Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 446 - Princess Jin

Chapter 446 - Princess Jin

Sa pagsabi nito, hindi maiwasan ng Third Highness na lihim na maging mayabang.

Maganda si Princess Jin at nakapasok ito sa Sacred True Dragon Gathering. Naniniwala siya na walang makakatanggi sa bagay na ito.

Ang nagpabigo sa kanya ay ng mas lalo lamang mag mukhang pagod si Zhao Feng at lumingon lamang noong banggitin ang 'Sacred True Dragon Gathering' ngunit hindi ito nagpakita ng masyadong interes.

Kung malalaman lamang ng Third Highness na ang kabataan sa kanyang harapan ay dumalo sa Sacred True Dragon Gathering at naging napakahusay na prodigy at nanguna, ano kaya ang kanyang iisipin.

Hindi pa narinig ni Zhao Feng ang pangalan na Princess Jin at naalala lamang si Princess Linyue mula sa Purple Rising Great Country.

Siyempre, may ilang libong kasapi sa Sacred True Dragon Gathering at ang mga taong naalala lamang ni Zhao Feng ay ang nangungunang dalawang daan o yung mga nakalaban niya.

Sa mas wastong salita, tanging mga nanguna lamang ang kanyang naalala.

Sa kasalukuyang Zhao Feng, ang Sacred True Dragon Gathering ay karangalan sa nakaraan at wala ng masyadong natirang hamon para dito. Halatang wala na siyang interes sa bagay na ito.

Sa sandaling ito, ang kanyang God's Spiritual Eye ay nasa proseso ng pagbabago at ang kanyang kaliwang mata ay nakaramdam ng hindi kaangkupan at mas lalong napagod.

Gusto niyang matulog.

"Pagod na ako sa paglalakbay, salamat sa tulong niyong lahat."

Kumislap ang mata ni Zhao Feng at ngumiti.

Nang marinig ito, si Elder Jiang, Third Highness at mga kasamahan nito ay nagpakita ng kasiyahan.

Nakaramdam ng kakaiba si Elder Jiang. Bakit biglang nagbago ang isip ni Zhao Feng at biglang gustong sumama sa kanila?

Naisip niya na ang sagot ay dahil sa patuloy na pag kuskos ni Zhao Feng sa kanyang kaliwang mata.

Tama ang hula ni Eelder Jiang.

Ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ay nagbabago at hindi niya kayang bumalik agad sa Thirteen Countries. Ikalawa, interesado siya sa Dragon Killing Alliance.

Walang duda.

Ang pagbabalik ni Zhao Feng sa Cloud area ay nangangahulugan ng poot para sa Iron Dragon Alliance.

"Brother Zhao, kung kagustuhan mo."

Itinaas ni Third Highness ang kanyang kamay at nagpalabas si Elder Jiang ng lumilipad na agila sa himpapawid.

Hindi na tumanggi si Zhao Feng at naupo sa likod ng agila.

"Hindi tayo maaaring magtagal dito. Kailangan nating makita si Old Su at Princess Ji sa lalong madaling panahon."

Kinontrol ni Elder Jiang ang agila at lumipad sa ulap.

Hindi na nagtanong si Zhao Feng tungkol sa lugar.

Sa daan, nagtanong siya tungkol sa detalye ng Cloud area lalo na sa Iron Dragon Alliance at Thirteen Countries.

Sila Elder Jiang, Third Highness at mga kasamahan nito ay sinagot ang mga tanong niya.

Gayunpaman, habang lumilipas ang oras, mas lalong inantok si Zhao Feng.

Miao Miao!

Hinimas ni Zhao Feng ng ancient metal ring at ang maliit na pusa na mas malaki lamang ng kaunti sa palad ay pumunta sa kanyang balikat.

Kumislap ang mata ni Elder Jiang. Ito ang unang beses na nakakita siya ng interspatial ring na maaring maglaman ng spiritual pets.

Naramdaman niya na matalino ang pusang ito at matapos ilabas ang munting magnanakaw na kuting, natulog si Zhao Feng.

Sa bugso ng hangin, hinangin ang asul na buhok ni Zhao Feng na mayroong pagkabanayad at misteryo.

Ang mga tao sa Sky Rich Imperials ay nagulat.

Hindi nila naisip na ang kabataang ito na natalo si Blood Sickle Slaughterer ay makatutulog nang mahimbing.

Gayunpaman, ang pagtulog ni Zhao Feng ay iba sa ebolusyon ng God's Spiritual Eye noon.

Sa daan, gigising si Zhao Feng matapos ang ilang oras o kalahating araw at muling matutulog.

