Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 454 - Muli Tayong Nagkita

Chapter 454 - Muli Tayong Nagkita

Sa isang maitim na pulang barko, isang kabataang nakaroba ng itim – si "Lin Tong"– ang naging sentro ng atensyon.

Ang mga elites ng Iron Dragon Alliance ay interesado sa bagong mukha na ito na may eye bloodline.

Kaunting tao lamang ang nakakaalam ng kasaysayan ni Lin Tong.

Kung babalikan sa Alliance Banquet, si Lin Tong ay isa mga Four Stars kasama na sina Cang Yuyue. Xu Zixuan, at Ao Yuetian.

Sa ngayong henerasyon, walang kahit sino ang sumusubok na kalabanin si Lin Tong. Subalit, siya at si Cang Yuyue ay naging daan para sa kadakilaan ng iba, at ang iba na ito ay ang taong nakatayo sa kabundukang hindi nalalayo sa kanila.

"Zhao Feng, kahit natalo mo ako noong nakaraan, maghihiganti ako ngayong kababalik ko lamang sa Scarlet Moon Inheritance."

Ang mga itim na mata ni Lin Tong ay tila baliw, misteryoso at nakakakilabot.

Isang malamig na mental energy aura ang pumalibot sa ere at siyang nagpatalon sa puso ng mga elites sa malapit.

Sa parehong pagkakataon, pinalaki ng Blood Corpse Palace Lord ang kanyang paningin. Sigurado siya na kilalala niya ang dating Zhao Feng at habang kaharap ang "pakiusap para lumaban" ni Lin Tong, umiling ang Blood Corpse Palace Lord, "Hindi mo siya kapantay."

Nanigas ang mukha ni Lin Tong. Kinain siya ng gulo at hindi pagkapaniwala sa kanyang mga mata.

Subalit, ang taong nakatayo sa kanyang harap ay isa sa apat na tagapamuno ng Iron Dragon Alliance at isang Protector ng Scarlet Moon Demonic Religion.

Walang kahit sino ang mangangahas na kuwestiyunin ang mga salita ng Blood Corpse Palace Lord. Ang kanyang dunong at karanasan ay higit pa sa pamantayan ng Cloud Area.

Magsasabi na sana ng isang bagay si Lin Tong nang ang kabataang may asul na buhok ay lumingon at tumingin sa barko habang nakangiti.

Ang mga eksperto sa True Spirit Realm ay mayroong napakasensitibong paningin at ang kanilang mga puso ay nayanig sa nakitang eksena.

Ang kaliwang mata ni Zhao Feng ay kasinglawak ng karagatan. Ang mga ikinilos rin ni Zhao Feng ay nakakuha ng atensyon ni Tandang Su.

"Mukhang nakuha ko agad ang atensyon nila sa pamamagitan pa lamang ng paggaling."

Bumuntong hininga si Tandang Su, pero alam ni Zhao Feng na hindi ito ang tunay na dahilan.

Hinamon ni Zhao Feng ang Iron Dragon Alliance.

Ang Blood Sickle Slaughterer, ang Eighteenth Core Elder, at ang Tenth Core Elder ay namatay lahat dahil sa kanya.

Ang banta ni Zhao Feng sa Iron Dragon Alliance ay nakakuha na ng atensyon sa mga nakatataas.

Ano ang ikinagulat ni Zhao Feng ay sapagkat nakakita siya ng isang pamilyar na mukha.

Halata namang malalim ang impresyon ni Zhao Feng sa Blood Corpse Protector. Ang kanilang laban sa Scarlet Moon Cave ay mapanganib at pareho itong nangangailangan ng dunog at tapang.

Si Lin Tong rin ay isang napakamakapangyarihang kalaban sa Alliance Banquet dalawang taon ang makalipas.

Kung babalikan, si Cang Yuyue, Lin Tong at Zhao Feng ay bumuo ng isang "three-party standoff."

"Tandang Su, dalhin mo ang mga miyembro ng Dragon Killing Alliance at tumakas. Makikipaglaro muna ako sa kanila."

Ngumiti si Zhao Feng. Matapos magising sa oras na ito, ang namamagang pakiramdam at ang sakit ay napakahina na, at ang danaw sa kanyang kaliwang mata ay umabot na nang halos sampung yarda.

Ang kanyang bloodline power ay mas nakokontrol na ngayon kaysa dati at nakaabot na ito ng panibagong lebel.

"Sige, aayusin ko na ang pagtakas. Mag-ingat ka."

Alam ni Tandang Su ang kapiranggot tungkol sa lakas ni Zhao Feng kaya hindi niya na tinanggihan pa ang alok nito. Pagkatapos ng lahat, napakalakas pa naman ng Iron Dragon Alliance, at bukod pa kay Tandang Su, malilimitahan lamang ng iba si Zhao Feng.

Shua!

