale, at lima o anima ng namatay.

"Protector Youmo, g***, ano ba ang ginagawa mo?"

Sina Protector Sanling, Protector Blood Corpse, at ang mga kasama nito ay natamaan.

"Lapit!"

Ang pagnanasang makapatay ay makikita sa mga mata ni Protector Youmo habang iwinawagayway niya ang makinis niyang kamay na siyang tumawag sa kanyang itim na malaking ahas.

Boom~~~~

Ang gusali na kanilang kinalalagyan ay nasira at ang kapangyarihan ng array ay hindi ganoon kalakas para masala gang atake ng halimaw na nasa True Lord Rank.

"Umiwas agad kayo! Ang itim na ahas na ito ay katulad ng isang True Lord Rank."

"T*** i**, ano bang nangyayari kay Protector Youmo? Pigilan niyo siya!"

"Argghhhhh!"

Si Protector Youmo at ang itim na ahas ay nakatitig lamang at inatake na ang buong templo.

Ceng! Sou Sou!

Agad na umiwas ang mga miyembro ng Scarlet Moon Demonic Religion dahil sa taranta.

Sina Protector Youmo at ang kanyang alaga ay parehong dalawang True Lord Ranks. Kung kaya sina Protector Blood Corpse at ang iba pa ay agad na tumakbo nang mas mabilis pa sa isang kuneho.

"Hmph, naniniwala na siguro kayong lahat sa akin ngayon."

Umismid si Palace Lord You Long at saka tumingin sa kalangitan.

"Diyosmiyo…."

"Ang matang iyan…."

Huminga nang malamig ang mga miymebor ng Scarlet Moon Demonic Religion.

Pinanginig ng Eye of Heaven ang kanilang mga puso.

Hu~~ Boom~~~~

Sina Protector Youmo at ang kanyang itim na ahas ay nagsimula nang atakihin ang lahat nang naaabot ng kanilang paningin.

"Pigilan siya!"

Napahiyaw si Sub-Division Leader Batie habang isang malaking palakol ang nabuo sa kanyang kamay. Ang laki nito ay nasa dalawa hanggang tatlong yarda at ito ay kulay itim at naglalabas ng madugong aura.

Dominating Heaven Slash!

Ang malaking palakol ay hiniwa ang hangin at ang naidulot nitong presyur sa hangin ay siyang nagpahirap sa mga naroroon para huminga.

Whoosh!

Ang maliit na gabundok na ahas na ito ay hiniwa ni Sub-Division Leader Batie.

Sa isang boom, ang ahas na ito ay naging isang bundok na lamang ng laman-laman.

Ang mga miyembro ng Scarlet Moon Demonic Religion ay nanood na lamang sa gulat.

Ang kapangyarihan ni Sub-Division Leader Batie ay nakasisindak at ang itim na ahas ay maikukumpara sa isang True Lord Rank na pinaghati-hati na lamang na parang isang pipino.

Dapat lamang malaman na ang mga malalaking halimaw ay may malakas na lifeforce at maraming oras at enerhiya ang kinakailangan para mapatay sila.

Halimbawa, ang Towering Tree Yao sa Purple Saint Ruins ay masasabing isa na roon.

Subalit, si Sub-Division Leader Batie ay may espesyalisasyon sa mga mabibigat na sandata at masasabing naiiba.

Ilang mga hininga lamang, pagkatapos ng naunang kaguluhan, si Protector Youmo ay napigilan na ng iba.

Sa pagkakataong ito, walang ginawa ang Sub-Division Leader Batie. Ang kanyang mabigat na sandata ay malakas at baka mapatay nito agad ang isang tao. Masyadong malaki kasi ang ahas kung kaya kailangan nitong mapatumba gamit ang isang palakol.

Pagkatapos ng lahat ng gulo, ang templo nila ay nasira na. Sa ilalim ng sinag ng buwan, ang mga miyembro ng Scarlet Moon Demonic Religion ay nakatayo na lamang sa isang tabi.

Napakapangit ng itsura nila Sub-Division Leader Batie at iba pang mga miyembro nito.

Marami sa kanila ang napatingin sa kalangitan nang hindi mapakali, pero ang Eye of Heaven ay matagal nang naglaho.

"You Long, kung nahanap mo na ang sutil na ito, bakit hindi mo sinabi sa amin!?"

Umungol si Sub-Division Leader Batie.

Halos sumabog sa galit si Palace Lord You Long habang sumisigaw siya, "Nagbabala na ako ng dalawang beses, pero sino ba ang nagsabi ng, 'Takot ako na baka hindi siya pumunta'!?"

"Ikaw…!"

Umatungal muli si Sub-Division Leader Batie at itinaas ang kanyang malaking palakol.

"Sub-Division Leader Batie, humihinahon ho kayo."

Biglang nagbago ang itsura nila Protector Sanling, Protector Blood Corpse at iba pang mga kasama nito,

"Sub-Division Leader Batie, hindi ito ang oras para makipaglaban. Ang espesyalisasyon ng eye bloodline ng sutil na iyon ay ang paghahanap ng kahinaan sa iyong mga emosyon. Nalinlang niya lamang ngayon si Protector Youmo."

Agad na pagbabala ni Protector Blood Corpse.

Nang marinig ito, ang puso ng mga miyembro ay nagulantang.

Nakita ng lahat kung ano ang nangyari kay Protector Youmo.

Mula sa kanilang grupo, si Protector Youmo lamang ang may espesyalisasyon sa mental energy techniques at sa pagkontrol ng mga halimaw. Subalit ang isang ekspertong kagaya niya ay nakontrol ng Eye of Heaven?

"Maghanap kayo! Humukay kayo ng lupa kung kailangan at dalhin ang sutil na iyan ditto!"

Punong-puno ng pagkamuhi ang mga mata ni Sub-Division Leader Batie habang umuungol siya.

Isang oras ang makalipas, ang mga miyembro ng Scarlet Moon Demonic Religion ay naghahanap na at umabot na sila sa isang daang milya, pero wala pa ring bakas ng kakaibang mga auras o kahit anong mang uri nito.

Related Books

Popular novel hashtag