Nagulat ang grupo ng Sky Rich Imperials ngunit hindi nagtagal ay nasanay na rin.

Ang problema sa pagtulog ni Zhao Feng ay tanggap nila, kahit na ramdam nila na kakaiba ito.

Matapos ang kalahating buwan.

Sa isang underground palace na mayroong dark red stones.

"Nag-uulat sa Palace Lord, ang misyon ng Blood Sickle Slaughterer ay bigo…"

Ang blood robed man ay lumitaw sa underground palace.

Sa harap niya ay isang trono ngunit walang nakaupo doon.

Sa ilalim ng trono ay paliguan na may dugo na bumubula at umuusok.

Weng~~

Ang ilaw na kulay dugo ay lumitaw at ang katakot-takot na aura ay lumabas.

Ang pigura ay puno ng dark silver na linya at mukhang 'blood-colored corpse' na naging dahilan upang matakot ang mga nakatingin.

"Ang Blood Sickle Slaughterer ay ang nag-iisang True Human Rank sa Iron Dragon Alliance at kasapi sa kontrol ng Eighteenth Core Elders. Bakit mo ito inuulat sa akin?

Naupo ang blood corpse sa trono.

Kung nandito si Zhao Feng, makikilala niya ang 'silver striped corpse' bilang 'Blood Corpse Protector'.

"Nag-uulat sa Palace Lord, ang Eighteenth Core Elder ay umalis na at sinusundan ang Sky Rich Imperials at mga kasamahan nito. Ang Blood Sickle Slaughterer ay nais makita ang Palace Lord ng ilang beses ngunit tinatanggihan at sinasabi na ang lakas ng kalaban ay mas malakas pa sa normal Core Elder."

Balisang saad ng blood robed man.

Ayon sa patakaran, ang misyon ng Blood Sickle Slaughterer ay dapat iulat sa Eighteenth Core Elder. Ang pag-ulat sa Palace Lord ay masaydo ng mataas.

"Paano namatay ang Blood Sickle Slaughterer?"

Ang silver striped 'Palace Lord' ay mahinang nagtanong at halata na mahina ang impresyon niya sa Blood Sickle Slaughterer.

"Ang Blood Sickle Slaughterer ay natalo sa isang atake. Ang kalaban ay lalaking may asul na buhok na sinadyang na hiayaang mabuhay pa ang Blood Sickle Slaughterer."

Saad ng blood robed man.

"Sino ang naglakas-loob na maging ganito kayabang?"

Nagbago ang ekspresyon ng Blood Corpse Palace Lord at maging ang blood robed man na nagsalaysay ng kwento ay nagulat.

Simula noong mabuo ang True Mystic Rank, ito ang unang pagkakataon na mangyari ito. Ang kalaban na hinayaang mabuhay ang isang tao upang iulat ang nangyari.

Ang ganoon kayabang na tao ay ginulat maging ang Scarlet Moon Palace Lord.

Ang True Mystic Rank ay pinamumunuan ang Cloud Area at lumalawak na ang kanilang pwersa.

Ang mga normal na tinutugis ng Iron Dragon Alliance ay ginagawa ang lahat upang makatakas at tago kahit na hindi nila magawa ay sinisikap nilang patayin ito. Sino ang naglakas-loob na iwang buhay ang isa?

Ito ay ginagalit ang Iron Dragon Alliance.

"Ano ang istorya ng lalaking may asul na buhok?"

Ang mukha ng Blood Corpse Palace Lord ay puno ng kagustuhang pumatay.

"Ang kanyang pagkatao ay hindi alam ngunit ayon s mga hula, siya ang nangungunang henyo sa Thirteen Countries na nakatakas, si 'Zhao Feng' ngunit ang dalawa ay hindi masyadong magka mukha."

Ang blood robed man ay walang kasiguraduhan itong sinabi at nilabas ang isang larawan.

Ang guhit na ito ay gawa ng Blood Sickle Slaughterer bago siya mamatay.

"Ipadala ang utos na Rank One Killing Order sa ibayo ng Cloud area."

Ang malamig na boses ng Blood Corpse Palace Lord ay narinig sa buong underground palace tumalon ang puso ng blood robed man.

Hindi niya naisip na ang Blood Corpse Palace Lord ay gagamitin ang 'Rank One Killing Order.'

Ang bilang ng Rank One Killing Order na ginawa ng Iron Dragon Alliance simula ngang mabuo ito ay mabibilang lamang sa daliri ng isang kamay.

Kadalasan, ang mga nasa True Lord Rank na pinahiya ang Iron Dragon Alliance lamang ang nakakatanggap ng Rank One Killing Order.