Biglang naglaho ang anyo ni Tandang Su sa kagubatan. Ang kanyang boses ay umalingawngaw sa lambak habang ang mga miyembro ng Dragon Killing Alliance ay naglaho.

Sa kabundukan, si Zhao Feng na lamang ang natitirang tao. Nilagay niya ang kanyang kamay sa kanyang likod habang nililipad ng hangin ang asul niyang buhok, isang ngiti ang masisilay sa kanyang mukha.

"Palace Lord, ang mga alagad ng Dragon Killing Alliance ay tumatakas."

"Hmm? Mukhang iisang tao lamang ang matitira para pagtakpan sila."

Nagkagulo ang buong barko.

Ang lahat sa Dragon Killing Alliance ay tumatakas, kasama na si Tandang Su na nasa True Lord Rank, pero nagpaiwan ang kabataang may kulay asul na buhok at kampanteng nakatingin sa mga tao sa barko.

Ang eksenang ito ay nakapagpanginig sa puso ni Lin Tong. Ano na ba ang lebel ni Zhao Feng? Hindi makita ni Lin Tong kung ano ang mayroon kay Zhao Feng kahit na ang mala-karagatan nitong aura.

Kahit ang katapangan pa lamang na ipinapakita ni Zhao Feng ay sapat na para mapabuntong hininga si Lin Tong.

Kung nasa parehong sitwasyon si Lin Tong, halata namang tatakbo siya palayo hangga't sa makakaya niya.

Ang dati niyang kalaban sa halip ay nagpaiwan at kampanteng hinarap sila.

Ang tapang na ito ay ikinagulat hindi lamang ni Lin Tong, kundi pati na rin ng mga eksperto pang iba sa barko.

"Anong arogante ng sutil na ito. Isa lamang siyang langgam na nasa harap ng isang karwahe."

"Palace Lord, patayin natin agad ang sutil na ito. Hindi pa rin naman nakalalayo ang Dragon Killing Alliance."

Ang mga True Spirit Realm cultivators sa barko ay punong-puno ng galit at ng pagnanasang makapatay.

Ang mga ikinikilos ni Zhao Feng ay ikinagagalit nila.

Subalit, ang ekspresyon ng Blood Corpse Palace Lord ay kumislot, at kahit na puno ang kanyang mukho ng pagkainis at pagnanasang makapatay, hindi agad siya umatake.

"Hehe, Blood Corpse Protector, hindi tayo nagkita nang matagal. Sana naman mabuti ang iyong kalagayan."

Isang mahinang tawa ang maririnig sa kabundukan.

Sa pagkakataon iyon, tumatakas na ang Dragon Killing Alliance, pero parehong ang mga kakampi at kalaban ay naririnig nang malinaw ang boses ni Zhao Feng.

"Ano ang nangyayari? Mukhang ang Zhao Feng na ito ay kilala ang Blood Corpse Palce Lord dati pa."

Parehong naging kakaiba ang pakiramdam ng dalawang panig. Ang tono ni Zhao Feng ay para bang nakihalubilo na siya sa Blood Corpse Protector o kaya minsan nakalaban ito.

Ilan sa mga suspetsa ng iba na ang kabataang ito ay isa talagang matandang halimaw.

Sa loob ng barko, ang mga tingin ng buong Iron Dragon Alliance ay napunta sa Blood Corpse Palace Lord, naghihintay para sa kanyang mga utos.

"Nanumbalik na muli ang lakas ni Tandang Su. Hindi naman makatotohanan na papatayin natin ang buong Dragon Killing Alliance, pero dahil mukhang kampante ang sutil na ito na kaya niya silang ipagtanggol, makikipaglaro tayo sa kanya."

Ang garalgal na boses ng Blood Corpse Palace Lord ay umalingawngaw sa isang eleganteng paraan, at ang mga puso ng mga eksperto ng True Spirit Realm ay napakislot.

Ang mga nakakakilala sa Blood Corpse Palace Lord ay nalalamang nangunguhulugan ito na ilalabas niya ang lahat ng kanyang kapangyarihan.

Naaalala ng Blood Corpse Palace Lord ang lahat, at kapag naaalala niya ang isang tao, papahirapan niya ito sa isang "eleganteng" paraan.

Subalit, hindi ba sukdulan naman ang magpadala ng mga elites ng dalawang palasyo at isang Palace Lord para lamang asikasuhin ang isang junior?

"Zhao Feng, hinahangaan ko ang iyong tapang para magpaiwan, pero pagsisisihan mo ang desisyon ito habambuhay."

Iwinagayway ng Blood Corpse Palace Lord ang isang kulay dugong watawat sa kanyang kamay.

Hu~

Isang nakakasirang madugong hangin ang siyang nagtungo sa itaas ng bundok.

"Pakikalat ang utos…. Hulihin si Zhao Feng nang buhay."

Ang Blood Corpse Palace Lord ay nakatayo sa harap ng barko pero hindi ito agad na umatake.