Ito ang pinakamataas na uri ng utos sa Iron Dragon Alliance.

"Ang tauhang ito ay aalis na."

Kinuha ng bood robed man ang larawan at akmang aalis na.

"Sandali!"

Ang mga mata ng Blood Corpse Palace Lord ay sinuri ang larawan at sumigaw.

"Ang lalaking may asul na buhok ay ginuhit na dose-dosenang pinerpekto at ayon sa Blood Sickle Slaughterer ay 90% na pareho sa ito sa taong iyon."

Ang blood robed man ay kayang humuli ng emosyon maigi at binigay ang larawan.

"Ang kabataang ito…."

Ang Blood Corpse Palace Lord ay kinuha ang larawan at nagsimulang magbago ang kanyang ekspresyon nang maalala niya ang isang alaala.

Ang Blood Corpse Palace Lord, isa sa tagapag desisyon sa Alliance ay kilala ang kabataan ito?

Tinitigan ng Blood Corpse Palace Lord ang larawan sa mahabang panahon at naramdaman niya na pamilyar siya dito.

Habang iniisip ang pamamahiyang ginawa ang kabataang ito, nabalot ng galit ang Blood Corpse Palace Lord.

Noon sa Scarlet Moon Cave, ang Blood Corpse Protector ay bagong gising pa lamang at mahina.

Sa sandaling iyon, gusto niyang gamitin si Zhao Feng at mga kasamahan nito upang maging blood sacrifice ngunit siya ay natalo ni Zhao Feng.

"Magpadala ng utos na gusto kong malaman ang pagkatao ng batang ito at gusto kong buhay siya."

Ang Blood Corpse Palace Lord ay muling binakik ang tingin sa larawan.

Ilang taon na ang nakalilipas, nagbago ang itsura at katangian ni Zhao Feng kaya kahit na naramdaman niya na pamilyar ito, hindi siya sigurado.

Gayunpaman, mas gusto niyang 'patayin ito ng hindi sinasadya kaysa hayaang mabuhay.'

Matapos ang ilang araw, sa bundok ng Sky Rich Strong Country.

Hu~~

Ang agila ay pagod na lumipad sa hangin.

Naupo si Zhao Feng sa agila at dahan-dahang minulat ang mata at nagtanong: "Ilang araw na ang nakalipas?"

"Brother Zhao, mula sa araw na iyon, natulog ka ng labing-dalawang araw at tuwing gigising ka ay sandali lamang.

Saad ng Third Highness.

Ang agila ay lumapag sa kanyon.

Kasing tagal ng pagtimpla ng tsaa.

Isang maliit na nayon ang lumitaw sa kanilang paningin.

"Brother Zhao, ito ang isa sa core strongholds ng Dragon Killing Alliance."

Natakot si Elder Jiang na magpapatuloy ang tulog ni Zhao Feng.

Sa nakalipas na ilang araw, ang problema sa pagtulog ni Zhao Feng ay walang pinakitang senyales ng pagbabago ngunit tuwing gigising siya ay nagiging asul ang kanyang kaliwang mata.

Ang malamig na aura ni Zhao Feng ay nagsimulang maging presko at mas naging malambot ang kanyang buhok.

Sa dimensyon ng kanyang kaliwang mata.

Ang 9.9 na yarda ng nagyeyelong lawa ay halos natunaw na.

"Kaya ko pang mag tagal bago matulog. Sana ay makita ko ang upper echelon ng Dragon Killing Alliance."

Saad ni Zhao Feng.

"Third Highness, dali at sabihin mo sa Old Su."

Mabilis na sinabi ni Elder Jiang ngunit matapos siyang magsalita.

"Nasa seklusyon si Master at hindi makikipagkita sa mga bisita. Kung may kailangan kayo maaari kong sabihin mamaya."

Isang magandang babae na asul ang damit ang naglakad mula sa nayon. Ang boses niya ay kasing lambot ng hangin at may hangin siya ng elegante. Hindi nawala ang kanyang kamaharlikaan at halatang siya ay top tier sa Cloud area.

Kumpara sa kanya, ang nangungunang ganda sa Sun Feather City ay kagaya ng bigas kumpara sa liwanag ng buwan.

"Princess Jin!"

Kumislap ang mata ng lahat ng lalaki at napatigil sila sa paglalakad.

Tahimik lamang si 'Princess Jin', ang mga eleganteng babae ang kadalasang gusto ng maraming lalaki at minsan rin siyang naging Prinsesa ng malakas na bansa.

Kakabalik pa lamang ni Princess Jin mula sa Sacred True Dragon Gathering at may mga alamat na agad tungkol sa kanya.