Kahit hindi niya mapakiramdaman nang buo ang mental energy aura ni Zhao Feng, sigurado naman siyang sina Lin Tong at ang mga kasama nito ay hindi kapantay nito.

Kung walang lakas ng isang malapit o kapantay ng True Lord Rank si Zhao Feng, bakit naman siya mangangahas na magpapaiwan?

"Nauunawaan."

Hindi alam ng tatlong True Mystic Ranks kung anong klase ng alitan mayroon ang Blood Corpse Palace Lord at si Zhao Feng para gumamit ng ganitong pwersa ang kanilang pinuno upang ayusin ang mga bagay-bagay, pero sumunod pa rin naman sila.

"Palace Lord, pipigilan ko ang kanyang eye bloodline."

Pagmumungkahi ni Lin Tong. Alam ng lahat ang forte nito na Rank One Killing Order's Target.

Nakasisindak naman talaga ang eye bloodline ni Zhao Feng. Ang Tenth Core Elder ganoon na rin ang Eighteength Core Elder ay napatumba rito.

Ito ang dahilan kung bakit pinadala ng Iron Dragon Alliance si Lin Tong.

Sou Sou Sou---

Pinangunahan ni Lin Tong ang tatlong True Mystic Ranks at isang pangkat ng mga eksperto habang nagiging guhit sila ng liwanag na unti-unting lumalapit kay Zhao Feng.

Kung titignan mula sa itaas, mapagtatanto nila na ang tatlong True Mystic Ranks at ang mga kasama nito ay gumawa ng isang half-surrounding formation habang papalapit sa bundok.

"Master, kahit ang isang Palace Lord mula sa Iron Dragon Alliance ay nagpunta. Kung mag-isa lamang si Zhao Feng, baka…."

Lumingon si Prinsesa Jin habang tumatakas.

Hindi siya mapakali, at ayaw niyang makita na kinakaharap ng kabataang may asul na buhok ang Iron Dragon Alliance nang mag-isa.

"Jin'er, huwag kang mag-aalala. Nakikipaglaro lamang si Zhao Feng sa kanila at pagtutuunan ko rin naman ito ng atensyon."

Ngumiti si Tandang Su.

Nakikipaglaro sa kanila?

Ang mga mata ni Prinsesa Jin ay napuno ng gulat. Napakahirap isipin na ang mga salitang ito ay nagmumula sa bibig ng kanyang Master.

"Scarlet Demon Moon Eye!"

Sa pagkakataong iyon, nagpadala si Lin Tong ng isang nakakapanira na kulay dugong buwan mula sa ilang milya sa kanyang mata.

Pagpatay, pagdanak ng dugo, kadiliman, kaguluhan… Nalipon ang lahat ng negatibong aura sa kanyang mga mata ang naging isang kapangyarihan na siyang naglakbay sa ere.

Noon ring iyon, ang mga nasa True Spirit Realm sa kanyang tabi ay nanlamig.

Isang kulay dugong buwan ang makikita sa langit at humiwa ito papunta sa kabataang kulay asul ang buhok.

Ang bawat galaw ni Lin Tong ay nahuhuli ng mga mata ni Zhao Feng, at inaamin niyang ang Scarlet Demon Moon Eye ay isang napakalalim na uri ng eye bloodline skill para makapaglipon ng negatibong kapangyarihan nang magkakasama at makagawa ng dominante at malupit na pwersa na siyang tumama nang direkta sa kaluluwa ng isang tao.

Ang mga normal na nasa True Spirit Realm, kahit na ang mga True Mystic Ranks, ay agad na maninigas sa harap ng atakeng ito.

Kung kapangyarihan lamang ang pag-uusapan, ang eye bloodline ni Lin Tong ay maikukumpara sa mga cultivators ng tatlong major eye families ilang buwan na ang nakalilipasa sa Sacred True Dragon Gathering.

Shua!

Ang Scarlet Demon Moon Eye ay naglabas ng isang makapangyarihang mental energy na kulay dugong buwan na siyang sumubok na sirain ang mental energy world ni Zhao Feng.

Nagpakita sina Lin Tong at ang iba pang mga True Mystic Ranks nang masayang mukha.

Sa hindi inaasahang paraan, ni hindi gumalaw si Zhao Feng o dumepensa man lang o umiwas.

"Hmm? Ano ang nangyayari…?"

Biglang nanigas ang katawan ni Lin Tong, at ang kanyang mukha ay nasorpresa hanggang sa natakot at nataranta ito.

Hindi man lang pinansin ni Zhao Feng ang atake ni Lin Tong.

Sa loob ng dimensyon ng kanyang kaliwang mata, isang alon sa danaw ang siyang humigop ng atakeng ito.

Ang pinakakalmadong bagay sa mundo ay ang tubig. Kaya ng tubig na humigop at bumalot.

Ang makapangyarihang Scarlet Demon Moon Eye ay tila naging isang bato lamang na nahulog sa karagatan, nang wala man lang nagagawa na kahit ano.